Kitabı oku: «Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani », sayfa 7

Yazı tipi:

"Salamat."

Mas lalong napatawa si Gwen.

"Salamat saan?" Tanong nito. Nagniningning ang kanyang mga mata. Natutuwa siya.

Namulang muli si Thor.

"Uhm..hindi ko alam." Sagot ni Thor.

Mas lalaong tumawa si Gwen at mas lalong napahiya si Thor. Siniko ni Rece si Thor at nagpatuloy na sila paglalakad. Pagkatapos ng ilang hakbang, tumingin si Thor patalikod at kanyang nakita muli si Gwen, nakatitig sa kaniya.

Bumilis ang tibok ng puso ni Thor. Gusto niyang itong kausapin at alamin ang lahat tungkol sa kanya. Hiyang hiya siya sa kawalan niya ng mga salita. Ngunit wala pa talaga siyang karanasan sa mga babae, sa kanilang nayon, at lalo na sa magandang babae. Hindi niya naisip kung anong dapat sabihin at ikilos.

"Madaldal talaga siya," ang sabi ni Reece habang papalapit sa hari. "Huwag mo na siyang pansinin."

"Anong pangalan niya?" Tanong ni Thor

Hindi makapaniwalang tumingin si Reece sa kanya. "Sinabi na niya." Ang sagot ni Reece habang tumatawa.

"Ahm, nakalimutan ko. Patawad." Sabi ni Thor, hiyang hiya.

"Gwendolyn. Pero mas tinatawag siyang Gwen."

Gwendolyn. Pinaikot ikot ni Thor ang pangalan nito sa kanyang isip. Gwendolyn. Gwen.. Ayaw niya itong makalimutan. Naisip niya kung makikita pa niya itong muli. Marah ay hindi dahil isa lamang siyang pangkaraniwan. Nasaktan si Thor sa ideya na iyon.

Tumahimik ang paligid at sa pagti gin ni Thor, kanyang napagtanto na malapit na sila sa hari. Nakaupo si Haring MacGil sa kanyang trono, suot ang kanyang korono.

Lumuhod si Reece at tumahimik ang mga tao. Sumunod naman si Thor.

Nagsalita ang hari gamit ang malakas at malalim na boses nito. Sa kanyang pagsasalita, nagimbal ang buong silid.

"Thorgrin ng mababang kalupaan ng timog probinsya ng kanlurang kaharian." Pagsisimula ng hari. "Nalalaman mo ba ikaw ay nakialam sa isang mahalagang laban kanina?"

Natuyo ang lalamunan ni Thor. Hindi niya alam kung paano sasagot; hindi ito magandang simula. Mukhang siya ay maparurusahan.

"Patawarin niyo ako mahal na hari," ang sagot ni Thor. "Hindi ko po sinasadya."

Napataas ang kilay ng hari.

"Hindi mo sinasadya? Kung gayon, hindi mo rin sinasadya na iligtas ang buhay ni Erec?"

Nataranta si Thor na mas lalo niyang pinapasama ang sitwasyon.

"Hindi mahal na hari. Hindi ko po…"

"Kaya inaamin mo na nakialam ka nga?"

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ni Thor. Ano ang kanyang sasabihin?

"Patawad kamahalan. Gusto.. Gusto ko lamang makatulong."

"Gustong makatulong?" Biglang napatawa ang hari.

"Gusto mong makatulong! Kay Erec! Ang pinakamagaling na mandirigma ng kaharian!"

Nagsipagtawanan ang mga tao sa loob ng silid. Namula si Thor. Ilang beses na itong nangyari sa iisang araw. Wala siyang magawang tama.

"Tumayo ka at lumapit bata." Utos ni MacGil.

Tumingin si Thor at nagulat ng makita niyang nakangiti ang hari, pinagmamasdan siya habang papalapit siya.

"Nakakakita ako ng kagitingan sa iyong mukha. Hindi ka pangkaraniwan. Hindi ordinaryo…"

Nagpatuloy ang hari.

"Si Erec ang pinakaminamahal naming mandirgma. Ang iyong ginawa ay talagang napakahalaga. Mahalaga para sa ating lahat. Bilang gantimpala, mula sa araw na ito, tatanggapin kita bilang bahagi ng aking pamilya, at tatanggap ng respeto at pagtanggap na nakukuha ang aking mga anak."

Tumayo ang hari at sumigaw, "ipaalam ito sa lahat!"

Nagsimulang maghiyawan ang palakpakan ang lahat sa loob ng silid.

Tumingin sa paligid si Thor, hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa kanya. Bahagi ng pamilya ng hari. Mas higit pa ito sa kanyang mga pinapangarap. Ang kanyang ninais lamang ay ang tanggapin at mapabilang sa Legion. At ngayon ito. Punong puno siya ng galak at pasasalamat.

Bago pa man siya makapagsalita ay nagsimula na ang kasihayan sa loob ng silid. Nagkantahan ang nagsayawan ang mga tao habang ipinagbubunyi siya. Tumingin siya sa hari at nakita ang pagmamahal sa mga mata nito, ang paghanga at pagtanggap. Hindi siya kailanman nakaramdam ng pagmamahal mula sa isang ama. At naririto siya ngayon, hindi lamang minamahal ng isang ama, ngunit ng isang hari. Sa isang araw, nagbago ang kanyang mundo. Ipinapanalangin na lamang niya na totoo ang lahat ng ito.

*

Nakipagsiksikan si Gwendolyn sa gitna ng kasihayan upang sulyapan ang lalaki bago ito lumabas ng silid. Thor. Bimibilis ang kanyang puso kapag kanya itong naiisip. Hindi makalimutan si Thor simula ng kanilang unang pagkikita. Mas bata ito sa kanya ngunit hindi lalampas ng isa o dalawang taon. At may bahagi ni Thor na parang mas nakatatanda siya sa iba. Sa unang pagkikita pa lamang, pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala. Naiiba siya sa mga tao na naririto, sa mga ipinanganak at lumaki sa loob ng kaharian. May kakaibang katotohanan tungkol sa kanya. Isa siyang tagalabas. Isang pangkaraniwan. Ngunit kakimitaan ng karangyaan. At hindi niya ikinahihiya kung sino man siya.

Pumunta si Gwen sa itaas na balkunahe at tumingin sa ibaba. Sa kalagitnaan ng mga tao, kanyang muling nasulyapan si Thor habang palalabas ng silid, kasa kasama si Reece. Siguro ay pabalik na sila upang magsanay kasama ang iba pa. Nakaramdam siya ng panghihinayang habang iniisip kung paano sila muling magkikita.

Kailangang mas makilala pa ni Gwen si Tnor. Kailangan niya itong malaman. Kaya kailangan niyang kausapin ang nagiisang babae na nalalaman ang lahat tungkol sa bawat isa sa kaharian,. Ang kanyang ina.

Tumalikod si Gwen at hinanap ang daan palabas ng silid. Umikot ang kanyang paligid. Nakakapagod ang araw na ito. Una, ang pagkausap sa kanila ng kanilang ama at nakakabiglang balita nito na nagatang sa kanya na mamuno ng buong kaharian. Nagulat siya sa balita at hindi niya ito kailan man inasahan na mangyayari. Hindi pa rin siya makapaniwala. Paano niya pamumunuan ang isang kaharian? Sinubukan niyang alisin ang ideya sa isipin habang umaasa na sana'y hindi dumating ang araw na iyon. Kung sabagay, malakas pa at masigla ang kanyang ama at higit sa lahat, gusto lamang niyang manatiling buhay ang ama. Ang makasama siya. Ang maging masaya.

Ngunit hindi niya makalimutan ang paguusap na iyon. Sa loob nito ay parang isang butong itinanim at balang araw, kung ano mang araw iyon, ay siya na ang susunod. Siya ang magmamana ng trono. Hindi ang iba pa niyang kapatid. Siya. Natatakot si Gwen habang iniisip ito; ngunit nakaramdam din siya ng importansya, ng lakas ng loob hindi tulad noong dati. Nakita siya ng ama bilang karapatdapat na mamuno-siya- ang pinakamagaling sa lahat. At hindi niya alam kung bakit.

Nagaalala din siya sa mga mangyayari. Alam niyang pagsisimulan ito ng galit at selos dahil isang babae ang napili bilang susunod na mamumuno. Nararamdaman na niya nag inggit mula may Gareth. At natatakot siya dito. Alam niya kung gaano kaganid ang kapatid. Hindi siya nito mapapatawad. Gagawin nito ang lahat upang makuha ang kanyang gusto at ayaw ni Gwen na maging puntirya ng kapatid. Sinubukan na niyang kausapin ang kapatid matapos ang anu syo ngunit hindi man lamang ito makatingin sa kanya.

Nagdali daling bumaba si Gwen sa paikot na hagdan. Nilampasan niya ang kapilya at dinaanan ang isang pinto na napupuno ng mga kawal at bantay. Pumasok siya sa isang sikretong lagusan. Kailangna niyang makausap ang ina at alam niya nagpapahinga ito sa silid na iyon. Hindi na natitiis ng ina ang magagarbong mga pagdiriwang. Mas nais nitong manatili ang magpahinga sa kanyang sikretong silid.

Nilampasan muli ni Gwen ang isang bantay at tumigil sa isang pintuan na papasok sa silid damitan ng ina. Bubuksan na sana niya ito, ngunit bigla siyang napatigil. Sa kabila ng pinto, nakarinig siya ng mga nagbubulungan na mga boses na unti unting lumalakas. Nagtatalo ang mga ito. Ito ang boses ng kanyang ina. Pinakinggan niya itong mabuti at narinig ang boses ng ama. Nagtatalo sila pero bakit?

Alam ni Gwen na hindi dapat siya makinig ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Hinawakan nito ang pinto at dahan dahang binuksan. Bahagya niya lamang itong binuksan upang makinig.

"Hindi siya mananatili sa pamamahay ko!" Sigaw ng ina

"Huwag ka munang manghusga ng hindi mo pa nalalaman ang buong istorya."

"Alam ko nag buong kwento." Sagot nito. "Tama na!"

Nakarinig ng matinding gamit mula sa kanyang ina si Gwen. Bihira lamang niyang makitang nagtatalo ang mga magulang at ngayon lamang niya narinig ng ganito ang ina. Hindi niya alam kung bakit.

"Mananatili siya doon sa bahay ng mga nagsasanay. Hindi siya mananatili sa ilalim ng aking bubong. Naiintindihan mo?" Pagdidiin ng ina

"Malaki nag kastilyong ito." Sambit ng ama. "Hindi mo mapapansin ang kanyang prisensya."

"Wala akong pakialam. Hindi ko siya gusto dito. Problema mo siya. Ikaw nag nagdesisyon na papasukin siya dito."

"Hindi ka inosente dito." Sagot ng hari.

Nakarinig si Gwen ng mga yabag ng paa habang papalabas ang ama sa kabilang pintuan. Ibingsak nito ang pinto na gumimbal sa buong silid. Nanatiling nakatindig ang reyna sa isang sulok at nagsimulang umiyak.

Hindi alam ni Gwen ang dapat gawin. Naisip niyang mas makakabuti na umalis na lamang siya ngunit sa kabilang banda hindi rin niya hahayaang magisa ang ina na umiiyak. Hindi rin niya malaman kung ano ang kanilang pinagtatalunan. Sa tingin niya ay may kinalaman ito kay Thor. Ngunit bakit? Bakit ito hindi mapalampas ng ina. Madami namang ibang tao ang nakatira sa palasyo.

Hindi kayang iwan ni Gwen ang ina sa ganoong sitwasyon. Kailangan niya itong damayan. Unti unti ay binuksan niya ang pintuan.

Nagulat ang ina sa pagdating ng anak.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" Galit na sabi ng ina

"Anong problema ina? " tanong ni Gwen habang papalapit sa ina. "Hindi ko ginusto ang makialam ngunit narinig ko po kayong nagtatalo ni ama"

"Tama ka. Hindi ka dapat makialam.",agad na sagot ng ina.

Nagulat si Gwen sa inaasal ng ina. Ngayon niya lamang ito nakitang ganito. Napatigil si Gwen sa paglapit.

"Dahil ba sa bagong salta? Si Thor?" Tanong niya. "Ano bang halaga kung dito man siya titira?"

Tumalikod ang ina habang pinapawi ang mga luha.

"Hindi ko maintindihan. " sabi ni Gwen. "Bakit ninyo pinagaawayan kung saan dapat siya manirahan.?"

"Wala kang kinalaman sa bagay na ito." Nanlalamig na sabi ng kanyang ina. Nais na nitong putulin ang usapan na iyon. "Anong kailangan mo? Bakit ka naparito?"

Kinakabahan na si Gwen. Nais ni Gwen na tanungin ang ina ukol kay Thor ngunit hindi ito magandang pagkakataon. Nagdalawang isip itong sumagot.

"Gusto ko po sanang magtanong tungkol kay Thor. Ano pong nalalaman ninyo tungkol sa kanya?

Tumingin sa kanya ang ina na may kasamang pagdududa.

"Bakit?" Tanong ng ina. Ramdam ni Gwen ni inaaral siya ng kanyang ina, binabasa ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang itago ang kanyang tunay na damdamin para kay Tbor ngunit wala siyang nagawa.

"Nagtataka lamang po ako. " sagot ni Gwen

Humakbang ng tatlong beses paharap ang reyna palapit kay Gwen, hinawakan ang mga kamay nito at tumingi sa mga mata ng anak.

"Makinig ka." Ang sabi ng ina. "Ngayon ko lamang ito sasabihin. Lumayo ka sa batang iyon. Naiintindihan mo? Ayokong lumapit ka sa kanya sa kahit anong pagkakataon."

Natakot si Gwen sa kanyang narinig.

"Ngunit bakit? Isa siyang bayani."

"Hindi siya katulad natin." Sagot ng ina. "Kahit anong isipin ng iyong ama. Gusto kong layuan mo siya. Narinig mo. Gusto kong mangako ka sa akin. Ngayon na. "

"Hindi ako mangangako. " sagot ni Gwen habang inalis ang mga kamay sa pagkakahawam ng ina.

"Isa siyang pangkaraniwang tao, at isa kang prinsesa" sigaw ng ina. "Isa kang prinsesa. Naiinindihan mo? Kapag lumapit ka sa kanya, ipapatapon ko siya sa kabihasnan. Naiintindihan mo ba ako?"

Hindi alam ni Gwen kung paano sasagot. Ngayon lamang niya nakitang ganito ang ina.

"Huwag mong sabihin sa akin ang dapat kong gawin ina. " ang sabi ni Gwen.

Sinubukan ni Gwen na magmukhang matapang ngunit sa loob nito, siya ay takot na takot. Pumunta siya dito upang malaman ang lahat at ngayon siya ay puno ng takot. Hindi niya maintindihan ang nangyayari.

"Gawin mo ang gusto mo" sagot ng ina. "Pero ang kapalaran niya ay nakasalalay sa iyong mga kamay. Tandaan mo yan. "

Pagkatapos magsalita ng ina, agad itong tumalikod ang lumabas ng silid. Naiwan si Gwen magisa sa gitna ng katahimikan. Nasira ang kanyang magandang araw. Ano kayang dahilan ang maaring naging mitsa sa galit ng kanyang ina.

Sino kaya ang lalaking iyon?

IKASAMPUNG KABANATA

Nakaupo si MacGil sa dulo ng isang napakahabang hapag kainan habang pinagmamasdan ang kanyang paligid. Nasa kabilang dulo ng lamesa ang haring McCloud at napaliligiran sila ng daan daang mga mandirigma mula sa dalawang angkan. Nagkaroon ng tensyon sa kasal na ito sa loob ng ilang oras ngunit sa wakas ay kumalma na ang dalawang panig pagkatapos ng mga paligsahan. Tama ang hinala ni MacGil. Ang kailangan lamang ng mga lalaki ay alak, karne at babae upang makalimutan ang kanilang pagkakaiba iba. Ngayon ay nagsama sama ang lahat na parang magkakapatid. Sa makatuwid, habang pinagmamasdan sila ni MacGil, hindi na niya masabi na nagmula ang mga ito sa magkaibang angkan.

Tagumpay si MacGil sa kanyang plano. Napalapit na ang dalawang angkan sa isat isa. Nagawa niya ang isang bagay na hindi kailanman nagawa ng mga naunang hari: ang mapagisa ang dalawang kaharian sa loob ng Ring at gawin silang, kung hindi man magkaibigan, ay mga angkan na namumuhay ng payapa. Nakahawak sa kamay ng kanyang bagong asawa si Luanda na prinsipe ng mga McCloud at mukhang kuntento naman ito. Mas gumaan na ang kanyang pakiramdam. Ipinagkasundo niya ang kanyang anak ngunit nabigay naman nito sa anak nag pagkakataon upang maging reyna.

Muling inisip si MacGil ang mga pangyayari na naging ugat ng plano na ito. Naalala niya ang kanyang pakikipagtalo sa kanyang mga tagapayo. Sinuway niya ang bawat payo ng bawat isa para sa pagsasama na ito. Hindi ito magiging madali pero sa tamang oras, mananahimik din ang mga McClouds sa kanilang teritoryo. Makakalimutan na din ang ang kasal na ito pero hindi siya mang mang. Ang mahalaga ngayon ay nagkaroon na ng koneksyon ang dalawang angkan. Lalo na kung magkaroon ng isisilang na sanggol. Kung lalaking magiting ang bata at balang araw ay mamumuno, ang batang ipinanganak mula sa dalawang angkan, marahil ay siya magdadala ng katahimikan sa buong nasyon at ang buong Ring ay pamumunuan na lamang ng isang hari. Iyon ang kanyang pangarap. Hindi para sa kanyang sarili ngunit para sa susunod sa kanya. At mahalaga rin na manatiling malakas ang Ring. Kailangang magkaisa upang maprotektahan ang sanggalang at malabanan ang mga masasamang nagnanais na masakop ang kanilang lugar. Hanggang nahahati ang dalawang angkan, mananatili itong kahinaan sa mata ng mga nasa labas.

"Tagay!" Sigaw ni MacGil sabay tindig.

Tumahimik ang buong lamesa habang daan daang mga kalalakihan ang nagtaas ng kanilang mga baso.

"Para sa kasal ng aking panganay na anak! Para sa pagkakaisa ng mga MacGils at McClouds! Para sa kapayapaan!"

"Tama!Tama!" Sabay sabay na hiyaw ng mga mandirgma. Uminom ang lahat at nagsimula muli nag kasiyahan.

Umupong muli si MacGil at pinagmasdan ang paligid upang hanapin ang iba niyang mga anak. Nandoon siyempre ang kanyang anak na si Godfrey, umiinom ng alak, may katabing dalawang babae habang napapalibutan ng kanyang mga kaibigan. Ito lamang siguro nag pagdiriwang na ninais niyang daluhan. Naroroon din si Gareth, katabi nag kanyang mangingibig na si Firth, may ibinubulong dito; nakikita ni MacGil sa mga mata ng anak na may pinaplano ito. Ang ideya na iyon ay nagpasakit sa kanyang dibdib kaya inalis niya ang tingin dito. Sa kabilang banda naman ay ang kanyang bunsong anak na si Reece kasama ang ibang mga kinatawan at katabi ang bagong salta na si Thor. Anak na ang pakiramdam ni MacGil kay Thor kaya natutuwa siya na nakakasundo na ito ng kanyang bunsong anak.

Hinanap niya ang mukha ng nakababatang anak na babae na si Gwendolyn hanggang sa makita niya ito na nakaupo kasama ang kanyang mga kaibigan, nagtatawanan. Sinundan ni MacGil ang tingin ng kanyang anak at nakitang nakatingin ito kay Thor. Pinagmasdan niya ang anak at kanyang nakita ang paghanga nito. Hindi niya ito inasahan at hinid rin siya sigurado kung paano ito tatanggapin. Nakaramdam siya ng kaguluhan. Lalo na sa kanyang asawa.

"Lahat ng bagay ay hindi katulad ng iyong mga nakikita." Isang boses ang kanyang narinig

Napatingin si MacGil kay Agron na nakaupo sa kanyang tabi at pinagmamasdan ang dalawang angkan.

"Ano ang iyong nakikita?" Tanong ni MacGil. "Magkakaroon ba ng kapayapaan sa dalawang kaharian?"

"Hindi permanente ang kapayapaan." Sagot ni Argon. "Patuloy itong dumadaloy ay nagbabago. Ang iyong nakikita ngayon ay ang kabilang mukha ng kapayapaan. Pinipilit mong magkaroon ng kapayapaan sa dalawang angkan na matagal ng magkalaban. Madaming taon na ang nagdaan na napuno ng pagdanak ng dugo. Ang mga espirito ng mga namatay ay umiiyak at naghahanap ng hustisya. At hindi ito kailanman masosolusyonan ng isang kasal lamang."

"Ano ang iyong sinasabi?" Tanong ni MacGil habang kabadong iniinom ang kanyang alak.

Tumingin si Argon kay MacGil na naghatid ng pangamba sa hari.

"Magkakaroon ng digmaan. Aatake ang mga McCloud. Ihanda mo nag iyong sarili. Dahil ang mga nakikita mo ngayon na mga bisita ay gagawin ang lahat para patayin ang iyong pamilya."

Napalunok lamang si MacGil.

"Nagkamali ba ako sa desisyon na ipakasal ang aking anak?"

Tumahimim si Argon ng ilang sandali bago niya sinabing, "hindi naman sa ganon."

Umiwas ng tingin si Argon at alam ni MacGil na tapos na ang usapan na iyon. Marami siyang tanong na gustong masagot ngunit alam niya na hindi siya sasagutin ng kanyang sorcerer hanggang hindi pa siya handa. Kaya sinundan na lamang niya ang mata ni Argon mula kay Gwendolyn patungo kay Thor.

"Nakikita mo ba silang magkasama?" Tanong ng hari

"Marahil," sagot ni Argon. "Marami pang desisyon ang kailangang gawin."

"Hindi kita maintindihan"

Kumibot lamang si Argon at umiwas muli ng tingin. At napagtanto ni MacGil na wala na siyang makukuhang sagot mula dito.

"Nakita mo ba ang nangyari kanina?" Tanong ng hari, "sa batang iyon?"

"Nakita ko na iyon bago pa man mangayri.",sagot ni Argon

"Ano ang iyong masasabi?saan nagmula ang kapangyarihan nito? Katulad mo ba siya?"

Tinitigan lamang ni Argon si MacGil.

"Mas makapangyarihan siya kaysa sa akin."

Napatingin lamang si MacGil sa sobrang gulat. Ngayon niya lamang nakitang ganito si Argon.

"Mas makapangyarihan? Kaysa sa iyo? Paano mangyaayri iyon? Ikaw ang dakilang sorcerer ng hari. Wala ng mas makapangyarihan pa sa iyo sa buong nasyon."

Kumibot lamang muki si Argon.

"Ang kapangyarihan ay hindi lamang lumalabas sa iisang anyo." Aniya. "Ang batang iyon ay may kapangyarihan na higit pa sa iyong inaakala. Hindi niya ito alam. O kung saan niya ito nakukuha. "

Muling tinitigan ni Argon si MacGil.

"Pero alam mo." Dagdag ni Argon

Napatingin lamang si MacGil sa sinabi nito.

"Alam ko?" Tanong ni MacGil. "Sabihin mo sa akin. Kailangan kong malaman."

Ngunit umiling lamang ito.

"Pakiramdaman mo ang iyong sarili. Totoo ang iyong nasa kalooban."

"Anong mangyayari sa kanya?" Tanong ni MacGil

"Magiging isa siyang magiting na pinuno. At magaling na mandirigma. Pamumunuan niya ang kanynag sariling kaharian. Isang kaharian na mas magiting kaysa sa iyo. At mas magiging magaling na hari siya kaysa sa iyo. Iyon ang kanyang tadhana."

Nakaramdam ng biglaang inggit si MacGil. Lumingon ito at pinagmasdan ang batang lalaki na nakikipagtawanan kay Reece sa lamesa ng mga kinatawan, ng mga ordinaryong tao, ng mga mahihina, ng mga tagalabas at ang pinakabata sa lahat. Hindi niya maisip kung paano iyon magiging posible. Sa ngayon pa lamang ay hindi na siya mukhang karapatdapat na mapabilang sa Legion. Naisip niya kung mali lamang ba ang sinabi ni Argon.

Ngunit kailanman ay hindi nagkamali si Argon. Hindi siya magsasabi ng mga bagay na walang dahilan.

"Bakit mo sinasabi sa akin ang mga ito?" Tanong ni MacGil

Lumingon si Argon at tumingin sa kanya.

"Dahil oras na para ikaw ay maghanda. Kailangan ng bata ang pagsasanay. Kailangan niyang mabigyan ng lahat ng kanyang pangangailangan. At ito ay iyong responsibilidad."

"Ako? Bakit hindi ang kanyang ama?"

"Anong meron sa kanyang ama?" Tanong ni Argon.

IKALABING ISANG KABANATA

Iminulat ni Thor ang kanyang mga mata, nalilito at nagiisip kung nasaan siya. Nakahjga siya sa sahig, sa mga dayami. Iniangat nito ang kanyang mukha, habang pinupunasan ang laway sa kanyang mga labi at biglaan siyang nakaramdam ng matinding sakit ng ulo. Naalala lamang niya ang gabing nagdaan, ang kasiyahan sa kaharian at ang unang tikim niya ng alak. Umiikot ang kanyang paligid. Nanunuyo ang kanyang lalamunan at sa oras na iyon ipinangako niya na hindi na siya muking iinom pa.

Pinagmasdan ni Thor ang kanyang paligid habang sinusubukan na itayo ang kanyang katawan. Bawat sulok ay may mga nakahigang mga kalalakihan sa mga dayami; napuno ang lugar ng tunog ng paghihilik. Tumingin siya sa kabilang banda at kanyang natagpuan si Reece, hindi nalalayo sa kanya. Wala pa ding malay. Hanggang sa mapagtanto niya na nasa silid sila para sa mga kinatawan. Buong paligid niya ay puno ng mga kalalakihan na kasing edad niya. Mga limampung mga kalalakihan.

Bahagyang naalala ni Thor kung paano itinuro sa kanya ni Reece ang daan, sa kalaliman ng gabi. Nagsimula ng pumasok ang liwanag ng araw sa may bintana at doon napagtanto ni Thor na siya lamang ang nagising. Tiningnan niya ang kanyang sarili na suot pa din ang kanyang damit kahapon. Hinawakan niya at inayos ang kanyang naglalangis na buhok. Gagawin niya ang lahat para makaligo, ngunit hindi niya alam kung saan. Gusto rin niya ng tubig. Nagsimulang kumalam ang kanyang sikmura, nais din niya ng pagkain.

Naninibago siya sa lahat. Hindi niya alam kung saan siya mapupunta at kung saan siya dadalhin ng kanyang bagong buhay at kung anong mga susunod niya gagawin sa Legion. Pero masaya siya. Isa iyong di malilimutang gabi sa kanyang buhay. Nakikita siya ng isang tunay na kaibigan kay Reece at ilang beses niyang nahuli si Gwendolyn na sumusulyap sa kanya. Sinubukan niya itong kausapin ngunit tuwing gagawin na niya ito, bumabagsak ang kanyang kalooban. Nakakaramdam siya ng matinding panghihinayang tuwing iisipin niya ito. Masyadong madaming tao sa loob. Marahil kung sila lamang dalawa ang naroroon ay lalakas ang kanyang loob. Sa susunod siguro, kung mayroon pang susunod.

Bago pa man matapos ni Thor ang kanyang pagiisip, nagkaroon ng malakas na kalabog sa may pintuan at agad itong bumukas.

"Magsigising na kayo mga kinatawan." Isang sigaw ang gumising sa lahat

Dose dosenang mga kawal ng Silver ang nagsipasukan at pinaghahampas ang mga pader ng mga metal na bagay. Nakakabingi ang lakas ng ingay at makalipas ng ilang sandali ay nagsipagtayo ang mga kinatawan sa paligid ni Thor.

Nanguna sa mga kawal ang isang mandirigma na nakikilala ni Thor mula sa arena na may bakas ng sugat sa kanyang mukha. Ang sabi ni Reece ay Kolk ang pangalan nito.

Mukhang pinatatamaan nito si Thor ng kanyang biglaang itaas ang mga daliri at iturk sa kanya.

"Ikaw bata!" Sigaw nito. " ang sabi ko, tindig!"

Nalito si Thor aa kanyang sinabi dahil nakatindig na siya.

"Ngunit nakatindig na po ako.",sagot ni Thor.

Agad lumapit ang kawal kay Thor at lahat ng mga mata ay nagtinginan sa kaniya.

"Huwag na huwag kang sasagot sa nakakataas sa iyo." Banta nito

Bago pa man makasagot si Thor ay nagsimula ng magikot ikot ang mga kawal upang tingnan ang bawat kinatawan. Ang iba dito ay pinagsisipa sa dibdib kung mabagal ang mga itong kumilos.

"Huwag kang magalala." Paalala ng isang boses.

Tumalikod si Thor at nakita si Reece na nakatindig doon.

"Walang personalan. Ganoon lamang talaga sila. Ang kanilang paraan para pabagsakin ang bawat isa sa atin."

"Pero hindi nila iyon ginawa sayo,"sabi ni Thor

"Siyempre hindi nila ako gagalawin dahil sa aking ama. Ngunit hindi rin sa magiging mabait sa akin. Gusto lamang nila na palagi tayong nasa kundisyon. Sa tingin nila, ito ang paraan para palakasin tayo. Huwag mo silang masyadong pansinin."

Nagsimulang magsilakad palabas ang mga kinatawan at agad sumunod sina Thor at Reece. Sa unang pagtapak nila sa labas, matinidng sikat ng araw ang sa kanilay tumambad. Napahawak sa kanyang mukba si Thor. Pagkalipas ngnilang sandali ay nagsimula siyang mahilo at magsuka.

Narinig niya ang bulong bulungan galing sa ibang kinatawan. Itinulak si Thor ng isang kawal kaya napabagsak ito sa lupa. Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganito kasama.

Sa tabi ni Thor ay si Reece na bahagyang tumatawa.

"Matinding gabi, tama?" Tanong niya kay Thor habang nakangiti. "Sabi ko naman sa iyo, tumigil ka na dapat pagkatapos ng ikalawang baso."

Patuloy na nahilo si Thor buong umaga. Mainit ang umaga na ito kaya nagsimula ng mamuo ang pawis sa kanyang katawan.

"Wala akong maalala na pinagsabihan mo ako kahapon." Pagtatanggi ni Thor

Lalong napatawa si Reece, " tama! Dahil hindi ka naman nakinig. At lahat ng mga pagpapakipot mo para makausap ang kapatid ko," dagdag nito. "Isang kabaliwan. Ngayon pa lamang ata ako nakakita ng isang lalaki na sobrang takot makipagusap sa isang babae."

Namula si Thor habang inaalala ang mga pangyayari. Ngunit malabo ang kanyang alaala ng gabing iyon.

"Wala akong ibang intensyon," sabi ni Thor, "sa kapatid mo."

"Wag kang magalala. Kung ikaw ang pipiliin niya, ikatutuwa ko iyon."

Mabilis na tumakbo ang dalawa kasabay ng ibang kinatawan habang paakyat ng isang burol. Habang tumatagal ay palakas ng palakas ang sikat ng araw.

"Pero binabalaan na kita:madaming kamay ang naghihintay sa kanya. Ang tsansa na mapipili ka niya ay medyo maliit.

Habang patuloy silang nagmamartsa paakyat ng burol, nakampante si Thor. Ramdam niya ang pagtanggap sa kanya ni Reece. Nakakatuwa, dahil pakiramdam niya ay isang tunay na kapatid si Reece. Habang sila'y naglalakad, napansin ni Thor ang kanyang tatlong tunay na mga kapatid. As isa sa mga ito ay napansin si Thor. Tinawag nito ang atensyon ng isa pang kapatid at sabay silang nagbulungan at nagtawanan. Wala pa rin silang pinagbago. Ngunit wala namang inasahan si Thor sa kanila, kailanman.

"Legion, luminya kayong lahat! Ngayon na"

Nakita ni thor ang ilang mga miyembro ng Silver na pinagtutulakas ang limampung mga kalalakihan sa hanay. Isa sa mga ito ay may hawak na mahabang kawayan ay inihampas sa likod ng isang lalaki sa harapan ni Thor; napasigaw ito sa sakot. Makalipas ng ilang sandali ay nakahay na sila ng maayos.

"Sa inyong pagmartsa patungo sa isang digmaan, kailangan ninyong maging iisa." Sigaw ni Kolk, habang naglalakad sa palibot ng linya. "Hindi ito ang bakuran ng inyong ina. Isa itong giyera."

Patuloy sa pagmartsa si Thor, kasabay ni Reece, sa ilalim ng mainit na araw, nagiisiip kung saan sila patungo. Umiikot pa din ang kanyang sikmura dahil sa alak at agad niyang inisip kung kailan sila papakainin o papainumin man lamang. Muli ay pinagsisisihan niya ang paginom nito kagabi.

Matapos ang ilang ulit na pagakyat at pagbaba sa mga burol ay nakarating sila sa isang malawak na lupain. Dumaan sila sa isang lagusan na yari sa bato at pumasok sa isang animo'y koluseyo. Ang lugar ng pagsasanay ng mga Legion.

Sa kanilang harapan ay mga sari saring mga lugar para sa pagtapon ng sibat, magtira gamit ng pana at paghagis ng bato at dose dosenang mga nakaumpok na dayami para sa pagsasanay ng espada. Bumilis ang tibok ng puso ni Thor sa kanyang nakita. Nais na niyang pumunta doon at magsanay.

Ngunit bago makalapit si Thor ay may naramdaman siya sa kanyang tagiliran. Isang grupo ng anim na kalalakihan, nasa edad lamang ni Thor, ang sumingit sa daan at nagpunta sa harapan ng linya. Nagkahiwalay ng grupo sina Thor at Reece.

"Sa tingin niyo ba magsasanay kayo ngayon?" Tanong ni Kolk sa grupo nina Thor habang patuloy sa pagmartsa. "Doon kayo sa mga kabayo?"

Pagtingin ni Thor ay kanyang nakita kung saan sila patungo. Sa kabilang panig ng koluseyo ay ang kwadra ng mga kabayo. Tiningnan lamang siya ni Kolk ng may kasamang ngiti.

"Habang nagsasanay sa pagpana at pagtapon ng sibat ang iba, ikaw ang maglilinis at magpapakain sa mga kabayo. Lahat tayo ay kailangan magsimula sa ibaba. Maligayang pagdating sa Legion."

Nadurog ang puso ni Thor. Hindi niya ito lahat inaasahan.

"Sa tingin ko ba ay espesyal ka bata?" Tanong ni Kolk habang lumalapit ito sa mukha ni Thor. Ramdam ni Thor na gusto siyang sirain nito. "Oo at nagustuhan ka ng hari at ng prinsipe, ngunit wala akong pakialam. Susunod ka sa lahat ng pinaguutos ko. Naiintindihan mo? Wala akong pakialam sa kung ano mang kapangyarihan ang meron ka. Isa ka lamang ordinaryong bata. Naiinitindihan mo ba?"

Napalunok lamang si Thor. Isa itong magiging napakahaba at napakahirap na pagsasanay.

Sa sandaling umalis si Kolk upang suriin ang ibang nagsasanay, isang maliit na lalaki sa harapan ni Thor at tumingin at pinagtawanan ito.

"Hindi ka nababagay dito." Sabi niya. "Nandaya ka para makapasok. Hindi ka naman napili. Hindi ka nababagay sa amin. Hindi. Walang sino man dito ang katulad mo."

Ang isa pang lalaki sa tabi nito ay tumingin at napangiti.

"Gagawin namin ang lahat upang mapaalis ka dito." Ang sabi naman nito. "Madali makapasok pero hindi ang manatili."

Sinubukan ni Thor na itago ang kanyang galit. Hindi siya makapaniwala sa dami ng kanyang kaaway at hindi niya maintindihan kung anong kanyang nagawa para tanggapin ito. Ang kanya lamang namang ninais ay ang mapabilang sa Legion.

"Bakit hindi na lang ang mga sarili ninyo ang intindihin ninyo?" Sigaw ng isang di pa nakikilalang boses.

Tumingin si Thor at nakita ang isang matangkad, payat at may pulang buhok na lalaki na puno ng pekas ang mukha, na nagtatanggol sa kanya. "Kayong dalawa ay naririto din at naglilinis ng kwadra tulad namin" dagdag pa nito. "Hindi rin kayo espesyal kaya pumili na lamang kayo ng ibang guguluhin."

"Huwag kang makialam dito" sigaw ng isang lalaki "o ikaw ang isusunod namin."

"Subukan niyo." Ang hamon ng lalaki na may pulang buhok

"Maguusap lamang kayo kapag sinabi ko." Biglaang sigaw ni Kolk habang binabatukan ang isang lalaki sa kabilang banda. Agad tumahimik at tumalikod ang dalawang lalaki sa tabi ni Thor.

Hindi alam ni Thor kung paano mapapasalamatan ang lalaking tumulong sa kanya.

"Salamat." Sambit ni Thor

Tumingin ang lalaki kay Thor at ngumiti.

"Ang pangalan ko ay O'Conner. Gusto kitang kamayan ngunit hahampasin nila ako kung gagawin ko iyon. Kaya isipin mo na lang na kinamayan kita."

Yaş sınırı:
16+
Litres'teki yayın tarihi:
09 eylül 2019
Hacim:
294 s. 8 illüstrasyon
ISBN:
9781632912503
İndirme biçimi:
Serideki Birinci kitap "Singsing ng Salamangkero"
Serinin tüm kitapları
Metin
Ortalama puan 5, 1 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 4,8, 6 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 5, 1 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 4,8, 6 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 5, 2 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre