Kitabı oku: «Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani », sayfa 17
IKADALAWAMPUT WALONG KABANATA
Mabilis na tumakbo ang kabayo ni Thor sa gitna ng kadiliman, papasok sa huling lagusan papasok ng korte ng hari. Naglalakbay siya buong araw, lumubog na ang araw,ilang oras na ang nakakalipas, at agad niya nakita, mula sa mga ilaw sa loob, sa ingay ng mga bisita, na nagaganap na ang handaan sa kaharian. Gusto niyang sipain ang sarili sa pagkakalayo nito ng matagal at nagdasal na lamang na sana ay hindi pa huli ang lahat.
Tumakbo siya sa isang kawal at nagsabing.
"Maayos ba ang lahat sa loob?" Tanong ni Thor. Kailangan niyang malaman kung maayos pa ang lagay ng hari. Hindi naman niya maaaring itanong ng deretsahan kung nalason ba ang hari.
Tinitigan siya ng kawal.
"At bakit naman magiging hindi?" Maayos ang lahat maliban sa pagiging huli mo. Ang isang Legion ay hindi nahuhuli. At tingnan mo itsura mo. Ang dungis dungis mo. Makakasira ka sa imahe ng mga kasama mo. Maghugas ka at pumasok sa loob."
Agad pumasok si Thor, pawis na pawis, inilagay ang mga kamay sa isang timba ng tubig, naghilamos at binasa ang kanyang buhok. Buong araw siyang naglalakbay at nababalutan siya ng alikabok mula sa daan. Pakiramdam niya ay sampung araw na ang nakalipas sa halip na isa. Huminga siya ng malalim at agad naglakad papunta sa silid kainan.
Sa kanyang pagtapak sa loob, sa loob ng matataas ng pintuan, naaalala niya ang kanyang panaginip: sa harap niya ay may dalawang mahahahabang lamesa, isang daang talampakan ang haba at nakaupo sa dulo nito ang hari, na napapalibutan ng mga tauhan niya. Nagulat si Thor sa dami ng tao, at sa ingay ng mga ito. Hindi lamang mga tauhan ng hari, miyembro ng Silver at Legion ang naroroon, kung hindi madami pang iba tulad ng mga banda, musikero, grupo ng mga mananayaw, at mga babae mula sa bahay aliwan....naroon din ang mga alipin, kawal at mga aso na nagtatatakbo. Magulo.
Ang mga kalalakihan ay umiinom sa malalaking baso ng alak at madami sa kanila ang nakatayo, kumakanta at magkakaakbay pa. Madaming nakahilerang pagkain sa lamesa tulad ng baboy damo at usal, at iba iba hayop na nahuli sa pangangaso na iniluluto sa apoy. Habang tinitingnan ni Thor ang gulo, kung gaano kalasing ang mga tao, naisip ni Thor na kung mas maaga siyang nakarating, marahil ay organisado ang lahat. Samantala sa oras na ito, ang silid ay napupuno ng mga lasing.
Ang unang reaksyon ni Thor, maliban sa pagkagulag sa dami ng tao ay ang saya na buhay pa ang hari. Nakahinga na siya ng maluwag. Napaisip siya kung ammay kahulugan ba ang pangitain?ang panahinio niya? O di kaya ay pinalalaki lamang niya lahat ng mga bagay? Ngunit hindi niya pa din ito maaaring balewalain. Nakaramdam siya ng pangangailangan na makalapit sa hari at mabalaan ito.
Protektahan ang hari.
Itinulak ni Thor ang sarili sa gitna ng mga tao. Mabagal ang usad ng mga tao. Lasing ang mga lalaki at magkakaakbay ang mga iyo kaya nakaharang sila sa daan.
Nagawa ni Thor na makarating sa gitna ng mga tao ng matigilan ito ng makita si Gwen. Nakaupo ito sa maliit na lamesa sa gilid ng silid kasama ang kanyang mga alalay. Malungkol ang mukha nito,hindi tulad ng dati. Hindi niya ginagalaw ang pagkain at inumin nito. Nakaupo siya sa gilid, malayo sa kanyang pamilya. Ano kayang problema?
Nakipagsiksikan si Thor sa tao at lumapit kay Gwen.
Nakita siya nito, ngunit sa halio na ngumiti ay nagdilim ang mukha nito. Sa unang pagkakataon, nakita ni Thor ang galit sa mukha ni Gwen.
Tumayo bigla si Gwen, tumalikod at naglakad palayo.
Nakaramdam si Thor ng patalim na itinusok sa puso niya. Hindi niya maintindihan ang reaksyon nito. May nagawa ba siyang mali?
Tumakbo si Thor at hinawakan sa kamay si Gwen.
Nagulat siya ng tanggalin nito at kamay at sinigawan siya.
"Huwag mo akong hawakan" sigaw ni Gwen
Napaurong si Thor. Hindi niya maintindihan. Ito ba ang Gwen na nakilala niya?
"Patawad." Sabi bi Thor. "Hindi ko gustong saktan o bastusinnka. Gusto lamang kitang makausap."
"Wala na akong sasabihin sa iyo."
Hindi makapaniwala si Thor; hindi niya alam kung anong kanyang nagawang mali.
"Binibini, pakiusap! Sabihin mo sa akin. Anong nagawa ko para magalit ka? Kung ano man iyon, patawad!"
'Walang kapatawaran ang ginawa mo. Walang patawad ang sapat."
Nagsimula siyang maglakad palayo muli. May bahagi si Thor na naisip na hayaan na lamang niya ito. Ngunit may bahagi din niya na hindi hahayaang mawala ang lahat ng meron sila. Kailangan niyang malaman. Kailangan niyang malaman ang rason kung bakit siya nagalit ng ganon.
Muling hinarangan ni Thor si Gwen. Hindi niya ito pakakawalan. Hindi sa ganito.
"Gwendolyn, pakiusap! Bigyan mo ako ng pagkakataon na kahit malaman lamang kung kung ano ang aking nagawa. Pakiusap!"
Tinitigan siya si Gwen habang nasa baywang ang mga kamay nito.
"Alam mo kung anong ginawa mo."
"Hindi",pagdidiin ni Thor
Tinitigan siyang muli ni Gwen na parang sinusuri kung nagsasabi ito ng totoo.
"Noong gabi bago tayo magkita. Bumisita sa bahay aliwan. May nagsabi sa akin na may kasama kang madaming babae. Pinasaya mo sila buong gabi. At pagkatapos, pagsikat ng araw, pumunta ka sa akin. Nandidiri ako sa asal mo! Nandidiri ako na hinawakan mo ako! Nandidiri ako na nakilala pa kita. Ayoko nang makita pang muli yang pagmumukha mo.!"
"Binibini." Sigaw ni Thor, sinusubukang pigilan ito. "Hindi iyon totoo."
Ngunit isang banda ang tumugtog sa pagitan nila. At agad umalis si Gwen. Makailang sandali ay hindi na niya ito makita.
Umiinit sa loob si Thor. Hindi siya makapaniwala na may taong magsasabi kay Gwen ng mga kasinungalingan tungkol sa kanya. Naisio niya kung sino ang nasa likod nito ngunit hindi na iyon mahalaga: ang pagkakataon niya kay Gwen ay sira na. Namamatay siya sa loob.
Nagsumiksik muli ai Thor sa mga tao at inaalala ang hari, kahit na pakiramdam niya ay wala ng natira sa kanya para mabuhay pa.
Bago pa siya makalayo, dumating sa kanyang harapan si Alton. Nakangiti aa kanyang mukha.
"Tingnan mo ng naman. Ang pangkaraniwang mamamayan. Nakahanap ka na ba ng mapapangasawa mo dito? Siyempre hindi. Sa tingin ko kumalat na yung balita tungkol sa mga ginagawa mo sa bahay aliwan. Ngumiti ito at bumulong kay Thor. "Sigurado ako."
"Alam mo ba, sabi nila: kapag may nakikitang katotohanan, nakakatulong iyon na gumawa ng balita. Nakita ko ang totoo. At ngayon ay sira na ang repustasyon mo bata."
Hindi na makayanin ni Thor. Sinuntok niya sa sikmura si Alto at napaluhod ito.
Makalipas ang ilang sandali, nagdatingan ang mga kawal at pinaghihiwalay sila
"Lumanpas ka sa linya bata. "Sigaw ni Alton. "Walang sinoman ang maaaring makapanakit sa pamilya ng hari. Ipapakulong kita. Bukas na bukas, pagsikat ng araw."
Walang pakialam si Thor kay Alton o sa mga kawal. Wala siyang iniisip kung hindi ang hari. Nakipagtulukan siya sa mga tao habang papalapit sa Hari. Lumalangoy ang isipan niya ngayon ay hindi siya makapaniwala sa kinahinatnan ng mga pangyayari. Nandito siya, umaangat na ang kanyang reputasyon at bigla lamang itong sisirain ng isang ahas. Ang maloko palayo ang minamahal niya. At bukas ay makukulong siya. At dahil galit sa kanya ang hari, mangyayari ito.
Ngunit wala siyang pakialam sa mga bagay na iyon ngayon. Ang kanyang iniisip lamang ay ang protektahan ang hari.
Itinulak niya ang sarili muli sa mga tao at pagkatapos niyang itulak ang tatlong alalay, nakarating siya sa lamesa ng hari.
Nakaupo si MacGil sa gitna ng lamesa, may malaking baso ng alak sa kamay, namumula ang pisngi, at tumatawa sa mag nangaaliw. Napapalibuta siya ng kanyang mga pangunahing heneral. Tumayo lamang doon ai Thor hanggang sa mapansin ng hari.
"Kamahalan." Sigaw ni Thor. "Kailangan mo po kayong makausap."
Isang kawal ang papalapit ngunit sumenyas ang hari at umalis ito.
"Thorgrin!" Ang sabi ni MacGil. "Bakita ka naririto? Naroroon ang lamesa ng mga Legion."
"Patawad kamahalan. Naisi ko po kayong makausap."
"Ano iyon Thorgrin? Ano iyon na hindi makakaoaghintay hanggang bukas?"
"Kamahalan" pagsisimula ni Thor. Ano ang kanyang sasabihin? Na may panaginip siya? Na nakakita siya ng pangitain? Na pakiramdam niya ay malalason ang hari?
Ngunit wala ng ibang paraan.
"Kamahalan, mayroon akong panaginip. Tungkol sa inyo. Sa silid kainan na ito. Ang oanaginip ko ay… Na hindi kayo dapat uminom."
Lumapit ang hari at nanlaki ang mata.
"Na hindi ako dapat uminom?" Paguulit ng hari.
At pagkapatapos ng sandaling katahimikan, napasandal ang hari kakatawa.
"Na hindi ako dapat uminom!" Paguulit ni MacGil. "Kakaibang panaginip. Isang masamang panaginip sa akin."
Sumenyas si MacGil at isang kawal ang lumapit at hinila siya papalayo. Ngunit nagoumiglas si Thor. Determinado siya na kailangan niyang mabigay ang mensahe sa hari.
Protektahan ang hari.
"Kamahalan, makinig po kayo sa akin." Sigaw ni Thor habang namumulang hinampas ang lamesa
Gumalaw ang lamesa at lahat ng naroon ay tumingin kay Thor.
"Inuutusan mo ako?" Sigaw ni MacGil. "Walang naguutos sa akin bata." Sigaw nito habang tumataas ang galit
Mas lalo tumahimik ang mga tao at lalong namula sa kahihiyan si Thor.
"Kamahalan, patawad. Hindi ko po ginusto na bastusin kayo. Pero nagaalala po ako para sa inyong kaligtasan. Pakiusap. Huwag kayong uminom. Napanaginipan ko na nalasok kayo. Pakiusap. Nagaalala po ako. Ito lamang po ang aking dahilan."
Tinitigan niya sa mga mata si Thor at huminga ng malalim.
"Oo. Nakikita ko na nagaalala ka nga. Pinapatawad kita sa iyong kawalan ng respeto. Umalis ka na. At huwag mong ipapakita ang pagmumukha mo hanggang bukas ng umaga."
Sinenyasan niyang muli ang kawal at muling tinangay si Thor palayo. At nagpatuloy ang kasiyahan sa lamesa.
Kinatatakutan ni Thor ang kanyang mga pinaggagawa ngayo gabi at bukas ay pagbabayaran niya itong lahat. Marahil ay paaalisin siya sa lugar na ito. Habangbuhay.
Sa huling tulam ng kawal, dinala siya nito lamesa ng mga Legio , mga dalawampung talampakan ang layo mula sa hari. Nakaramdam siya ng kamay sa kanyang balikat at kanyang nakita si Reece.
"Buong araw kitang hinahanap. Anong nangyari sa iyo?"tanong ni Reece. "Para kang nakakita ng multo."
Masyado pang nabibigla si Thor upang makasagot.
"Halika, pinagtira kita ng upuan," ang sabi ni Reece.
Hinila ni Reece paupo si Thor sa lamesa para sa pamilya ng hari. May baso ng alak sa kamay si Godfrey, sa tabi nito ay si Gareth, na nakatingin sa kanya. Umasa si Thor na nadoon din si Gwen pero wala ito doon.
"Ano iyon Thor?",tanong ni Reece. "Tinititigan mo pa itong lamesa na parang kakagatin ka."
Umiling si Thor
"Kapag sinabi ko sa iyo baka hindi ka din maniwala. Kaya tatahimik na lamang ako."
"Sabihin mo sa akin. Pwede mong sabihin sa akin ang kahit ano." Ang sagot ni Reece.
Ipinikit ni Thor ang mga mata at kanyang napagtanto na may magseseryoso na sa kanya. Kaya huminga ito ng malalim at nagsimula. Walang mawawala
"Noong nakaraang araw, sa gubat, kasama ng kapatid mo, nakakita kami ng puting ahas. Sabi niya, isa iyong pangitain ng kamatayan at naniwala ako. Pumunta ako kay Argon at sinabi niya na may mamamatay nga. Pagkatalos, nagkaroon ako ng panaginip na nalalason ang iyong ama. Dito. Ngayong gabi. Sa lugar na ito. Alam ko iyon. May gusto siyang ipapatay."
Tahimik si Reece na nakatingin sa mga mata ni Thor. At nagsalita ito.
"Mukha kang totoo. Wala akong pagdududa. Nagpapasalamat ako sa pagaalala mo sa aking ama. Naniniwala ako. Pero ang mga panaginip ay hindi palaging totoo. Hindi palaging kung ano ang naiisio natin.
"Sinabi ko sa hari." Ang sabi ni Thor. "At tumawa lamang siya. Siyempre, iinom siya ngayon."
"Thor, naniniwala ako na nanaginip ka, na nararamdaman mo ito. Pero meron din akong masasamang panaginip. Noong isang gabi, napanaginipan ko na pinatapon at nagising ako na parang totok nga. Ngunit hindi. Naiintindihan mo ba? Kakaiba ang mga panaginip. At malabo di kausap si Argon. Huwag mo siya seryosohin. Maayos ang ama ako. Maayos ako. Maayos tayong lahat. Subukan mo lang umupo, magsaya at magpahinga."_
Sumandal si Reece kanyang malambot na upua at uminom ng alak. Sumenyas ito sa tagasilbi at nagdala ng malaking hiwa ng karne. A t isang baso.
Pero umupo lamang doon si Thor, tinititigan ang pagkain. Nararamdaman niya ang buong buhay niya na pabagsak na. Hindi niya alam ang gagawin.
Wala siya ibanv maisip kung hindi ang kanyang panaginip. Para siyang nasa isang masamang panaginio habang ipinapaunod ang mga nagsasaya. Wala siyang ginawa ku g hindi ang panuorin ang bawat baso na dinadala sa hari. Sa tuwing iinom ang hari, napaoakibot si Thor.
Hindi niya malihis ang tingin. Nanuod lamang siya ng nanuod.
At biglang napansin ni Thor ang isang tagasilbi na nagdala ng kakaibang baso sa hari. Yari ito sa ginto at napapalibutan ng dyamante.
Ang kaparehong basa sa panaginip niya.
Mabilis na tumibok ang puso ni Thor habang pinagmamasdan niya ang tagasilbi na papalapit sa Hari. Nang ilang talampakan na lamang ang layo nito sa hari. Hindi na nakapagpigil si Thor. Buong katawan niya ay sumisigaw na ito ang basong may lason.
Tumayo si Thor at binangga lahat ng nasa daan.
Bago pa man mainom ng hari ang baso, tumalon si Thor, inabot ang baso at hinampas ito mula sa kamay ng hari.
Nagulat ang lahat ng nasa silid nang lumipad sa hangin ang baso at bumagsak sa lupa.
Dahan dahang tumayo ang hari at tinitigan si Thor.
"Ikaw na bata ka!" Sigaw ng hari. "Bastos! Makukulong ka dahil sa ginawa mong ito."
Nakatindig lamang si Thor, takot a takot. Naramdaman niya ang pagguho ng kanyang mundo. Gusto na lamanv niyang mawala
Nang biglaan may isang aso ba lumapi sa basag na baso at dinilaan ang alak na naitapon. Bago pa man makagalaw si Thor, o bago makakilos ang buong silid, lahat ng mata ay napunta sa aso, nagsimulang mamilipt at umungol.
Maya maya, nanigas ang aso at bumagsak. Patay! Ang buong silid ay tumingin sa aso.
"Alam mong ang alak ay may lason." Tanong ng isang boses.
"Paano mo nalaman na may lason? Maliban na lamang kung ikaw ang may kagagawan nito? Nilason ni Thor ang hari." Sigaw ni Gareth
Nagkagulo ang mga tao.
"Dalhin siya sa kulungan." Ang utos ng hari.
Maya maya ay naramdaman ni Thor ang malakas na pwersa, habang hinihila siya. Nagwala ito at magprotesta.
"Hindu." Sigaw nito.,"hindi niyo naiintindihan."
Ngunit walang nakinig. Hinila siya padaan ng mga tao, ng mabilis. At sa pagdaan niya sito, nakita niyang mawala ang lahat. Ang buong buhay niya, nawala sa kanya. Naglakad sila sa isang lagusan at pumasok sa isang pintuan.
Tahimik lamang dito. Ngunit pagkalipas ng ilang minuto. Habang pababa, padilim na ng padilim hanggang marinig na niya ang iyak ng mga nakakulong.
Nagbukas ang isang kulungan at nalaman niyang ikukulong na siya.
Sinubukan niya ulit magwala, upang makawala.
"Hindi ninyo naiintindihan." Sigaw niya.
Tumingin si Thor at nakita anv isang malaking lalaki na hindi pa naahitan ang mukha.
Tumitig ito kay Thor
"Naiinitindihan ko ng ayos." Ang aabi niyo.
Iniangat nito ang kamay at ang huki na lamang na naalala ni Thor ay ang kamao sa palapit sa kanyang pisngi.
At pagkatapos, nagdilim ang kanyang mundo.
Ang Pagmartsa ng mga Hari
(Ikalawang Libro sa Singsing ng Salamangkero)
Ang March of the Kings ay isa pang hakbang sa makasaysayang Pakikipagsapalaran ni Thor patungo sa pagkalalaki nang magsimula niyang malaman ang tunay nitong katauhan, kung anong kapangyarihan ang kanyang taglay para maging isang mandirgma.
Matapos makatakas sa kulungan, si Thor ay muling nakaramdam ng takot ng kanyang malamam na may banta muli sa buhay ni Haring MacGil. Nang mamatay ang hari, nagkagulo ang kaharian. Habang pinagaagawan ang trono ng hari, napuno ang Korte ng Hari ng mga lungkot, paghahangad ng kapangharihan, ambisyon, selos, pasakit at pagtataksil. Isang tagapagmana ang kailangang mapili sa mga anak ng hari at ang Espada ng Tadhana, na pinagmumulan ng kanilang lakas, ay muling magkakaroon ng pagkakataon na mabunot ng bagong hari. Ngunit mababago ang lahat: ang sandatang ginamit sa pagpatay ng hari ay nakuha at lumaki ang posibilidad na mahuhuli ang salarin. Kasabay pa nito, nahaharap ang mga MacGils sa isang bagong banta mula sa mga McClouds, na nakahanda nang umatake mula sa loob ng Bilog na Kalupaan.
Ipinaglaban ni Thor na makuha muli ang pagmamahal ni Gwendolyn, ngunit baka mawalan ng oras: pinaghahanda silang lahat na kanyang mga kasama para sa Ang Isangdaan, isang daang nakakakilabot na mga araw na kailangang pagdaanan ng lahat ng miyembro ng Legion. Kinakailangan nilang tumawid ng Sanggalang, palabas sa proteksyon nito, papunta sa kabihasnan at maglayag sa dagat ng Tartuvian papunta sa Isla ng Hamog, na pinamamahayan ng isang dragon, para sa kanilang inisasyon sa pagiging isang tunay na lalaki.
Makakabalik pa kaya sila? Makakatagal kaya ang kaharian sa kanilang pagkawala? At malalaman na kaya ni Thor ang kanyang tadhana?
Dahil sa maayos na pagkakasulat, kakaibang mundo at katangian ng bawat tauhan, ang March of The Kings ay isang kwento ng pagkakaibigan at pagmamahala, ng magkaribal at manliligaw, ng mandirgma at dragon, mga intriga at pulitika, sa pagdating sa tamand esad, ng nasasaktang mga puso, ng panlilinlang, ambisyon at pagtataksil. Isang kwento ng kagitingan at katapangan, ng tadhana at hinaharap, ng salamangka. Isa itong pantasya na magdadala sa atin sa isang mundo na hindi malilimutan at magugustuhan ng kahit anong edad at kasarian.
Ang ikaDalawang Yugto at ika Tatlong Yugto ay maaari nang mabili!
Pakinggan sa odyo ang unang serye sa Ang Singsing ng Salamangkero
Mga Libro ni Morgan Rice
THE SORCERER'S RING
"A QUEST OF HEROES" Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani(Unang Libro)
"A MARCH OF A KING" Pagmartsa ng mga Hari ( Pangalawang Libro)
"DESTINY OF DRAGONS" Kapalaran ng mga Dragon (Pangatlong Libro)
"A CRY OF HONOR" Sigaw para sa Karangalan (Pangapat na Libro)
"A VOW OF GLORY" Panunumpa ng Kaluwalhatian (Panglimang Libro)
"A CHARGE OF VALOR" Ang Paniningil ng Lakas ng Loob (Pangani ma Libro)
"A RITE OF SWORDS" Ang Seremonya ng Espada (Pampitong Libro)
"A GRANT OF ARMS" Pagkakaloob ng Armas (Pangwalong Libro)
"A SKY OF SPELLS" Kalangitan ng mga Orasyon (Pangsiyam na Libro)
"A SEA OF SHIELDS" Karagatan ng mga Sanggalang (Pangsampung Libro)
"A REIGN OF STEEL" Ang Paghahari ng Asero (Panglabing isang Libro)
"A LAND OF FIRE" Ang Kalupaan ng Apoy ( Panglabing dalawang Libro)
"A RULE OF QUEENS" Pamumuno ng mga Reyna (Panglabing tatlog Libro)
"AN OATH OF BROTHERS" Ang Sumpaan ng Magkapatid (Panglabing apat na Libro)
"THE SURVIVAL STRATEGY" Diskarte Para Mabuhay
"ARENA ONE:SLAVERSUNNERS" Unang Arena: Pagtakbo ng mga Alipin ( Unang Libro)
"ARENA TWO" Pangalawang Arena (Pangalawang Libro)
"THE VAMPIRE JOURNALS" Ang Talaarawan ng Bampira
"TURNED" Pagpapaikot(Unang Libro)
"LOVED" Pagmamahal(Pangalawang Libro)
"BETRAYED" Pagtataksil (Pangatlong Libro)
"DESTINED" Itinadhana (Pangapat na Libro)
"DESIRED" Ninanais(Panglimang Libro)
"BETROTHED" Katipan (Panganim na Libro)
"VOWED" Panunumpa (Pangpitong Libro)
"FOUND" Pagtatagpo (Pangwalong Libro)
"RESURRECTED" Pagkabuhay na Muli (Pangsiyam na Libro)
"CRAVED" Pananabik (Pangsampung Libro)
"FATED" Kapalaran (Panglabing isang Libro)
Tungkol sa sumulat na si Morgan Rice
Si Morgan Rice ay ang #1 na sumulat ng Talaarawan ng Bampira (The Vampire Journals), isang koleksyon ng mga libro para sa kabataan (may 11 libro sa kabuuan and patuloy pang nadadagdagan); isa pang sumikat na serye, Diskarte Para Mabuhay (The Survival Strategy), istorya tungkol sa mga pangyayari pagkatpos magunaw ang mundo (may 2 libro); at ang sikat na koleksyon ng mga istoryang pantasya, Ang Singsing ng Salamangkero (The Sorcerers Ring) (may 13 na libro at patuloy pang nadagdagdagan).
Ang mga libro ni Morgan ay mabibili na odyo o nakalimbag at mayroon ding mga isinalin sa ibat ibang lenggwahe tulad ng German, French, italian, Spanish, Portugese, Japanese, Chinese, Swedish, Dutch,Turkish,Hungarian, Czech at Slovak. (At marami pang mga lenggwahe sa mga susunod na panahon)
Nais ni morgan na marinig ang inyon mga opinyon. Pwede ninyong bisitahin ang kanyang website (www.morganricebooks.com) para makatanggap ng mga libreng ebook, mga regalo, mga bagon balita tungkol sa tagapagsulat. Maari ring kumunekta gamit ang facebook at twitter.