Kitabı oku: «Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani », sayfa 5
Katahimikan ang bumalot sa mga kalahok na tumigil na sa kakatawa
Malaki ang pasasalamat ni Thor kay Kendrick. Gagawin niya ang lahat upang makabawi dito. Ano man ang kahihiyan ang dumating kay Thor, nariyan si Kendrick upang ibalik ang kanyang lakas ng loob.
"Alam mo ba bata na hindi kailanman gagawin ng isang tunay na mandirigma ang ipahiya ang kanyang mga kaibigan, lalong lalo na ang kanyang saring kadugo?",tanong ni Kendrick kay Drake
Yumuko lamang sa kahihiyan si Drake na bihira lamang makita ni Thor.
Ngunit isa sa kanyang mga kapatid ang nagsalita. "Ngunit hindi napili si Thor. Kami ang napili. Nandito lamang siya upang sundan kami." Sabi ni Dross
"Hindi ko kayo sinusundan" sambit ni Thor. "Nandito ako para sa Legion. Hindi para sa inyo."
"Hindi na mahalaga kung bakit siya naririto." Ang galit na sabi ng heneral. "Sinasayang mo lamang ang aming oras. Oo, natamaan mo ang marka gamit ang sibat ngunit hindi ka pa din maaring sumali sa amin. Walang sino mang mandirigma ang kakatawan sa iyo at wala rin ang nanaisin na makapareha ka."
"Ako ang magiging kapareha niya." Isa nanamang boses ang kanilang narinig
Lumingon si Thor pati ang mga naroroon. Nagulat siya na makita ang isang lalaki na kasing edad niya at kahawig, maliban sa matingkad na kulay ng buhok nito at ang kulay berde nitong mga mata. Nakasuot ito ng pinakamagandang armas. Isa muling miyembro ng pamilya ng hari.
"Imposible." Sagot ng heneral. "Ang miyembro ng pamilya ng hari ay hindi pumapareha sa mga ordinaryong tao."
"Kaya ko iyong gawin." Sagot naman ng batang lalaki. " at pinipili kong makapareha si Thorgrin"
"Kahit na pahintulutan namin ito," sabi ng heneral. "Wala pa ding mandirigma ang kakatawan sa kanya."
"Ako ang kakatawan sa kanya." Sagot ng isa nanamang boses
Nagtinginan ang lahat naroroon at unti unting nagkaroon ng ingay.
Pagtingin ni Thor nakita niya ang isang mandirigma na nakasakay sa kabayo. Nakasuot ng nagkikintabang mga armas at ibat ibang klase ng sandata. Para kang tumitingin sa araw. Masasabi ni Thor, base sa kanyang tindig, sa mga markang nakaukit sa kanyang armas na siya ay naiiba sa lahat. Isa siyang kampeon.
Nakilala ni Thor ang nasabing mandirigma. Nakakita na siya ng mga larawan nito at narinig ang mga kwneto tungkol sa kanya. Si Erec. Hindi siya makapaniwala. Ang pinakamagaling na mandirigma sa buong kaharian.
"Ngunit mayroon na kayong kinatawan," sabi ng heneral
"Magkakaroon ako ng dalawang kinatawan," ang sagot ni Erec sa malalim na boses.
Isang katahimikan muli ang bumalot sa kapaligiran.
"Wala ng dapat pang pagusapan" sambit ni Kendrick. "Si Thorgrin ay may kapareha na at may kakatawan na sa kanya. Isa na siyang miyembro ng Legion."
"Huwg niyo akong kalimutan." Sigaw ng isang kawal. "Sinaktan niya at kinalaban ang isang kawal ng hari. Dapat siyang parusahan. Kailangan ko ng hustisya."
"Magkakaroon ng hustisya" paliwanag ni Kendrick. "Ngunit ako ang magdedesisyon nito. Hindi ikaw."
"Kailangan siyang ibilanggo! Kailangan niyang matuto."
"Kapag ipinagpatuloy mo pa ang iyong pagsasalita, ikaw ang ilalagay ko sa bilangguan." Sigaw ni Kendrick sa kawal.
Sumuko ang kawal at lumakad papalayo. Namumula sa kahihiyan habang nakatingin kay Thor.
"Ganap na itong opisyal" ang sigaw ni Kendrick. "Maligayang pagdating sa Legion ng kaharian Thorgrin."
Nagsigawan ang nagpalkpakan ang mga tao bago bumalik sa kanilang pagsasanay.
Nakaramdam ng pangmamanhod si Thor sa sobrang gulat. Hindi pa din siya makapaniwala. Miyembro na siya ng Legion. Para itong isang panaginip.
Lumapit si Thor kay Kendrick na puno ng pasasalamat. Hindi pa siya nakakilala ng tao na ipagtatanggol siya at gagawin ang lahat upang ipaglaban siya, upang protektahan siya. Nakakatuwa ngunit pakiramdam niya ay mas malapit na ang kanyang kalooban sa lalaking ito kaysa sa kanyang ama.
"Hindi ko alam kung paano kayo pasasalamatan." Sabi ni Thor. "Malaki po ang utang na loob ko po sa inyo."
Ngumiti si Kendrick at sinabing, "Ako si Kendrick. Ako ang panganay na anak ng hari. Bilib ako sa determinasyon mo. Isa kang malaking karagdagan sa hukbo na ito."
At lumakad na ng palayo si Kendrick. Lumapit naman kaagad si Elden, ang lalaking nakalaban ni Thor.
"Magiingat ka." Banta nito. "Matutulog lamang tayo sa iisang lugar kaya huwag na hwuag mong iisipin na ligtas ka na."
Bago pa man makasagot si Thor ay umalis na ito. Mayroon na kaagad siyang kaaway.
Nagiisip si Thor kung ano buhay kaya ang kanyang haharapin dito ng bigla siyang nilapitan ng bunsong anak ng hari.
"Huwag mo siyang pansinin." Sabi nito "palagi talaga siyang naghahanap ng away. Ako pala si Reece."
"Salamat." Sagot ni Thor habang kinakamayan si Reece. "Sa pagpili mo sa akin bilang iyong kapareha. Hindi ko alam ang aking gadgwin kung hindi dahil sayo."
"Masaya ako na piliin ang kahit na sinong kayang labanan ang lalaking iyon." Masayang sagot ni Reece. "Isa iyong magandang laban."
"Nagbibiro ka ba?" Tanong ni Thor habang nililinis ang natuyong dugo sa kanyang mukha. "Halos patayin niya ako kanina."
"Pero hindi ka sumuko." Sagot ni Reece. "Nakakamangha. Marahil ay susuko na lamang ang iba. At bilib ako sa paggamit mo ng sibat. Paano mo natutunan ang paghagis ng ganoon? Ikaw na ang magiging kapareha ko habnag buhay." Sabi ni Reece habang nakangiting kausap si Thor. "At magkaibigan din. Nararamdaman ko."
Habang kinakamayan niya si Reece ay nakaramdama si Thor na parang nakilala na niya ang isang magiging tunay niyang kaibigan.
Nang biglang may tumapik sa kanya.
Paglingon niya ay nakita niya ang isang mas nakatatandang lalaki na may pahaba at patusok na mukha.
"Ako si Feithgold. Kinatawan ni Erec. Ikaw ang kanyang pangalawang kinatawan,hindi ba? Kaya susunod ka sa ipapagawa ko. Mayroon tayong paligsahan sa loob ng ilang minuto. Tatayo ka lamang ba diyan na isang kinatawan ng pinakamagaling na mandirigma sa buong kaharian? Halika! Bilis!"
Umalis na si Reece. Agad sinundan ni Thor si Feithgold sa gitna ng arena. Hindi niya alam kung saan papunta ngunit wala siyang pakialam.
Nandito na siya.
IKAPITONG KABANATA
Dali daling naglalakad si Gareth sa gitna ng mga libo libong mga tao na patungo sa kasal ng kanyang kapatid. Galit na galit ito. Paulit uli pa din niyang naririnig ang kanilang naging usapan ng ama. Paanong nangyari na hindi siya nag napili? Na hindi siya ang nais ng hari na magmana ng trono. Hindi niya maintindihan. Siya ang lehitimong panganay na anak. At nasasaad sa kasaysayan na sa kanya nararapat mapunta ang trono. Simula noong bata pa lamang siya ay higit na siyang naniwala na siya ay magiging hari. Walang ibang dahilan upang hindi ito mangyari.Hindi ito katanggap tanggap. Pinagpalit siya sa mas nakababatang kapatid, at sa isang babae. Kapag nalaman ito ng taumbayan, pagtatawanan siya ng buong kaharian. Habang siya ay naglalakad, pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng hangin upang makahinga.Binangga niya ang lahat ng tao sa kanyang daanan. Pinagmasdan niya ang mga ito na nakadamit ng ibat ibang kulay ng kasuotan. Ibat ibang mga pinaggalingan. Hindi niya matiis ang makihalubilo sa mga ordinaryong mga tao. Dahil sa pagdiriwang na ito, maaring makihalubilo ang mga mahihirap sa mga mayayaman. Ang unang pagkakataon na ang mga hampas lupa na nagmula sa silangang bahagi ng kaharian ay maaring makapasok sa kanilang teritoryo. Hindi pa din siya makapaniwala na isa sa mga ito ay ikakasal sa kanyang kapatid. Isa lamang ito pakana ng kanyang ama para subukang makipagkasundo sa mga ito.At ang mas nakakagulat pa dito, mukhang nagustuhan naman ng kanyang kapatid ang mga ito. Hindi ito maintindihan ni Gareth. Sa pagkakakilala nito sa kanyang kapatid, hindi nan talaga niya gusto ang lalaking kanyang mapapangasawa. Ang habol lamang nito ay ang titulo at ang maging reyna sa sarili niyang kaharian. Makukuha din nito ang nararapat sa kanya. Mula sa mga hampaslupa sa nasa kabilang bahagi ng mga bulubundukin. Sa isip ni Gareth, ang mga hampaslupa na iyon ay hindi sibilisado at walang pinagaralan tulad niya. Ngunit kung masaya ang kanyang kapatid, hahayaan na niya ito. Magiging kabawasan din ito sa mga kapatid na magiging hadlang sa kanya. Sa madaling salita, mas makakabuti kung mas malayo ang kanyang kapatid.Hindi sa dahil may malasakiy siya sa kanyang kapatid. Dahil pagkatapos ng araw na ito, hindi na siya kailanman magiging hari. Siya ay habangbuhay na magiging isang walang silbing prinsipe. Wala na siyang kapangyarihan at mamumuhay siya sa isang buhay na puno ng pangungutya.Minamaliit siya ng kanyang ama, simula pa noon. Matalino pagdating sa mga usaping politika ang kanyang ama ngunit mas matalino at mas matinik siya. Mas nakikita ni Gareth ang hinaharap at kung ano ang mas makakabuti sa kaharian. Tulad ng pagiisip na ang pagpapakasal ni Luanda sa isang McCloud. Alam ni Gareth ang kahahantungan nito. Ang hakbang na ito ay hindi magpapakita ng kalakasan, kundi ng kahinaan. Sa oras na matapos ang kasal, nakahanda na ang mga McCloud sa kanilang mga plano na pagatake. Isa lamang itong patibong. Sinubukan niya itong sabihin sa ama ngunit hindi ito nakinig sa kanya.Hindi naman dahil sa may pakialam siya sa mga mangyayari. Lalo na ngayon na isa na lamang siyang hamak na prinsipe. Sinubukang alisin ni Gareth ang katotohanan na ito. Kinamumuhian niya ang kanyang ama nq hindi niya inakalang posibleng mangyari. Habang nililibot nito ang mga daan, nagiisip siya ng mga paraan kung paano makakapaghiganti at kung paano niya makukuha ang trono. Hindi siya uupo lamang at walang gagawin. Hindi niya hahayaang mapunta ang korona sa kanyang nakababatang kapatid na babae.
"Anjan ka lang pala," isang boses ang kanyang narinig
Si Firth. Naglalakad ito sa kanyang tabi habang nakangiti. Labingwalong taon, matangkad, payat na may matinis na boses ang mapupulang pisngi. Si Firth ang kanyang kasingirog. Masaya si Gareth tuwing nakikita si Firth, ngunit hindi maganda ang araw na ito para sa kanya.
"Iniiwasan mo ata ako buong araw," sabi ni Firth habang ipinilupot niya ang kamay sa braso ni Gareth.
Agad inalis ni Gareth ang kay nito at sinigurado na walang ibang nakakita.
"Sira ka ba?" Sigaw ni Gareth, "huwag na huwag mo akong hahawakan sa harap ng publiko. Kahit kailan."
Napayuko lamang si Firth at namula sa kahihiyan. "Patawarin mo ako. Hindi ako nagiisip."
"Tama. Hindi ka nagiisip. Gawin mo pa ulit iyon at hinding hindi na ako makikipagkita sa iyo kailan man."
Mas lalong namula si Firth sa kahihiyan. "Patawad."
Nagmasid muli si Gareth upang siguraduhin na walang ibang nakakita sa kanila na mas nagpagaan sa loob nito.
"Anong balita tungkol sa taumbayan?" Tanong ni Gareth upang maiba ang usapan at mawala ang galit na nararamdaman niya.
Muling nanumbalik ang ngiti sa mukha ni Firth.
"Nagaabang na ang lahat. Hinihintay nila ang pagpangalan sayo bilang tagapagmana ng trono."
Napayuko na lamang bigla si Gareth at agad itong napansin ni Firth.
"Hindi ba?" Agad na tanong ni Firth
"Hindi. Pinagpalit niya ako. Maniniwala ka ba? At para sa kapatid. Sa nakababata kong kapatid na babae."
Gulat na gulat ang mukha ni Firth.
"Imposible" sabi ni Firth. "Ikaw ang panganay na anak. Babae siya. Imposible."
Tiningnan lamang siya ni Gareth, "hindi ako nagbibiro."
Patuloy na naglakas ang dalawa ng walang nagsasalita sa kabila ng mas lalong dumarami na mga tao sa paligid. Punong puno ang kaharian. Libo libong tao ang patuloy na pumapasok sa bawat lagusan. Ang lahat ay patungo sa napakalaking entablado para sa kasal na pinalilibutan ng mga naggagandahang mga upuan. Kulay pula at ginto. Ilang grupo ng mga tauhan ng kaharian ang nakapalibot upang ituro ang mga upuan sa mga tao at magabot ng mga inumin.
Sa magkabilang dulo ng entablado, makikitang nakaupo ang pamilya ng mga MacGils at McClouds. Bawat angkan ay naghanda para sa pagdiriwang na ito. Kulay lila ang kasuotan ng mga MacGils at kulay dalandan naman ang sa mga McClouds. Sa mata ni Gareth ay magkaibang magkaiba ang dalawang angkan, maging sa angking yaman. Sa kanyang palagay ay nagbihis lamang ang mga McClouds upang magkunyari. Mahihirap lamang sila. May kakaiba sa kanilang pananamin, pagkilos at ang paraan ng kanilang pagtawa. Hindi niya matanggap ang pagpasok ng mga ito sa kanilang kaharian. May kakaiba sa kanila na hindi kayang itago ng mga magagarang kasuotan. Isa nanaman ito sa mga kahibangan ng ama.
Kung si Gareth ang hari, iba ang kanyang gagawin. Paplanuhin din niya ang kasal na ito. Ngunit hihintayin niya na dumilim, kung saan lasing na ang mga McClouds, ikukulong niya ang mga ito at susunugin silang lahat.
"Hampaslupa." Tugon ni Firth habang nakatingin sa kabilang bahagi ng entablado. "Hindi ko maisip ko kung bakit sila hinayaang makapasok ng iyong ama."
"Mas magiging kapanapanabik ang mga paligsahan mamaya." Sabi ni Gareth. "Inimbitahan niya ang mga kanyang kaaway at naghanda ng mga paligsahan para sa kasal. Kaguluhan lamang ito."
"Tingin mo?" Tanong ni Firth. "Digmaan?dito? Sa dami ng mga mandirigma? Sa araw ng kasal?"
Nagkibit balikat lamang si Gareth.
"Walang halaga para sa kanila ang kasal na ito."
"Pero madami tayong nagkalat na mga kawal dito."
"Sila din."
Pinagmasdan ni Gareth ang paligid at nakita ang mga nakahilerang mga kawal at mandirigma ng bawat panig. Hindi sila magdadala ng madaming kawal kung hindi sila umaasa ng isnag kaguluhan. Sa kabila ng pagdiriwang, ng magagarang damit, sa magagarbong palamuti, walang katapusang pagkain, mga bulaklak; sa kabila ng lahat ng ito, may tensyon pa din na namumuo sa hangin. Kung pagmamasdan ang galaw at tindig ng bawat panig, makikita na hindi nila pinagkakatiwalaan ang isat isa.
Marahil ay suswertihin siya, isip ni Gareth at isa sa mga ito ang papatay sa kanyang ama ngayon araw. At marahil ay maari na siyang maging hari.
"Hindi tayo maaring umupo ng magkasama?" Panghihinayang na tanong ni Firth
"Tinitigan ni Gareth si Firth, "wala ka ba talagang isip?"
Napapaisip na si Gareth kung bakit niya pinili ang emosyonal na si Firth upang maging mangingibig. Kapag hindi nito binago ang sarili, mapipilitin siyang umalis sa relasyon.
Hiyang hiya muli si Firth.
"Magkita na lamang tayo mamaya, sa oras ng piging. Umalis ka na." Sabi ni Gareth kaya agad na naglaho si Firth sa gitna ng mga tao.
Nang biglaang may isang malamig na kamay na humawak sa balikat niya. Biglang huminto sa paghinga si Gareth sa takot na baka may nakakita sa kanila ni Firth. Ngunit naramdaman niya ang mahahabang kuko na bumaon sa kanyang braso at doon ay nalaman niya kung sino ito. Si Helena, ang kanyang asawa.
"Huwag mo akong ipahiya ngayon" bulong ng galit na galit na asawa nito.
Lumingon si Gareth at pinagmasdan ito. Napakaganda nito, suot ang isang mahabang puting damit, nakapusod ang buhok, nakasuot ng dyamante at may palitada sa kanyang mukha. Alam ni Gareth kung gaano kaganda ang kanyang asawa, kasingganda noong araw ng kanilang kasal. Ngunit wala siyang nararamdaman para dito. Ideya ng kanyang ama na ipakasal sila upang patunayan ang kasarian nito. Ngunit ang kinahantungan lamang nito ay ang pagkakaroon niya ng masungit na kapareha at mas lalong dumami ang mga spekulasyon tungkol sa kanya.
"Kasal ng kapatid mo, " sabi ng iritableng asawa. "Kahit ngayon lang, baka maari tayong magpanggap na magasawa."
Hinawakan nito ang braso ni Gareth at sabay nilang nilakad ang pulang alpombra . Dalawang kawal ang sumalubong sa kanila at saka sila nakuhalubilo sa miyembro ng kanilang pamilya.
Hindi kumportable si Gareth sa mga nangyayari. Hindi niya malaman kunga paano gagawin makatotohanan ang kanilang pagsasama. Ramdam niya ang daang daan na mga mata na nakatitig sa kanila na animoy sinusuri ang kanyang bawat galaw. Sa kanilang paglakad papunta sa entablado, hindi makapaghintay si Gareth na makarating sa dulo nito, tumindig sa tabi ng kanyang kapatid at tapusin na ang lahat ng ito. Hindi rin niya makalimutan ang kanilang usapan ng ama at kanyang naisip kung alam na ba ng mga taong naririto ang balita.
"Naibigay na ang desisyon ng hari," bulong ni Gareth kay Helena habang papalapit sa altar.
"Sa tingin mo ba ay hindi ko pa alam ang balita?" Ang sabi Helena.
Tiningnan ito ng Gareth na may kasamang gulat.
Tumingin din si Helena sa asawa at sinabing "mayroon akong mga espiya, alam mo ba yun?"
Nanlaki ang mga mata ni Gareth sa pagnanais na masaktan ang asawa.
"Kung hindi ako magiging hari, hindi ka rin kailanman magiging reyna." Sabi ni Gareth
"Hindi ko naman inasahan na maging reyna." Sagot nito
Mas lalong nabigla si Gareth sa kanyang narinig.
"Hindi ko naman inasahan na ikaw ang mapipili," dagdag ni Helena, "bakit naman iyon gagawin ng hari? Hindi ka isang pinuno. Isa kang mangingibig ngunit hindi sa akin. "
Naramdaman ni Gareth ang pamumula ng kanyang mukha.
"Hindi ka rin naman naging akin," dagdag ni Gareth
Wala sa wastong kundisyon si Gareth upang makipagtalo sa kanya ngayon. Hindi lamang siya ang may lihim na mangingibig. Mayroon ding mga espiya si Gareth na nagbunyag ng mga ginagawa ng kanyang asawa. Hinayaan niya lamang ito kung mananatili ding tahimik si Helena sa mga sikreto ni Gareth.
"Masisisi mo ba ako?" Sagot ni Helena. "Inaasahan mo ba ako na mananatili akong tapat sa iyo?"
"Alam mo naman kung sino talaga ako," tugon ni Gareth, "ngunit pinili mo pa din akong pakasalan. Mas pinili ko ang kapangyarihan kaysa sa pagmamahal. Huwag ka ng magtaka."
"Ang kasala natin ay isa lamang kasunduan."wala akong ginusto sa mga nangyari"
"Ngunit hindi ka din tumutol." Sagot naman ni Gareth
Hindi nais ni Gareth na makipagtalo sa ngayon. Isa lamang siyang sunod sunuran. Kaya niya itong tiisin at napapakinabangan din niya ang pagkakaroon ng asawa sa mga okasyon tulad ngayon, basta hindi siya nito iinisin.
Pinagmasdan ni Gareth ang pagkamangha sa bawat mukha ng mga bisita habang inihahatod sa altar ang kanyang kapatid ng hari. Ang taong iyon. Nagawa pa nitong lumuha habang naglalakad kasama ang anak. Isang magaling na aktor. Ngunit sa mata ni Gareth, nahihibang na ito. Hindi niya maisip na maluluha ang kanyang ama gayong siya ang nagtapon sa kanyang anak panganib na dala ng mga McClouds. Nakaramdam din ng pagkainis si Gareth sa kapatid nitong si Luanda, na tuwang tuwa sa nagaganap. Wala itong pakialam kung maikasal man siya sa isang mahirap. Siya rin mismo ay kapangyarihan ang tanging habol. Manhid. Sa lahat ng kanyang mga kapatid, si Luanda ang mas malapit sa ugali ni Gareth. Naiintindihan nila ang isat isa ngunit hindi nila nakakasundo ang isat isa.
Hindi na makapaghintay si Gareth na matapos na ang lahat.
Nagdudusa si Gareth sa buong seremonya. Pinangunahan ito ni Argon, na nagbasbas sa dalawang ikakasal. Palabas lamang ang lahat at nasusuka siya dito. Nagsama lamang ang dalawang angkan na ito dahil sa problemang pulitikal.
Makalipas ng ilang sandali ay natapos na din ang seremonya. Nagtayuan at nagpalakpakan ang mga tao matapos maghalikan ang bagong kasal. Isang malakas na ugong ang tumunog na nagpapahiwatig ng maayos na pagpunta ng mga bisita sa lugar na pagdadausan ng salo salo. Nagsimula na ding magsibaba sa entablado ng pamilya ng mga ikinasal.
Maging si Gareth ay namangha sa kanyang nakita. Walang inisip na malaking gastos ang hari. Isang mahabang lamesa ang nakahanda na buno ng mga alak at dose dosenang mga inihaw na tupa at baboy.
Sa likod nito ay sinisimulan ng ihanda ang mga paligsahan. Inihilera na ang mga marka na tatamaan para sa paligsahan sa pagpana, pagsisibat at ang pabilisan sa pagtakbo. Nagsisimula ng dumagsa ang tao sa paligid nito.
Unti unti na ring naghahati ang mga tao sa kung sino ang kanilang papanigan. Ang unang magiging panlaban ng MacGil, ay si Kendrick na nakasakay sa kabayo, nakasuot ng armas na sinusundan ng ilang mga miyembro ng Silver. Ngunit mas nagkagulo ang mga tao ng dumating ang si Erec sakay ng isang puting kabayo. Para siyang isang nanghahatak ng atensyon. Maging si Helena ay makikitaan ng interes para sa kanya tulad ng iba pang mga kababaihan.
"Nalalapit na siya sa edad na kung saan dapat na siya mamili ng mapapangasawa. Kahit sinong babae sa kaharian ay nanaisin na mapangasawa siya. Bakit kaya wala siyang napipili?"
"Ano namang pakialam mo doon?" Tanong ni Gareth na may paghahalong selos. Maging siya ay nais na magsuot ng armas habang ipinagbubunyi ang pangalan ng ama, ngunit hindi siya isang mandirigma, at alam ng lahat iyon.
"Hindi ka isang tunay na lalaki," sagot ni Helena. "Hindi mo maiintindihan ang mga bagay na ito."
Muling namula sa kahihiyan si Gareth. Nais niyang sumagot ngunit hindi ito ang tamang oras upang makipagtalo. Inalalayan na lamang niya ito sa pagupo kasama ng iba upang mapanuod ang mga magaganap sa pagdiriwang. Habang tumatagal ay mas lalong sumasama ang araw na ito para kay Gareth. Isa itong magiging napakahabang araw ng pakikipaglaban ng mga kalalakihan na nagsasakitan o pinapatay ang isat isa. Isang bagay na hindi siya kailanman mapapabilang. Isang bagay na kanyang kinamumuhian.
Sa kanyang panunuod, sumagi sa kanyang isipin na sana ay magkaroon ng kaguluhan at digmaan. Dadanak ang dugo sa paligid. At lahat ng magaganda sa pagdiriwang na ito ay masisira.
Balang araw masusunod ang mga gusto niya. Siya ang magiging hari.
Balang araw.