O kabinataang bagong sumisibol, itong abang lagda sa iyo'y patunkol. Pakatandaan mo itong m~ga hatol na dan~gal at buhay n~g lahat n~g dunong.
Ang pagpipitaga't pakikipagkapua ay siyang sagisag n~g pagka-dakila; kapág sa sinuman ito ay nawala, iyan ay di dapat, humarap sa madla.
Di sukat ang ganda, di sukat ang yaman, di sukat ang dunong at lahat n~g inam; kapag ang sagisag na aking tinuran ay siyang nawala, ang lahat ay kulang.
Ang pagkamabaít, ang pagka-mahinhin, ang pagka-matapat at anyong butihin ay siyang palamuting sa tuina'y dadalhin, ang iyong ugali upang magluningning.
Sapul pa n~g ikaw ay batang maliit may tungkulin ka n~g lubhang mahihigpit, gaya n~g huag bigyan n~g munting ligalig ang kawawang inang sa iyo'y ninibig.
Ikaw ay lumaki at lumaki naman ang iyong tungkuling akin n~g tinuran: n~g una'y ang iyong mundo ay kandun~gan n~g inang malugod, n~gayon ay ang bayan.
II KATUNGKULAN SA M~GA MAGULANG, MAESTRO, KAPATID, KAMAGANAK AT SA LAHAT N~G KAPWA
Pipintuhuin mo't panuyuang kusa ang iyong magulang na mapag-aruga, sila'y pan~galawa ni Poong Bathala na dapat igalang sa balat, n~g lupa.
¿May mahal pa kaya sa hinin~gang tan~gan? Ang iyong hinin~ga sa kanila'y utang. Ang pinagpalaki sa iyo'y paghirang, puyat, pawis, hirap at sampu n~g buhay.
Ang kahima't sila ay nan~gahihimbing, kapag nain~git ka sila'y gumigising; kinandong-kandong ka at inaliw-aliw at pinalayawan n~g saganang lambing.
Sa gayong kalaking utang na tinangap mo n~ga sa kanila'y ¿anong ibabayad? Alayan man sila n~g lahat n~g lin~gap, kulang at sa utang mo n~ga'y di pa sukat.
Salamat na lamang at di maninin~gil, ang puhunan nila'y di ibig bawiin; sakali ma't sila ay alalahanin n~g kahit bahagya'y malaki n~g turing.
Pagkagising mo na ay agad n~g hagkan ang pisn~gi n~g ina't ang sa amang kamay, kasabay n~g bating malugod na "¡Inay!" sa ama'y gayon din, ang bati ay "¡Tatay!"
Kung matutulug na saka uulitin ang halik at bating paalam n~g lambing; n~guni't sa tui-tui na ito'y bago gawin, ang kailan~gan nila muna'y siyasatin.
Kung sakaling ikaw ay mapan~gusapan, sa ano mang bagay kaya'y parusahan, ay ipag-sayá mo't darating ang araw na matutunayang iyo'y pagmamahal.
Ang m~ga inali, at ang mga mama, at ang ina-ama,t ini-ina kaya, at ang m~ga nuno, at ang matatanda ay kaila~gang lubos na pintuhuin n~ga.
At ang m~ga iyong lahat na kapatid ay pakamahalin n~g boong pag-ibig; sa m~ga alila ay huag magmasun~git pagka't sila'y kapua, dukha lamang tikis.
Sa lahat n~g tao'y lubos magpitagan, n~g upanding ikaw naman ay igalang; sakaling sa iyo sino ma'y magkulang, kahabagan siya't pagdaka'y talikdan.
Ang maestro'y siyang pan~galawang ama, ang maestra nama'y pan~galawang ina, kaya dapat n~ganing pintuhuin sila at mahaling lubos n~g boong pagsinta.
Binalankas lamang, kung baga sa bahay, ang iyong ugali n~g iyong magulang; n~guni't ang maestro'y siyang nagbibigay n~g dakilang gangda't m~ga kasankapan.
Dahil sa kanila ay maihaharap ang iyong ugali sa sino mang pantas, sa pagka't sa dunong ay hindi n~ga salat, sa lusok na asal nama'y hindi hubad.
At katunkulan mong lubos na mahigpit sa iyong pag-aaral ang pagsusumakit; ang lahat n~g turo nila'y isa-isip, sa lahat n~g hatol nila ay manalig.
Nan~gun~guna sila't ang dala ay ilaw sa landas n~g iyong madilim na buhay; tanang hakbang nila ay malapit sundan, n~g upanding ikaw ay huag maligaw.
III SA PAGLILINIS N~G KATAWAN AT PAG-AYOS N~G BAHAY
Pagbaban~gon mo na'y agad maghilamos, magpunas n~g kamay at saka magmumog, maglinis n~g n~gipin, maghusay n~g buhok, damit na pangbahay pagdaka'y isuot.
Pagkatapos nito ay agad ganapin ang datihang iyong katunkulang gawin, at maminsan minsa'y ang kuko'y putulin at saka maligong magkubli sa tin~gin.
Ang babayi'y dapat ayusin ang bahay, linisin ang sahig sampong kasankapan; sa kani-kaniyang dako ay ilagay ang lalong maliit na ari-arian.
Bahay na maayos ay parang salamin n~g nagawing buhay sa pagka-mahinhin; bahay na magulo'y nagpasabing tambing n~g ugaling salat sa turong magaling.
Kailan~gang harapi't siyasating lahat ang sa pamamahay gawang nararapat, at huag sayan~gin ang kabit nang oras, magagawa n~gayo'y huag ipagpabukas.
M~ga kasankapang iyong magagamit, kung saan kinuha ay isawling saglit; huag pabayaang masira't mawaglit, pinuhunan dian ay maraming pawis.
Ang itak, ang sandok, ang saro, ang pingan, ang walis, pamunas, lamesa't upuan, tanang kasankapang kaliit liitan may kani-kaniyang dapat na kalagyan.
Makita mo'y kahit iisang karayom na kakalat-kalat ó kaya natapon, pulutin mo agad at ilagay doon sa kung saan dapat, sa lalagyáng ukol.
Karayum ay mura't walang kasaysayan, n~guni't hindi ito ang siyang kahulugan: karayum na walá sa dapat kalagyan ay nagbabalitang musmos ang may-bahay.