Kitabı oku: «Ikot », sayfa 8
IKA-LABING ANIM NA KABANATA
Tiningnan ulit ni Caitlin ang kaniyang telepono. Ika-isa na ng umaga. Nagpadala siya ng mensahe kay Jonah. Walang sagot. Tulog na siguro siya. O kung gising man, ayaw siguro niyang makausap siya. Ngunit ito lamang ang naisip niyang gawin.
Habang papaalis siya sa Cloisters, sa sariwang hangin ng gabi, nag-umpisang maglinaw ang kaniyang isip. Habang papalayo siya ng papalayo doon ay mas umaayos ang kaniyang pakiramdam. Ang presensiya ni Caleb ay nagsisimulang mawala sa kaniya. Unti-unti siyang nakakapag-isip uli ng maayos.
Nang kasama niya si Caleb, nahirapan siyang mag-isip para sa kaniyang sarili. Naging imposible ang mag-isip ng ibang bagay o ibang tao.
Ngayon na malayo na siya sa kaniya ay bumalik si Jonah sa kaniyang alaala. Pakiramdam niya ay nagkasala siya at pinagtaksilan niya ito. Naging mabait sa kaniya si Jonah sa eskwelahan maging sa kanilang paglabas. Napapaisip siya kung ano nang iniisip sa kaniya ni Jonah ngayon na iniwan niya ito. Malamang ay galit siya sa kaniya.
Naglakad siya sa parke ng Fort Tryon. Tiningnan niya ulit ang kaniyang telepono. Mabuti na lang at maliit ito at naitago niya sa maliit na bulsa ng kaniyang bestida. Matapos lahat ng nangyari ay buo pa rin ito.
Pero hindi ang baterya nito. Dalawang araw na itong hindi nakaka-konekta sa kuryente. Malapit na itong maubos. Ilang minuto na lang ang itatagal nito. Sana ay sagutin na ni Jonah ang kaniyang telepono kung hindi ay wala na siyang ibang paraan para makausap siya.
Natutulog ba siya? O hindi siya pinapansin? Hindi niya siya masisi dahil kung sa kaniya ito nangyari, hindi rin niya papansinin ang sarili niya.
Naglakad lang ng naglakad si Caitlin sa parke. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ang alam lang niya ay kailangan niyang lumayo sa lugar na iyon. Kay Caleb. Sa mga bampira. Sa lahat ng ito. Gusto na niyang bumalik sa normal niyang buhay. Iniisip niya na sa kaniyang paglayo at umalis ng matagal baka lahat ng ito ay mawawala. Baka ang sumisikat na araw ay may dalang bagong pag-asa at itong lahat ay magiging isang masamang panaginip.
Tiningnan niya ang kaniyang telepono. Umiidlap na kita. Malapit nang mamatay. Base sa kaniyang karanasan, may tatlumpong segundo na lamang siyang natitira. Tinitigan niya ito, umaasa at nagdadasal na sumagot si Jonah. Na bigla siyang tumawag at itanong kung nasaan siya at pupuntahan siya nito at sasagipin sa lahat ng ito.
Ngunit habang tinititigan niya ito ay namatay na itong bigla.
Ibinalik niya ito sa kaniyang bulsa at sumuko na. Sumuko na sa kaniyang bagong buhay, walang kasama. Sarili lamang niya ang pwede niyang asahan.
Lumabas siya ng parke ng Fort Tryon patungong Bronx. Binigyan siya nito ng normal na pakiramdam, ng direksiyon. Hindi niya alam kung saan pupunta pero nagustuhan niya na papunta siya sa sentro ng bayan.
Oo. Pupunta na lamang siya sa estasyon ng Penn. Sasakay siya ng tren at magpapakalayo.Siguro pabalik sa dati nilang tinirhan na bayan. Andun pa siguro ang kapatid niya. Magsisimula siyang muli na parang walang nangyari.
Tumingin siya sa paligid. Puro bandalismo at mga maton sa bawat sulok. Pero hindi nila siya inano. Naramdaman siguro nila na nasa dulo na siya at wala nang maibibigay.
Nakita niya ang kalye ng 186. Malayong lakad ito. Isang daan at limampung bloke. Pero yun ang gusto niya para magliwanag ang kaniyang isip tungkol kay Caleb at Jonah. Mga nangyari ng mga nakaraang gabi.
Nakita niya ang bago niyang kinabukasan kaya't handa siyang maglakad buong gabi.
IKA-LABING PITONG KABANATA
Umaga na nang magising si Caitlin. Mas nararamdaman niya kaysa nakikita ang sinag ng araw sa kaniya. Nahihilo pa siyang ini-angat ang kaniyang ulo para mahimasmasan. Nararamdaman niya ang malamig na bato sa kaniyang braso at noo. Nasaan siya?
Habang ini-aangat niya ang kaniyang ulo at tumitingin sa paligid, napagtanto niya na siya ay nasa parke ng Central. Naalala na niya na siya ay tumigil doon kagabi para magpahinga. Pagod na pagod siya. Nakatulog siguro siya habang nakaupo, nakasandal at ipinahinga ang kaniyang braso at ulo sa marmol na barandilya.
Kalagitnaan na ng umaga at dumadami na ang naglalakad sa parke. Isang babae ang dumaan kasama ang kaniyang anak na batang babae. Tiningnan siya nito ng kakaiba at hinila ang kaniyang anak palapit sa kaniya habang dumadaan sila.
Itinuwid ni Caitlin ang kaniyang upo. Maraming tao ang napapatingin sa kaniya. Ano kayang iniisip nila? Tiningnan niya ang kaniyang sarili. Ang damit niya ay balot sa grasa. Ngunit wala na siyang pakialam. Ang gusto lamang niya ay makaalis sa lugar na iyon na puro masama ang nangyayari sa kaniya.
Bigla siyang tinamaan ng gutom. Naramdaman niya ang matinding sakit. Mas lalo siyang nagutom. Pero hindi ito normal na gutom. Isa itong nakakasira ng ulong simbuyo. Na kumain. Katulad ng naramdaman niya sa Carnegie Hall. Isang maliit na batang lalaki ang naglalaro ng bola ng soccer. Mga anim na taong gulang siya. Sinipa niya ang bola at aksidenteng napunta ito malapit sa kaniya. Tumakbo ang bata papunta sa kaniya. Malayo ang kaniyang mga magulang sa kaniya, mga tatlumpong talampakan ang layo.
Ito na ang pagkakataon niya. Lahat ng buto sa kaniyang katawan ay sumisigaw ng kain. Tinitigan niya ang leeg nito, ang tumitibok na pulso. Nararamdaman niya ito halos naamoy. Gusto nitong sumagpang siya.
Ngunit isang parte niya ang pumigil sa kaniyang sarili. Alam niyang magugutom siya pag hindi siya kumain at mamamatay kalaunan. Ngunit gugustuhin niya pang mamatay kaysa saktan ang bata. Pinakawalan niya ito.
Masama ang sinag ng araw ngunit natitiis niya ito. Ito ba ay dahil sa kalahating-lahi siya? Anong epekto nito sa ibang bampira? Nakalamang ba siya sa iba sa aspetong ito?
Tumingin siya sa paligid. Kumurap kurap sa matinding sinag. Lito siya at tuliro. Masyadong maraming tao. Nagkakagulo. Bakit ba siya tumigil dito? Saan siya papunta? Tama sa estasyon ng Penn.
Masakit na ang kaniyang mga pagod na paa sa kakalakad. Pero hindi na ganoong kalayo. Hindi sosobra sa tatlumpong bloke. Lalakarin niya ito, sasakay ng tren at aalis sa lugar na ito. Pipilitin niya ang kaniyang sarili na muling maging normal. Baka pag nagpakalayo siya ay posible itong mangyari.
Dahan-dahang tumayo si Caitlin at naghandang maglakad.
"Huwag kang gagalaw!" sigaw ng isang boses.
Lumingon siya. Sa kaniyang harapan ay may hindi kakaunti sa isang dosenang pulis ng lungsod ng New York. Lahat sila ay nakatutok ang baril sa kaniya. Mga labing-limang talampakan ang layo nila sa kaniya. Ayaw nilang lumapit. Para bang isa siyang ligaw na hayop.
Tumingin siya sa kanila at kakaibang hindi siya natatakot. Sa halip ay pumayapa ang kaniyang pakiramdam. Nagsisimula niyang maramdaman na mas malakas siya sa tao. At unti-unti din niyang nararamdaman na hindi siya bahagi ng kanilang lahi. Pakiramdam niya ay walang tatalo sa kaniya, kahit gaano pa sila kadami, kahit ano pang sandata ang gamitin nila, kaya niyang makatakas. Kaya niya silang talunin.
Sa kabilang banda, pagod siya. Suko na. Isang parte niya ay ayaw nang tumakbo mula sa mga pulis.
Sa mga bampira. Hindi niya alam kung saan siya patakbo at kung anong tinatakbuhan niya. Handa siyang hulihin na lamang ng mga pulis. Kahit siya ay maaresto, normal ito at rasyonal. Baka aalugin nila siya at kumbinsihin siya na tao lamang siya.
Dahan-dahang lumalapit ang mga pulis sa kaniya habang nakatututok ang kanilang mga baril. Maingat silang gumalaw.
Pinapanood niya silang lumapit. Mas interesado kaysa takot. Kita niya lahat ng detalye. Ang detalye ng hugis ng kanilang mga baril, ang tabas ng mga gatilyo pati ang haba ng kanilang mga kuko.
"Itaas mo ang iyong mga kamay na nakikita namin," sigaw ng isang pulis.
Ang pinakamalapit na pulis sa kaniya ay ilang talampakan lamang ang layo.
Inisip niya kung ano kayang klaseng buhay meron siya kung hindi umalis ang kaniyang ama. Kung hindi sila lumipat ng bahay. Kung may iba siyang ina. Kung tumira sila ng matagal sa isang bayan. Kung meron siyang kasintahan. Naging normal kaya siya? Naging normal kaya ang buhay niya?
Ang pinakamalapit na pulis sa kaniya ay isang talampakan na lamang ang layo.
"Umikot ka at ilagay ang iyong mga kamay sa iyong likuran," sabi ng pulis. "Dahan-dahan.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang mga kamay, umikot at inilagay ito sa kaniyang likuran. Naramdaman niyang hinablot ng pulis ang isa niyang kamay pagkatapos ay ang isa niyang kamay. Sobra siyang maka-haltak hindi naman kailangan. Ang kitid ng isip. Naramdaman niya ang malamig na posas na dumaop at humiwa sa kaniyang balat.
Hinablot ng pulis ang likod ng kaniyang ulo, pinisil ang kaniyang buhok ng mahigpit. Humilig ang pulis at bumulong sa kaniya. "Ipiprito ka ngayon."
At nangyari ito.
Bago niya maunawaan ang nangyayari, may nakakasuyang ingay ng lumangutngot na buto kasunod ng tilabsik ng dugo. At ang pakiramdam at amoy ng dugo sa kaniyang mukha.
Nakarinig siya ng hiyaw at sigaw at putok ng baril sa loob lamang ng segundo. Napagtanto lamang niya ang nangyayari nang siya ay bumagsak sa lupa, umikot at nakita ang kaguluhan.
Ang pulis na nagposas sa kaniya ay patay na, pugot ang ulo at hatip ang ulo sa dalawa. Ang ibang pulis ay walang tigil na namaril ngunit wala silang laban. Isang malaking grupo ng mga bampira - kapareho ng grupo sa opisina ng lungsod - ang nagbabaan. Bumulusok sila sa mga pulis.
May mga natamaang mga bampira pero wala itong silbi. Patuloy sila ng pagsugod. Lahat ay naligo ng dugo.
Ilang segundo lamang ang nakalipas ay patay lahat ng mga pulis.
Biglang naramdaman ni Caitlin ang mainit at pamilyar na bulusok sa kaniyang katawan. Pinupuno siya nito mula sa kaniyang mga paa hanggang sa kaniyang mga braso at balikat. Umabot siya sa kaniyang likod at binali ang posas. Napatitig siya sa kaniyang mga kamay, nagulat sa kaniyang angking lakas. Nakalawit ang bakal sa magkabila niyang kamay ngunit malaya na siya. Tumayo siya at pinanood ng may bighani ang karumal dumal na eksena sa harap niya. Ang malaking grupo ng mga bampira ay nakadamba sa mga katawan ng mga pulis. Masyado silang abala na mas para mapansin siya. Kailangan na niyang tumakas ng mabilis.
Ngunit bago pa matapos ang kaniyang iniisip ay nakaramdam siya ng mahigpit at nagyeyelong hawak sa likod ng kaniyang leeg. Lumingon siya at nakita si Kyle na may tingin ng kamatayan.
Ngumiti siya sa kaniya na mas parang angil.
"Hindi ka namin inililigtas," sabi niya. "Kinukuha lang namin kung alin ang amin."
Sinubukan niyang manlaban. Iniunday ni Caitlin ang kaniyang braso ngunit madali niya itong naharang. Hinawakan siya nito ng mahigpit sa lalamunan. Nauubusan na siya ng hininga. Wala siyang laban sa kaniya.
"Maaaring hindi ka tinatablan ng ibang mga bagay pero hindi ka kasing-lakas ko at hindi kailanman magiging mas malakas sa akin."
Sa sandaling iyon ay may biglang galaw at si Caitlin ay nakahinga ulit. Nagulat siyang makita si Kyle na tumaob patalikod.
Nabalibag siya ng sobrang lakas na bumagsak siya ng patalikod sa marmol na barandilya. Nadurog ito at napunta siya sa kabilang gilid nito.
Napatingin siya at nakita kung sinong gumawa nito.
Si Caleb.
Andito siya.
Bago pa niya maunawaan ang nangyayari, naramdaman ni Caitlin ang kaniyang pamilyar na mahigpit na hawak sa kaniyang bewang at ang kaniyang maskular na katawan at braso. Naramdaman niya ang hawak nito sa kaniya habang tumatakbo sila ng mabilis katulad nung isang gabi. Tumakbo sila sa may parke ng Central patungong timog at ilang sandali lamang ay lumabo na ang mga puno. Umangat sila sa ere at muling lumipad.
Nasa taas sila ng lungsod nang ibinuka ni Caleb ang kaniyang pakpak at ibinalot ito sa kaniya.
"Akala ko hindi ka pwedeng umalis?"
"Hindi nga."
"Ang ibig sabihin ikaw ay.."
"Pinalayas? Oo."
Siya ay nababalot ng emosyon. Isinakripisyo niya ang lahat sa kaniya.
Habang lumilipad sila ng pataas ng
pataas, hindi alam ni Caitlin kung saan sila pupunta. Tumingin siya sa baba at nakitang papaalis sila ng lungsod. Sobrang saya niya na mapalayo sa lahat ng iyon. Handa na siyang mag-umpisa ulit. Higit sa lahat ay masaya siya at kapiling niya si Caleb. Ang langit sa harap nila ay naging malambot na kahel. Ninais niyang ang sandaling iyon ay hindi na matapos.
Mabibili na!
Pagmamaha;l
(Pangalawang Libro sa Talaarawan ng Bampira)
Nagsimula si Caitlin at Caleb sa kanilang paghahanap ng isang bagay na pipigil sa gera ng mga bampira at mga tao na malamang ay padating agad: ang nawawalang espada. Ito ay ayon sa tradisyonal na kaalaman. May malaking pagdududa kung ito ay totoo.
Kung mayroon mang pag-asa na mahanap ito, kailangan muna nilang alamin ang pinanggalingan ni Caitlin, ang kaniyang mga ninuno. Siya nga ba ang Napili? Una ay kailangan nilang hanapin ang kaniyang ama. Sino siya? Bakit niya sila iniwan? Habang lumalawak ang kanilang paghahanap ay magugulat sila sa kanilang malalaman kung sino talaga si Caitlin.
Ngunit hindi lamang sila ang naghahanap sa nawawalang espada. Gusto rin ito ng Blacktide Coven. At lumalapit na sila kina Caitlin at Caleb. Ang masama pa nito, si Sam, na kapatid ni Caitlin ay masyadong nahuhumaling sa paghahanap sa kaniyang ama. Hindi niya namalayan na siya ay nasa gitna ng gera ng mga bampira. Isapiligro kaya niya ang kanilang paghahanap?
Ang paglalakbay ni Caitlin at Caleb ay nagdala sa kanila sa ipuipo ng mga lokasyon ng kasaysayan. Mula sa Hudson Valley hanggang sa Salem at sa puso ng makasaysayang Boston - kung saan binigti ang mga mangkukulam sa may burol ng Boston Common. Bakit masyadong importante ang mga lokasyong ito sa lahi ng mga bampira? At anong kinalaman nito sa mga lipi ni Caitlin at sa kung nagiging ano siya?
Ngunit baka hindi nila ito magawa? Lalo lamang lumalakas ang pag-ibig nila sa isa't isa. Baka sirain lamang nito ang lahat ng kanilang mga plano...
Mayroon na ding Ikatlo hanggang Ika-Labing isang libro!
"Ang Minamahal, ang pangalawang libro sa Journal ng mga Bampira ay kasing-ganda rin ng unang libro, Ikot. Ito ay puno ng aksyon, romansa, pakikipagsapalaran at mga nakapapanabik na mga tagpo. Ang librong ito ay magandang dagdag sa serye. Iiwanan ka nitong gusto pa ng marami mula kay Morgan Rice. Kung nagustuhan mo ang unang libro, basahin mo din ito at umibig muli. Ang librong ito ay madaling gawing karugtong lamang ng nauna ngunit isinulat ito ni Morgan Rice sa paraang hindi mo kailangang basahin ang unang libro."
Vampirebooksite.com
"May magandag istorya ang serye ng Journal ng mga Bampira na mahihirapan kang ibaba ito sa gabi. Ang katapusan ay nakatatakot na gugustuhin mo nang bilhin ang sunod na libro para malaman kung anong mangyayari. Ang librong ito ay isang malaking angat sa serye. Bibigyan ko ito ng A."
Dallas Examiner
"Sa Minamahal ay pinatunayan ulit ni Morgan Rice na isa siyang magaling na mananalaysay. Kahali-halina at masaya...mas nagustuhan ko ang librong ito kaysa sa una. Hindi na ako makapaghintay sa susunod na libro."
Romance Reviews
Pakinggan sa odyo ang unang serye sa Talaarawan ng Bampira
Mga Libro ni Morgan Rice
Ang Singsing ng Salamangkero
"A QUEST OF HEROES" Ang Paglalakbay ng mga Bayani(Unang Libro)
"A MARCH OF A KING" Pagmartsa ng mga Hari ( Pangalawang Libro)
"DESTINY OF DRAGONS" Kapalaran ng mga Dragon (Pangatlong Libro)
"A CRY OF HONOR" Sigaw para sa Karangalan (Pangapat na Libro)
"A VOW OF GLORY" Panunumpa ng Kaluwalhatian (Panglimang Libro)
"A CHARGE OF VALOR" Ang Paniningil ng Lakas ng Loob (Pangani ma Libro)
"A RITE OF SWORDS" Ang Seremonya ng Espada (Pampitong Libro)
"A GRANT OF ARMS" Pagkakaloob ng Armas (Pangwalong Libro)
"A SKY OF SPELLS" Kalangitan ng mga Orasyon (Pangsiyam na Libro)
"A SEA OF SHIELDS" Karagatan ng mga Sanggalang (Pangsampung Libro)
"A REIGN OF STEEL" Ang Paghahari ng Asero (Panglabing isang Libro)
"A LAND OF FIRE" Ang Kalupaan ng Apoy ( Panglabing dalawang Libro)
"A RULE OF QUEENS" Pamumuno ng mga Reyna (Panglabing tatlog Libro)
"AN OATH OF BROTHERS" Ang Sumpaan ng Magkapatid (Panglabing apat na Libro)
"THE SURVIVAL STRATEGY" Diskarte Para Mabuhay
"ARENA ONE:SLAVERSUNNERS" Unang Arena: Pagtakbo ng mga Alipin ( Unang Libro)
"ARENA TWO" Pangalawang Arena (Pangalawang Libro)
"THE VAMPIRE JOURNALS" Ang Talaarawan ng Bampira
"TURNED" Ikot(Unang Libro)
"LOVED" Pagmamahal(Pangalawang Libro)
"BETRAYED" Pagtataksil (Pangatlong Libro)
"DESTINED" Itinadhana (Pangapat na Libro)
"DESIRED" Ninanais(Panglimang Libro)
"BETROTHED" Katipan (Panganim na Libro)
"VOWED" Panunumpa (Pangpitong Libro)
"FOUND" Pagtatagpo (Pangwalong Libro)
"RESURRECTED" Pagkabuhay na Muli (Pangsiyam na Libro)
"CRAVED" Pananabik (Pangsampung Libro)
"FATED" Kapalaran (Panglabing isang Libro)
Tungkol sa sumulat na si Morgan Rice
Si Morgan Rice ay ang #1 na sumulat ng Talaarawan ng Bampira (The Vampire Journals), isang koleksyon ng mga libro para sa kabataan (may 11 libro sa kabuuan and patuloy pang nadadagdagan); isa pang sumikat na serye, Diskarte Para Mabuhay (The Survival Strategy), istorya tungkol sa mga pangyayari pagkatpos magunaw ang mundo (may 2 libro); at ang sikat na koleksyon ng mga istoryang pantasya, Ang Singsing ng Salamangkero (The Sorcerers Ring) (may 13 na libro at patuloy pang nadagdagdagan).
Ang mga libro ni Morgan ay mabibili na odyo o nakalimbag at mayroon ding mga isinalin sa ibat ibang lenggwahe tulad ng German, French, italian, Spanish, Portugese, Japanese, Chinese, Swedish, Dutch,Turkish,Hungarian, Czech at Slovak. (At marami pang mga lenggwahe sa mga susunod na panahon)
Nais ni morgan na marinig ang inyon mga opinyon. Pwede ninyong bisitahin ang kanyang website (www.morganricebooks.com) para makatanggap ng mga libreng ebook, mga regalo, mga bagon balita tungkol sa tagapagsulat. Maari ring kumunekta gamit ang facebook at twitter.