Kitabı oku: «Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani », sayfa 8
Mas lalo itong ngumiti at agad siyang nagustuhan ni Thor.
"Huwag mo silang alalahanin. " dagdag nito. "Takot lamang sila. Tulad nating lahat. Iilan lamang sa atin ang nakakaalam kung ano ba talaga itong sinalihan natin."
Makalipas ng ilang sandali ay narating na nila ang dulo ng mga kwadra.
"Kunin ninyo ang kanilang mga tali." Paguutos ni Kolk. "Ilabas ninyo ang mga ito sa kwadra at ilibot sa buong koluseyo hanggang sa sila'y mapagod. Ngayon na!"
Agad lumapit si Thor sa isa sa mga kabayo at kinuha ang tali nito. Agad namang nagwala at nagpapadyak ang kabayo. Muntikan ng matamaan si Thor. Napaurong si Thor at hindi malaman ang gagawin. Nagsimula siyang pagtawanan ng ibang kalalakiha. Hinampas ni Kolk si Thor sa kanyang likod at nakaramdam si Thor ng pagnanais na gumanti.
"Isa ka ng miyembro ng Legion. Walang aatras. Sa kahit na sino man o kahit anong nilalang. Kunin monh muli ang tali!"
Agad inabot ni Thor ang tali sa nagwawalang kabayo. Pinilit nitong ilabas ang kabayo kahit nagpupumiglas ito.
"Magiging ayos din ang lahat." Ang sabi ni O'conner.
"Gusto lamang nila tayong pabagsakin."
Biglaang tumigil ang nagpupumiglas na kabayo. Kahit anong paghila at pagtulak ni Thor ay hindi ito gumagalaw. Nang ano ano'y nakaamoy si Thor ng matinding amoy; sangkatutak na dumi ang inilalabas ng kabayo. Parang walang katapusan.
Nakaramdam si Thor ng maliit na pala na iniabot sa kanyang mga kamay. Sa aknyang pagtingin ay kanyang nakita si Kolk sa kanyang tabi, nakangiti.
"Linisin mo."ang kanyang tanging sambit.
IKALABING DALAWANG KABANATA
Nakatayo si Gareth sa gitna ng mataong palengke. Nakasuot ng balabal sa ilalim ng mainit na araw at sinusubukang hindi makilala. Buong buhay niya ay iniwasan niya ang bahaging ito ng kaharian na napupuno ng maduduming mga daanan at mga pangkaraniwang mga tao. Sa kanyang paligid maririnig ang mga mamimili na nakikipagtawaran sa mga magtitinda. Tumayo si Gareth sa tabi ng isang tindahan ng mga prutas uoang hindi makaagaw ng atensyon. Sa kabilang banda naman ay nakatayo si Firth, sa dulo ng isang madilim na lagusan para sa kanilang binabalak na gawin.
Sinusubukan ni Gareth na makinig sa usapan ni Firth at ng isang matandang lalaki habang pinananatili ang pagtatago ng kanyang sarili. May nakapagsabi na dito raw makakakuha ng matinding uri ng lason. Nais ni Gareth na siguraduhin ang tagumpay ng kanyang plano. Dito nakasalalay ang kanyang buhay.
Hindi niya magagawang makipagusap sa magtitinda kaya pinadala niya si Firth upang gawin ang kanyang balak. Sa kanilang paghahanap ay kanilang natagpuan ang matandang lalaki na ito na ngayon ay kausap na ni Firth. Iginiit ni Gareth na siya ay sasama sa kanilang huling transakyon upang makasiguro na hindi sila lolokohin nitl at hindi sila mabibigyan ng maling lason. At hindi rin siya tiwala sa kakayahan ni Firth. Kaya kailangan siya doon.
Naghintay sila ng mahigit kalahating oras para sa pagdating ng matanda. Matindi ang panalangin ni Gareth na sana'y walang makakilala sa kaniya.
"Nasaan na ang gamot?" Tanong ni Firth sa matanda
Lumingon si Gareth upang silipin ang nangyayari habang nakatago sa kanyang damit. Ang kausap ni Firth ay isang matandang lalaki, malalaki at lubog ang mga mata pisngi. Mukha itong daga. Nakatitig lamang ito kay Firth, hindi kumukurap.
"Nasaan ang pera?" Tanong nito
Umaasa si Gareth na sana'y magtagumpay si Firth. May mga pagkakataon kasi na pumapalpak ito.
"Ibibigay ko ang pera kapag natanggap ko ang gamot." Sabi ni Firth
Mabuti. Naisip ni Gareth.
Tumahimik ang dalawa ng sandali at,
"Ibigay mo ang kalahati ng pera at sasabihin ko sa iyo nasaan ang gamot."
"Nasaan ang gamo?"gulat na tanong ni Firth. "Ang sabi mo ay makukuha ko ito sa iyo."
"Ang sabi ko makukuha mo ito. Hindi ko sinabi na ako ang magbibigay sa iyo. Anong tingin mo sa akin?mang mang? Madaming espiya sa paligid. Hindi na ako masyadong nagtanong sa iyo ngunit hindi mo na kailangang sabihin kung saan ninyo ito gagamitin. Saan pa ba ginagamit ang lason?"
Napahinto si Firth at alam ni Gareth na hindi na nito alam ang isasagot.
Sa wakas ay nakarinig si Gareth ng tunog ng mga barya. Kanya itong sinilip at kanyang natanaw ang pagbibigay ni Firth ng mga gintong pera sa matanda.
Hinintay ni Gareth ang susunod na mangyayari. Nagaalala na ito na baka sila ay naloko.
"Dumaan kayo sa madilim na kagubatan." Paliwanag ng matanda. "Sa inyong ika tatlong milya, tumungo kayo sa daan na patungo sa isang burol. Sa tuktok ng burol, kumaliwa kayo. Dadaan kayo sa isa pang madilim na kagubatan. Baybayin niyo ito hanggang sa makarating sa gitna. Naroroon ang kubo ng mangkukulam. Hihintayin niya kayo at ng gamot na nais na ninyo."
Sumilip muli si Gareth at nakita niya si Firth na palayo sa matanda. Ngunit bigla itong hinila ng matanda sa kanyang damit.
"Ang pera" sabi nito. "Hindi ito sapat."
Nakita ni Gareth ang takot sa mukha ni Firth. Nagsisi ito na tinanggap pa niya ang gawain na ito. Naramdaman marahil ng matanda ang takot ni Firth kaya sinasamantala nito ito. Hindi talaga nababagay sa ganitong gawain si Firth.
"Pero ibinigay ko na sa iyo kung anong napagusapan natin." Tugon ni Firth na sinusubukang maging kalmado.
"Nagbago ang isip ko." Sabi ng matanda
Nanlaki ang mata ni Firth sa takot at pagkalito kung ano ang dapat nitong gawin. Bigla itong tumingin aa direksyon ni Gareth.
Agad tumalikod si Gareth. Umaasa na hindi siya nakilala. Ano bang iniisip ni Firth? Sanay hindi na lamang siya nag kanyang inutusan para dito.
"Bumilis ang tibok ng pusok ni Gareth. Sinubukan niyang hawakan ang mga prutas habang nagpapanggap na interesado. May matinding katahimikan sa kanyang likuran habang iniisip nito ang mga bagay na maaring mangyari kapag sila ay nabuking.
Pakiusap. Huwav kang pupunta dito. Paliusap. Gagawin ko ang lahat. Hindi ko na itutuloy ang plano.
Nakaramdam siya ng tapik sa kanyang likod at agad naman siyang humarap.
Ang malalaki at madidilim na mata ng matanda ay nakatitig sa kanya.
"Hindi mo naman sinabi sa akin na may kasama ka pala?" Sabi ng matanda "o isa kang espiya"
Lumapit ang matanda at tinanggal ang taklob sa mukha ni Gareth. Tinitigan niyang mabuti ang mukha nito at nagulat sa kanyang nalaman.
"Ang mahal na prinsipe." Gulat na sabi ng matanda. "Anong ginagawa ninyo dito?"
Makalipas ang ilang segundo, napangiti ang matanda dahil napagtagpi tagpi nito ang mga pangyayari. Nasagot din niya ang kanyang tanong.
"Alam ko na." Sabi nito. "Ang gamot? Para ito sayo hindi ba? May gusto kang lasunin, hindi ba? Pero sino? Iyan ang tanong."
Hindi malaman ni Gareth ang kanyang sasabihin. Masyadong mabilis ang matandang ito. Ang kanyang buhay ay maaring masira dahil sa kapalpakan ni Firth. Kung magsasalita ang matandang ito, maari siyang mahatulan ng kamatayan.
"Ang iyong ama, siguro?" Tanong ng matanda. "Oo. Iyon nga siguro. Dahil ipinagpalit ka niya at ipinasa ang trono sa iba. Kaya papatayin mo ang iyong ama."
Hindi na makapigil pa si Gareth. Agad nitong kinuha ang kutsilyo sa kanyang bulsa at agad itong isinaksak aa dibdib ng matanda.
Hindi gusto ni Gareth na may makakita sa kanyang ginawa. Kaya agad niya binuhat ang matanda palapit sa kanya. Sobrang lapit na naaamoy na ni Gareth ang hininga nito. Agad din nitong tinakpan ang bibig ng matanda bago pa ito makasigaw. Ramdam ni Gareth ang mainit na dugo na tumatagas sa kanyang kamay.
Lumapit bigla si Firth at nagulat sa kanyang nakita.
Hinawakan ni Gareth ang matanda ng ilang segundo hanggang sa tuluyan niya itong ibagsak sa lupa.
Pinagmasdan ni Gareth ang kanyang paligid upang tingnan kung may ibang nakakita. Mabuti na lamang at walang nakapansin sa gitna ng madaming tao. Hinubad niya ang kanyang damit at inihgis sa isang tabi.
"Patawarin mo ako. Patawad. Patawad." Paulit ulit na sambit ni Firth na animoy isang batang babae. Nanginginig itong lumapit kay Gareth. " ayos ka lang ba?"
Tumingin si Gareth at binatukan ito ng malakas.
"Tumahimik ka at umalis ka na!" Pabulong na sabi nito.
Agad tumalikod si Firth at naglakad papalayo.
Naghanda ng umalis si Gareth ngunit muli itong huminto. Mayroon pa siyang kailangang gawin: lumapit ito sa matanda at kinuha ang mga ginto mula sa kanyang patay na katawan.
Hindi na ito kailangan ng matanda.
IKALABING TATLONG KABANATA
Dali daling naglakad papasok ng kagubatan si Gareth, sa kanyang tabi si Firth, habang tinatakpan pa din ang kanyang mukha sa kabila ng init. Hindi siya makapaniwala na napunta siya sa isang sitwasyon na iniiwasan niyang mangyari. Isang patay na tao ang kanilang naiwan na maaring maging ebidensya. Hindi sila sigurado kung sino man ang nakausap ng matanda bago ang kanilang pagkikita. Nanigurado muna dapat si Firth bago nakipagusap sa matanda. Maaring may makatuklas ng kanyang ginawa.
"Patawad.!"ang sabi ni Firth habang binabaybay nila ang daan.
Hindi ito pinansin ni Gareth.
"Isang napakalaking katangahan ang ginawa mo kanina!" Sigaw ni Gareth. "Hindi ka dapat lumingon aa akin."
"Hindi ko sinasadya. Hindi ko malaman ang gagawin ng humingi siya muli ng pera."
Tama si Firth. Komplikado nga ang kanyang naging sitwasyon. Mandaraya at gahaman ang matanda na hindi sumusunod sa pinagusapan kaya dapat lamang itong mamatay. Hindi luluha si Gareth para sa matanda. Ipinagdadasal lamang niya na sana'y walang nakakita sa kanyang pagpatay. Ang huli niyang kailangan ay mga ebidensya. Magkakarron ng komosyon at pagdududa sa oras na mamatay ang kanyang ama. Mahirap na ang magiwan ng bakas at palatandaan.
Ang mahalaga ay nakarating na sila sa madilim na kagubatan. Mataas pa ang sikat ng araw ay nagdidilim na ang paligid nito. Tinatakluban ng matataas na mga punong kahoy ang liwanag mula sa araw. Tumugma ito sa pakiramdam ni Gareth. Hindi gusto ni Gareth ang lugar na ito.
Patuloy silang naglakbay, sinusunod ang direksyon na ibinigay ng patay na matanda. Umaasa si Gareth na nagsasabi ng totoo ang matanda at hindi sila inililigaw. Mukha namang tumutugma ang lahat. Umakyat sila sa pinakadulong burol at doon ay kumanan. Tama ang mga direksyon ng matanda. Doon ay kanilang natagpuan ang pinakamadilim na gubat na nakita ni Gareth sa buong buhay niya.
Pumasok sila sa kagubatan at agad nakaramdam ng matinding kilabot si Gareth. Nararamdaman niya ang kasamaan sa hangin. Hindi siya makapaniwala na umaga pa lamang.
Bago pa man siya makaatras sa sobrang takot ay narating na nila ang dulo ng daan papunta sa isang maliit na kubo. Ang kubo ng mangkukulam na tanging nasisikatan ng araw.
Bimilis ang tibok ng puso ni Gareth. Nagmasid masid ito aa kanyang paligid upang tingnan kung may ibang tao. Upang siguraduhin na hindi ito isang patibong.
"Tama. Nagsasabi ng totoo ang matanda" ang sabi ni Firth na napupuno ng galak.
"Hindi pa tayo nakasisiguro." Ang sagot ni Gareth. "Dito ka lang sa labas at magbantay. Kumatok ka kung may dadating. At itikom mo yang bibig mo."
Hindi na kumatok si Gareth sa maliit na pintuan ng kubo. Hinawakan niya ang metal na hawakan at dahan dahang binuksan ang pintuan na may dalawang pulgada ang kapal.
Madilim lamang aa loob at naliliwanagan lamang ito ng ilang kandila. Isa lamang itong silid na may iilang mga bintana at nababalutan ng mabigat na enerhiya. Tumindig lamang siya doon, naghahanda sa maaring maganap. Nararamdaman niya ang kasamaan sa paligid. Tumindig ang kanyang balahibo.
Mula sa mga anino, nakakita siya ng galaw at ng tunog.
Maya maya ay may lumapit na isang babae na kuba. Iniangat njya sa kanyang mukha ang isang kandila at naglabasan ang mga guhit sa kanyang mukha. Mukha siyang napaglipasa na ng panahon. Mas matanda pa sa mga puno sa paligid ng kanyang munting kubo.
"Tinatakpan mo ang iyong mukha sa kabila ng kadiman." Sabi ng babae habang nakangiti kay Gareth. "Hindi inosente ang iyong misyon."
"Naririto ako para sa gamot." Nanginginig na sabi ni Gareth ngunit sinusubukan pa din niyang magmukhang matapang. "Ang ugat ng Sheldrake. May nakapagsabi sa akin na dito iyon makukuha."
Tumahimik ang paligid nang biglang tumawa ng malakas ang babae.
"Kung hawak ko man ang gamot o hindi ay hindi mahalaga. Ang tanong: saan mo ito gagamitin?"
Bumilis ang kabog ng dibdib ni Gareth habang nagiisip ng isasagot.
"Anong pakialam mo?" Tanong ni Gareth
"Natutuwa akong malaman kung sino ang gusto mong patayin."
"Wala kang kinalaman doon. May dala akong pera para sa iyo." Ang sabi ni Gareth
Inabot ni Gareth sa kanyang bulsa ang dalawang lalagyan ng ginto, kasama ang ibinigay niya sa matandang lalaki. Ibinagsak niya ito sa kahoy na lamesa at nagkalampagan ang tunog ng pera.
Nanalangin siya na tanggapin ito ng babae at ibigay sa kanya ang kanyang hinihingi upang siya ay makaalis na.
Inilapit ng matanda ang isa niyang daliri upang suriin ang laman ng lalagyan. Kinakabahan si Gareth at nanalangin na sana ay hindi na ito humingi pa ng karagdagan.
"Mukhang sapat na ito para bihin mo aking katahimikan." Ang sabi ng babae.
Tumalikod ito at pumunta sa madilim na bahagi ng silid. Mula doon ay narinig ni Gareth ang pagbulong ng mangkukulam. Nakita din niya ang paghahalo halo ng mga sangkap bago inilagay sa maliit na lalagyan. Parang bumabagal ang oras habang naghihintay si Gareth. Bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagaalala. Paano kung may makatuklas sa kanyang ginawa?ngayon?dito? Paano kung mali ang mabigay na lason ng babae? Paano kung may pagsabihan ito na ibang tao? Nakilala kaya siya nito? Hindi niya sigurado.
Nagkakaroon na ng pagdadalawang isip si Gareth sa kanyang mga binabalak. Hindi niya alam na ganito pala kahirap ang pumatay ng isang tao.
Makalipas ng ilang sandali ay bumalik ang babae. Iniabot ang maliit na lalagyan sa mga palad ni Gareth at saka naglaho.
"Ang liit naman nito." Ang kpangitainto ni Gareth. "Sapat na ba ito?"
Ngumiti ang mangkukulam.
"Magugulat ka sa kayang gawin ng isang patak lamang ng gamot na iyan."
Agad tumindig si Gareth at naglakad patungo sa pintuan ng isang malamig na kamay ang kanya'y dumampi. Hindi niya malaman kung paano nakarating sa kanyang kinaroroonan ang matanda ng ganoon kabilis. Tumindig lamang siya doon. Takot na lumingon sa matanda.
Iniharap siya ng matanda. Hinawakan nito ang kanyang mukha at inilapit sa kanya hanggang sa magdampi ang kanilang mga labi.
Nabigla si Gareth. Iyon na ata ang pinakanakakadiring bagay na nangyari sa kanya. Ang labi nito ay parang butiki sa sobrang gaspang. Sinubukang pumalag ni Gareth ngunit mas lalo lamang humigpit ang hawak ng matanda sa kanya.
Sa wakas ay nakawala din si Gareth. Agad niyang pinunasan ang kanyang labi habang tumatawa ang mangkukulam.
"Ang iyong unang beses na pagpatay ang pinakamahirap" ang sabi ng matanda. "Mas magiging madali na ang mga susunod."
*
Agad ba lumabas si Gareth sa kubo at hinanal si Firth na nakatayo sa labas habang hinihintay ang kanyang paglabas.
"Bakit?anong anngyari?" Pagaalalang tanong ni Firth. "Mukha kang nasaksak. Sinaktan ka ba niya?"
Tumig si Gareth habang patuloy na pinupunasan ang kanyang mga labi. Hindi niya alam kung paano siya sasagot.
"Lumayo na tayo sa lugar na ito!" Sigaw ni Gareth. "Ngayon na!"
Habang papalapit na sila sa lagusan palabas ng kagubatan. Natakpan ng mga ulap ang liwanag ng araw na nagdulot ng mas matinding lamig at kadiliman. Ngayon lamang nakakita ng sobrang kapal at dilim na mga ulap. Alam niya na kung ano man ang nangyayari, hindi ito normal. Iniisip niya kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng mangkukulam na nagdala ng dilim at kilabot sa kanyang katawan. Hindi niya maiwasang isipin na baka may sinapi sa kanya ang magkukulam sa halik nito o kung ano mang sumpa.
"Anong nagyari sa iyo doon?" Tanong ni Firth na alalang alala
"Ayokong pagusapan." Agad na sagot ni Gareth. "Ayoko ng maalala ang araw na ito kailanman."
Nagmadaling sinundan ng dalawa ang daan palabas ng kagubatan, pabalik sa kaharian. Nang unti unti nang nakakaramdam ng ginhawa si Gareth. Kung kailan handa na niyang kalimutan ang araw na iyong. Nakarinig sila bigla ng mga yabag ng sapatos. Sa kanilang likod ay isang grupo ng mga kalalakihan. Hindi siya makapaniwala.
Ang kanyang kapatid na si Godfrey. Ang lasinggero. Naglalakad ito palapit sa kanila. Nagtatawanan kasama ang kanyang kaibigan na si Harry at dalawa pang mga kalalakihan. Sa dinamidami ng oras at lugar, dito pa sila nagkita. Sa gitna ng kakahuyan, sa gitna ng kasarinlan. Pakiramdam ni Gareth ay isa itong napakalaking sumpa.
Sinubukang umiwas ni Gareth. Tinakluban niya ang mukha at binilisan ang paglalakas habang umaasa na sanay ay hindi siya nakilala ng kapatid.
"Gareth?" Sigaw ng isang boses
Wala ng magagawa si Gareth. Huminto ito sa paglalakad, tinanggal ang taklob ng kanyang mukha at humarap sa kanyang kapatid na tuwang tuwang palapit sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Godfrey
Binuksan ni Gareth ang bibig upang sumagot ngunit walang tinig ang lumabas.
"Naglilibot lamang kami," agad na sagot ni Firth
"Naglilibot? Talaga?" Pagkukutyang tanong ng isa sa mga kaibigan ni Godfrey. Nagtawanan din ang iba pa nilang kasama. Alam ni Gareth na hinuhusgahan siya ng kapatid at mga kaibigan nito tungkol sa kanyang kasarian ngunit wala siyang panahon para dito ngayon. Gusto niyang ibahin ang usapan. Ayaw niyang magtanong pa sila tungkol sa kanilang ginawa.
"Ano namang ginagaw mo dito?" Agad na tanong ni Gareth sa lasing na kapatid.
"Isang tindahan ng mga alak ang kabubukas lamang sa may bandang timog na bahagi ng kaharian. "Sagot ni Godfrey. "Sinubukan lang namin. Ito na ata ang pinakamasarap na alak sa buong kaharian. Gusto mong subukan?"
Umiling lamang si Gareth. Kailangan niyang ilihis ang atensyon ng kapatid. At ang tanging paraan para gawin ito ay ang galitin ang kapatid.
"Magagalit sa iyo si ama kapag nahuli ka niyang umiinom sa araw." Sabi ni Gareth. "Ang payo ko sayo ay itigil niyo na yan at umuwi ka na sa kastilyo."
Tagumpay. Nakita niya ang pagbabago sa mukha ni Godfrey. Namula ito at halatang nalihis na ang isip niya sa kapatid na si Gareth.
"At kailan mo pa inisip ang sasabihin ni ama?"tanong naman nito
Hindi na kaya ito ni Gareth. Wala siyang oras para sa isang lasinggero. Nagtagumpay siya sa kanyang plano na ilihis ang isip ng kapatid at sanay hindi na muli nitong ungkatin kung bakit sila naroroon.
Agad tumalikod si Gareth at nagmadaling lumakad papalayo habang naririnig ang mga tawanan sa kanyang likuran. Wala na siyang pakialam. Sa huli, siya ang may huling halakhak.
IKALABING APAT NA KABANATA
Nakaupo si Thor sa isang kahoy na lamesa habang inaayos ang mga nakahilerang mga pana. Sa kanyang tabi ay si Reece, kasama pa ang ibang miyembro ng Legion. Lahat sila ay nakatutok sa kanilang gawain na pagukit sa mga pana at paghihigpit ng tali nito.
"Ang isang mandirigma ay alam kung paano ayusin ang kanyang sariling sandata." Sigaw ni Kolk habang isa isang sinusuri nag ginagawa ng bawat isa. "Tama lamang dapat ang tensyon nito. Kung mas kakaunti, hindi makakarating ang pana sa nais ninyo. Kung masobrahan naman, hindi ito makakatama ng sakto. Maaring masira ang inyong sandata sa digmaan. Ang mga armas ay maari ding masira sa Pakikipagsapalaran. Dapat lamang na malaman ninyo kung paano ito ayusin. Ang isang mahusay na mandirgma ay isa ding panday, karpintero at tagaayos ng kahit anong bagay na nasira. At hindi ninyo tunay na malalaman ang inyong sandata kung hindi ninyo alam kung paano ito ayusin."
Huminto si Kolk sa likod ni Thor at tiningnan ang kanyang ginagawa. Bigla nito hinalbot ang pana sa kamay ni Thor na bahagyang nakasakit sa kamay nito.
"Ang pisi nito ay hindi masyadong tuwid." Ang puna ni Kolk. "Kapag ginamit ninyo ito sa gitna ng digmaan, mamamatay ka at ang kapareha sa tabi mo."
Ibinagsak ni Kolk ang pana sa lamesa at nagpatuloy sa pagmamasid; ilang mga kalalakihan ang napabungisngis. Namula si Thor habang dinampot ang pisi at sinubukang ayusin. Ilang oras na niya itong ginagawa, sagad na sa isang nakakapagod na araw na puno ng pagtatrabaho.
Karamihan sa mga kinatawan ay nagsasanay sa paggamit ng pana, sibat at espada. Tumingin si Thor sa mga ito at nakita ang kanyang tatlong kapatid na nagtatawanan habang iwinawagayway ang espada sa hangin. Pakiramdam ni Thor ay nakakausad na ang kanyang mga kapatid habang siya ay napalagiwanan na sa kanilang mga anino. Hindi ito patas. Malakas ang kanyang pakiramdam na hindi siya tanggap dito; na hindi siya tunay na miyembro ng Legion.
"Huwag kang magalala. Masasanay ka din." Ang sabj ni O'conner sa kanyang tabi.
Nanginginig na sa pagod ang mga kamay ni Thor; hinila niyang muli ang pisi sa huling pagkakataon, ngunit sa abot ng kanyang makakaya. At sa kanyang sorpresa, kumabit ito ng maayos sa pana. Nakaramdam ng pagkakontento si Thor sa kanyang nagawang pana na sobrang tibay.
Dumidilim na ang paligid habang pinupunasan ni Thor ang pawis sa kanyang mukha. Iniisip niya kung gaano pa ito magtatagal. Nagbago ang kanyang pananaw tungkol sa isang mandirgma. Sa kanyang isipan, iba ang kanyang nakikita. Akala niya ay puro pagsasanay lamang buong araw. Ngunit marahil ay bahagi lamang din ito ng kanilang pagsasanay.
"Hindi rin ito ang inakala ko," ang sabi ni O'conner na animoy binabasa ang kanyang isip.
Tumingin si Thor sa kanya at nakitang muli ang mga ngiti sa mukha ng kaibigan.
"Nagmula ako sa hilagang probinsya." Pagpapatuloy nito. "Ako din ay nangarap na mapasali sa Legion buong buhay ko. Ang inisip ko lamang ay puro pagsasanay at pakikipaglaban. Hindi ang mga bagay na ito. Pero magiging maayos din nag lahat. Marahil ay dahil sa mga bago pa lamang tayo. Bahagi ito ng ating inisasyon. Mukhang mayroon ditong pagkakasunod sunod. Tayo rin ang pinakabata. Hindi ko nakikita ang mga nasa labing siyam na gulang na gumagawa ng ganito. Hindi rin ito magtatagal. Magagamit rin naman natin ang kakayahan na ito."
Isang malakas na tunog ang kanilang narinig. Lumingon si Thor at nakita ang mga miyembro ng Legion na nagtitipon sa tabi ng isang malaking pader na yari sa bato sa gitna ng koluseyo. May mga lubid ang nakakabit dito. Ang pader ay may taas na tatlumpung pulgada at nakasalansan na animoy mga tumpok lamang ng dayami.
"Ano pang hinihintay niyo?" Sigaw ni Kolk. "Kilos!"
Nagsidatingan nag mga Silver, nagsisigawan at bago pa man makapagisip si Thor ay nagsipagtayuan na sila sa kanilang kinauupuan at tumakbo papalapit sa pader.
Ilang sandali lamang ay nakatayo na ang lahat sa tapat ng mga lubid. Nagkaroon ng komosyon sa paligid habang bawat miyembro ng Legion at nakatindig sa paligid ng pader. Tuwang tuwa si Thor na mapabilang, sa wakas, sa ibang miyembro ng Legion, habang nasa tabi niya si Reece at ang isa pang kaibigan na si O'conner.
"Inyong dapat malaman na sa bawat digmaan, karamihan ng mga nayon ay nahaharangan ng mga nagtataasang mga pader." Sigaw ni Kolk habang pinagmamasdan ang mukha ng mga kalalakihan. "Ang pabagsakin ang harang na ito ay trabaho ng isang mandirigma. Sa isang labanan, mga lubid ang kadalasang ginagamit upang makatawid sa kabilang bahagi ng pader. Tulad ng mga lubid na inyong nakikita. Ang pagakyat sa mga sanggalang na pader ay isa sa mga pinakadelikadong bagay na inyong mapagdadaanan sa isang digmaan. May mga pagkakataon na kayo mas magiging lantad. Maari kayong buhusan ng mainit na tingga ng mga kalaban. Papanain nila kayo. Babagsakan ng bato. Hindi ka dapat umakyat sa pader ng hindi pa tama at perpekto ang oras. At kapag dumating na ang oras na iyon, kailangan ninyong umakyat para sa inyong buhay-o ibuwis ito."
Huminga ng malalim si Kolk at sumigaw ng, "Simulan niyo na!"
Sa paligid ni Thor ay nagkagulo ang mga kalalakihan habang nagaagawan sa lubid. Nakakita si Thor ng isang lubid, ngunit bago pa man siya makagalaw ay isang mas matandang lalaki ang tumulak sa kanya at kinuhaang lubid. Muling naghanal ng pinakamalapit na lubid si Thor ay kanyang nakita ang isang makapal at nakabuhol na lubid. Kumabog ang dibdib ni Thor habang pilit niyang inakyat ang pader.
Mahamog ang araw na iyon kaya dumudulas ang paa ni Thor sa pader. Ngunit napansin ni Thor na mas mabilis siya kaysa sa iba. Nagunguna ito sa pagakyat. Sa unang pangkakataon, nakaramdam siya ng galak para sa kanyang sarili.
Ngunit, makalipas ang ilang sandali, isang mabigat na bagay ang bumagsak sa balikat nito. Tumingin siya sa itaas at nakita ang ilang miyembro ng Silver na naghahagis ng mga bato, sanga at kung ano ano pa. Ang isang lalaki sa tabi ni Thor ay iniharang ang isang kamay sa mukha. Nawala ang pagkakahawak nito sa lubid at agad bumagsak sa lupa. Bumagsak siya mula sa taas na dalawamoung talampakan at bumagsak sa tumpok ng mga dayami sa ibaba.
Dumudulas din ang pagkakahawak ni Thor sa lubid ngunit nagawa niyang manatiling nakahawak dito. Isang bato ang bumagsak sa kanyang likod ngunit nagpatuloy pa din siya sa pagakyat. Nagsisimula na siyang maaliw sa kanyang ginagawa ng isang malakas na sipa sa kanyang tagiliran. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling hanggang sa makita niya ang isa pang lalaki na nakabitin rin sa lubid. Bago pa man makakilos si Thor ay sinipa siyang muli ng lalaki.
Napabitiw si Thor sa lubid at agad siyang bumagsak sa tumpok ng mga dayami. Nagulat siya pero hindi naman siya nasaktan.
Dali daling tumindig si Thor, hinahabol ang kanyang paghinga at lumingon sa kanyang paligid. Karamihan sa mga kalalakihan ay bumabagsak sa ere na animoy mga langaw sa lubid, bumabagsak sa mga dayami, sinisipa o hinihila ang isat isa o kaya'y nabasakan ng mga ibinato ng mga miyembro ng Silver. Wala ni isa ang nakarating sa itaas.
"Magsitindig kayo." Sigaw ni Kolk na nagpatalon kay Thor at sa iba pa.
"ESPADA!"
Nagsipagtakbuhan ang mga kinatawan at agad nagtungo sa kinalalagyan ng mga sandata. Nakilahok si Thor at agad kumuha ng kanyang espada at nagulat siya sa bigat nito. Doble ang bigat nito sa kahit anong sandata na kanyang nahawakan. Nahirapan siyang hawakan ito.
"Mabigat na espada, simulan na." Sigaw ng isang boses.
Lumingon si Thor at kanyang nakita ang malaking si Elden, ang kanyang unang nakalaban sa pagsali niya sa Legion. Hindi niya makakalimutan si Elden dahil hanggang ngayon ay masakit pa rin ang kanyang mukha sa mga pasa na ibinigay ni Elden. Nakaturo ito sa kanya, nakataas ang espada na may mukha ng pakikipaglaban.
Agad naiangat ni Thor ang kanyang espada para saligin ang espada ni Elden, ngunit masyadong mabigat ang espada at mukhang hindi niya ito kakayanin. Samantala, si Elden, na mas malakas at mas malaki sa kanya, ay biglaang sinipa si Thor sa tagiliran.
Napaluhod si Thor sa sobrang sakit. Muling umatake si Elden gamit ang espada ngunit nagawa pa ding makaiwas ni Thor mula dito. Ngunit mas malakas at mabilis si Elden. Muli itong umatake at tinamaan ang binti ni Thor na muling nagpabagsak sa kanya.
Isang maliit na grupo ang pumalibot sa kanila. Naghihiyawan at nagpapalakpakan habang silang dalawa na ang naging sentro ng atensyon. Lahat sila ay pumapabor kay Elden.
Muling itinaas ni Elden ang kanyang espada at naghandang tumira ngunit gumulong papalayo si Thor. Nagkaroon ng pagkakataong tumira si Thor at agad niya itong kinuha-tumira siya at kanyang natamaan si Elden sa likod ng kanyang tuhod. Agad itong nagpabagsak sa kanya.
Ginamot ni Thor ang pagkakataon upang makatindig sa kanyang mga paa. Tumayo din si Elden, namumula sa sobrang galit. At ngayon ay magkaharapan na sila.
Alam ni Thor na hindi maari na tumindig lamang siya doon; naghanda agad itong tumira. Ngunit ang espada na ito ay yari sa isang uri ng kahoy na sobrang bigat; naapektuhan ng bigat ang tira ni Thor. Naiwasan agad ito ni Elden at kanya namang tinira sa dibdib si Thor.
Napaluhod si Thor at kanyang nabitawan ang kanyang espada. Napabagsak siya ng hangin.
Tuwang tuwang nagsisigawan ang kanilang manunuod. Lumuhod si Thor at kanyang naramdaman ang dulo ng espada ni Elden na nakaturo sa kanyang lalamunan.
"Sumuko ka na."ang sabi ni Elden
Tumitig lamang dito si Thor habang kanyang nalalasahan ang dugo sa kanyang labi.
"Hindi." Pagpupumilit ni Thor
Ngumiti lamang si Elden, iniangat ang espada at naghandang tapusin ang laban. Wala ng magagawa si Thor. Isang malakas na tira ang sa kanya'y paparating.
Habang papalapit ang espada, ipinikit ni Thor ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay bumagal ang kanyang paligid at siya ay nalipat sa isang kabihasnan. Bigla niyang naramdaman ang espada na palapit sa kanya, ang galaw nito at kanyang ipinuwersa na pigilan ito.
Naginit ang buong katawan ni Thor at nakaramdam siya ng kakaiba. May kakaibang nangyayari. Naramdaman niya ang sarili na pinipigilan ito.
Makalipas ng ilang sandali ay biglaang tumigil sa kalagitnaan ng hangin ang espada. Nagawa ni Thor na pahintuin ito gamit ang kanyang kapangyarihan.
Habang nalilitong hawak ni Elden ang espada, ginamit ni Thor ang kapangyarihan ng kanyang isipan upang pilipitin ang kamay ni Elden. Pinilipit ito ng malakas ni Thor sa kanyang isipin hanggang sa napasigaw na sa sobrang sakit si Elden at mabitawan ang kanyang espada.
Tumahimik ang mga manunuod, nakatindig lamang habang pinagmamasdan si Thor na nanlalaki ang mata sa sobrang gulat.
"Isa siyang demonyo!",sigaw ng isang lalaki
"Isang salamangkero.!"
Hindi alam ni Thor kung paano at ano ang kanyang ginawa. Alam niyang hindi ito normal. Pinagmamalaki niya ang kanyang sarili ngunit nahihiya din siya. Masaya ngunit takot.
Lumapit si Kolk at tumayo sa gitna nina Thor at Elden.
"Hindi ito lugar para sa salamangka bata. Kung sino ka man." Ang sabi ni Kolk. "Ito ay lugar para sa pakikipaglaban. Sinuway mo ang mga patakaran sa pakikipaglaban. Pagisipan mo kung ano ang iyong ginawa. Ipapadala kita sa lugar na puno ng matinding panganib at titingnan natin kung paano ka maipagtatanggol ng salamangka mo. Pumunta ka sa mga kawal na nasa sanggalang."
Nagulat ang lahat at nagkaroon ng matinding katahimikan sa paligid. Hindi alam ni Thor kung ano ang ibigsabihin nito. Ngunit kung ano man iyon, hindi ito magiging maganda."
"Hindi mo siya maaring ipadala doon." Pagpoprotesta ni Reece. "Bago pa lamang siya. Masasaktan siya doon."
"Gagawin ko kung ano ang gusto ko bata.!" Ang sagot naman ni Kolk. "Wala dito ang iyong ama upang ipagtanggol ka. O siya. Ako ang pinuno ng Legion. At ingatan mo ang iyong pananalita. Hindi porket miyembro ka ng pamilya ng hari ay maaari ka ng magsalita sa akin ng ganyan."
"Kung gayon," sambit ni Reece, "sasama ako sa kanya."