Kitabı oku: «Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani », sayfa 3

Yazı tipi:

IKATLONG KABANATA

Si Haring MacGil, makisig ngunit hindi katangkaran na may mahabang bigote at balbas na kulay ulap, at malapad na noong napupuno na ng linya ay nakatindig sa mataas na balkunahe ng kaniyang kaharian. Katabi niya ang reyna habang pinagmamasdan ang nagyayaring kasiyahan sa loob ng kaharian, isang malawak at mataas na kaharian na napapalibutan ng pader na yari sa bato. Sa loob nito ay matatagpuan ang Korte ng Hari. Ito ay lugar na punong puno ng mga bahay na yari sa bato. Tirahan ng mga mandirigma, mga tagapangalaga,mga kabayo, ang Legion, ang Silver, ang mga tagabantay ng kaharian, ang lugar para sa mag sandata at armas at daang daang mga mamamayan na piniling manirahan sa loob ng mga pader ng hari. Bawat daan ay puno ng mga halaman, hardin, mga lugar para sa pagdiriwang. Ang korte ng Hari ay mas lalong ipinagtibay simula pa noong mga ninuno at naunang mga hari, kaya ito na marahil ang pinakaligtas na lugar sa buong kanlurang kaharian sa loob ng Bilog na KalupaanPinagkalooban si Haring MacGil ng mga pinakamagagaling at pinakamagigiting na mga mandirigma kaya sa buong buhay niya bilang Hari, walang sino man ang nangahas na umatake at lumaban sa kaharian. Siya ng ikapitong MacGil na tumapak sa trono, may tatlumput tatlong taon na bilang hari at isa siyang mabuti at matalinong hari. Naging matiwasay ang kaharian dahil sa kanyang pamumuno. Dinoble niya ang bilang ng mga mandirigma, pinalawak ang kanyang nasasakupan, tinulungan ang bawat mamamayan kaya wala silang masasabi na kahit anong masama tungkol sa kanya. Siya ang pinakamapagbigay na hari kaya ang kaharian ay nanatiling masagana at tahimik ng siya ang namuno.Subalit, hindi matahimik ang hari. Sa kasaysayan ng kaharian, ito ang pinakatagal na panahon kung saan walang digmaan. Hindi na rin niya iniisip kung sino at kailan may aatakr sa kaharian.Ang pinakakinatatakutan na lamang niya ay ang mga maaring lumaban mula sa labas ng Bilog na Kalupaan. Mula sa kaharian ng mga rebelde na pumwersa sa mga tao na pumasok sa loob ng Bilog na Kalupaan. Para kay MacGil at ang pitong henerasyon ng mga hari na nauna sa kanya, hindi pa naging sagabal ang mga rebelde sa kaharian. Dahil iyon sa magandang kinalalagyan ng kaharian, isanv perpektong bilog na napalilibutan ng mataaas na pader na yari sa bato at ng isang matinding enerhiya na nagsilbing pananggalang ng kaharian simula pa noong unang mamuno ang mga MacGil. Ilang beses ng sinubukan ng mga rebelde na siraan ang sanggalang at ang pader ngunit nabigo sila. Kaya habang sila ay nananatili sa loob ng kaharian, sila ay ligtas.Ngunit hindi iyon nangangahulugan na wala ng magiging banta mula sa loob ng kaharian. At iyon ang dahilan kung bakit hindi makatulog sa gabi ang Hari. Ito ang dahilan ng pagdiriwang ngayong araw. Ikakasal ang kanyang panganay na anak na babae. Isang kasal upang makipagkasundo sa kanyang mga kaaway mula sa Silangang kaharian sa loob ng Bilog na Kalupaan.Malawak ang sinasakupan ng Bilog na Kalupaan. Ngunit nahati ito sa gitna ng mga naglalakihang mga bundok. Sa kabilang bahagi nito ay ang Silangang Kaharian na pinamumunuan na isa pang hari at kanilang matagal ng mga kalabas, ang mga McClouds. Hindi marunong makuntento ang mga McClouds. Hindi sila nasisiyahan sa bahagi na kanilang pinamumunuan. Maging ang mga matataas na kabundukan sa gitna ay kanila ring kinukuha kahit na halos kalahati nito ay pagmamayari ng mga MacGil. Kaya simula pa noon ay nagbabanta sila ng digmaan.Hindi maiwasan ni MacGil ang mabalisa. Dapat lang maging masaya ang mga McClouds dahil ligtas sila sa loob ng Bilog at napoprotektahan ng pader. Wala silang dapat ikatakot. Bakit hindi pa sila makuntento? Dahil pinalakas ni MacGil ang pwersa ng kanyang mga mandirigma kaya hindi masubukang umatake ng kabilang panig. Ngunit, matalas ang isip ni MacGil at alam niyang ang katahimikan na ito ay hindi magtatagal. Kaya pinagkasundo niya ang kanyang anak na babae sa panganay na anak na lalaki ng mga McClouds para sa isang kasal. At dumating na ang araw ng kasal.Sa kanyang pagtingin sa ibaba, daan daang mga tauhan ng kaharian ang kanyang nakita na nagkalat sa buong sulok ng kaharian. Nakadamit ng nagtitingkaran na mga kasuotan. Dahil hindi lamang ito araw ng kasal, ito ay araw para iparating ang kanyang mensahe sa mga McClouds.Daan daang ring mga mandirigma ang nagkalat sa buong kaharian.Sapat na dami ng mandirigma na magpapakita sa lakas ng kanlurang kaharian. Ngunit umaasa pa din ang hari na sana'y maging matiwasay ang lahat sa araw na ito.Pinagmasdan niya ang lahat ng mga nangyayari. Inisip din niya ang lahat mga magaganap na mga paligsahan at palaro pagkatapos ng kasal. Panigurado ay magdadala rin ang mga McClouds ng mga sariling mga tauhan at bawat paligsahan ay may kahulugan sa kanila. Magkaroon lamang ng konting gusot ay maari itong mauwi sa digmaan."Mahal na Hari?"Naramdaman niya ang malambot na kamay ng kanyang reyna sa kanyang balikat, si Krea, na siya pa ding pinakamagandang babae na nakita ng hari sa kanyang buhay. Masaya ang kanilang pagsasama. Mayroon silang limang anak, tatlo doon ay lalaki, at wala silang naging reklamo kahit kailan. Siya din ang pinakapinagkakatiwalaang tagapayo ng hari. Mas matalino pa ang reyna kaysa sa mga lalaking tagapayo at maging sa hari."Ang araw na ito ay puno ng pulitika" sabi ng reyna, "ngunit araw din ito ng kasal ng iyong anak. Subukan mong magsaya. Ngayon lamang mangyayari ito.""Hindi ako nagaalala noong walang wala pa tayo, pero ngayong nasa atin na ang lahat puro pagaalala ang nararamdaman ko. Ligtas tayo pero iba ang nararamdaman ko"Tumingin lamang ang reyna sa kanyang mga mata. Ang mga malalaki at kulay lupang mga mata ng reyna ay nangungusap na parang alam niya ang lahat. Mayroon siyang mahabang buhok na mamumuti na. May mga ilang linya na sa kanyang mga mata ngunit wala pa ring nagbago sa kanyang magandang mukha."Iyon ay dahil hindi ka talaga ligtas," sabi ng reyna, "walang hari ang ligtas. Madaming espiya ang nasa loob ng iyong kaharian. At hindi na magbabago iyon."Lumapit ito sa hari at hinalikan."Subukan mong magsaya" ang sabi ng reyna, "isa itong kasal"Tumalikod ang reyna at pumasok sa loob.Pinagmasdan lamang ng hari ang papaalis niyang reyna. Tama siya; palagi naman siyang tama. Gusto niyang makisaya. Mahal niya ang kanyang anak at isa itong kasal. Isa itong napakagandang araw, kasabay ng napakagandang panahon. Paparating na ang tagaraw,ngunit malamig pa din ang simoy ng hangin. Magaganda ang sibol ng mga puno at halaman. Nagtitingkaran ang mga kulay ng mga bulaklak,l. Asul, dilaw, berde at madami pa.Walang ibang gustong gawin nag hari kundi ang makisaya kasama ang kanyang mga tauhan, pagmasdan ang kanyang anak sa kaniyang kasal at uminom ng alak hanggang sa hindi na niya kaya.Ngunit hindi maari. Madami pa siyang kinakailangang asikasuhin bago makalabas ng kaharian. Dahil ang araw ng kasal ng kanyang anak ay nangangahulugan ng mas madaming obligasyon para sa hari, kinakailangan din niyang makipagusap sa kanyang mga tagapayo; kasama ang kanyang mga anak at ang mahabang pila ng mga tao na may karapatan upang makita ang hari. Maswerte na ang hari kung matapos niya ang lahat bago magsimula ang kasiyahan.

*

Si haring MacGil, suot ang kanyang pinakamarangyang kasuotan, itim na pantalon, gintong sinturon, ang kasuotan ng hari na yari sa pinakamagandang klase ng tela, makintab na sapatos at suot ang kanyang gintong korona na napalilibutan ng mamahaling bato, ay bumaba sa kastilyo na puno ng mga tauhan. Dinaanan niya ang mga ibat ibang silid na may mga naglalakihang mga pinto. Hanggang sa makarating siya sa dulong pinto na yari sa isang puno ng narra. Binuksan ito ng mga tauhan at saka pumasok ang hari. Ang silid ng trono.Nagtayuan ang mga tagapayo sa pagpasok ng hari."Magsiupo kayo", ang sambit ng hari. Pagod na siya dahil sa mga gawain sa kaharian at gusto na niyang matapos ang lahat.

Inikot niya ang silid ng trono na sadya namang nakakamangha. Nagtataasan ang mga kisame nito,ang mga pader nito ay napapalibutan ng mga salamin at ang sahig naman ay yari sa bato. Kaya nitong pagkasyahin ang isang daang tao ngunit sa mga ganitong araw, tanging ang hari at ang kanyang mga taga payo ang nasa loob ng silid. Sa gitna ng silid ay may malaking lamesa na hugis bilog. Doon nakahilera ang kanyang mga tagapayo.Umupo siya sa kanyang trono. Isang malaking silya na kulay ginto at pulang mga unan. Dito umupo ang kanyang ama, ang kanyang lolo at lahat ng mga naging hari ng kaharian na ito. Sa kanyang pagupo, nakaramdam siya ng bigat sa pakiramdam.

Pinagmasdan niya ang kanyang mga tagapayo. Nandoon si Brom, ang kanyang magaling na heneral at tagapayo sa mga kawal; si Kolk, ang pinuno ng Legion; Aberthol, ang pinakamatanda, iskolar at naging tagapayo ng hari sa loob ng tatlong henerasyon; si Firth, tagapayo ukol sa internal na mga gawain, isang maliit na lalaki na may puting buhok. Si Firth ang tanging hindi pinagkakatiwalaan ng hari. Hindi rin niya maintindihan ang tunay na papel niya sa kaharian. Ngunit nagsilbi si Firth noong panahon pa lamang ng kanyang ama at bilang respeto ay tinanggap niya pa din ito. Nandoon din si Owen, ang kanyang taga ingat yaman; Bradaigh, tagapayo para sa mga external na gawain ng hari; si Earnan, ang tagakolekta ng buwis; Duwayne, ang tagapayo ukol sa mga mamamayan at si Kelvin, ang kinatawan ng mga marangal.Ang hari pa din ang kumokontrol ar nagdedesisyon sa lahat. Ngunit ang kaharian nila ay liberal at ang kanyang mga ninuno ay binibigyan ng malaking importansya ang opinyon ng mga marangal, sa pamamagitan ng kanilang kinatawan. Sa kasaysayan ng kaharian, hindi naging madali ang pagbalanse sa desisyon ng hari at ng mga marangal. Ngunit ngayon ay mas nagiging matiwasay na ang lahat. May mga ilang pagkakataon lamang na nagkakaroon ng mga hindi pagkakasunduan.

Habang pinagmamasdan niya ang kanyang mga tagapayo, kanyang napansin na wala ang pinakagusto niyang makita at makausap sa lahat, si Argon. Katulad ng dati, kung saan saan at bigla bigla na lamang nagpapakita si Argon. Hindi ito nagugustuhan ni MacGil, ngunit tinanggap niya pa din ito. Kakaiba talaga ang mga Druids. Gusto na niyang matapos ang lahat ng ito, madami pa siyang kakailanganing gawin bago ang kasal.Nakapalibot ang mga tagapayo sa bilog na lamesa. Nakaupo sa mga upuan na yari sa matitibay na punong kahoy.

"Maari na po ba nating simulan?" Ang sabi ni Owen

"Sige. Ngunit pakiiklian lamang ito. Madami pa akong kailangang gawin."

"Makakatanggap ngayon ng mga magagarbong regalo ang inyong mahal na anak. Madaming mamamayan ang magbibigay puri at maghahandog ng alay sa inyo na makakadagdag din sa ating pondo. Ngunit madaming preparasyon para sa araw na ito na siguradong makakabawas ng malaki sa ating pondo. Imumungkahi ko na taasan ang buwis ng mga mamayan, isahang buwis upang mabawi ang mawawala sa pondo dahil sa pagdiriwang na ito."

Nakaramdam ng labis na pagaalala ang hari dahil sa pagbasak ng pondo. Ngunit hindi niya maaring taasan muli ang buwis.

"Mas mabuti pa ang magkaroon ng mababang pondo kaysa mawala ang mga tapat na mga tao" sagot ni MacGil. "Ang ating yaman ay nagmumula sa masasaya nating mga mamamayan. Hindi natin dapat sila pahirapan."

"Ngunit mahal na hari, kung hindi po natin…"

"Nakapagdesisyon na ako. Sunod!"

Napabalik na lamang sa kanyang upuan si Owen.

"Mahal na hari," ang sagot ni Brom gamit ang malalim na boses nito, "tulad po ng pinaguutos po ninyo, pinakalat ko na po ang ating mga tauhan sa lugar na pagdadausan ng pagdiriwang. Nakakahanga po ang maipapakita nating hukbo ngunit kung sakaling may gulo na mangyari sa ibang bahagi ng kaharian, hihina po ang ating pwersa"Tumango lamang ang hari."Hindi aatake ang ating mga kalaban habang pinapakain natin sila."

Nagsipagtawanan ang mga tagapayo.

"At anong balita sa mga bulubundukin?""Wala pong natala na kahit anong galaw simula pa noong isang buwan. Mukhang naghahanda po ang lahat para sa kasal. Marahil ay handa na silang makipagkasundo"Hindi sigurado ang hari sa bagay na iyon."Maaring ang kasal ay naging tagumpay o kaya naman ay naghihintay lamang sila ng tamang oras upang sumugo. Ano sa tingin mo?" Tanong ng hari kay AbertholNilinaw ni Aberthol ang kanyang lalamunan, "mahal na hari, kailanman ay hindi pinagkatiwalaan ng inyong ama at lolo ang mga McClouds. Kung sila man ay natutulog, hindi ito nangangahulugan na hindi na sila magigising."Tumango lamang si MacGil."At kamusta naman ang Legion?" Tanong niya kay Kolk.

"Ngayon po ipapakilala ang mga bagong kasapi," sagot ni Kolk, sabay tango.

"Kasama ang aking anak?" Anong ng hari

"Nangibabaw po siya sa lahat mahal na hari"

Tumango muli ang hari at tumingin kay Bradaigh

"Anong balita mula sa labas ng ating sanggalang?""Mahal na hari, mas madami pong nakitang pagtatangka na makapasok sa ating sanggalang. Nangangahulugan po ito na maaring naghahanda sa pagatake ang mga rebelde"

Nagbulungan ang mga tagapayo at nakaramdam ng takot si MacGil. Matibay ang kanilang sanggalang, ngunit hindi pa din niya maiwasan ang magisip ng mga posibilidad."Paano kung biglaan silang umatake?" Tanong ng hari"Hangga't nariyan ang ating sanggalang,hindi magtatagumpay ang mga rebelde. Ilang milenyo na nilang sinusubukang makapasok. Wala tayong dapat ikatakot."Hindi pa rin makampante ang hari. Matagal na mula noong umatake ang mga rebelde at hindi niya maiwasang magisip kung kailan ulit ito mangyayari."Mahal na hari," sambat ni Firth, "kailangan ko po kayong sabihan na nagsidatingan na ang mga matataas na kinatawan ng mga McClouds. Isang insulto para sa kanila kung hindi natin sila haharapin, kalaban o hindi. Iminumungkahi ko na gumawa kayo ng panahon upang batiis ang bawat isa sa kanila. Madami silang handog na regalo at ayon sa mga bulong bulungan, may dala din silang mga espiya.""Sino din ang magsasabi na wala pa ang mga espiya dito sa loob?" Sagot ni MacGil habang tinitingnan ng mabuti si Firth at iniisip kung siya ba mismo ay isang espiya.Bago makasagot si Firth, itinaas ng hari ang kanyang kamay sabay buntong hininga.

"Kung tapos na, ako'y aalis na upang dumalo sa kasal ng aking anak.""Mahal na hari," dagdag ni Kelvin "mayroon pa po. Isang tradisyon na tuwing kasal ng unang anak ng hari ay papangalanan ang tagapagmana ng inyong trono. Hihintayin po ng mga mamamayan ang inyong anunsyo. Ito po ay naging usap usapan. Mas makakabuti kung hindi niyo po sila bibiguin lalo na at ang 'espada ng tadhana' ay nananatiling hindi gumagalaw."Pipilitin mo akong pangalanan ang aking tagapagmana habang nakaupo pa ako sa aking trono?" Tanong ng hari"Mahal na hari, hindi ko po intensyon na…"Itinaas muli ng hari ang kanyang kamay. "Alam ko ang tradisyon. At magpapangalan ako ng aking tagapagmana ngayong araw""Hindi mo ba sasabihin sa amin kung sino?"tanong ni FirthTinitigan lang muli ng hari si Firth. Hindi niya ito pinagkakatiwalaan."Malalaman niyo din sa tamang panahon"Tumayo ang hari at sumunod ang mga tagapayo. Nagbigay galang ang mga ito bago lumabas ng silid.Tumindig lamang doon ang hari at nagisip. Ito ang mga araw na hinihiling niya na sana'y hindi siya nag hari.

*

Naglakad ang hari patungo sa isang maliit na pinto sa loob ng silid. Binuksan niya ito at pumasok.Gusto ng hari ang katahimikan at katiwasayan sa loob ng maliit na silid. Ang buong silid ay yari sa bato. Ang liwanag sa silid ay nagmumula lamang sa iisang bintana. At ang natatanging laman ng silid na ito ay ang Espada ng Tadhana.Ang espada ay nakatusok sa isang napakalaking bato. Bata pa lamang ang hari ay nandoon na espada. Naalala niya kung paano niya ito palibutan at suriin. Ang Espada ng Tadhana. Ang pinagmumulan ng lakas ng kapangyarihan ng buong kaharian. Kung sino man ang may lakas upang tanggalin at hugutin ang espada ay ang Natatangi. Ang nagiisang nakatadhana upang maghari sa haba ng panahon. Ang nagiisang magbibigay ng kalayaan laban sa mga banta at panganib sa loob at labas ng kaharian at ng Bilog na Kaharian. Kinalakihan ni MacGil ang alamat na ito. Kaya ng siya ay maging hari, agad niyang sinubukang hugutin ito. Tanging mga hari lamang ang maaring sumubok dito at lahat sila ay nabigo. Sigurado siyang hindi siya mabibigo.Ngunit nagkamali siya. Ang kanyang pagkabigo ay nakaapekto sa kanyang pagiging hari.Habang tinititigan niya ito, nararamdaman pa din niya ang pagkabigo. Sinuri niya ang mahabang patalim nito na kailan man ay hindi pinagaralan ng mga eksperto. Ang kwento tungkol sa pinagmulan nito ay hindi rin malinaw. Ayon sa mga nakakatanda, ang espada ay nagmula sa ilalim ng lupa dala ng isang lindol.Siya ay isang mabuting hari ngunit hindi siya ang Natatangi. Alam ng mga tao iyon. Alam ng kanyang mga kalaban. Mabuti siyang hari ngunit kailanman ay hindi siya ang magiging Natatangi.Kung siya man ito, marahil ay mas magkakaroon ng kapayapaan at mawawala ang mga pagdududa at di pagkakasunduan. Mas pagkakatiwalaan siya ng kanyang nasasakupan at hindi na iisipin pang umatake ng mga kalaban. Isang bahagi niya ang nagnanais na mawala ba lamang ang espada at ang kwento tungkol dito. Ngunit hindi ito mangyayari. Dahil iyon ang kapangyarihan at sumpa ng isang alamat. Mas malakas pa kaysa sa hukbo ng mga mandirigma.Habang pinagmamasdan niya muli ang espada, hindi ulit maiwasan ng hari na magisip kung sino ba talaga. Sino sa kanyang mga kadugo ang nakatadhana para dito? Habang iniisil niya ang mga ito, pumasok sa isip niya ang kanyang magiging tagapagmana at kung kakayanin ba nito na hugutin ang espada."Mabigat ang espada, "sambit ng isang bosesLumingon si MacGil at nabigla na may kasama na pala siya sa silid.Doon ay nakatindig si Argon. Nakilala ni MacGil ang boses nito. Nakaramdam ng inis ang hari dahil nahuli ito ng dating,ngunit nakaramdam din siya ng saya at dumating na si Argon."Huli ka na!" Sabi ni MacGil."Ang iyong sense ng oras ay hindi applicable sa akin."Muling tiningnan ni MacGil ang espada."Naniwala ka ba sa akin na kaya kong hugutin ang espada?" Tanong ng hari, "noong naging hari ko?""Hindi." Agad na tugon ni ArgonLumingon ang hari at tinitigan si Argon."Alam mong hindi ko magagawa? Hindi ba? Nakita mo?""Oo"Napaisip muli si MacGil."Tinatakot mo talaga ako kapag sinasagot mo ako ng diretso. Hindi ikaw ito."Nanatiling tahimik si Argon hanggang sa mapagtanto ni MacGil na hindi na ito sasagot."Papangalanan ko na ang magiging tagapagmana ng trono ko sa araw na ito."sabi ni MacGil. "Nakakalungkot isipin na papangalanan ko ang papalit sa akin. Parang kinukuha ang saya sa bawat hari sa araw ng kasal ng anak nila"

"Marahil ang ganoong kasiyahan ay nakalaang tapusin"

"Subalit marami pa akong taon upang mamuno" ang paliwanag ni MacGil

"Marahil hindi ito kasingdami tulad ng naiisip mo," sagot ni Argon

Nanlaki ang mga mata ni MacGil. May nais ba siyang ipahiwatig?

Ngunit wala ng idinagdag si Argon.

"Anim na anak. Sino ang pipiliin ko?" Tanong ni MacGil

"Bakit ako ang tatanungin mo? Hindi ba't nakapili ka na?"

Tumingin lamang siya si Argon. "Lahat talaga nakikita mo. Oo, nakapili na ako. Ngunit gusto ko pa ding malaman a g opinyon mo"

"Sa tingin ko ay tama ang iyong desisyon," sagot ni Argon, "ngunit tandaan mo na walang hari ang maaring mamuno mula sa kanyang libingan. Kung sino man ang iyong mapili, tadhana pa rin ang masusunod"

"Mabubuhay ba ako, Argon?" Agad na tanong ni MacGil. Matagal na siyang binabagabag ng tanong na iyon simula ng siya magising mula sa isang masamang panaginip.

"Kagabi, nanaginip ako ng isang uwak," dagdag niya, "tinangay nito ang aking korona. At isa pang uwak ang tumangay sa akin. At habang dinala niya ako paitaas, nakita ko ang buong kaharian. Binalutan ng kadiliman"

Tumingin siya kay Argon, nangingilid ang luha.

"Panaginip lang ba iyon? O may iba pa itong kahulugan?"

"Lahat ng panaginip ay may kahulugan, hindi ba?" Tanong ni Argon

Palubog ng palubog ang pakiramdam ni MacGil.

"Nasaan ang panganib? Sabihin mo sa akin."

Lumapit si Argon at tumitig sa mga mata ni MacGil at bumulong.

"Palaging nandiyan lang, malapit sayo."

IKAAPAT NA KABANATA

Sumakay at nagtago sa likod ng isang kariton na yari sa straw habang binabagtay ang daan patungo sa kastilyo ng hari. Tinahak niya ang daan palabas ng madilim na kagubatan buong gabi at naghihintay ng dadaan na kariton kung saan maari niyang sakyan ng hindi siya napapansin. Madalim ang daan at mabagal na dumating ang kariton, tamang tama para makahabol si Thor at makasakay sa likod nito. Puno ito ng mga dayami na siya niyang pinagtaguan. Hindi siya napansin ng mayari. Hindi sigurado si Thor kung sa kastilyo ng hari ang punta nito ngunit mukhang doon ang direksyon nito.Habang tinatahak nila ang daan, buong gabing gising ay nagiisip si Thor tungkol sa kanyang pakikipagsagupaan sa Sybold. Kay Argon. Ng kanyang tadhana. Ang kanyang lugar na kinalakihan. Ang kanyang ina. Animo'y binigyan siya ng kasagutan ng kalangitan at sinabing mayroon siyang bagong tadhana. Nakahimlay siya doon haabng nakatingin sa kalangitan. Pinagmasdan niya ang mga naglalakihan at kumikinang na mga bituin sa langit. Punong puno siya ng galak. Sa buong buhay niya, ngayon lamang siya naglakbay. Hindi niya alam kung saan, ngunit magpapatuloy siya. Sa kahit anong paraan, pupunta siya sa kastilyo ng hari.Nang imulat ni Thor ang kanyang mga mata, umaga na at sumikat na ang araw. Nakatulog siya. Agad siyang umupo at sinuri ang paligid. Dapat siyang mas magingat. Buti na lamang at walang nakakita sa kanya.Gumagalaw pa din ang kariton ngunit mas makinis na ang mga dinadaanan nito. Nangangahulugan na malapit na sila sa siyudad. Tiningnan ni Thor kung gaano kakinis at kapatag ang daanan. Walang mga bato. Bumilis ang tibok ng puso ni Thor, papalapit na sila sa kastilyo.Sumilip si Thor sa labas at namangha siya sa kanyang nakita. Ang mga daan ay puno ng mga ibat ibang mga dekorasyon. May mga tindahan ng ibat ibang mga bagay. Madaming mga karton at karwahe ang nasa daan. Ang bawat isa sa mga ito ay may mga dalang damit na yari sa balahibo ng hayop, mga basahan at maging mga manok. Kasabay dito ay ang mga nagtitinda, mga tagapagalaga ng tupa at ang iba ay may mga dala dalang buslo sa kanilang mga ulo. Daan daan ang mga tao at lahat sila ay papunta sa iisang direksyon.Nabuhayan si Thor. Ngayon lamang siya nakakita ng ganoong kadaming tao, paninda at mga pangyayari. Lumaki siya sa maliit na nayon at ngayon ay napalilibutan siya ng madaming tao.Nakarinig siya ng malakas na tunog, ang kalansing ng kadena, ang pagputol sa mga punongkahoy na sa sobrang lakas, gumagalaw ang lupa. Kanyang napagtanto na sila ay kasalukuyang dumadaan sa isang tulay.Sinilip ni Thor ang labas. Namangha siya sa mga haligi na yari sa bato at ang malaking tarangkahan sa kanilang harapan. Papasok na sila sa kastilyo.Ito ang pinakamalaking tarangkahan na kanyang nakita. Sa itaas nito ay may mga matatalim na mga bakal na kung siya ay mababagsakan nito, mahahati ang kanyang katawan. Natanaw niya ang mga miyembro ng Silver na nakabantay sa harapan. Mas lalong bumilos ang tibok ng kanyang puso.Pumasok sila sa isang madilim na lagusan hanggang sa tuluyan na silang makarating sa loob ng kastilyo, ang korte ng hari.Hindi makapaniwala si Thor sa kanyang nakikita. Mas madami pang nagaganap sa loob at libo libong tao ang nagkalat sa bawat sulok nito. Malawak ang damuhan at napapalibutan ito ng mga naggagandahang mga bulaklak. Malapad ang daanan, at sa tabi nito ay mga ibat ibang tindahan, mga mamimili at mga gusali na yari sa bato. At sa paligid nito ay ang mga kawal at tauhan ng kaharian na nakasuot ng mga armas. Sa wakas, nakarating na sila.Sa kanyang galak, bigla siyang napatayo. Sa kanyang pagtayo, biglang huminto ang kariton at agad na bumagsak si Thor. Maya maya ay nagbukas ang likod ng kariton at umambad ang galit na galit na matandang lalaki. Hinila nito si Thor at itinulak papalabas.Bumagsak si Thor sa isang mabuhanging parte ng daan. Nagtawanan ang mga tao sa kanyang paligid."Sa susunod na sasakay ka sa kaeiton ko, mananagot ka na sa akin. Swerte ka at hindi kita pinahuli sa mga miyembro ng Silver" galit na sambit ng matanda.Tumalikod ang matanda at dali daling bumalik sa kanyang kariton.Dali daling tumayo si Thor aa sobrang kahihiyan. Pinagmasdan niya ang kanyang paligid. Ilang mga tao ang nagtatawanan. Tinitigan niya ang mga ito hanggang sila ay huminto.Bumalik ang kanyang sigla dahil sa kamangha manghang paligid na kanyang nakikita. Ang mahalaga ay nakarating siya. Ngayon, maari na siyang maglibot ng walang tinataguan. Sa gitna ng siyudad matatagpuan ang kastilyo ng hari na napaliligiran ng mga bandera na may simbolo ng hari at binabantayan ng mga kawal ng kaharian. Ang kanyang buong paligid ay puno ng luntiang mga halaman, mga nagtataasang gusali. Ito ay isang siyudad. At ito ay binabaha ng mga tao.Lahat ng mga tao, mga mamayan, mga tindero at mamimili, ay animo'y mga nagmamadali. Unti unting napagtanto ni Thor na may nagaganap na pagdiriwang. Sa kanyang pagmamasid, nakita niya ang mga paghahanda ng mga upuan at isang altar. Lahat ay naghahanda para sa isang kasal.Bahagyang tumigil ang kanyang paghinga ng kanyang makita mula sa malapit na distansya ang linya ng mga kawal at mandirigma. Pinalilibutan nila ang altar. Sa kabilang banda naman, ay may mga kawal na gumagamit ng mga sandata upang tamaan ang mga nakalagay na target mula sa malayo. Ang iba naman ay gumagamit ng pana. Buong paligid ay puno ng mga palaro at paligsahan. Mayroon ding musika tulad ng pluta, gitara at nagkalat na mga musikero; bote bote ng mga alak na inihahain sa mga lamesa; sangkatutak na mga pagkain na parang walang katapusan sa dami.Sa kabila ng nakamamanghang kasiyahan, kailangan ng hanapin ni Thot ang Legion. Huli na siya at kailangan na niyang ipakilala ang kanyang sarili.Agad niyang nilapitan ang unang tao niyang nakita, na isang tagakatay ng hayop, base sa mantsa ng dugo sa kanyang kasuotan. Lahat ng tao ay nagmamadali.

"Mawalang galang na po ginoo," sambit ni Thor sabay hawak sa braso nito

Agad na napatingin ang ginoo kay Thor

"Ano yun?"

"Hinahanap ko po nag Legion. Alam niyo po ba kung saan sila nagsasanay?"

"Mukha ba akong mapa?" Naiinis na sagot ng ginoo sabay alis.

Nagulat si Thor sa pagtrato sa kanya ng ginoo.Agad siyang lumapit sa sumunod na taong kanyang nakita. Isang ginang na nagmamasa ng harina sa isang lamesa. May ilang ginang na nagtatrabaho sa may lamesa. Sigurado si Thor na isa sa kanila marahil ang may alam.

"Mawalang galang na ginang" aniya, "alam niyo po ba kung saan nagsasanay ang Legion?"Nagtinginan nag mga ginang at sabay nagtawanan. Ang ilan sa kanila ay mas nakakatanda kay Thor.Lumingon ang pinakamatanda at hinarap si Thor."Naghahanap ka sa maling lugar," tugon ng ginang, "nandito kami upang maghanda para sa pagdiriwang."Ngunit ang sabi nila sa akin ay dito sa korte ng hari sila nagsasanay" nalilitong tanong ni Thor.Muling nagtawanan ang mga babae. Napailing na lamang ang nakatatanda."Mukang ito ang unang beses mo dito sa korte ng hari. Hindi mo ba alam kung gaano ito kalaki?"Namula si Thor habang patuloy sa pagtawa ang mga kababaihan kaya umalis na lamang ito. Hindi niya gusto ang pakiramdam ng pinagtatawanan.Nakita niya ang madaming daan at pasikot sikot na mga kanto sa loob ng korte ng hari. Sa isang banda ay puno ng madaming papasok na daan. Nakakapangliit ang kalakihan ng lugar na ito. Pakiramdam niya na kahit libutin niya ito ng ilang araw ay hindi niya pa rin ito mahahanap.Isang ideya ang pumasok sa kanyang isip;panigurado ay alam ng mga kawal kung saan sila nagsasanay. Nahihiya siyang lumapit sa isang tauhan ng kaharian, ngunit kailangan niya itong gawin.Agad siyang nagmasid at nilapitan ang unang kawal na kanyang nakita. Umaasa na sana'y hindi siya itaboy nito. Nakatindig lamang ito at nakatingin ng diretso sa malayo."Hinahanap ko po ang mga Legion ng mahal na hari. " sambit ni Thor sa kanyang pinakamatapang na boses.Patuloy na hindi gumalaw ang kawal. Hindi ito sumagot"Sabi ko, hinahanap ko po ang mga Legio ng hari" sigaw ni Thor upang siya ay mapansin.Matapos ang ilang sandali, ay tiningnan siya ng kawal."Maari niyo po bang ituro sa akin?" Pilit ni Thor"At anong kailangan mo sa kanila?""Napakaimportanteng bagay po. " sagot ni Thor na umaasa na sana'y hindi na masyadong magtanong ang kawal.Muling tumingin sa malayo ang kawal, hindi siya pinansin. Pinanghinaan ng loob si Thor dahil mukhang wala siyang makukuhang sagot.Ngunit makalipas ang animo'y napakatagal na paghihintay, sumagot ang kawal, "pumasok ka sa kanlurang pasukan at diretsuhin mo lamang ito. Pumasok ka sa ikatlong pasukan, kumanan ka at kumanan ka muli. Lampasan mo ang rebulto na yari sa bato at makikita mo ang papasok sa lugar nila. Ngunit binabalaan na kita. Hindi sila tumatanggap ng bisita."Yun lamang ang gustong marinig ni Thor. Ng walang pagaalinlangan ay agad umalis si Thor habang sinusubukan niyang tandaan ang direksyon na sinabi ng kawal. Mataas na ang sikat ng araw at naway sa kanyang pagdating ay hindi pa huli ang lahat.

*

Nagtatakbo si Thor paikot sa mga pasikot sikot ng korte ng hari. Sinubukan niyang sundin ang direksyon na sinabi ng kawal. Sana'y hindi siya maligaw. Sa dulo ng isang patyo , nakita niya ang ilang pasukan at kanyang pinili ang pangatlo. Tinakbo na niya ito. Nilampasan ang libo libong mga tao na lalong dumadami sa paglipas ng oras. Kanya ng binangga ang mga nagkalat na mga tagapalabas sa daan.

Hindi maisip ni Thor na mahuhuli siya para sa pagpili ng mga bagong miyembro ng Legion kaya ginawa niya ang lahat upang makahabol. Nilampasan niya ang bawat gusali habang hinahanap ang kinaroroonan ng kanilang lugar para sa pageensayo. Ng marating niya ang dulo ng daan na kanyang tinahak, napansin niya ang isang gusali na mukhang ito na ang kanyang hinahanap: isang koluseyo na yari sa bato at isang perpektong bilog. Maraming nakabantay na mga kawal sa pintuan nito sa harap. Nakarinig si Thor ng mga sigawan at palakpakan mula sa loob at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ito na nga.

Agad siyang tumakbo, habang hinahabol ang kanyang paghinga. Sa kanyang paglapit sa pintuan, dalawang kawal ang humarang sa kanya. Isa pang kawal ang lumapit sa kanya.

"Hinto!" Utos ng kawal

Napatigil agad si Thor habang hinahabol nag kanyang paghinga.

Yaş sınırı:
16+
Litres'teki yayın tarihi:
09 eylül 2019
Hacim:
294 s. 8 illüstrasyon
ISBN:
9781632912503
İndirme biçimi:
Serideki Birinci kitap "Singsing ng Salamangkero"
Serinin tüm kitapları
Metin
Ortalama puan 5, 1 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 4,8, 6 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 5, 1 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 4,8, 5 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 5, 2 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre