Kitabı oku: «Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani », sayfa 2

Yazı tipi:

IKALAWANG KABANATA

Ilang oras nagpalaboy laboy si Thor sa mga burol hanggang sa tumigil it at umupo, nakayakap sa kanyang mga paa, habang nakatingin sa malayo. Pinanuod niya habang mawala sa kanyang paningin ang mga karwahe.Wala ng pagkakataon na dadating. Ngayon ay nakatadhana na siyang manatili sa nayon na iyo buong buhay niya at maghihintay ng susunod na pagkakataon,kung muli silang babalik. Kun papayagan siya ng kanyang ama. Ngayon, sila na lamang ng kanyang ama at siguradong ibubunton ng kanyang ama ang lahat ng kanyang galit sa kanya. Patulo siyang magiging utusan ng kanyang ama, dadaan ang mg taon, at magiging katulad na lamang siya ng kanyang ama, habang buhay sa bayan na ito habang ang kanyang kapatid ay mamumuhay sa kanyang pangarap. Naginit an buong katawan ni Thor. Hindi ito ang buhay na ninanais niya.Pinilit ni Thor isipin kung anon maari niyang gawin upang mabago pa ang lahat. Ngunit wala. Ito na marahil ang kanyang tadhana.Pagkatapos ng ilang oras na pagupo, bigla siyang tumindig at umakyat sa pamilyar na mga burol sa kanyang daan. Lumakad siya paakyat upang balikan ang mga alaga niyang tupa. Unti unti ng palubog ang araw. Habang naglalakad ay inabot niya sa kanyang baywang ang maliit na sakong nakakabit sa kanya. Laman nito ang ibat ibang klase ng bato na nagin koleksyon ni Thor na nagmula sa ibat ibang bahagi ng mga burol. Minsan ginagamit niya ang mga bato para humili ng ibon o kaya naman ay mga daga. Isa ito sa kanyang mga naging libangan. Noong una ay lagi siyang hindi makatama hanggang sa matutunan na niyang makabato sa mga gumagalaw na mga bagay. Simula noon, naging mahusay na siya sa pagtantsa at pagsapul. Naging bahagi na iyon ng kanyang buhay dahil ginagamit niya ito upang maglabas ng galit at sama ng loob. Kung kaya man ng kanyang mga kapatid na gumamit ng espada, malamang ay hindi nila kayang bumato ng isang lumilipad na ibon.Kumuha si Thor ng bato at inilagay sa kanyang tirador. Itinapat niya ito sa malayo na akala mo'y papatamain niya sa kanyang ama. Natamaan niya ang isang sanga ng puno at agad itong naputol. Ng mapagtanto niya na kaya niyang pumatay ng mga gumagalaw na hayop ay itinigil na niya ang pagsapul sa mga ito. Takot sa sarili niyang lakas at ang makasakit ng kung sino man,kaya ang pinatatamaan na lamang niya ay ang mga sanga ng puno. Maliban na lamang kung isang lobo ang gustong kainin ang kanyang mga alagan tupa. Sa paglipas ng panahon, wala na ni isang lobo ang gustong lumapit sa mga tupa ni Thor,kaya naman ang mga tupang ito ang pinakaligtas sa buong nayon.Biglang pumasok sa isip ni Thor ang kanyang mga kapatid at naisip kung anong ginagawa ng mga ito ngayon. Matapos ang isang araw na Pakikipagsapalaran, makakarating na sila sa kaharian. Nakikita ni Thor ang imahe ng kanilang pagdating kasabay ng pagsalubong ng mga taong nakabihis ng maganda habang binabati ang mga bagong napili, ang mga tauhan ng kaharian at ang mga miyembro ng Silver. Doon na sila maninirihan, bibigyan ng lugar na matutuluyan kasama ang ibang miyembro ng Legion. Isang lugar kung saan sila sasanayin na humawak ng mga dekalidad na mga sandata. Bawat bagong pili ay ipapareha sa isang mandirigma upang siyang magsanay dito. At balang araw, ay magiging mandirigma na rin sila,magkakaroon ng mga bagong armas at magsasanay ng mga bagong pili. Makikihalubilo sila sa mga kasiyahan sa kaharian at makikisalo sa hapag ng hari. Ito ang klase ng buhay ng pinangarap ni Thor at lahat iyon ay nakawala na sa kanyang mga palad.Nakaramdam si Thor ng pisikal na panghihina, ngunit sa tingin niya ay nasa isip niya lamang ang lahat. Ngunit hindi. May bahagi ng kanyang pagkatao na sumisigaw sa kanya. Sinasabihan siya na huwag sumuko,na hindi ito ang kanyang tadhana. Hindi niya alam kung saan iyon nanggagaling ngunit alam niyang wala ito doon sa tabi niya. Naramdaman niyang siya ay kakaiba. Walang makakaintindi sa kanya. Dahil lahat ay minaliit siya.Narating ni Thor ang tuktok ng pinakamataas na burol at kanyang nakita ang mga alagang tupa. Sinanay sila ng mabuti kaya magkakasama pa din ang mga ito habang kumakain ng kahit anong damo na kanilang makita. Binilang niya ang mga ito habang tinitingnan ang mga pulang markang kanynag inilagay sa mga likod nito. Bigla siyang natigilan. Isang tupa ang nawawala.Bunilang niya ito ng paulit ulit. Hindi siya makapaniwala. Isang tupa ang nawawala.Hindi pa nangyari ito noon at hinding hindi ito palalampasin ng kanyang ama. Ang masama pa dito, hindi niya gusto ang ideya na nagiisa at nawawala ang kanyang tupa. Ayae niyang makakita o isipin na nagdudusa ang isang inosenteng nilalang.Agad siyang tumayo pataas at hinagilap ang nawawalang tupa. Hanggang sa matanaw niya ito sa kabilang burol,ang nagiisang tupa, na may pulang marka sa likod nito. Ito ang pinaka mailap sa lahat ng kanyang mga alaga. Nalaglag ang kanyang puso ng kanyang mapagtanto na ang nawawalang tupa ay napadpad sa pinakamadilim na kagubatan sa bandang kanluran.Napalunok sa takot si Thor,dahil ang madilim na kagubatan na iyon ay hindi lamang oinagbabawal sa mga tupa, kundi pati sa mga tao. Lampas na ito sa nasasakupan ng kaharian at bago pa man siya makalapit dito ay napagtanto niya na hindi siya dapat pumunta doon. Ayon sa mga alamat at mga sabi sabi, ang pagpunta sa kagubatan na iyon ay maghahatid ng tiyak na kamatayan dahil napapalooban ito ng mga nakakatakot na mga nilalang.Unti unti ng dumidilim ang kalangitan. Hindi niya maaring iwan ang kawawang tupa. Marahil kung siya ay kikilos ng mabilis, baka makuha niya kaagad ang tupa.Matapos ang isa pang pagsusuri, ay agad siyang tumakbo papuntang kanluran,papalapit sa madilim na kagubatan. Nanghihina ang kanyang kalooban, ngunit patuloy sa pagtakbo ang kanyang mga paa. Wala ng atrasan, kahit na gustuhin niya.Para siyang tumatakbo palayo sa isang masamang panaginip.

*

Mabilis na tumakbo pababa si Thor ng walang hinto patungo sa madilim na kagubatan. Nawala ang marka ng daanan bago dumating mga puno papasok ng gubat. Nararamdaman ni Thor ang mga tuyong dahon na natatapakan ng kanyang mga paa.Sa pagpasok niya sa kagubatan, napalibutan ang paligid ng dilim. Nahaharangan ng matataas na puno ang liwanag galing sa araw. Bigla rin lumamig ang paligid at habang papasok si Thor ay nakaramdam siya ng matinding takot. Hindi dahil sa dilim o sa lamig ng hangin, nagmumula ang takot ni Thor sa ibang bagay. Isang bagay na hindi niya mapangalanan. Ito ang pakiramdam na parang may nakatingin at nagmamasid sa bawat kilos ni Thor.Tiningnan ni Thor ang mga naglalakihan at nagtitigasang mga sanga ng kahoy sa kanyang paligid. Nakakaialng hakbang pa lamang siya sa loob ng gubat ay ibat ibang tunog na ng mga kakaibang hayop ang kanyang narinig. Lumingon siya palikod at hindi na niya matanaw ang kanyang pinasukan na daan, pakiramdam niya ay wala ng daan palabas.

Ang madilim na kagubatan ay natatago mula sa kaharian at sa kamulatan ni Thor. Punong puno ito ng misteryo. Sino mang tao na nakawala ng alagang tupa sa kagubatan na iyon ay hinding hindi susubukang pumasok dito. Kahit ang kanyang ama. Ang mga kwento tungkol sa mga kababalaghan sa kagubatan ay masyadong nakakapanghilakbot.

Ngunit may kakaiba sa araw na ito na hindi pumigil kay Thor para pumasok sa madilim na gubat. May bahagi ng kanyang sarili ang gustong gawin lahat para lamang makalayo sa lugar na kinalakihan niya.

Naglakad pa siya palayo hanggang sa tumigil siya,hindi sigurado kung saan pupunta. Nakakita siya ng mga nabaling mga sanga na marahil dinaanan ng kanya tupa kaya sinundan niya ang daan na ito.Makatapos ang isang oras, tuluyan na siyang naligaw. Sinubukan niyang hanapin ang daan pabalik ngunit hindi na niya ito makita. Wala na siyang ibang paraan kung hindi ang maglakad ng maglakad.Sa malayo, nakatanaw si Thor ng liwanag at agad niya itong pinuntahan. Ng marating ni Thor ang pinanggagalingan ng liwanag, hindi siya malapaniwala sa kanyang nakita.Nakatayo doon, nakatalikod kay Thor, ang isang lalaki na nakasuot ng asul na damit. Hindi, hindi ito isang tao. Nakatayo lamang ito, natatakluban ng talukbong ang kanyang ulo at hindi gumagalaw na parang walang pakialam sa kanyang paligid.Hindi alam ni Thor ang gagawin. Narinig na niya ang tungkol sa mga Druids ngunit ngayon pa lamang siya aktwal na nakakita nito. Base sa mga marka na nakaguhit sa mga damit nito, masasabi na hindi ito isang pangkaraniwang Druids, ang mga nasa kasuotan ay simbolo ng kaharian. Naguguluhan si Thor. Anong ginagawa ng isang Druid ng kaharian sa lugar na ito?.Pagkatapos ng matagal na paghihintay ay unti unti siyang hinarap ng Druid at agad itong namukhaan ni Thor. Hindi makapaniwala si Thor. Isa ito sa mga pinakakilalang Druids ng kaharian, ang personal na Druid ng hari. Si Argon, ang tanyag na tagapayo ng mga naging hari ng Kanlurang Kaharian. Kung ano man ang kanyang ginagawa sa kagubatan na ito ay isang malaking misteryo. Wari'y nananaginip lamang si Thor."Totoo lahat ng mga nakikita mo" ang sabi ni Argon kay ThorMalalim ang kanyang boses na parang nanggagaling sa mga puno. Ang mga malalaking mata nito ay nakatitig ka Thor na animo'y pumapasok sa kanyang katawan. Nakaramdam siya ng malakas na enerhiya na nagmumula sa Druid na parang nagmumula sa araw.Agad lumuhod si Thor at nagbigay galang."Nawa'y patawari ninyo ako sa aking panghihimasok" sabi ni ThorAng hindi paggalang sa tagapayo ng Hari ay hahantong sa pagkakabilanggo o pagkamatay. Isa ito sa mga batas na tumatak kay Thor simula noong siya ay bata pa."Tumayo ka anak" ang sagot ni Argon. "Kung nais kong lumuhod ka ay dapat sinabi ko iyon sa iyo kaagad"Dahan dahang tumayo si Thor. Lumapit si Argon at pinagmasdan si Thor hanggang sa hindi na mapakali si Thor."Nakuha mo ang mga mata ng iyong ina" sambit ni Argon"Mukhang nagkakamali po kayo, wala po akong ina" sagot ni Thor"Talaga? Ipinanganak ka sa pamamagitan lamang ng iyong ama?""Ang ibig ko pong sabihin ay namatay na po ang aking ina sa pagluluwal sa akin""Ikaw ay si Thorgrin, na nagmula sa angkan ng mga McLeod. Ang pinakabata sa apat na magkakapatid. Ang hindi napili." Ang tugon ni Argon.Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Thor. Na ang isang tulad ni Argon ay kilala ang isang tulad niya. Ni hindi niya maisip na may ibang makakakilala sa kanya sa labas ng kanilang nayon."Paano…niyo po…nalaman?" Tanong ni ThorNgumiti si Argon ngunit hindi ito sumagot.Napuno ng katanungan ang isipan ni Thor."Paano…" Nanginginig na tanong ni Thor, "…niyo po nakilala ang aking ina? Sino po siya?"Tumalikod si Argon at lumakod palayo."Sa ibang pagkakataon siguro" sambit ni ArgonTiningnan lamang ni Thor habang papalayo si Argon. Isa iyong pagkikita na punong puno ng tanong at misteryo at nangyari lahat iyon sa isang iglap. Napagtanto niya na hindi to dapat matapos sa ganito kaya agad niyang sinundan si Argon."Ano pong ginagawa ninyo dito?" Tanong ni Thor. Naglakad ng mabilis si Argon gamit ang kanyang tungkod. "Hinihintay niyo po ba ako?""Sino pa?" Tanong naman ni ArgonSinundan pa din ni Thor ai Argon papasok muli ng madilim na kagubatan."Ngunit bakit ako? Paano ninyo nalaman na nandito ako? Anong kailangan ninyo sa akin?"Madaming tanong" sagot ni Argon "pinupuno mo ang paligid. Kailangan mong makinig"Patuloy na sinundan ni Thor si Argon sa madilim na kakahuyan habang pinipilit na maging tahimik."Pumunta ka dito para sa nawawala mong tupa," sabi ni Argon, "matapang ka ngunit sinasayang mo lamang ang oras mo. Hindi siya makakaligtas"Nanlaki ang mata bi Thor."Paano niyo po nalaman""Madami akong alam tungkol sa mga mundong wala kang kamuwang muwang....wala pa sa ngayon"Labis na napaisip si Thor."Ngunit hindi ka makikinig. Ito ka. Matigas ang ulo tulad ng iyong ina. Hahanapin mo pa din ang iyong nawawalang tupa."Namula si Thor habang binabasa ni Argon ang kanyang isip."Kakaiba ka," dagdag ni Argon, "malakas ang determinasyon. Positibo ang mga katangian. Ngunit balang araw, iyon ang magiging dahilan ng iyong pagbagsak ."Nagsimulang umakyat sa isang madamong lugar si Argon, at agad sumunod si Thor."Gusto mong mapabilang sa Legion?""Opo!" Ang sagot ni Thor na puno ng pananabik. "May pagkakataon pa po ba ako? Kaya niyo po ba akong tulungan?"Biglang natawa si Argon at ang tunog ng kanyang tawa ay nagpatindig aa balahibo ni Thor."Kaya kong gawin ang lahat. Nakasulat na iyong tadhana. Ngunit nasasayo ang desisyon kung anong pipiliin mo"Hindi maintindihan ni Thor.Nakarating na sila sa dulo ng kagubatan. Tumigil si Argon at humarap kay Thor."Mahalaga ang iyong tadhana," sabi ni Argon, "huwag mo itong babalewalain"Nanlaki muli ang kanyang mga mata. Ang kanyang tadhana? Mahalaga? Nakaramdam ng tuwa at pagmamalaki si Thor."Hindi ko maintindihan. Ang mga sinasabi ninyo ay puro mga palaisipan . Ipaliwanag niyo po sa akin. "Biglang naglaho si Argon.Nabigla si Thor sa mga pangyayari. Sinubukan niyang magmasid sa paligid at makinig. Nananaginip lamang ba siya? Kathang isip lamang ba ang lahat ng iyon?Patuloy na nagmasid si Thor sa paligid. Sa kanyang pagmamasid ay nakakita siya ng galaw sa isang banda ng gubat. Nakarinig din siya ng ingay at sigurado siyang iyon na ang kanyang tupa.Agad agad niyang nilapitan ang pinagmumulan ng ingay. Habang papalapit ay hindi niya maalis sa isipan ang kanyang pakikipagusap kay Argon. Hindi pa din siya makapaniwala. Anong ginagawa ni Argon doon? Hinihintay ba siya niyo?,pero bakit? At anong meron sa kanyang tadhana?Tuwing iisipin ni Thor ang mga sinabi ni Argon ay mas lalo siyang naguluhan. Naalala niya ang banta ni Argon na huwag ng ipagpatuloy ang paghahanap sa tupa ngunit nagpatuloy pa din siya. Habang papalapit ay nakaramdam ng kakaiba si Thor,na parang may magaganap.Biglang napahinto si Thor aa paglalakad sa kanyang nakita. Lahat ng kanyang masamang panaginip ay nagkakatotoo na. Nagtayuan ang kanyang balahibo habang napapagtanto niya na hindi dapat siya pumunta sa kagubatan na iyon.Malapit sa kinatatayuan niya ay isang Sybold. Malaki ang katawan, nakatindig sa apat nitong mga paa at kasinglaki ng isang kabayo ngunit ito ang pinakakinatatakutang nilalang,hindi lamang sa madilim na kagubatan kundi pati sa buong kaharian. Hindi pa nakakakita si Thor ng ganitong nilalang ngunit madaming istorya tungkol dito. Para itong isang leon ngunit mas malaki at mas mabagsik na may mga nanlilisik na dilaw na mga mata. May mga nagsasabi na ang namumulang kulay nito ay nagmula sa batang kanyang biniktima.Nakarinig na din si Thor ng mga kwebto tungkol sa mga nakakita sa halimaw na ito. At wala sa mga ito ang nabuhay. May ilan na nagsasabing ang Sybold ay diyos ng kagubatan, isang pangitain. Kung anong pangitain? Hindi ito alam ni Thor.Dahan dahan siyang pumihit patalikod.Ang nanlilisik na mga mata ng Sybold ay nakatitig sa dirkesyon ni Thor habang naglalaway ito at nakalabas ang mga matatalim na pangil. Sa bunganga nito ay ang nawawalang tupa ni Thor,sumisigaw ngunit halos wala ng buhay. Dahan dahan kung kainin ng Sybold ang tupa na parang nasisiyahan ito sa paghihirap ng tupa.Hindi makayanan ni Thor habang pinagmamasdan ang paghihirap ng tupa. Pakiramdam niya ay siya ang rason sa paghihirap nito.Unang pumasok sa isip ni Thor na tumakbo na lamang paalis ngunit siguradong maabutan siya nito at hindi niya pwedeng hayaang mamatay ang tupa.Tumayo lamang siya doon na puno ng takot at alam niyang sa anumang sandali ay kailangan na niyang kumilos.Ng walang kahit anong plano ay kinuha niya ang kanyang tirador at mga bato sa kanyang tagiliran. Nanginginig niyang itinapat ang tirador.Pinakawalan niya ito at saktong tumama sa mata ng tupa, tagos hanggang sa utak nito. Patay na ang tupa. Tinapos na niya ang paghihirap nito.Galit na galit ang Sybold na natapos na ang kanyang paglilibang. Ibinagsak nito ang tupa sa lupa at ibinaling ang nanlilisik na mga mata nito kay Thor.Naglabas ito ng malakas at nakapangingilabot na tunog.Bago pa makalapit ito kay Thor ay kumuha na siya agad ng bato at inihanda ang kanyang tirador.Gumalaw ng mabilis ang Sybold, isa sa pinakamabilis na nilalang na nakita ni Thor. Agad nanalangin si Thor na sana'y matamaan niya ito dahil alam niyang wala na siyang oras upang tumira ng pangalawang bato bago pa ito makalapit sa kanya.Tumama ang bato sa kanang mata ng Sybold na nagpabagsak dito. Ang ganoong tira ay sigaradong magpapahirap sa ordinaryong hayop.Ngunit hindi ito isang ordinaryong hayop. Sumigaw ang Sybold sa sakit ng tama ngunit muli iton bumangon at tumakbo ng mabilis,kahit na nawala na ang isa nitong mata at may batong tumama sa kanyang utak. Wala ng ibang magagawa si Thor.Makalipas ng ilang segundo ay nakalapit na ang Sybold kay Thor,. Ginamit nito ang kanyang mga pangil at sinugatan si Thor sa balikat.Napasigaw sa matinding sakit si Thor. Ang sakit ay parang nanggaling sa tatlong matatalim na kutsilyo na itinusok sa balikat nito. Tumagas ang madaming dugo sa kanyang balikat.Pinatumba ng Sybold si Thor at dinaganan gamit ang apat na paa nito. Ibang klase ang bigat nito. Parang may elepante na tumapak sa dibdib ni Thor. Naramdaman niya ang pagdurog nito sa mga buto ni Thor.Binuksan ng Sybold ang kanyang bunganga at inilabas ang mga pangil. Gagamitin niya ang mga ito para kagatin sa leeg si Thor.Ngunit bago ito mangyari, hinawakan ni Thor ang leeg ng halimaw. Sobrang lakas nito. Unti unting nanghihina ang mga kamay ni Thor habang papalapit ang mga pangil ng halimaw. Naramdaman ni Thor ang mainit na hininga ng Sybold at ang laway nito na tumutulo sa kanyang leeg. Ito na ang katapusan ni Thor.Ipinikit ni Thor ang kanyang mga mata."Panginoon,tulungan niyo po ako. Bigyan niyo po ako ng sapat na lakas upang talunin ang nilalang na ito. Gagawin ko po ang lahat ng ipaguutos ninyo. Tatanawin ko po itong isang malaking utang na loob"At biglang may naramdaman si Thor. Isang matinding init na unti unting dumadaloy sa kanyang katawan. Binuksan niya nag kanyang mga mata at nagulat sa kanyang nakita; isang liwanag ang nagmula sa kanyang mga palad at ng itulak niya ang halimaw, nasubukan niyang pantayan ang lakas nito.Pinagpatuloy ni Thor ang pagtulak sa halimaw. Habang tumatagal ay nararamdaman niya ang lalo niya paglakas. At sa isang iglap ay naitapon niya ang halimaw patalikod at bumagsak ito sa lupa.Napaupo si Thor at hindi makapaniwala sa kanyang nagawa.Muling tumayo ang halimaw at muling tumakbo papunta kay Thor ngunit sa pagkakataon na ito, kakaibang lakas ang naramdaman ni Thor sa kanyang katawan.Sa pagatake ng halimaw, hinawakan ni Thor ang sikmura nito. Muling tumilapon ang halimaw at tumama sa isang puno.Napatitig lamang si Thor sa kanyang ginawa. Talaga bang naitapon niya ang isang Sybold?Muling tumayo nag Sybold at naghanda sa pagsugod.Sa paglapit nito, hinawakan namin ni Thor ang lalamuna ng halimaw. Pareho silang bumagsak sa lupa, nasa ibabaw ang halimaw. Umikot si Thor. Sinakal ni Thor ang halimaw habang nagpupumiglas ito. Pinagpatuloy ni Thor ang pagsakal at naramdaman niyang siya ay mas malakas na sa Sybold.Sa pagsakal ni Thor ay unti unting nanghina ang halimaw ngunit hindi bumitaw si Thor.Dahan dahang tumayo si Thor. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nagawa. Napatay niya ang isang Sybold.Alam niyang may kakaiba talaga sa araw na ito. Napatay niya ang pinakakinatatakutang halimaw sa buong kaharian. Walang gamit na anumang sandata o armas. Parang hindi totoo. Walang maniniwala sa kanya.Hindi niya maipaliwanag kung saan nanggaling ang kanyang kakaibang lakas. Sino ba siya talaga? Pawang mga Druids lamang ang may kapangyarihan at lakas na katulad ng sa kanya. Ngunit hindi naman siya isang Druids. Maging ang kanyang ama't ina.O hindi nga ba?Nang biglang may naramdaman si Thor na parang may nagmamasid sa kanya. Sa kanyang paglingon, nandoon si Argon, nakatindig habang pinagmamasdan ang patay na halimaw."Paano ka nakarating dito?"tanong ni Thor.Ngunit hindi sumagot si Argon."Nakita mo ba kung anong nangyari?" Patuloy ni Thor "hindi ko maintindihan!""Alam kong alam mo," sagot ni Argon, "alam mong hindi ka pangkaraniwan""Biglaang lakas ang aking naramdaman, kapangyarihan na hindi ko alam kung saan nagmula" sabi ni Thor"Energy field" sagot ni Argon, "maiintindihan mo din ito sa tamang panahon. Matututunan mo din itong kontrolin at gamitin."Patuloy ang pagdurugo ng balikat ni Thor. Matinding sakit. Hindi niya maisip kung anong maaring mangyari sa kanya kung walang tutulong sa kanya.Lumapit si Argon,inabot ang isang kamay ni Thor at inihawak sa sugat nito. Pumikot ito.Biglang nakaramdam si Thor ng init. Unti unti natuyo ang dugo sa kanyang braso at unti unting nawala ang sakit na nararamdaman niya.Tiningnan ni Thor ang kanyang balikat. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Naghilom na ang kanyang sugat. Natira lamang ang bakas ng tatlong pangil ng halimaw ngunit natuyo na ito. Wala ng dugo.Gulat na tumingin si Thor kay Argon."Paano mo ginawa yun?" Ang sambit ni Thor.Napangiti lamang si Argon."Hindi ako. Ikaw! Tinulungan lamang kita na ilabas ang iyong kapangyarihan""Ngunit wala akong kapangyarihan na makapagpagaling" litong tanong ni Thor"Wala nga ba?"ang tanging sagot ni Argon"Hindi ko maintindihan" hindi na mapakali si Thor. "Pakiusap. Ipaliwanag mo sa akin.""Malalaman mo din sa takdang panahon" sabi ni ArgonBiglang may naisip si Thor."Ibig sabihin ba nito ay maari na akong sumali sa Legion?" Tanong ni Thor, "..kung kaya kong pumatay na Sybold, magiging madali na para sa akin ang pakikipaglaban sa kahi na sino.""Maaari," sagot ni Argon"Ngunit ang pinili nila ay ang mga kapatid ko, hindi ako" sambit ni Thor."Hindi kayang pumatay ng halimaw ng mga kapatid mo""Kailan pa kinailangang piliin ng ibang tao ang isang tunay na mandirigma?" Patuloy ni ArgonBiglang nakaramdam ng kakaibang saya si Thor."Sinasabi mo ba na dapat akong pumunta doon kahit hindi ako pinili?"Ngumiti lamang si Argon."Ikaw ang gumawa ng iyong tadhana. Hindi tulad ng iba. " paliwanag ni ArgonAt sa iglap, bigla na lamang naglahong muli si Argon.Sinubukang hanapin ni Thor sa paligid si Argon."Dito!," sigaw ng isang bosesPaglingon ni Thor ay isang malaking bato ang tumambad sa kanyang harapan. Ang boses ay nagmula sa tuktok nito. Agad itong inakyat ni Thor.Pagdating niya sa tuktok, wala siyang nakita kahit anino ni Argon.Ngunit mula sa kinatatayuan niya, nakita niya ang daan palabas ng madilim na kagubatan at ang daan patungo sa kaharian."Nandiyan na ang daan, nasasayo na lamang kung susundan mo ito" bulong ng isang boses.Walang ibang tao na nakita si Thor ngunit alam niya na nariyan lamang sa paligid si Argon at hinihikayat siya. Marahil ay tama siya.Ng walang pagaalinlangan ay bumababa siya mula sa bato at sinundan at daan palabas ng kagubatan.Ang daan papunta sa kanyang tadhana.

Yaş sınırı:
16+
Litres'teki yayın tarihi:
09 eylül 2019
Hacim:
294 s. 8 illüstrasyon
ISBN:
9781632912503
İndirme biçimi:
Serideki Birinci kitap "Singsing ng Salamangkero"
Serinin tüm kitapları
Metin
Ortalama puan 5, 1 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 4,8, 6 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 5, 1 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 4,8, 5 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 5, 2 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre