Kitabı oku: «Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani », sayfa 13

Yazı tipi:

IKADALAWAMPUT ISANG KABANATA

Tumakbo si Thor pababa ng daan patungo sa kagubatan kasama ang iba pa, hawak ang sibat na iniabot sa kanya para sa kanilang pangangaso. Sa kanyang tabi ay sina Reece, O'conner at Elden, kasama pa ang higit limampu pang miyembro ng Legion. Sa harapan nila ay daan daang miyembro ng Silver nakasakay sa kabayo, na may hawak hawak na maiikling sibat, ngunit karamihan sa mga ito ay may mga pana sa kanilang likuran. Tumatakbo sa kanilang tabihan ang dose dosenang mga kinatawan at alalay.

Sa unahan ay si haring MacGil, na magiting kung titingnan, at nasasabik ang kanyang mukha. Siya ay sinasabayan ng kanyang mga anak na sina Kendrick, Gareth at nasupresa si Thor na makita maging si Godfrey. Dose dosenang mga kalalakihan ang tumatakbo sa kasabay nila, ang ilan ay tumutugtog ng trumpeta;ang iba naman ay hawak hawak ang mga aso, na dali daling nakikipagsabayan sa mga kabayo. Habang papasok ang malaking grupo sa kagubatan nagsimula silang mahati sa ibat ibang direksyon. At hindi alam ni Thor kung saan nila patungo o kung kanino susunod.

Malapit lamang sa kanila si Erec at pinili ni Thor at ng kanyang mga kasama na sumunod sa kaniya. Tumakbo sa gilid ni Reece si Thor.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya kay Reece, na nauubusan na ng hininga habang tumatakbo.

"Sa gitna ng kagubatan." Ang sagot ni Reece. "Ang mga tauhan ng hari ay gustong makapagdala ng isang araw na halaga ng paligasahan."

"Bakit ang ilang miyembro ng Silver ay nasakay sa kabayo at ang iba naman ay hindi." Ang tanong naman ni O'conner.

"Ang mga nakasakay sa kabayo ay nakatutok sa mga mas madaling patayin tulad ng usa." Pagpapaliwanag ni Reece. "Gumagamit sila ng pana. Ang mga naglalakad naman ay mas mga delikadong hayop ang hanap. Tulad ng baboy damo."

Si Thor ay nakaramdam ng saya at kaba ng mabanggit ang baboy damo. Nakakita na siya ng isa nito noong bata pa lamang siya. Mapanganib ang nilalang na ito at kilala na kayang hatiin sa dalawa ang isang tao kapag kinalaban.

"Ang mas nakatatandang mga mandirigma ang nakasakay sa kabayo at naghahanap ng mga usa at ibon." Dag dag ni Erec. "Ang mas nakakabata ang siyang naglalakad at siyang nakaatas para sa mas malaking huli. Nararapat na nasa wastong kundisyon ang mga katawan ng mga ito."

"Kaya hinayaan namin kayong sumama dito mga bata." Ang sabi naman ni Kolk, na sumisigaw. "Isa itong pagsasanay para sa inyo. Kailangan ninyong maglakad aa buong pangangaso, at makasabay sa mga kabayo. Sa ating paglalakad, ay mahahati kayo sa malilit na grupo at hahanap kayo ng inyong sariling daan. Manghuhuli kayo ng inyong sariling hayop. Magagamit niyo din dito ang katangian ng isang mandirigma: lakas ng katawa, lakas ng loob at ang hindi pagsuko sa inyong mga kinatatakutan, kahit na gaano pa ito kalaki o kabangis. Lakad!"

Agad na tumakbo si Thor kasabay ang kanyang mga kasama, habang nakikisabay sa mga kabayon at patungo sa kanilang napiling daanan. Hindi niya alam kung saan patungk ngunit kung susunod lamang siya kay Reece at O'conner ay magging ayos lang ang lahat.

"Ang pana, bilis!" Sigaw ni Erec

Agad kumilos si Thor at tumakbo kay Erec at iniabot ang pana dito. Agad itong inayos ni Erec, at dahan dahang itinapat sa isang bagay na nasa kagubatan.

"Ang mga aso." Muling sigaw ni Erec.

Isa sa mga alalay ng hari ang nagpakawala sa isang kumakahol na aso, na agad nagtungo sa damuhan. Sa gulat ni Thor, isang ibon ang biglaang lumipad. At sa paglipad nito, agad itong pinana ni Erec.

"Ang ibon" sigaw ni Erec

Tumakbo si Thor at kinuha ang patay na ibon, mainit pa at umaagos ang dugo mula sa kanyang leeg at bumalik kay Erec. Itinali ito ni Erec sa tagiliran ng kabayo upang nakabitin ito sa kanilang pagpapatuloy.

Sa paligid ni Thor, madaming mga mandirgma ang pareho din ang gjnagawa, tinatakot ang mga ibon at tinitira upang kunin ng kanilang mga kinatawan. Karamihan ay gumagamit ng pana, ang iba ay sibat. Kinuha ni Kendrick ang kanyang sibat, iniangat ito at inihagis sa isang usa. Perpekto ang tama nito. Sakto sa kanyang lalamunan hanggang sa bumagsam ito.

Namangha si Thor sa dami ng mga hayop na naririto sa kagubatan, ang dami ng kanilang madadala pabalik sa kaharian. Magiging sapat ito upang pakainin ang buong korte ng hari ng ilang araw.

"Nakapangaso ka na ba dati?" Tanong ni Thor kay Reece, habang iniiwasan na madaanan ng mga mandirgma sa kanilang pagtakbo. Mahirap makarinig, sa ingay ng mga aso, sa tunog ng trumpeta, at ang sigawan ng mga kalalakihan, nagtatawanan at nagbubunyi, habang nakakahuli sila ng hayol pagkatapos ng isa pa.

May malaking ngiti sa kanyang mukha si Reece habang tumatakbo.

"Maraming beses na. Ngunit dahil lamang sa aking ama. Hindi niya kami pinapasali sa pangangask hanggang sa marating namin sa tamang edad. Nakakatuwa itong gawin ngunit wala ang nakakalabas ng hindi nasusugatan. Mahigit sa isang tao ang nasasaktan o namamatay sa paghabol sa isang baboy damo.

Napahinga ng malalim si Reece habang tumatakbo. "Ngunit lagi akong nakasakay sa kabayo." Dag dag niya. "Hindi pa ako hinayaang maglakad noon, kasama ang Legion, hindi pa hinayaang manghuli ng baboy damo. Isa itong bago para sa akin."

Biglang nagbago ang kagubatan ang madaming daan ang tumambad sa kanila. Tumunog muli ang trumpeta at muling nahati ang bawat grupo sa mas maliit na grupo.

Nanatili si Thor sa grupo ni Erec at sinamahan siya ni Reece at O'conner; lahat sila ay lumiko sa isang makitid na daan na unti unting bumababa. Tumakbo sila ng tumakbo. Hinawakan ni Thor ang kanyang sibat habang tumatakbo. Ang kanilang grupo ay kinabibilangan nina Erec at Kendrick sa kabayo, si Thor, Reece, O'conner at Elden ang mga naglalakad-anim sila-at sa paglingon ni Thor, napansin pa niya ang dalawang miyembro ng Legion na nakasunod sa kanila. Malalaki ang kanilang katawan, na may kulot at mahabang buhok na natatakluban ang kanilang mga mata at malalaking ngiti. Mukha silang mas matanda kay Thor ng ilang taon-at sila ay kambal.

"Ako si Conval." Ang sigaw ng isa kay Thor

"At ako naman si Conven."

"Magkapatid kami."ang sabi ni Conval

"Kambal!" Dagdag ni Conven

"Sanay hindi ninyo mamasamain ang aming pagsama." Ang sabi ni Conval kay Thor.

Nakikita na ni Thor ang dalawa sa Legion ngunit hindi pa sila nagkakakilala. Masaya siyang makakilala ng mga bagong miyembro, lalo na ang mga miyembro na mababait sa kanya.

"Masaya kami na makasama kayo.",ang sabi ni Thor

"Mas madaming kamay, mas mabuti." Dagdag ni Reece

"Narinig ko na malalaki daw ang mga baboy damo sa kagubatan na ito." Ang sabi ni Conval

"At nakamamatay." Dagdag ni Conven.

Tiningnan ni Thor ang mahahabang sibat na dala dala ng kambal, tatlong beses ang haba kumpara sa kanyang dala at napaisip. Napansin niya ang mga ito na nakatingin sa kanyang sibat.

"Ang sibat na iyan ay hindi sapat." Ang sabi ni Conval

"Ang mga baboy damo na iyon ay may malalaking mga pangil. Kailangan mo ng mas mahaba.",ang sabi naman ni Conven.

"Kunin mo ang sa akin." Ang sabi ni Elden, na tumatakbo at iniaabot ang kanyang sibat.

"Hindi ko maaaring kuhanin ang sa iyo." Sabi ni Thor. "Anong gagamitin mo?"

Nagkibit balikat si Elden. "Ayos lamang ako."

Natuwa si Thor sa kabaitan ni Elden at namangha sa estado ng kanialng pagkakaibigan ngayon.

"Kunin mo ang isa sa akin." Utos ng isang boses.

Lumingon si Thor at nakita si Erec sa kanyang tabi at itinuturo ang dalawang mahahabang sibat sa kanyang tagiliran.

Inabot ito ni Thor at kinuha ang isnag sibat, nagpapasalamat sa pagkuha niya dito. Mas mabigat itong dalhin sa pagtakbo ngunit mas naramdaman niya na mas protektado siya at mas kakailanganin niya ito.

Tumakbo sila ng tumakbo hanggang sa maginit ang hangin sa baga ni Thor at hindi niya alam kung hanggang saan pa niya kakayanin ang tumakbo. Nakahanda siya at naghahanap at anumang bakas ng hayop. Ligtas ang kaniyang pakiramdam sa paligid ng mga kalalakihan na ito at malakas dahil sa dala niyang sibat. Ngunit kinakabahn pa rin siya. Hindi pa siya nakapangaso ng baboy damo, at hindi niya alam kung anong aasahan niya.

Habang nagaapoy ang kanyang baga, nakarating sila sa isang kalupaan at laking pasasalamat ni Thor ng huminto ang kabayo nina Kendrick at Erec. Naisip ni Thor na binigyan din sa ng permiso upang huminto din. Nakatayo lamang sila doon, walong kalalakihan sa gitna ng kagubatan, ang mga naglalakad ay hinahabol ang paghinga at sina Erec at Kendrick ay bumaba sa kanilang mga kabayo. Humihingal ang mga kabayo ngunit sa maliban dito, tanging ang ihil ng hangin sa mga puno lamang ang kanialng naririnig. Ang ingay mula sa daan daang mga kalalakihan na naguunahan sa kagubatan ay nawala na. Napagtanto ni Thor na malayong malayo na sila sa mga ito.

Nagmasid siya sa paligid habang hinihingal.

"Wala akong nakita na kahit anong marka ng hayop." Ang sabi ni Thor kay Reece. "Ikaw ba?"

Umiling si Reece.

"Mautak ang mga baboy damo." Ang sabi ni Erec, habang papalapit sa kanila. "Hindi niya palaging ipapakita ang kanyang sarili. Minsan, sila ang manunuod sa inyo. Maghihintay sila at susugod sa oras na hindi ka handa. Kaya magiingat kayo."

"Ilag!" Sigaw ni O'conner

Napailag si Thor at biglang isang malaking hayop ang lumabas sa kanilang harapan; napapikit si Thor sa pagaakala na inaatake sila ng baboy damo. Napasigaw si O'conner at agad namang hinagisan ng sibat ni Reece ang nilalang. Hindi ito tumama at lumipad sa hangin ang hayol. Doon lamang napagtanto ni Thor na isa pala iyong pabo, na unti unting nawala sa kagubatan.

Nagtawanan ang lahat, at nawaal ang tensyon. Namula si O'conner at tinapik lamang siya sa balikat si Reece.

"Huwag kang magalala kaibigan." Sabi nito.

Lumihis ng tingin si O'conner sa sobrang hiya.

"Walang baboy damo dito.",ang sabi ni Elden. "Mali ang napasukan nating daan. Ang naririto lamang sa daan na ito ay mga ibon. Babalik tayong mga walang dala."

"Marahil ay hindi iyon masama," sabi ni Conval. "Narinig ko na ang pakikipaglaban sa baboy damo ay buhay o kamatayan."

Kalmadong sinuri ni Kendrick ang kagubatan; ganoon din si Erec. Nakikita ni Thor sa mukha ng dalawa na mayroon kakaiba doon. Nalalaman nila ito base sa kanilang kaalaman at karanasan.

"Mukhang dito na ang dulo ng daan." Ang sabi ni Reece. "Kung tutuloy pa tayo, mawawalan tayo ng palatandaan. Hindi natin mahahanap ang daan pabalik."

"Pero kung bumalim tayo, tapos na ang ating pangangaso." Ang sabi ni O'conner

"Anong mangyayari kung babalik tayong walang dala?" Tanong ni Thor. "Na walang baboy damo?"

"Pagtatawanan tayo ng lahat." Ang sagot ni elden.

"Hindi." Sabi ni Reece. "Hindi lahat ay makakahanap ng baboy damo. Sa totoo lang, mas bihira ang makahanap kaysa hindi."

Habang nakatayo ang grupo sa katahimikan, humihinga ng mabilis, tiningnan ang kakahuyan, napagtanto si Thor na masyadong madami ang nainom niyang tubig. Pinipigilan niya ito buong oras at ngayon ay nakakaramdam siya ng sakit sa pantog. Hindi na niya mapigilan.

"Sandali.",sabi ni Thor habang lumalakd ito sa madilim na bahagi.

"Saan ka pupunta?" Ang tanong ni Elden

"Kailangan ko lamang maglabas. Babalik din ako kaagad."

"Huwag kang lalayo." Paalala ni Elden.

Nagmadali si Thor papasok ng kakahuyan at lumayo ng mga dalawampung yarda sa kanyang mga kasama hanggang makakita siya ng pwesto.

Nang matapos sa pagbabawas si Thor, nakarinig siya ng tunog ng naputol na sanga. Malakas ito at alam niya na hindi ito isang tao.

Lumingon ito, habang nagtataasan ang kanyang mga balahibo, at tumingin. Sa di kalayuan ay isang espasyo na may malaking bato sa gitna. At doon, sa ibaba ng bato, nagmumula ang galaw. Isang maliit na hayop na hindi niya malaman kung ano.

Napaisip si Thor kung babalik na lamag siya sa mga kasama o titingnan niya kung ano ito. Nang hindi nagiisip, lumapit ito kung ano mang hayop ito, hindi niya iyon pakakawalan at kung babalik siya baka mawala na ito.

Lumapit pang muli si Thor, sumasabit ang kanyang buhok sa mga sanga habang kumikitid ang daan. Wala siyang makita kung hindi ang mga puno. Sa wakas ay narating niya ang bato. Habang papalapit siya, binitiwan niya ang sibat at ibinalik ito sa kanyang tagiliran. Napaurong siya sa kanyang nakita.

Doon, gumagalaw sa damuhan sa tabi ng bato, ang isang batang leopard. Nakaupo ito doon, at naguunat sa ilalim ng sikat ng araw. Mukha itong kapapanganak lamang, isang talampakan ang haba at sa sobrang liit ay maaari itong magkasya sa damit ni Thor.

Nakatayo lamang doon si Thor at namangha. Puti ang kulay nito at alam niyang anak ito ng isang puting leopard na isa sa mga pinakabihira na hayop.

Nakarinig siya ng galaw ng mga halaman sa kanyang likuran at kanyang nakitang papalapit ang kanyang mga kasama. Nasa unahan si Reece at nagaalala.

"Saan ka ba nagpunta? Akala namin patay ka na."

Sa kanilang paglapit, natanaw nila ang batang leopard at lahat sila namangha din.

"Isang pangitain." Ang sabi ni Erec kay Thor. "Nahanap mo ang isang huli na panghabang buhay. Ang pinaka bihira sa lahat ng hayop. Naiwan itong magisa. Wala ng magaalaga sa kanya. Ibig sabihin, sa iyo na ito. Obligasyon mong palakihin ito."

"Sa akin." Nalilitong tanong ni Thor

"Obligasyon mo iyon." Dag dag ni Kendrick. "Ikaw ang nakakita dito. O marahil, siya ang nakahanap sa iyo."

Nabigla si Thor. Nagalaga siya ng mga tuoa, ngunit hindi pa siya nagpalaki ng hayop noon. At hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Ngunit nakaramdam din siya ng pagaalala para sa hayop. Ang maliit at asul na mga mata nito ay nakabukas at animoy siya lamang ang nakikita.

Nilapitan niya ito, yumuko at inilagay ito sa kanyang mga kamay. Dinilaan siya nito sa kanyang pisngi.

"Paano ba magalaga ng isang batang leopard?" Tanong ni Thor

"Sa tingin ko ay tulad din ng pagaalaga sa iba," ang sagot ni Erec. "Papakainin mo kung nagugutom."

"Kailangan mo siyang pangalanan." Dagdag ni Kendrick

Napaisip muli si Thor at kanyang napagtanto na ito na ang pangalawang beses na magbibigay siya ng pangalan sa isang hayop. Naalala din niya ang istorya ng isang leon na sumugod sa isang nayon.

"Krohn." Sabi ni Thor

Ang lahat at tumango sa pagsangayon.

"Tulad ng alamat," ang sabi ni Reece

"Gusto ko iyon." Ang sabi naman ni O'conner.

"Krohn na ang pangalan nito." Sabi ni Erec.

Habang itinuon ng Krohn ang ulo nito sa dibdib ni Thor, nakaramdam siya ng malakas na koneksyon sa kanya. Hindi niya mapigilang maramdaman na matagal na niyang kakilala si Krohn habang umiimot ito sa kanyang mga kamay.

Nang ano ano'y isang malakas na huni ang kanilang narinig, ang huni na nagpapatindig ng kanyang balahibo, at nagpatingala agad sa kanya sa kalangitan.

Sa itaas ay si Estopheles. Bahagya itong bumaba patungo sa ulo ni Thor at muling lumipad paitaas.

Naisip ni Thor kung nagseselos ba ito kay Krohn. Ngunit makalipas ng ilang segundo, napagtanto ni Thor na binabalaan siya nito.

Maya maya ay isang malakas na tunog ang kanilang narinig mula sa kabilang bahagi ng kakahuyan. Nangyari ang lahat ng sobrang bilis.

Dahil sa banta, nakita na itong paparating ni Thor at agad itong nakaiwas ng biglang isang baboy damo ang umatake sa kanya. Bahagya lamang itong nakaiwas.

Nagkagulo ang paligid. Sinugod ng baboy damo ang bawat isa, habang inihahampas ang kanyang pangil. Sa isang hampas ay nagawa nitong masugatan ang braso ni O'conner at sumirit ang dugo mula dito.

Para silang nakikipaglaban sa isang toro, na walang gamit na anong sandata. Sinubukan itong hagisan ng sibat ni Elden ngunit nakaiwas agad ito at kinagat ang sibat gamit ang malalaki nitong bunganga at hinati ito sa dalawa. Pinihit nito ang atensyon kay Elden, at inatake niya ito sa dib dib; buti na lamang at bahagya siyang nakaiwas mula sa mga pangil ng baboy damo.

Hindi magpalaligil ang baboy damo na ito. Naghahanap ito ng dugo at hindi ito titigil hanggat ito ito nakukuha.

Agad kumilos ang iba. Inilabas nina Erec at Kendrick ang kanilang mga espada, maging sina Reece at Thor.

Pinalibutan nila ito ngunit nahirapan silang tamaan ito dahil sa taltkong talampakang haba ng pangil nito na naging hadlang upang makapalit sila. Tumakbo ito paikot habang hinahabol ang mga ito. Natamaan ni Erex ang baboy damo sa kanyang tagiliran ngunit para itong yari sa bakal dahil nagpatuloy pa din ito.

At biglang nagbago ang lahat. Sa maikling sandali, napukaw ng isang bagay sa kagubatan ang atensyon ni Thor. Mula sa malayo, nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng itim na kasuotan, natatakluban ang kanyang mukha; nakita niya itong nagangat ng pana at itinapat sa kanilang direksyon. Hindi sa baboy damo ngunit sa isa sa kanila.

Napaisip si Thor kung nanaginip lamang siya. Inaatake ba sila? Dito? Sa gitna ng kawalan? Ngunit sino?

Hinayaan ni Thor na dalhin siya ng kanyang nararamdaman. Nararamdaman niyang nasa panganib ang kanyang mga kasama. Nakita niya na nakatapat ang pana kay Kendrick.

Agad tumakbo si Thor at tinulak si Kendrick. At lumampas sa kanila ang pana.

Agad hinanap ni Thor ang lalaking umatake, ngunit wala na ito.

Wala na siyang panahon para magisip; mabilis pa ding papalapit sa kanila ang baboy damo, ilang talampakan ang layonsa kanila. At ngayon ay pumihit ito sa kanilang direksyon at wala ng panahong makakilos si Thor. Hinanda niya ang sarili sa pagbangga habang nakatapat sa kanya ang mahaba at matatalim na pangil nito.

Maya maya ay isang sigaw ang kanilang narinig; nakita ni Thor si Erec na sumakay sa likod ng hayop, habang nakatusok ang kanyang espada sa batok ng baboy damo. Sumigaw ang hayop, habang sumisirit ang dugo mula sa bibig nito habang papaluhod sa lupa. Bumagsak ito ng tuluyan.

Lahat ay natigilan sa kanilang kinatatayuan, nagkatingin sila sa isat isa at napaisip kung ano ang nangyari.

IKADALAWAMPUT DALAWANG KABANATA

Habang dala dala ni Thor si Krohn sa loob ng kanyang damit, nagulat siya sa ingay na tumambad sa kanila, sa pagbukas ng pinto ng lugar inuman. Isang malaking grupo ng mga Legion at mga kawal ang naghihintay at nagsisiksikan sa loob, ang bumati sa kanila ng pasigaw. Puno at mainit sa loob, at agad naipit si Thor sa pagitan ng kanyang mga kasama. , balikat sa balikat. Isa iyong naging napakahabang araw ng pangangaso, at lahat sila ay nagsama sama dito, magiinuman sa gitna ng kagubatan, upang magdiwang. Pinangunahan ng Silver ang daan at sumunod lamang sina Thor, Reece at ang iba pa.

Sa likod ni Thor ay ang kambal na sina Conval at Conven, dalada ang kanilang pinakaiingatang kayamanan, ang baboy damo, na mas malaki kumpara sa iba, na nakatali sa isang kawayan. Muli itong tiningnan ni Thor, matapang ang itsura nito at hindi siya makapaniwala na napatay niya ito.

Nakaramdam ng galaw si Thor mula sa kanyang damit at tiningnan niya ang kanyang bagong kaibigan, si Krohn. Hindi rin siya makapaniwala na may dala dala siyang isang batang puting leopard. Tumitig ito sa kanya gamit ang asul nitong mga mata at umungot. Nagugutom na ito.

Naipit si Thor sa gitna ng dose dosenang mga kalalakihan sa kanyang likuran ngunit nagpatuloy pa din siya papasok sa maliit at mataong lugar na marahil ay dalawampung grado ang init. Sinundan niya si Erec at Kendrick na sinundan naman nina Reece, Elden, ng kambal at ni O'conner na nakabenda pa din ang kamay dahil sa baboy damo, ngunit tumigil na ang pandurugo nito. Mas mukhang masigla si O'conner kaysa sa nasasaktan. Bumalik ang kanyang lakas at ang kanilang grupo ay nagsama sama sa gjtna ng silid.

Punong puno ang silid, na sa sobrang sikip ay mahihirapang gumalaw ang kung sino man. May mga mahahabang upuan at ang iba ay nakatayo, habang nakaupo ang ilan, nagsisikanta at nakikipaginuman kasama ang kanilang mga kaibigan. Masaya at nagdidiwang ang buong kapaligiran at hindi pa nakaranas ng ganito si Thor.

"Unang beses sa bahay inuman?"tanong ni Elden, na kailangang sumigaw upang marinig

Tumango si Thor na nanliliit nanaman sa kanyang sarili.

"Marahil ay hindi ka pa din nakakasubok uminom ng alak, hindi ba?" Tanong ni Conven, habang tinatapik sa balikat si Thor.

"Siyempre oo." Agad na sagot ni Thor

Namumula si Thor at umaasa siya na walang nakakita sa kanya. Sa totoo lamang ay hindi pa talaga siya nakakainom ng alak, maliban sa ilang tikim noong araw ng kasal. Hindi hinahayaan ng kanyang ama na magkaroon ng alak sa kanilang bahay. At kung pwede man, sigurado siya na hindi niya ito kayang bilhin.

"Mabuti." Sigaw ni Conval. "Ginoo, bigyan mo kami ng pinakamatapang ninyo. Batikan na pala sa paginom si Thor."

Isa sa mga kambal at nagbaba ng isang gintong barya. Namangha si Thor sa dala dalang pera ng kambal, napaisip tuloy siya kung anong klase ng pamilya nangaling ang dalawa. Ang barya na iyon ay kaya ng buhayin ang kanyang pamilya sa loob ng isang buwan.

Makailang sandali ay isang dosenang mga baso ng mga bumubulang mga alak ang iniabot sa kanila at agad itong kinuha ng mga kalalalakihan; isa rin ang iniabot sa kamay ni Thor. Umagos ang bula ng alak sa gilid ng kanyang mga kamay at umikot ang kanyang bituka sa pananabik. Kinakabahan siya.

"Para sa ating pangagaso!" Sigaw ni Reece

"PARA SA ATING PANGANGASO!" sigaw naman ng lahat

Sinundan at ginaya ni Thor ang iba, sinusubukang kumilos ng normal habang itinataas ang mabulang alak sa kanyang mga labi. Humigop siya at hindi niya magustuhan ang lasa nito, ngunit nakikita niya kung paano ito sisirin ng iba, hindi tinatanggal sa kanilang mga labi hanggang maubos ito. Naobliga si Thor na gawin ang din ito o magmumukha siyang duwag. Pinilit niya ang sarili na inumin ito ng mabilis, hanggang sa kalagitnaan at napaubo siya at napatigil sa paginom.

Napatingin ang lahat sa kanya ay nagtawanan ang mga ito. Napatapik muli si Elden sa likod ni Thor.

"Ito ang unang beses mo, hindi ba?" Tanong niya.

Namula si Thor habang pinapahid niya ang bula sa kanyang labi. Bago pa man siya makasagot, isang sigaw ang nagpalingon sa buong silid at kanilang nakita ang mga musikero na papasok sa silid. Nagsimula silang tumugtog ng ibat ibang instrumento at nabuhay ang buong paligid.

"Kapatid ko!" Sabi ng isang tinig

Lumingon si Thor at nakita ang isang lalaki na mas matanda sa kanya ng ilang taon, na may maliit na tiyan ngunit malapad na balikat, hindi nagaahit, at mukhang lasing na lasing at lumapiy sa kanila at niyakal si Reece. Sinundan ito ng tatlo pang kalalakihan na mukhang lasing na din.

"Hindi ko maisip na makikita kita dito." Dagdag pa nito

"Minsan, kailangan kong sundan ang yapak ng kapatid ko, hindi ba?" Sigaw ni Reece na may kasamang ngiti. "Thor, nakilala mo na ba ang kapatid ko na si Godfrey?"

Lumingon si Godfrey at kinamayan si Thor at hindi maiwasang mapansin si Thor kunga gaano kalambot ang mg kamay nito. Hindi kamay ng isang mandirigma.

"Oo naman at kilala ko ang baguhan." Ang sabi ni Godfrey habang inilalapit ang kanyang mukha kay Thor. "Nabuhay ang kaharian dahil sa mga usapan tungkol sa kanya. Isang mahusay na mandirgma ang sabi nila. Sayang. Nasayang ang isang talento sa bahay inuman."

Nagsitawanan si Godfrey at ang mga kasama nito. Ang isa sa mga ito, mas matangkad ng isang ulo sa kanila, malaki nag tiyan, mapula ang mga pisngi at lasing na lasing ay hinawakan sa balikat si Thor.

"Ang katapangan ay isang magandang katangian. Pero dinadala ka nito sa digmaan, sa gitna ng lamig. Ang pagiging lasinggero ay mas magandang katangian; napapanatili ka nitong ligtas at mainit, katabi ng mga kababaihan."

Tumawa ito ng malakas habang inaabutan silang muli ng mga baso ng alak. Umaasa si Thor na sana ay hindi siya ayaing uminom ng mga ito; nararamdaman na niya ang alak na unti unting dumadaloy sa kanyang ulo.

"Ito ang unang araw niya sa pangangaso." Sigaw ni Reece sa kapatid.

"Talaga?" Sagot ni Godfrey. "Dapat tayong uminom dahil diyan."

"Dalawa!" Sigaw ng kasama nito.

Tumingin si Thor sa isa pang baso ng alak na iniabot sa kanya.

"Para sa una!" Sigaw ni Godfrey.

"PARA SA UNA!" sigaw ng lahat.

"Nawa ay mapuno ang iyong buhay ng mga una," dagdag ng kasama ni Godfrey. "Maliban sa unang beses mo na mawala ang kalasingan."

Lahat sila ay nagtawanan habang umiinom.

Sumisip lamang si Thor at agad ibinaba ang baso ngunit nahuli siya ni Godfrey.

"Hindi ganyan ang paginom bata.!" Sigaw ni Godgrey. Lumapit ito at idikit ang baso sa bibig ni Thor. Nagtawanan ang lahat habang sinisisid ni Thor ang alak. Ibinababa niya ito, ubos, at nagpalakpakan ang lahat.

Nahilo si Thor at nakaramdama siya ng pagkawala ng kontrol. Nahihirapan siyang magisip. Hindi niya gusto ang pakiramdam.

Nakaramdam muli ng galaw si Thor sa kanyang damit. Si Krohn.

"Aba, anong meron tayo dito.",sigaw ni Godfrey

"Isang batang leopard." Sagot ni Thor.

"Nakita namin sa aming pangangaso." Dagdag ni Reece.

"Nagugutom siya." Ang sabi ni Thor. "Hindi ako sigurado kung anong ipapakain sa kanya."

"Siyempre alak.",sigaw ng matangkad na lalaki.

"Oo, tama." Sabi ni Godfrey. "Subukan mo bata."

Inilubog ni Godfrey ang kanyang daliri sa alak at iniabot kay Krohn; lumapit ito, dinilaan ng dinilaan ang mga daliri ni Godfrey.

"Kita mo? Gusto niya."

Biglang hinila si Godfrey ang kanyang kamay at napasigaw. Tiningnan niya ito na puno ng dugo.

"Matalim ang ngipin ng isang yan." Sabi niya habang nagtatawanan ang iba.

Hinawakan at hinaplos ni Thor ang ulo ng leopard at saka pinainom ang natitira sa kanyang baso. Ngunit naisipan ni Thor na bigyan siya ng tunay na pagkain. Umaasa siya na papayagan itong manatili ni Kolk sa kanilang silid at hindi tututol ang iba pa nilang mga kasama.

Binago ng mga musikero ang tugtog at ilan pang mga kaibigan ni Godfrey ang naglapitan. Sumali ang mga ito sa kanila sa paginom hanggang hilain nila ito palayo.

"Kita tayo mamaya bata." Ang sabi ni Godfrey kay Reece bago ito umalis. At tumingin ito kay Thor. "Sana magbigay ka ng oras mo dito sa bahay inuman."

"Sana ay magbigay ka ng oras sa lugar ng digmaan.",ang sabi ni Kendrick

"Malabong manyari yan!" Ang sabi ni Godfrey bago ito magsipagtawanan kasama ang kanyang mga kaibigan.

"Palagi ba silang nagdidiwang katulad nito?" Ang tanong ni Thor kay Reece

"Si Godfrey? Nasa bahay inuman na siya simula pa ata nang matuto siyang maglakad. Isang kahihiyan sa aking ama. Pero masaya siya sa sarili niya."

"Hindi. Ang ibig kong sabihin ay ang mga tauhan ng hari. Ang Legion. Palagi bang pumupunta sa mga bahay inuman?"

Umiling si Reece.

"Espesyal ang araw na ito. Ang unang pangangaso. Hindi ito madalas na nagaganap. Kaya sulitin mo na habang meron pa."

Nakaramdam ng pagkahilo sa Thor habang lumingon sa paligid ng silid. Hindi ito ang lugar na gusto niyang puntahan. Gustl niyang bumalik sa pagsasanay. At biglang napihit ang kanyang isipan kay Gwendolyn.

"Nakikilala mo ba kung sino siya?" Tanong ni Kendrick, sa oras na lumapit ito sa kanya.

Tinitigan lamang siya ni Thor.

"Ang lalaki sa kagubatan? Ang tumira ng pana?" Dag dag ni Kendrick.

Nagsimulang makinig at lumapit ang ilan na gustong malaman ang kwento.

Sinubukan ni Thor na alalahanin ang lahat. Ngunit hindi niya magawa. Malabo ang lahat.

"Sana alam ko." Sabi ni Thor. "Pero masyadong mabilis ang pangyayari."

"Marahil ay isa lamang iyon sa mga tauhan na nagkamali ng tira?" Sabi ni O'conner

Umiling si Thor.

"Hindi siya nakabihis tulad ng iba. Nakasuot siya ng itim at nakatalukbong ang ulo nito. At tumira lamang siya ng isang beses, nakatapat kay Kendrick at biglang nawala. Patawad. Pero sana mas may alam ako."

Umiling si Kendrick habang nagiisip.

"Sino ang may gusto kang mamatay?" Tanong ni Reece kay Kendrick.

"O hindi kaya, may inutusan para ipapatay ka?" Tanong ni O'conner.

Nagkibit balikat si Kendrick. "Wala akong alam na kaaway ko."

"Pero si ama, madami." Ang sabi ni Reece. "Marah may tao na gusto kang patayin para makapaghiganti kay ama."

"O kaya ay may gusto kang alisin sa daan para sa trono." Ang sabi ni Elden.

"Kalokohan! Isa akong ilehitimong anak. Hindi ako maaaring magmana ng trono."

Habang nagiisip sila at umiinom ng alak, isang sigaw muli ang kanilang narinig at ang kanilang atensyon ay napunta sa isang hagdanan. Tumingin si Thor at nakita ang mga kababaihan pababa ng hagdan habang tinitingnan ang mga nasa loob ng silid. Lahat sila ay nakabihis ng maiikli at makakapal ang palitada sa mukha.

Namula si Thor.

"Kamusta mga kalalakihan?" Ang sabi ng babae sa harapan na malaki ang hinaharap at nakasuot ng pula.

Nagsigawan ang mga kalalakihan.

Nanlaki ang mga mata ni Thor sa sobrang gulat.

"Isa din ba itong bahay aliwan?" Tanong niya

Napatingin ang lahat sa kaniya ang nagtawanan sa sobrang gulat.

"Panginoon ko, wala kang kamuwang muwang." Ang sabi ni Conval.

"Hindi ka pa kailanman nakarating sa bahay aliwan?" Tanong naman ni Conven

"Tingin ko hindi pa siya napalapit sa babae." Ang sabi naman ni Elden.

Nagtinginan lahat sa kanya at naramdaman niya ang pamumula ng kanyang mukha. Tama sila. Hindi pa siya napalapit sa isang babae. Ngunit hindi niya iyon sasabihin sa kanila. Inisip niya kung halata ba iyon sa kanyang mukha.

Bago pa siya nakasagot, isa sa mga kambal ang nagabot ng pera sa isang babae sa hagdan.

"Sa tingin ko, meron ka nang unang paliligayahin." Sigaw nito.

Nagsigawan ang mga tao at sa kabila ng kanyang pagtanggi, naramdaman niya ang sarili na naitulak patungo sa hagdanan. Sa kanyang paglapit, pumasok sa kanyang isipan si Gwen. Kung gaano niya ito kamahal. Na ayaw niyang mabuhay kasama ang iba.

Gusto niyang tumakbo. Ngunit, literal na wala siyang takas. Dose dosenang mga kalalakihan na naglalakihan ang itinutulak siya pauna at hindi siya hinayaang sumuko. Bago pa niya malaman ang lahat ay nakarating na siya sa hagdanan, sa tabi ng babae ng mas matangkad pa sa kanya, nasobrahan sa pabango at palitada. At ang malala pa dito, lasing si Thor. Umiikot ang buong paligid at anumang oras ang babagsak na siya.

Hinila siya ng babae at dinala sa isang silid at saka isinara ang pintuan sa likod nito. Determinado si Thor na hindi sumama sa babaeng ito. Sa kanyang isipan ay nanatili ang imahe ni Gwen. Hindi ito ang gusto niyang mangyari sa una niyang karanasan.

Ngunit hindi nakikinig ang isip niya. Lasing na lasing siya at hindi na siya makakita. At ang huling bagay na kanyang naalala ay papalapit siya sa isang kama at umaasa siya na sana ay nakaabot siya doon bago tuluyang nagdilim ang kanyang paningin.

Yaş sınırı:
16+
Litres'teki yayın tarihi:
09 eylül 2019
Hacim:
294 s. 8 illüstrasyon
ISBN:
9781632912503
İndirme biçimi:
Serideki Birinci kitap "Singsing ng Salamangkero"
Serinin tüm kitapları
Metin
Ortalama puan 5, 1 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 4,8, 6 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 5, 1 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 4,8, 6 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 5, 2 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre