Kitabı oku: «Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani », sayfa 14

Yazı tipi:

IKADALAWAMPUT TATLONG KABANATA

Iminulat ni MacGil ang kanyang mata ng marinig ang walang tigil na pagkatok sa kanyang pintuan at kanyang inisip na sana ay hindi niya iyon ginawa. Parang nahahati ang kanyang ulo. Matingkad na sikat ng araw ang pumasok sa bintana ng kastilyo at kanyang napagtanto na siya ay nakahiga sa kanyang kumot na yari sa balat ng tupa. Sinubukan niyang alalahanin ang nangyari. Nasa kanyang tahanan siya, sa kastilyo. Inalala niya ang nagdaang gabi. Marahil ay nagawa pa din niyang makabalik dito.

Umikot siya at kanyang nakita ang asawa, ang reyna, na natutulog sa kanyang tabi, sa ilalim ng kumot.

Nagsimula ulit ang pagkatok, ang tunog ng metal na kumakatok sa kanyang pintuan.

"Sino kaya iyon?." Inis ng tanong ng reyna.

Iyon din ang iniisil ni MacGil. Sinabihan niya ang kanyang mga alipin na huwsg siyang gigisingin, lalo na kung galing siya sa pangangaso. Magbabayad silang lahat dito.

Marahil ay isa nanamam ito sa kanyang mga tauhan. Tungk sa usapang pinansyal.

"Itigil mo ang pagkatok.!" Galit na sigaw ni MacGil, sabay bangon at hawak sa kanyang ulo. Hinawakan niya ang kanyang hindi pa nahuhugasan na buhok at balbas, ang kanyang mukha upang siya ay magising. Pinagod siya ng alak at ng pangangaso. Hindi siya nanghina ng ganito noon. Umeepekto na ang panahon; pagod na siya. Sa oras na ito, pakiramdam niya ay hindi na siya muling iinom.

Gamit ang kanyang natitirang lakas, pinilit niyang makatindig at makalakad. Nakabihis lamang siya ng pantulog at agad lumapit sa pintuan, isang talampakan ang kapal, hinawakan ito at binuksan.

Nakatayo doon ay ang kanyang magiting na hener na si Brom, kasama ang dalawang lieutenant. Nagbigay galang ang dalawa ngunit ang kanyang heneral ay patuloy na nakatitig sa kanya. May bakas ng pagaalala sa kanyang mga mukha. Hindi gusto ni MacGil ang tingin na iyo. Lagi iyong nangangahulugan ng masamang balita. Itong mga oras na ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang maging hari. Naging maganda ang kanyang araw kahapon at naalala niya ang mga panahon ng siya ay bata pa at malaya. Lalo na ang pagsayang niya sa isang gabi, sa isang bahay inuman. At ngayo , ang magising ng ganito, kinuha nito ang imahe nga kapayapaan na mayroon siya.

"Mahal na hari. Patawad kung ginising ko kayo."

"Dapat ka lang humingi ng tawad," ang sabi ni MacGil. "Dapat lang itong maging importante.

"Opo." Sabi ni Brom.

Nakita ni MacGil ang lalim sa mga mukha ni Brom. Sinilip niyang muli ang reyna at bumkm ito sa pagkakatulog.

Sinenyasan niya ang mga ito upang makapasok at dinala sa kaniyang silid. Doon ay may isa pang pintuan. Pumasok sila dito at isinara ang pinto upang hindi makaistorbo sa reyna. Ginagamit niya ang silid na ito, na dalawampung yarda ang lapad, na may ilang mga upuan, kapag nais niyang mapagisa.

"Kamahalan, ayon sa ating espiya sa mga McClouds, na may hukbo ang mga ito papunta ng silangan, para sa karagatan ng Fabian. At ayon sa ating mga tagabantay sa silangan, isang grupo din ng mga Imperyo ay patungo naman sa hilaga. Siguradong magkikita ang dalawa."

Sinubukang iproseso ni MacGil ang lahat ng impormasyon, mabagal ang galaw ng kanyang utak dahil sa pagkakalasing.

"At?" Tanong niya na hindi makapaghintay at pagod na oagod na. Masyado siyang napagod sa walang katapusang nga spekulasyon sa kanyang nasasakupan.

"Kung totoo man na makikilagkita ang mga McClouds sa Empire, isa lamang ang magiging kahulugan nito.",sabi ni Bron. "Ang makipagkasundo upang sirain ang sanggalang at pabagsakin ang bilog na kalupaan.

Tiningnan ni MacGil ang kanyang matandang heneral na kasama niyang nakipaglaban sa loob ng tatlumpung taon, at kanyang nakikita ang pagaalala sa mga mata nito. Nakakita din siya ng takot. Bumagabag ito sa kanya. Isa siyang tao na hindi kakikitaan ng takot.

Tumayo si MacGil at pinilit maglakad papalapit sa kanyang bintana. Tumingin ito sa labas, nagmasid kahit wala pang tao at napaisil. Alam niya na, balang araw, darating din ang aaw na ito. Hindi niya lamang inakala na ganito kabilis.

"Ang bilis." Sabi ng hari. "Ilang araw pa lamang ang nakalilipas pagkatapos ng kasal ng aking anak sa anak nila. At ngayon iniisip mo na may pinaplano na sila upang patalsikin tayo?"

"Opo kamahalan." Agad na sagot ni Brom. "Wala akong nakikitang ibang dahilan. Lahat ng indikasyon ay nagpapakita na isa iyong kasunduan."

Dahan dahang umiling si MacGil.

"Pero wala iyong kabuluhan. Hindi niya maaaring papasukin ang Empire. Bakit nila gagawin iyon? Kung sakali nga na magawa nilang ibaba ang ating sanggalang at magkaroon ng lagusan, ano nang mangyayari? Sasakupin din sila ng Empire. Hindi din sila maliligtas. Siguro naman, ay alam nila ito."

"Marahil ay magkakaroon sila ng kasunduan" sagot ni Brom. "Papapasukin nila ang Empire kapalit ng pagatake nila sa atin lamang, upang masakop ng McClouds ang buong bilog na kalupaan.

Umiling si MacGil.

"Mas matalino diyan ang mga McClouds. Alam nilang hindi dapat pagkatiwalaan ang mga Empire."

Nagkibit balikat naman ang heneral.

"Marahil ay nais nilang makontrol ang buong kalupaan at handa silang isugal ang lahat. Lalo na ngayon na ang iyong anak na babae ay kanila nang reyna."

Napagisipan na ito ni MacGil. Parang sasabog ang kanyang ulo. Hindi niya kayang isioin ito ngayon. Hindi sa ganitong oras.

"Ano ngayong iminumungmahi mo?" Sabi ng hari na napapagod na sa lahat ng mga spekulasyon.

"Hindi na tayo dapat maghintay pa kamahalan. Atakihin na natin ang McClouds. Ngayon na."

Nagulat ang hari ang sinabi ng heneral.

"Pagkatapos kong ibigay ang aking anak sa kanila? Hindi maaari."

"Kung hindi natin iyon gagawin," sabi ni Brom."hinahayaan natin silang hukayin ang ating libingan. Siguradong aatake sila. Kung hindi man ngayon, sa mga susunod na araw. At kung magsasanib pwersa sila ng Empire, katapusan na natin."

"Hindi nila matatawid ang mga bumubundukin ng ganoong kabilis. Hawal natin ang mga daanan nila. Hindi sila magwawagi kahit na nariyan ang Empire."

"Milyon ang.mga tauhan ng Empire," sagot ni Brom. "Kaya nilang mamatayan ng tauhan at palitan ang mga ito."

"Kahit na bumagsak ang sanggalang,"sabi ng hari. "Hindi magiging madali ang magpasunod ng milyon milyong tauhan papasok ng sanggalang, ang umakyt sa mga bulubundukin o ang maglagay. Makikita agad natin ang galaw nila. Magkakaroon tayo ng babala."

Napaisip muli si Macgil.

"Hindi. Hindi tayo aatake. Ngunit ngayon, mas kailangan nating maghanda.; doblehin ang magbabantay sa mataas na bulubundukin. Patibayi ang ating hukbo. At doblehin ang esliya. Iyon lamang."

"Opo kamahalan.", ang sabi ni Brom bago ito lumabas ng silid kasama ang kanyang mga tauhan

Muling tumingin aa bintana si MacGil, sumasakit angbulo. Nakakaramdam siya ng digmaan papalapit sa kanya. Tumingin siya sa oaligid, sa kastilyo, sa mga bato sa kanyang paligid at hindi niya mapigilan ang mapaisip kung hanggang kailang ang mga ito magtatagal.

Kung ano ang kanyang maibibigay para sa isa pang inumin.

IKADALAWAMPUT APAT NA KABANATA

Nakaramdam ng sipa sa kanyang tagiliran si Thor na agad nagpamulat sa kanyang mga mata. Nakadapa siya sa mga dayami at hindi maaalala kung nasaan siya. Pakiramdam niya ay isang milyong tonelada ang bigat ng kanyang ulo, nanunuyo ang kanyang lalamunan at pinapatay siya sa sakit ng kanyang mata at ulo. Para siyang nahulog sa isang kabayo.

Muli siyang sinipa at agd siyang napaupo. Umikot bigla ang kanyang paningin. At maya maya ay nagsuka na ito ng nagsuka.

Nagtawanan ang kanyang paligid at sa kanyang pagtingin ay kanyang nakita sina Reece,O'conner, Elden at ang kambal na nakapalibot sa kanya.

"Sa wakas, nagising din ang natutulog na prinsesa!" Sigaw ni Reece habang nakangiti

"Akala namin ay hindi ka na magigising."sabi ni O"conner

"Ayos ka lang ba?",tanong naman ni Elden

Umupo si Thor, pinunasan ang kanyang mga labi, at sinubukang iproseso ang lahat. Nang gawin niya ito, si Krohn, na ilang talampakan lamang ang layo, ang agad lumapit sa kanya, tumalon sa kanyang mga bisig at idiniin ang ulo sa kanyang damit. Gumaan ang pakiramdam ni Thor na makita ito at masaya na naririto siya sa kanyang tabi. Sinubukan niyang alalahanin ang mga nangyari.

"Nasaan ako?" Tanong ni Thor "anong nangyari kagabi?"

Muling nagtawanan nag tatlo.

"Mukhang masyado kang madaming nainom kaibigan. Mayroon hindi kinaya ang alak. Hindi mo ba naaalala?ang bahay inuman?"

Ipinikit ni Thor ang mga mata, hinaplos ang kanyang ulo at sinubukang ibalik ang lahat. At bigla niyang naalala ang lahat. Naalala niya ang pangangaso…sa pagpasok sa bahay inuman…ang mga alak. Naalala niya ang paghila sa kanya paakyat ng hagdan.. Ang bahay aliwan. Pagkatapos noon ay madilim na ang lahat.

Bumilis ang kanyang puso ng kanyang maalala si Gwen. May ginawa ba siyang kahibangan sa babae na iyon? Sinira na ba niya ang kanyang pagkakaton kay Gwen?

"Anong nangyari?" Pagpupumilit nito kay Reece. "Pakiusap. Sabihin mo. Sabihin mo sa akin na walang nangyari sa amin ng babaeng iyon"

Nagtawanan ang iba ngunit nakita ni Reece ang pagaalala sa mukha ni Thor.

"Huwag kang magalala kaibigan." Sagot ni Reece. "Walang kang ginawa. Maliban sa magsuka ay bumagsak aa kanyang sahig."

Muling tumawa ang lahat.

"Tama na ang unang beses mo sa paginom",ang sabi ni Elden

Gumaan ang pakiramdam ni Thor. Hindi niya binalewala si Gwen.

"Huling beses na bibilhan kita ng babae!" Sabi ni Conval

"Sinayang mo lang ang pera." dagdag ni Conven. "Hindi mo naman ibabalik."

Tumawa muli sila. Napahiya si Thor ngunit masaya siya na hindi niya sinira ang lahat.

Hinila niya si Reece at bumulong.

"Yung kapatid mo.",sabi nito. "Wala siyang alam tungkol dito, hindi ba?"

Dahan dahang ngumiti si Reece at ipinatong ang kamay sa balikat ni Thor.

"Ligtas ang sikreto mo sa akin. Kahit na wala ka namang ginawa. Wala siyang alam. At nakikita ko kung gaano ka nagaalala para sa kanya at ikinagagalak ko iyo ." ang seryosong sabi ni Reece. "Nakikita ko na may pagtingin ka sa kanya. At kung ginusto man ang nangyati kagabi baka hindi kita natanggap para sa kanya. Sumakatuwid, napagutusa akong iabot ang mensahe na ito."

May iniabot na liham si Reece sa kamay ni Thor. Noong una ay nalilito pa siya kung ano iyon. Ngunit ng makita niya ang simbolo ng hari at maamoy ang papel, alam na niya agad. Bumilis ang kanyang puso.

"Mula sa kapatid kong babae." Dagdag ni Reece.

"Whoa!" Sabay sabay na sabi ng lahat

"Muyroong nakatanggap ng liham ng pagmamahal!" Sabi ni O'conner

"Basahin mo ng malakas." Sigaw ni Elden.

Nagtawanan ang lahat.

Ngunit si Thor ay gustong makapagsarili kaya lumayo muna ito mula sa iba. Nahahati pa din anb kanyang ulo at umiikot pa din ang kanyang paligid, ngunit wala na siyang pakialam. Binuksan niya ang liham at nanginginig na binasa ang laman nito.

"Magkita tayo sa gilid ng kagubatan mamayang tanghali. Huwag kang mahuhuli. At huwag kang kukuha ng atensyon sa sarili mo."

Ibinulsa ni Thor liham.

"Anong sabi sa liham?" Ang tanong ni Conven

Agad lumapit si Thor kay Reece, na alam niyang kanyang mapagkakatiwalaan.

"Walang pagsasanay ngayon sa Legion, tama?" Tanong ni Thor

Umiling si Reece. "Siyempre wala. Araw ito ng pahinga."

"Saan ang gilid ng kagubatan?" Tanong ni Thor.

Ngumiti si Reece. "Ah, ang paboritong lugar ni Gwen." Ang sabi nito. "Tahakin mo ang silangang daan paglabas ng korte ng hari. Manatili ka sa kanan. Umakyat ka sa burol at magsisimula iyon sa pangalawang tuktok."

Tumingin si Thor kay Reece.

"Pakiusap. Wala sanang ibang makaalam."

Ngumiti ai Reece.

"Alam kong iyan din ang gusto ni Gwen. Kapag nalaman ito ng aming ina, papatayin niya kayo pareho. Ikukulong niya si Gwen at ipapatapon ka niya sa kabihasnan"

Napalunok si Thor kapag naiisip ito.

"Talaga?" Tanong niya

Tumango lamang si Reece.

"Hindi ka niya gusto. Hindi ko alam kung bakit pero desidido na siya. Bilisan mo na at pumunta ka na doon. Huwag mong sasabihin kahit kanino." Ang sabi ni Reece. "At huwag kang magaalala. Hindi ko din ipagsasabi."

*

Mabilis na naglakad si Thor, habang nasa kanyang tabi si Krohn, at sinusubukan na hindi mapansin. Sinunod niya ang direksyon na ibinigay ni Reece, paulit ulit sa kanyang isip, habang siya ay palabas sa korte ng hari, umakyat sa buril at naglakad sa gilid ng kagubatan. Sa kanyang kaliwas, naglaho na ang lupa. Kaya naglakas siya sa dulo ng isang malalim na bangin, isang burol aa kanyang kaliwa at ang gubat sa kanyang kanan. Sinabihan siyang makipagkita sa kanya sa lugar na iyon. Seryoso ba siya?? O pinaglalaruan lamang siya?

Tama kaya si Alton? Isa nga lamang ba siyang libangan? At pagsasawaan din siya ni Gwen? Umaasa siya, higit sa lahat, na hindi iyon totoo. Gusto niyang maniwala na ang nararamdaman ni Gwen para sa kanya ay totoo; ngunit hindi pa rin siya makapaniwala kung paano iyon mangyayari. Hindi niya masyadong kilala si Thor. At isa siyang prinsesa. Ano kaya ang pagiinteresam nito sa kanya? Higit sa lahat mas matanda ito ng isa o dalawang tao sa kanya. Hindi pa siya nagkaroon ng mas matandang babae na humanga sa kanya ; ang totoo, wala pang sino man ang nagkainteres sa kanya. At hindi rin naman karamihan ang mga babae sa kanilang nayon.

Ngayon lamang nagisip ng ganito si Thor tungkol sa isang babae. Lumaki siyang walang kapatid na babae at wala ding mga babae na kasingedad niya sa kanilang nayon. Sa edad niya, wala sa mga kalalakihan ang may pakialam. Karamihan sa mga kalalakihan at ikinakasal sa edad na labing walo, isang kasunduan lamang. Kadalasan ay kasunduan para sa negosyo. Ang mga kalalakihan sa mataas na estado na hindi pa ikinakasal sa edad na dalawamput lima ay aabot sa kanila Araw ng Pagpili; obligado silang pumili ng mapapangasawa o lalabas sila at maghahanap. Ngunit hindi iyon mangyayari kay Thor. Mahiral lamang sila. At ang mga katulad niya ay ikinakasal lamang para sa kapakanan ng pamilya.

Ngunit ng makita niya si Gwen, nagbago ang lahat. Sa unang pagkakataon, ay tinamaan siya ng isang bagay na malakas at malalim, na wala siyang ibang inisip kung hindi siya. Tuwing makikita niya ito, mas lumalalim ang kanyang nararamdaman. Hindi niya maipaliwanag ngunit nasasaktan siyang mapalayo sa kanya.

Nagmasid sa paligid si Thor upang hanaoin siya. Inisip niya kung saan sila mismo.magkikita o kikitain nga ba siya nito? Tumirik na nag araw ang nagsimula na siyang pagpawisan. Nakakaramdam pa din siya ng pagkahilo, epekto ng gabing nagdaan. Habang patindi ng patindi ang sikat ng araw, at ang kanyang paghahanap sa kanya ay bigo, nagsimula ulit siyang magisip kung tatagpuin ba siya nito. Inisip din niya kung gaano.kapanganib ang pinapasok nila. Kung tunay ngang tutol ang reyna sa kanilang dalawa, ipapatapon ba siya nito sa kabihasnan? Palayo sa mga bagay na kanyang minahal? Ano ang kanyang gagawin?

Habang iniisip niya ito, kanyang napagtanto na bawi lahat ng iyon, basta makita lamang niya si Gwen. Handa siyang itaya ang lahat para sa pagkakataon na iyon. Umaasa lamang siya na sana ay hindi siya pinaglalaruan o hindi siya nagkamali sa pagiisip na matibay din ang pagtingin sa kanya ni Gwen.

"Dadaanan mo lamang ba ako?" Sabi ng isang tinig na sinundan ng maliit na tawa.

Napatalon si Thor sa gulat at saka lumingon. Nakatayo sa lilim ng isang malaking puno ay si Gwen. Umaangat ang kanyang puso sa ngitin ni Gwen. Nakita niya ang pagibig sa mga mata ito at lahat ng kanyang takot at pagaalala ay nawala. Nagalit siya sa sarili dahil sa pagdadalawang isip niya.

Humuni si Krohn ng makita ito.

"At anong meron tayo dito?" Ang tuwang sabi ni Gwen

Lumuhod siya at nagtatakbo si Krohn palapit sa kanya, tumalon sa mga bisig nito at kanyang binuhat ito at hinaplos.

"Nakakatuwa naman siya!" Sabi niya, habang niyayakap ito ng mahigpit. Dinilaan nito si Gwen sa pisngi. Natawa siya at hinalikan din si Krohn.

"At anong pangalan mo?" Tanong ni Gwen

"Krohn," sagot ni Thor. Sa wakas at hindi na siya nahihirapang magsalita.

"Krohn," ang sabi ni Gwen habang nakatingin sa mga mata nito. "At araw araw ka ang naglalakbay kasama ng iyong alagang leopard?" Tanong niya kay Thor

"Nahanap ko lamang siya." Ang sagot ni Thor na hiyang hiya sa kanyang tabi. "Sa kakahuyan, habang nangangaso. Ang sabi ng iyong kapatid ay dapat ko siyang alagaan dahil ako ang nakahanap sa kaniya. Na isa iyong tadhana."

Tumingin si Gwen sa kanya.

"Tama siya. Sagrado ang mga hayop. Hindi mo sila hinahanap. Natatagpuan ka nila."

"Saan hindi masamain kung isinaman ko siya," sabi ni Thor

Tumawa si Gwen.

"Malulungkot ako kung wala siya," sagot bi Gwen.

Tumingin si Gwen sa paligid, upang siguraduhin na walang ibang tao, hinawakan niya sa kamay si Thor at dinala sa kagubatan.

"Halika" bulong ni Gwen. "Bago pa may makakita sa atin."

Nabuhay ang dugo ni Thor sa pakiramdam ng hawak nito habang papasok sila sa kagubatan. Nagpaikot ikot sila sa sa gitna ng kagubatan. Bumitiw si Gwen pero hindi nakalimutan ni Thor ang pakiramdam ng hawak niya.

Nagsisimula na siyang makumbinsi na may pagtingin din sa kanya si Gwen at hindi rin nito gustong makita ng kanyang ina. Malinaw na seryoso siya sa lahat dahil nakahanda siyang itaya ang lahat para lamang makita siya.

Ngunit, naisip rin ni Thor, marahil ay hindi nito nais makita ni Alton o ng kung sino mang lalaki na kinakasama niya ngayon. Marahil ay tama si Alton. Marahil ay nahihiya siyang makita na kasama si Thor.

Naramdaman ni Thor ang halo halong emosyon sa kanyang sarili.

"Hindi ka masalita, tama?" Tanong ni Gwen na pinutol ang katahimikan.

Hindi alam ni Thor ang gagawin; ayaw niyang sirain ang lahat kapag sinabi niya ang kanyang nasa isio, ngunit pakiramdam niya ay kailangan niyang bigyang sagot ang kanyang mga pagaalala. Kailangan niyang malamang kung ano ang nasa isip ni Gwen. Hindi na niya maitago ang lahat.

"Nang magkahiwalay tayo noong isang araw, nakasalubong ko si Alton. Hinarap niya ako."

Nagdilim ang mukha ni Gwen, ang kanyang masiglang mukha ay nasira, at sumama ang damdamin ni Thor na kinailangan pa niya iyong banggitin. Hinahanggan niya ang kanyang mabuting katauha, ang kanyang saya at kanyang hiniling na sana ay maibalik niya ang lahat. Gusto niyang tumigil nguni huli na ang lahat. Wala nang atrasan.

"At anong sinabi niya?" Ang sabi ni Gwen

"Sinabi niyang layuan kita. Sinabi niya na wala kang pakialam sa akin. Sinabi niya pampalipas oras mo lamang ako. Na pagsasawaan mo din ako makalipas ng ilang araw. Sinabi rin niya na ikakasal kayong dalawa at nakahanda na ang lahat para dito"

Naglabas ng galit at nangungutyang tawa si Gwen.

"Talaga ba?" Ang tanong ni Gwen. "Hindi ko talaga maatim ang lalaking iyon. Isa sa pinakaaroganteng taong nakilala ko.," dagdag niya na galit na galit. "Ipinipilit niya ang kanyang sarili sa akin simula pa noong matuto siyang maglakad. Dahil magpinsan ang mga magulang namin, sa tingin niya ay bahagi na siya ng pamilya ng hari. Hindi pa ako nakakilala ng tao na mas mataas ang pagtingin sa sarili kaysa sa nararapat sa kanya. At ang mas malala pa doon, nailagay na niya sa kanyang isipan na nakatadhana kaming ikasal. Akala niya ay susunod lamang ako sa gugustuhin ng mga magulang ko. Hindi. At lalong hindi sa kanya. Hindi ko makayanan ang makita siya."

Gumaan ang pakiramdam ni Thor sa mga salita ni Gwen; pakiramdam niya ay mapapakanta siya sa taas ng mga puno. Iyon lamang ang kailangan niyang marinig. At ngayon ay nagsisisi siya na pinadilim niya ang paligid nilang dalawa. Ngunit hindi pa din sapat ang kanyang narinig; napansin niya na walang anumang sinabi si Gwen ukol sa nararamdaman nito para sa kanya.

"At ang pagkakaalam ko," sabi ni Gwen habang bahagya itong sumulyap kay Thor. "Hindi kita gaanong kilala. Hindi ko kailangang magsabi sa iyo ng aking nararamdaman. Ngunit sa tingin ko, hindi ako makikipagkita sa iyo kung galit man ako sa iyo. Oo, may karapata akong magbago ng isip kapag ginusto ko peri hindi pagdating sa pagibig."

Iyon lamang nag kailangan ni Thor na marinig. Namangha si Thor sa pagiging seryoso ni Gwen at lalo na ang kanyang pagpili ng mga salita: "pagibig". Muli siyang nabuhayan.

"Nais rin kitang tanungin ng tungkol diyan." Tanong Gwen, binabaligtad ang sitwasyon. "At mas maraming mawawala sa akin kaysa sa iyo. Tutal, isa akong prinsesa at isa kang pangkaraniwang mamamayan. Mas matanda ako at bata ka pa. Hindi ba dapat ako ang magalala? Marami rin akong naririnig na bulong bulungan tungkol sa iyong pakay, na ginagamit mo lamang ako at uhaw para makaangat sa ranggo. Gusto mong mapalapit sa hari. Paniniwalaan ko ba iyon?"

Natakot si Thor.

"Hindi, mahal na binibini! Hindi kailanman. Hindi ko kailanman naisip ang mga bagay na iyon. Naririto ako kasama mo dahil wala akong ibang nais na puntahan. Dahil sa gusto ko. Dahil kapag hindi kita kasama, wala akong ibang maisip"

Nagsimulang ngumiti si Gwen at nagliwanag muli ang mukha nito.

"Bago ka lamang dito." Sabi ni Gwen. "Bago sa korte ng hari. Sa buhay na ito. Kailangan mo ng panahon upang masanay sa mga bagay bagay. Dito, walang nagsasabi ng totoo. Lahat ay may pakay. Lahat ay naghahanap ng kapangyarihan o ranggo, kayamanan o katayuan sa buhay. Wala kang maaring pagkatiwalaan. Lahat ay may mga espiya at mga natatagong misyon. Nang sabihin ni Alton sayo na nakahanda na ang lahat para sa aming kasal, nais lamang niyang malaman kung gaano tayo kalapit sa isat isa. Natatakot siya. At maari din na napagutusan lamang siya. Para sa kanya, ang pagmamahal ay hindi para sa pagmamahal. Ito ay pagsasama. Para sa pinansyal na pangangailangan at kapangyarihan. Para maging ari arian. Sa korte ng hari, ang iyong nakikita ay hindi totoo.".

Biglang tumakbo si Krohn papunta sa kalagitnaan ng gubat.

Tumingin si Gwen kay Thor, tumawa ito, kinuha ang kamay ni Thor at tumakbo.

"Halika" sigaw ni Gwen.

Ang dalawa ay magkasabay na tumakbo, tumatawa. Napahinto si Thor dahil sa kanyang nakita: isa itong magandang kalupaan na napupuno ng mga bulaklak, ibat iba ang kulay, at umaabot hanggang sa kanilang tuhod. Ang mga ibon at paro paro na ibat iba ang kulay at hugis ay nagsisilipad sa hangin, at nabubuhay ang paligid sa paghuni ng mga ito. Mataas ang sikat ng araw at para silang nasa isang hindi makatotohanang lugar, na natatago sa gitna ng kagubatan.

"Nasubukan mo na bang maglaro ng nakapiring?" Ang tanong ni Gwen.

Umiling si Thor at bago ito makasagot, kumuha si Gwen ng panyo mula sa leeg nito at agad itinakip sa mga mata ni Thor. Walang makita si Thor at naririnig niya ang tawa ni Gwen.

"Taya!" Sabi nito

At narinig niya ang pagtakbo nito palayo.

Napangiti lamang si Thor.

"Anong gagawin ko?" Tanong niya

"Hanaoin mo ako!" Sigaw ni Gwen.

Ang boses nito ay malayo na.

Ang walang makita na si Thor, ay nagsimulang tumakbo, nadadapa habang hinahanap si Gwen. Pinakinggang niyang mabuti ang tunog ng kanyang damit at sinundan ito. Mahirap ito, at iniangat niya ang kanyang kamay sa kanyang harapan, takot na mabangha siya sa puno kahit na alam niyang nasa kalupaan siya. Makalipas ng ilang sandali, pakiramdam niya ay umiikot lamang siya.

Ngunit nagpatuloy siya, sinusundan ang kanyang damit at ang tunog ng kanyang tawa mula sa malayo. Minsan ay mapapalapit siya ngunit lalayo itong muli. Nagsimula siyang mahilo.

Narinig niya si Krohn na tumatakbo sa kanyang tabi at ito na lamang ang kanyang pinakinggan. Nang ginawa niya ito, mas lalong lumakas ang tawa ni Gwen at napagtanto ni Thor na dinadala siya ni Krohn sa kinaroroonan ni Gwen. Namangha siya sa galing ni Krohn na sumali sa kanilang laro.

Ilang sandali pa ay naramdaman na niya na ilang talampakan na lamang ang layo nito sa kanya; hinabol niya ito, paikot sa buong kalupaan. Inabot niya ito at napasigaw si Gwen ng makuha nito ang dulo ng kanyang damit. Nang maabot niya ito, nadapa si Thor at silang dalawa ay bumagsak sa damuhan. Umikot si Thor sa huling sandali upang siya ang unang bumagsak at masuportahan niya si Gwen.

Nang bumagsak sa lupa ang dalawa, sumigaw sa gulat si Gwen. Tumatawa pa din ito habang patayo at tinatanggal ang panyo sa mata ni Thor.

Bumilis ang tibok ng puso ng Thor nang kanyang makita kung gaano kalapit ang mukha nito sa kanya. Naramdaman niya ang bigat ng katawan ni Gwen at naramdaman ang nawat anggulo ng kanyang katawan. Nakapatong ang katawan ni Gwen sa kanya at hindi ito gumalaw. Nakatitig siya sa mga mata nito, nararamdaman ang mabilis na paghinga ng bawat isa at hindi siya lumuhis ng tingin. Maging si Thor. Bumilis ang tibok ng puso ni Thor at hindi siya makapagisip ng ayos.

Makailang sandali ay inilapit ni Gwen ang kanyang labi sa mga labi ni Thor. Malambot ang mga labi nito at simula ng sila ay unang magkita, ngayon lamang siya nabuhayan ng ganito.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ganoon din si Gwen. Hindi sila gumalaw at nanatiling magkalapit ang kanilang mga labi. Hindi niya alam kung gaano katagal ngunit gusto niyang huminto ang oras.

At marahan ay lumayo si Gwen. Ngumiti lamang ito at dahan dahang iminulat ang kanyan mga mata. Nanatili lamang ito na nakalapit sa katawan ni Thor.

Nanatili silang magkatabi at tinitingnan ang mata ng bawat isa.

"Saan ka nanggaling?" Ang bulong ni Gwen

Ngumiti lamang si Thor. Hindi niya alam ang sagot.

"Isa lamang akong ordinaryong tao." Ang sagot nito.

"Hindi. Nararamdaman ko ito. Alam kong mas higit ka pa doon."

Lumapait muli si Gwen at hinalikan muli si Thor. Naglapat ang kanilang mga labi at sa pagkakataon na ito ay mas matagal. Inilapit ni Thor ang kanyang kamay sa buhok nito at ganoon din si Gwen. Hindi mapigilan ni Thor ang kanyang pagiisip.

Iniisip na niya kung paano ito matatapos. Posible pa ba silang magkasama, sa kabila ng mga pwersa sa pagitan nila? Posible pa ba na maging sila.

Umaasa si Thor, ng higit sa lahat sa buhay niya, na kakayanin nila. Mas gusto niyang makasama si Gwen, ng higit pa sa pagnanais niyang mapabilang sa Legion.

Habang iniisil ni Thor ang mga bagay na ito, nakarinig sila ng kaluskos mula sa damuhan at agad silang napatingin. Tumalon si Krohn mula sa damuhan ngunit isa pang kaluskos ang kanilang narinig. Nagwawala si Krohn at isang tunog ang kanilang narinig. Pagkatapos ay katahimikan.

Sabay na umupo ang dalawa at nagmasid. Agad tumayo si Thor upang protektahan si Gwen at upang alamin kung ano ang naroroon. Wala siyang nakita. Ngunit may bagay o tao na naroroon, ilang talampakan lamang ang layo sa kanila, natatago sa matataas na damo.

Bumalik si Krohn at sa kanyang bibig, sa matatalas na ngipin nito, nakatangay ang isang malaking puting ahas. Ito ay nasa sampung talampakan ang haba, maganda ang balat nito, nangjngintab sa puti at kasing kapal ng isang malaking sanga ng puno.

Napagtantk kaagad ni Thor ang nangyari: iniligtas sila ni Krohn mula sa panganib ng ahas na ito. Napuno ng pasasalamat ang kanyang puso para sa kaibigang hayop.

Napahinga ng malalim si Gwen.

"Isang puting ahas." Sabi niya. "Ang pinakamapanganib na ahas sa buong kaharian."

Napatingin lamang dito si Thor.

"Ang akala ko ay hindi totoo ang ahas na iyan. Ang akala ko ay alamat lamang ito."

"Kakaunti lamang sila." Sabi ni Gwen. "Isang beses pa lamang akong nakakita nito. Noong araw na mamatay ang ama ng aking ama. Isa itong pangitain."

Tumitig ito kay Thor.

"Paparating ang kamatayan. Ang kamatayan ng isang malapit sa atin."

Kinilabutan si Thor sa kanyang narinig. Isang malamig na hangin ang umihip sa kanila sa kabila ng matinding sikat ng araw. At alam niyang tama si Gwen.

Yaş sınırı:
16+
Litres'teki yayın tarihi:
09 eylül 2019
Hacim:
294 s. 8 illüstrasyon
ISBN:
9781632912503
İndirme biçimi:
Serideki Birinci kitap "Singsing ng Salamangkero"
Serinin tüm kitapları
Metin
Ortalama puan 5, 1 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 4,8, 6 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 5, 1 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 4,8, 6 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 5, 2 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre