Kitabı oku: «Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani », sayfa 10
IKALABING ANIM NA KABANATA
Habang unti unting naglalaho ang araw-kakaibang kulay din ang bumalot sa kalangitan- naglalakad si Thor kasama sina Reece,O'conner at Elden pababa, patungo sa madilim na kagubatan ng kabihasnan. Silang apat na lamang ang natitira dahil kinakailangan maiwan ni Erec sa kabila ng kanilang pagpupumilit. Alam ni Thor na mas kailangan nila ngayon ang isat isa. Kailangan nilang magkaisa, kahit wala si Erec. Bago sila humiwalay, sinabihan sila ni Erec na huwag magalala, na mananatili siya sa kanilang tagpuan at agad dadating kung kailanganin man nila ng tulong
Napanatag ng bahagya si Thor dahil dito.
Habang papalapit ang kagubatan, pinagmasdan ni Thor ang kanilang paligid na napupuno ng mga kakaibang mga prutas at tinik. Buhol buhol ang mga sanga ng mga puno na mukhang sinauna na. Kinakailangan nilang yumuko upang iwasan ang mga ito na nakaharang sa kanilang daanan. Bawat sanga ay may mga tinik sa halip na dahon. May mga dilaw na mga halaman ang nagkalat sa paligid at nagkamali si Thor sa paghila sa isa mga ito na iyon pala ay isang ahas. Mabuti na lamang at nakaiwas agad ito.
Inasahan niyang matatawa sa kanya ang iba, ngunit maging sila ay nababalot ng takot. Ang kanilang paligid ay napupuno ng mga tunog ng hayop na noon pa lamang nila narinig. Ang iba ay mababa ang tunog at ang iba naman ay matitinis. Ang ilan ay nagmumula sa malayo, samantalang ang iba ay animoy malapit lamang sa kanila. Mabilis ding dumilim ang paligid habang papasok sa gitna ng gubat. Pakiramdam ni Thor ay anumang oras, maari silang atakihin. Sa pagdilim ng paligid, nahihirapan na din si Thor na makita ang mukha ng kanyang mga kasama. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang espada hanggang sa mamuti na ito habang hawak naman niya sa kabilang kamay ang kanyang tirador. Ang iba ay hinawakan din ang kanilang mga sandata.
Pinipilit ni Thor na maging matapang at malakas ang loob tulad ng isang tunay na mandirigma. Tulad ng paalala ni Erec. Mas mabuti ng mamatay siya ngayon kaysa sa mabuhay na puno ng takot. Itinaas niya ang kanyang ulo at binilisan ang kanyang paglalakas hanggang sa mauna na siya sa kanyang mga kasama.
"Ano ba talaga ang babantayan natin?" Tanong ni Thor
Pagkatapos niya iyong banggitin, kanyang naisip na walang kwenta ang kanyang tanong at inasahan na niya ang pangungutya ni Elden.
Ngunit nagulat siya ng walang sino man ang sumagot. Nilingon sila ni Thor at nakita ang nanlalaking mata ni Elden. Mas takot pa ito sa kanya. Mas nagbigay ito ng lakas ng loob kay Thor. Mas bata at mas maliit sa kanya si Thor ngunit hindi siya nagpapadala sa kanyang takot.
"Ang mga kaaway?" Sagot ni Reece.
"At sino iyon?" Tanong ni Thor. "Anong itsura niya?"
"Maraming uri ng mga kaaway dito," sabi ni Reece. "Nasa kabihasnan na tayo ngayon. Madaming uri ng mga rebelde at ibat ibang mga nilalang."
"Pero anong punto ng bagbabantay natin?" Tanong ni O'conner. "Anong pagkakaiba ang maidudulot ng ginagawa natin? Kung makakapatay man tayo ng isa o dalawa, sapat na ba iyon para para mapigilan ang milyon milyon pang natitira?"
"Hindi tayo naparito upang bawasan sila." Ang paliwanag ni Reece "Naririto tayo upang ipaalam sa kanila na hindi sa dapat lumapit sa sanggalang. Naririto tayo bilang kinatawan ng hari."
"Sa tingin ko, mas makakabuti kung maghihintay lamang tayo sa kung sino man ang magtatangkang pumasok at saka tayo kumilos," ang sabi ni O'conner
"Hindi." Ang sagot ni Reece, "mas makakabuti na pigilan na natin sila bago pa man sila makapalapit. Iyon ang dahilan ng pagbabantay na ito. Iyon ang sinabi sa akin ng nakatatanda kong kapatid."
Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ni Thor habang patuloy sila sa paglalakad sa gubat.
"Gaano kalayo ang dapat nating lakarin?" Nanginginig na tanong ni Elden, na matagal nanahimik.
"Hindi mo ba naalala ang sinabi ni Kolk? Kailangan nating kuhanin ang pulang bandila at ibalik sa kanya." Ang sabi ni Reece. "Iyon ang ating magiging palatandaan na nakarating tayo ng malayo sa ating pagbabantay."
"Wala akong nakikitang bandila kahit saan," sagot ni O'conner. "Wala nga akong makita na kahit anong bagay. Paano tayo makakabalik?"
Walang nakasagot. Iniisip din iyon ni Thor. Paano nila makikita ang pulang bandila sa gitna ng kadiliman ng gabi? Napapatanong siya kung biro lang ba ang lahat ng ito, isang pagsubok o isa namang sikolohikal na pagsasanay ng mga Legion. Muling naisip ni Thor ang mga sinabi ni Erec ukol sa kanyang mga kaaway sa kaharian. May kakaiba siyang nararamdaman tungkol sa pagbabantay na ito. Sila ba ay nasa isang patibong?
Makailang sandali ay isang matinis na tunog ang kanilang narinig, kasunod ang mga galaw sa mga sanga ng puno at isang bagay na malaki ang dumaan sa kanilang harapan. Binunot ni Thor ang kanyang espada, maging ang iba. Ang tunog ng espada habang hinihila mula sa metal na lalagyan nito ay bumalot sa kanilang paligid habang sila'y nakatayo, hawak ang espada sa kanilang harapan at kabadong nagmamasid sa kanilang paligid.
"Ano iyon?" Iyak ni Elden, habang napupuno ng takot.
Ang hayop ay dumaan muli sa kanilang harapan, palipat lipat ng pwesto pero sa oras na ito ay malinaw na nila itong nakita.
Kumalma ang balikat ni Thor ng kanyang makilala kung anong hayop iyon.
"Isang usa." Ang sabi nito. "Hindi di pangkaraniwang itsura pero usa pa din."
Tumawa ng malakas si Reece. Nang marinig ito ni Thor, kanyang napagtanto na iyon ay isang tawa ng susunod na hari. Nagpagaan sa kanyang pakiramdam na malaman na nasa tabi niya ang kanyang kaibigan. Pagkatapos ay tumawa din siya. Lahat ng kanilang takot ay napunta sa wala.
"Hindi ko alam na lumiliit pala ang boses mo kapag natatakot." Panunukso ni Reece kay Elden habang tumatawa.
"Kung maayos lang kita nakikita ngayon, masasaktan ka sa akin" pagbabanta ni Elden
"Nakikita kita ng ayos"ang sabi ni Reece. "Halika, subukan mo."
Tinitigan lamang ito ng masama ni Elden ngunit hindi ito gumalaw. Sa halip ay ibinalik na lamang nito ang espada sa lalagyan katulad ng iba. Humahanga si Thor kay Reece dahil sa pagpapahirap nito kay Elden; nilalait ni Elden ang halos lahat-nararapat lamang na maranasan naman niya ang malait. Hinahangaan niya ang tapang ni Reece sa kabila ng laki ni Elden.
Unti unti ay nawala ang tensyon sa katawan ni Thor. Naranasan na nila ang kanilang unang engkwentro at buhay pa din sila. Muli siyang napatawa dahil sa saya na buhay pa rin sila.
"Sige. Tumawa ka lang bata." Galit na sabi ni Elden. "Tingnan natin kung sino ang may huling halakhak."
Hindi ikaw ang tinatawanan ko,di tulad ni Reece, naisip ni Thor, masaya lamang ako na buhay pa din ako.
Ngunit hindi na siya nagsalita; alam niyang wala na siyang maaring sabihin na magpapabago sa galit sa kanya ni Elden.
"Tingnan ninyo," sigaw ni O'conner. "Doon"
Nagulat si Thor ngunit hindi niya sigurado kung ano ang itinuturo nito sa kadiliman ng gabi. At nakita niya: ang watawat ng Legion, na nakasabit sa mga sanga.
Nagsimula siyang tumakbo patungo rito.
Nilampasan ni Elden ang iba, binangga ang nakaharang sa kanyang daan.
"Sa akin ang watawat na iyan." Sigaw nito
"Ako nag unang nakakita.",sigaw naman ni O'conner
"Pero ako ang unang makakakuha nito at ako ang magdadala nito pabalik." Sigaw ni Elden.
Hindi makapaniwala si Thor sa ugali ni Elden. Naalala niya ang sinabi ni Kolk na kung sino man ang makakakuha ng bandila ay gagantimpalaan- at naging malinaw kung bakit nagtatakbo si Elden. Ngunit hindi ito rason para sa ikinikilos niya. Isa dapat silang grupo at hindi para sa sarili lamang. Lumalabas na ang tunay na kulay ni Elden- wala ni isang tumakbo at sinubukang higitan ang bawat isa. Mas lalong kinamuhian ni Thor si Elden.
Dali daling nagtatakbo si Elden, matapos banggain si O'conner, at bago pa man sila makakilos ay nauna ng makuha ni Elden ang watawat.
Sa sandali na makuha niya ito, isang malaking net ang biglaang lumabas mula sa lupa at nakulong nito si Elden at iniangat sa hangin. Lumambitin ito na animoy isang hayop.
"Tulong! Tulungan ninyo ako!" Takot na takot na sigaw ni Elden
Dahan dahang lumapit ang tatlo. Nagsimulang tumawa si Reece.
"Ngayon, sino ang duwag?" Pangungutya ni Reece
"Ikaw talaga…",sigaw nito. "Papatayin kita pag nakaalis ako dito."
"O talaga?" Paguulit ni Reece. "At kailan iyon?"
"Ibaba niyo ako dito." Sigaw ni Elden habang nagpupumiglas. "Inuutusan ko kayo."
"O? Inuutusan mo kami? Talaga?" Ang sabi Reece na walang tigil sa kakatawa.
Lumingon si Reece at tumingin kay Thor.
"Ano sa tingin mo?" Tanong ni Reece
"Sa tingin ko ay kailangan niyang humingi sa atin ng tawad." Ang sambit ni O'conner. "Lalo na kay Thor."
"Sumasangayon ako." Sabi ni Reece. "Ganito na lang, humingi ng tawad-dapat yung taos na puso mo-pagkatapos ay pagiisipan ko kung ibababa kita diyan"
"Humingi ng tawad?" Paguulit ni Elden. "Hindi kailanman"
Muling tumingin si Reece kay Thor.
"Marahil ay iwanan na lamang muna natin ang taong ito dito buong gabi. Magkakaroon pa ng masarap na pagkain ang mga hayop. Ano sa tingin mo?"
Ngumiti lamang si Thor.
"Magandang ideya." Ang sambit ni O'conner
"Sandali!" Sigaw ni Elden
Lumapit si O'conner kay Elden at kinuha ang watawat sa mga kamay nito.
"Mukhanv hindi mo kami natalo sa pagkuha ng watawat." Sabi ni O'conner
Tumalikod na ang tatlo at nagsimulang maglakad
"Hindi , sandali!" Ang pagsusumamo ni Elden. "Hindi niyo ako maaaring iwanan dito. Hindi niyo iyon gagawin."
Ngunit patuloy na naglakad ang tatlo
"Patawad!" Nagsimulang umiyak si Elden. "Pakiusap! Patawarin ninyo ako."
Huminto si Thor ngunit patuloy na naglakad ang dalawa. Sa wakas, humarap si Reece.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Reece kay Thor
"Hindi natin siya maaring iwanan dito." Ang sabi ni Thor. Sa kabila ng galit ni Thor kay Elden, sa tingin nito ay hindi tama na iwanan lamang nila si Elden dito.
"Bakit hindi?" Ang tanong ni Reece. "Siya naman ang gumawa niyan sa sarili niya."
"Kung magkakapalit kayo ng posisyon," dagdag ni O'conner, "ikagagalak niya na iwanan ka lamang."
"Naiintindihan ko." Ang sabi ni Thor. "Ngunit hindi ibigsabihin nito ay gagayahin na natin siya."
Inilagay ni Reece ang kanyang kamay sa baywang at napahinga ng malalim, habang lumalapit ito kay Thor at bumulong.
"Hindi ko naman siya iiwan dito buong gabi. Marahil ay ilang oras lamang. Ngunit may tama ka. Baka mapaihi siya at atakihin sa puso. Masyado kang mabait. Problema yan." Ang sabi ni Reece habang hinahawakan sa balikat si Thor. "Pero kaya nga kita pinili bilang kaibigan."
"Ako din."dagdag ni O'conner habang hinawakan ang kabilang balikat ni Thor.
Lumapit si Thor at pinakawalan si Elden.
Bumagsak sa lupa si Elden. Agad itong tumayo at hinanap ang kanyang espada.
"Ang espada ko!" Sigaw ni Elden. "Nasaan na?"
Sinubukang hanapin ito ni Thor ngunit masyadong madilim.
"Baka tumilapon ito sa mga puno ng mabitag ka." Ang sabi ni Thor
"Kung nasaan man iyon, wala na ito." Sabi ni Reece. "Hindi mo na iyon mahahanap."
"Pero hindi ninyo naiitindihan," pakiusap ni Elden. "Ang Legion. Mayroon silang isang patakaran. Huwag mong iiwan ang iyong sandata. Hindi ako makakabalim ng wala iyon. Papalitan nila ako."
Muling sinubukang maghanap ni Thor sa lupa, sa mga puno, sa lahat. Ngunit wala siyang makita kahit tanda ng espada ni Elden. Nanatiling nakatayo sina Reece at O'conner, hindi man lamang naghahanap.
"Patawad." Sabi ni Thor. "Hindi ko makita."
Naghanap ng naghanap si Elden hanggang sa sumuko na ito.
"Kasalanan mo ito." Ang turo ni Elden kay Thor. "Ikaw ang nagdala sa atin dito."
"Hindi ako" sagot ni Thor. "Ikaw. Ikaw ang kumuha ng watawat. Itinulak mo kaming lahat. Wala kang dapat sisihin kung hindi ang sarili mo lamang."
"Kinamumuhian kita"ang sigaw ni Elden.
Biglaang sinuntok ni Elden si Thor na nagpabagsak dito sa lupa. Nabigla si Thor sa bigat nito. Nagawang makatayo ni Thor ngunit muli siyang sinuntok ni Elden na nagpabagsak muli sa kanya. Masyadong malaki at malakas si Elden upang kalabanin niya.
Makalipas ng ilang sandali, kahit huminto na si Elden, naramdaman ni Thor ang pagkuha ni Reece sa kanyang espada. Itinapat niya ang dulo ng espada sa lalamunan ni Elden.
Lumapit naman si O'conner upang tulungang makatayo si Thor. Tumindig sa Thor kasama ng kanyang dalawang kaibigan habang nakatingin kay Elden na nananatiling nasa lupa at tinututukan ng espada ni Reece.
"Subukan mo ulit saktan ang kaibigan ko." Seryosong sabi ni Reece. "At sisiguraduhin kong papatayin kita."
IKALABING PITONG KABANATA
Sama samang nakaupo sila Thor, Reece, O'conner, Elden at Erec sa lupa, habang nakapalibot sa init ng apoy. Silang lima ay tahimik na nakaupo, at nagulat si Thor na malamig ang hangin sa gitna ng panahon ng tagaraw. May kakaiba talaga sa sanggalang na ito, nakapangingilabot, malamig na hangin na umiihip sa kanyang likod at ang malamig na usok na hindi nawawala. Lumapit ito sa apoy at itinapat ang mga kamay na hindi mainitan.
Kumagat si Thor sa isang piraso ng pinatuyong karne na pinagpapasahan nilang lima; matigas ito at maalat, ngunit nagbibigay ito ng lakas. Lumapit si Erec at may iniabot kay Thor na malambot na wineskin na may katas na tumutulo. Mabigat ito habang iniaangat niya sa kanyang labi at pinisil ang katas sa kanyang lalamunan ng matagal. Nakaramdam siya ng init sa unang pagkakataon sa gabing iyon.
Lahat ay tahimik habang nakatingin sa apoy. Hindi pa rin mapakali si Thor. Nasa kabilang bahagi na siya ng sanggalang, sa bahagi ng mga kaaway, at pakiramdam niya ay kailangan niyang maghanda anumang oras. Kabaligtaran naman ni Erec na kalmado lamang na animoy nakaupo lamang sa kanilang likod bahay. Ngunit kampante nang muli si Thor na makasama si Erec at magkaroon ng apoy. Pinagmamasdan ni Erec ang bawat sulok ng gubay, nakikinig sa bawat kaluskos, ngunit nananatiling kalmado at malakas ang loob. Alam ni Thor na kung may panganib na dumating, ipagtatanggol sila ni Erec.
Kuntento na si Thor na nakaupo malapit sa apoy; tumingin ito sa paligid at nakita na kuntento din ang iba maliban kay Elden na hindi pa din maipinta nag mukha simula ng bumalik sila mula sa kagubatan. Nawala ang kanyang lakas ng loob noong umaga at ngayon ay nakaupo siya, masama ang loob at walang sandata. Hindi siya mapapatawad ng mga kumander ng Legion-mapapatalsik si Elden sa kanilang pagbabalik. Iniisip niya kung ano ang gagawin ni Elden. May pakiramdam siya na hindi ito basta basta susuko, na mayroon itong susunod na hakbang. Sigurado si Thor na kung ano man iyon, hindi ito magiging maganda.
Lumingon si Thor at sinundan ang tingin ni Erec sa malayo, sa timog na direksyon. Isang maliit na liwanag sa pinakadulo ng daan ang nagbigay liwanag sa gabi. Napaisip si Thor.
"Ano iyon?" Tanong nito kay Erec. "Iyong liwanag? Iyong tinitingnan mo?"
Tumahimik ng ilang sandali si Erec at tanging tunog lamang ng hangin ang maririnig. Sa wakas, sumagot ng biglaan si Erec. "Ang mga Gorals"
Tiningnan ni Thor ang iba ant nakita ang takot sa mga mukha nito. Namilipit ang sikmura ni Thor habang iniisip ang mga ito. Ang mga Gorals. Malapit lamang. Walang namamagitan sa kanila kundi ang simpleng gubat at isang malawak na lupain. Wala na ang sanggalang na naghihiwalay sa kanila at nagpapanatili sa kanilang ligtas. Buong buhay niya ay narinig niya ang mga kwento tungkol sa mga bayolenteng mga rebelde na ito na walang ibang ninais kung hindi ang sakupin ang bilog na kalupaan. At ngayon wala ng bagay na namamagitan sa kanila. Hindi siya makapaniwala kung gaano sila kadami. Isang malawak at naghihintay na mga hukbo.
"Hindi ka ba natatakot?" Tanong ni Thor kay Erec
Umiling lamang si Erec.
"Ang mga Gorals ay gumagalaw bilang isa. Ang kanilang hukbo ay tumitigil doon tuwing gabi. Aatake lamang sila kung papakilusin nila ang kanilang buong hukbo at susugod bilang iisa. At hindi nila iyon magawa. Ang kapangyarihan ng espada ang ating sanggalang. Alam nila na hindi nila iyon kayang sirain o lampasan."
"Bakit pa sila tumitigil dito?" Tanong muli ni Thor
"Paraan lamang nila ito para manakot. At bilang paghahanda. Maraming mga naging pagkakataon sa buong kasaysayan, sa panahon ng ating mga ama, na kung saan ay sinubukan nilang sumugod at makapasok. Ngunit hindi na muli itong nangyari."
Napatingin si Thor sa langit at tinitigan ang mga ibat iabng kulay ng bituin habang nagiisip. Ang bahagi na ito ng sanggalang ay lugar ng mga bangungot at alam na niya iyon bago pa man siya makalakad. Ang isipin ito ay nagdadala sa kanya ng takot ngunit pinipilit niya itong manatili sa knayang isipan. Miyembro na siya ng Legion kaya kailangan niyang kumilos na katulad nila.
"Huwag kang magalala." Paalala ni Erec, na animoy binabasa ang kanyang isip. "Hindi sila aatake ng nasa atin pa ang espada ng tadhan.
"Nahawakan mo na ba iyon?" Biglaang tanong ni Thor. "Ang espada?"
"Siyempre hindi." Agad na sagot ni Erec. "Walang sino man angg maarinv humawak dito kung hindi ang mga tagapagmana lamang ng hari."
Tumingin lamang sa kanya si Thor at nalilito.
"Hindi ko maintindihan." Ang sabi ni Thor. "Bakit?"
Nilinaw ni Reece ang kanyang lalamunan.
"Pwede bang ako ang sumagot?" Ang sabat ni Reece
Tumango si Erec.
"May mga alamat kasi tungkol sa espada. Hindi pa ito kailanman nahuhugot sa kinatutusukan nitong bato. Ang sabi sa mga alamat, may isang tao, ang pinili, ay magagawang hugutin ito. Tanging ang hari lamang ang maaring sumubok nito o isa man sa kanyang mga tagapagmana. Kaya naroroon lamang siya at hindi nahahawakan."
"At paano ang kasalukuyang hari?ang iyong ama?" Ang tanong ni Thor. "Hindi ba niya sinubukan.?"
Napayuko lamang si Reece.
"Sinubukan niya isang beses. Nang siya ang naging hari. Iyon ang sabi niya. Hindi niya ito mabuhat. Kaya naroroon lamang ang espada na naging isang bagay na nagpapabagsak sa kanya. Kinamumuhian niya ito. Titimbang siya nito na animoy isang tao.
"Kung dumating ang natatanging napili," dagdag ni Reece, "papalayain niya ang buong bilog na kalapuan mula sa mga kaaway at dadalhin tayo sa mas mabuting tadhana. Lahat ng digmaan ay matatapos."
"Mga pantasya at walang kwentang mga istorya." Ang sigaw ni Elden. "Walang makakahugot sa espada. Imposible iyon. Wala talagang ang taong 'napili'. Kalokohan. Ang alamat ay nilikha upang mas lalong pabagsakin ang mga ordinaryong mga tao, upang panatilihin tayong naghihintay sa 'napili'. Upang mas mapalakas ang angkan ng mga MacGils. Ginagamit nila ang alamat para sa kanilang pansarili."
"Tumahimik ka." Galit na sigaw ni Erec. "Palagi mong pinagsasalitaan ng masama ang hari."
Napayuko na lamang si Elden.
Pinagisipan ni Thor ang lahat. Masyado siyang madaming nalaman ngayon. Buong buhay niya ay pinangarap niya na makita ang espada ng tadhana. Narinig niya ang mga istorya tungkol sa perpektong hugis nito. Ayon sa usap usapan, ginawa ito mula sa materyales na walang nakakaintindi, isang materyales na makapangyarihan. Napaisip si Thor kung ano ang mangyayari sa kanila kung wala ang espada para protektahan sila. Ang lahat ba ng mandirgma ng hari ay maglalaho? Muling tiningnan ni Thor ang kabihasnan na parang walang katapusan.
"Nakarating ka na ba doon?" Tanong ni Thor kay Erec. "Doon sa malayo? Pagkalampas ng gubat? Papunta sa kabihasnan?"
Lahat ay napalingon kay Erec habang hinihintay ni Thor ang sagot. Sa gitna ng matinding katahimikan, tinitigan ni Erec ang apoy ng matagal-na sa sobrang tagal, nagduda si Tbor kung makakakuha siya ng sagot. Umaasa si Thor na hindi siya masyadong nakikialam; malaki ang pasasalamat at utang na loob niya kay Erec, at ayaw niyang magalit sa kanya ito. Hindi rin sigurado si Thor kung gusto niya malaman ang sagot.
Bago pa man mabago ni Thor ang kanyang tanong, sumagot si Erec:
"Yes." Ang sagot ni Erec
Ang isang salita na iyon ay lumutang sa ere ng matagal at mula dito. Narinig ni Thor ang pwersa na nagsabi sa kanya ng lahat ng gusto niyang malaman.
"Anong naroroon?", tanong naman ni O'conner
Nakampante si Thor na hindi lamang siya ang nagtatanong.
"Ito ay napapamunuan ng isang sakim na emperyo.",ang sabi ni Erec. "Ngunit ang kalupaan ay malawak. Iyon ang lupa ng mga rebelde. Ang lupa ng mga alipin. At ang lula ng mga halimaw. Halimaw na higit pa sa inyong naiisip. At mayroong mga desyerto, bundok at mga burol. May mga lawa at malawak na karagatan. Naroon din ang lupa ng mga Druids. At ang lupa ng mga dragon."
Nanlaki ang mg mata ni Thor.
"Dragon?",ang gulat na tanong ni Thor. "Akala ko'y hindi sila totoo."
Seryoso siyang tinitigan ni Erec.
"Sigurado ako na totoo sila. At isa iyong lugar na hindi mo gugustuhin na mapadpad. Isang lugar na kinatatakutan din ng mga Gorals.
Napalunok lamang si Thor. Hindi niya malubos isipin kung paano siya makakapunta sa bahaging iyon ng daigdig. Iniisil niya kung paano nakabalik ng buhay si Erec. Inalala niya na itatanong niya ito sa ibang araw.
Napakaraming tanong si Thor na nais niyang itanong kay Erec- ang lahi ng mga masasamang emperyl at kung sino ang mga namumuno dito; kung bakit gusto nilang umatake; kung kailan ito naranasan ni Erec; at kailan siya nakabalik. Ngunit habang lumalamig at lumalalim ang gabi, umikot lamang sa kanyang ulo ang mga tanong at nagsimulang bumigat ang kanyang mga mata. Hindi ito ang tamang oras para magtanong.
Sa halip, nagpadala na lamang siya sa antok. Humiga siya sa lupa. Bago pa niya ipikit ang mga mata, muli niyang tiningnan ang kalupaan na ito at naisip kung kailan o kung makakauwi pa kaya siya.
*
Iminulat ni Thor ang kanyang mga mata habang iniisip kung nasaan at paano siya nakapunta doon. Tumingin siya sa baba at nakita nag makapal na hamog na sa sobrang kapal ay hindi na niya makita ang kanyang mga paa. Umupo siya at pinagmasdan ang sanggalang na nasisikatan ng araw. Sa kabilang bahagi nito ay ang kanyang bayan. Naroroon pa din siya sa kabilang bahagi, sa maling bahagi. Bumilis ang tibok ng puso ni Thor.
Tumingin si Thor sa lagusan at wala ni isang tagabantay ang naroroon. Ang kanyang buong paligid ay walang sinomang tao. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Habang nakatingin siya sa lagusan, unti unting nalaglag ang mga kahoy na siyang nilalakaran na parang mga domino. Sa ilang sandali ay gumuho na ng tuluyan ang lagusan. Sa sobrang lalim ay wala siyang narinig na kahit anong tunog ng pagbagsak nito.
Napalunok si Thor at hinanap ang kanyang mga kasama, wala ang mga ito. Hindi niya alam ang gagawin. Naririto siya sa kabilang bahagi ng sanggalang, magisa, at walang paraan upang makabalik. Hindi niya miantindihan kung nasaan ang lahat.
Nang bigla siyang may narinig mula sa kagubatan. Na sinundan ng mga galaw. Agad siyang tumindig at sinundan ang pinanggagalingan ng tunog. Habang papalapit ay kanyang nakita ang isang patibong na nakasabit sa sanga ng puno. Sa loob nito ay si Elden na nagpupumiglas.
Isang malaking ibon ang nakatayo sa ulo nito. Isang kakaibang nilalang na nagniningning at may itim na linya ang nakaguhit sa noon nito, sa pagitan ng kanyang mga mata. Yumuko ito at tinuka ang mga mata ni Elden. Bigla itong tumingin kay Thor habang tuka tuka ang mata nito.
Gustong ilihis ni Thor ang kanyang mga mata ngunit hindi niya iyon magawa. Nang kanyang mapagtanto na patay na si Elden,biglang nagliwanag ang buong paligid. Mula sa bawat direksyon, nagdatingan ang hukbo ng mga Gorals. Malalaki, na nakasuot lamang ng loincloths , na may naglalakihang mga katawan, may tatlong ilong na nakahanay sa hugis na tatsulok sa kanilang mga mata at dalawang matatalim na mga pangil. Naglabas sila ng makapanindig balahibo na tunog habang papalapit sila kay Thor. Wala siyang ibang pupuntahan. Sinubukan niyang abutin ang espada ngunit wala ito.
Sumigaw si Thor.
Nagising si Thor at napaupo, mabilis ang paghinga, habang lumilingon sa kanyang paligid. Tahimik ang buong paligid, isang makatotohanang katahimikan, di tulad ng kanyang panaginip.
Sa kanyang tabi ay sina Reece, O'conner at Erec na natutulog sa lupa, sa tabi ng natupok na apoy. Sa lupa ay naroroon ang isang ibon. Pumihit ang ulo nito kay Thor. Malaki ito at nangniningning, na may itim na linya sa kanyang noo. Humuni ito at kinilabutan si Thor. Itk ang ibon sa kanyang panaginip.
Doon niya napagtanto na ang ibon ay isang mensahe-na hindi lamang iyon isang panaginip. Na may mali sa paligid. Nararamdaman niya ito.
Agad siyang tumindig at nagmasid habang iniisip kung ano ito. Wala siyang narinig na kakaiba; nandoon pa din nag lagusan at napupuno ng mga tagabantay.
Ano iyon?
At bigla niyang naisip kug ano ang mali. May nawawala. Si Elden.
Noong una ay kanyang inisip kung umalis lamang si Elden, pumunta sa lagusan at nauna nang bumalik sa kabilang bahagi. Marahil ay nahihiya siya na naiwan niya ang kanyang sandata at nagdesisyon itong umalis na lamang.
Ngunit biglang may mga nakitang bakas ng paa si Thor papunta sa kagubatan. Wala duda na kay Elden ang mga bakas na iyon. Hindi umalis si Elden; bumalik siya sa kagubatan. Magisa. Marahil upang patunayan ang kanyang sarili. O kaya'y bumalik ito upang kunin ang kanyang espada.
Isa iyong kahibangan na lumakad siyang magisa at nagpapatunay lamang iyon kung gaano kadesperado si Elden. Agad naramdaman ni Thor na may panganib. Nakataya ang buhay ni Elden.
Humuni ang ibon na sumasangayon sa mga naiisip ni Thor. At agad itong lumipad papalayo, muntikan nang matamaas si Thor
Agad kumilos si Thor. Hindi na nagisip kung ano ang kanyang gagawin. Pumasok siya sa kagubatan habang sinusundan ang mga bakas.
Hindi tumigil ang nararamdamang takot ni Thor habang binabaybay niya ang kagubatan. Kung titig siya upang pagisipan ang kanyang ginagawa, marah ay hindi na siya makakagalaw at mapupuno na ng takot at pagaalala. Ngunit sa halip ay inisip na lamang niya ang pangangailangan na matulungan si Elden. Tumakbo siya ng tumakbo-magisa-papasok ng kagubatan bago sumikat ang araw.
"Elden!" Ang sigaw ni Thor
Hindi niya maipaliwanag ngunit naramandaman niya na mamamatay si Elden. Marahil ay hindi na dapat niya itong alalahanin, base sa pagtrato nito sa kanya, ngunit hindi niya ito mapigilan. Kung siya man ang nasa posisyon nito, siguradong tutulungan din siya ni Elden. Isang kahibangan na ibuwis niya ang kanyang buhay para sa isang tao na walang pakialam sa kanya at mas matutuwa na makita siyang patay. Ngayon lamang siya nakaramdam nito, kung saan sumisigaw ang kanyang prisensya upang kumilos-sa isang bagay na hindi naman niya alam. Pakiramdam niya ay kinokontrol ang kanyang katawan ng isang bagong misteryosong kapangyarihan. Hindi siya mapakali at nawawalan siya ng kontrol sa sarili. Nababaliw na ba siya? Sobra na ba siyang magisip? Panaginip lamang ba ito? Baka dapat siyang bumalik na lamang.
Ngunit hindi. Hinayaan niya lamang ang kanyang mga paa at hindi nagpaapekto sa takot at pagdududa. Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa parang sasabog na ang kanyang baga.
Lumiko si Thor at biglang napatigil sa kanyang nakita. Nakatayo lamang siya doon, habang hinahabol ang kanyang paghinga, sinusubukang pagisipan ang imahe na kanyang nakikita, na hindi makatotohanan. Sapat ito upang magdala ng takot sa pinakamatigas na mandirigma.
Doon ay nakatayo si Elden, hawak ang kanyang espada habang nakatitig sa isang hindi maipaliwanag na nilalang. Nakapanghihilakbot. Mahigit siyam na talampakan ang taas nitk at kasing lapad ng apat na katao. Itinaas nito ang kanyang malalaki at mahahabang mga pulang galamay na may tatlong mga mahahabang daliri, parang kuko, sa bawat kamay, at ulo na animoy sa isang demonyo, na may apat na sungay, mahabang panga at malapad na noo. Mayroon itong dalawang naglalakihang mga dilaw na mata at matatalim na pangil.
Sa tabi nito, isang malaking punong kahoy ang nahati sa dalawa nang maglabas ito ng malakas na tunog.
Naninigas na nakatayo lamang si Elden, takot na takot. Bumagsak ang espada nito at nabasa ang lupa na kinatatayuan nito.
Naglaway ang halimaw at lumapit kay Elden.
Maging si Thor ay napupuno ng takot, ngunit di tulad ni Elden, hindi siya natigilan. Sa hindi maipaliwanag na rason, ang takot niya ay nagbigay sa kanya ng matinding lakas. Mas nabuhayan ang kanyang katawan. Binigyan siya nito ng mas malinaw na paningin na tumulong sa kanya upang suriin ang nilalalang sa kaniyang harapan, upanag aralin ang distansya niya kay Elden, at ang lakad at bilis nito. Sa bawat galaw nito. Nagawa din niyang suriin ang sarili, ang kanyang posisyon at ang kanyang sariling mga sandata.
Agad na kumilos si Thor. Lumapit siya patungo sa gitna ng halimaw at ni Elden. Sumigaw ang halimaw at naramdaman niya ang mainit na hininga nito, na mararamdaman din kahit sa malayo. Ang sigaw nito ay nagpatayo sa bawat balahibo sa batok ni Thor at nagpaisip sa kanya na bumalik na lamang. Ngunit narinig niya ang boses ni Erec sa kanyang isipan, nagsasabi na maging matapang siya. Na maging walang takot. Na manatiling kalmado. Kaya pinilit niyang manatili sa kanyang kinatatayuan.
Itinapat ni Thor ang kanyang espada at itinusok sa dibdib ng halimaw, patungo sa puso nito.
Napasigaw ang halimaw sa sobrang sakit habang tumutulo ang dugo sa mga kamay ni Thor. Lalo pa niyang idiniin ang espada sa dibdib nito.
Ngunit, mukhang hindi agad agad mamamatay ang halimaw.
Ng walang ano ano ay itinulak ng halimaw si Thor ng sobrang lakas, na naramdaman niya ang pagkadurog ng kanyang buto. Tumilapon si Thor sa hangin hanggang sa tumama ito sa isang puno at bumagsak sa lupa. Nakaramdam siya ng matinding sakit ng ulo habang nakahiga siya doon.
Tumingala si Thor, nalilito, habang umiikot ang lahat sa kanyang paligid. Binunot ng halimaw ang espada ni Thor na nakatusok sa dibdib nito. Mukhang maliit lamang ang espada sa kamay ng halimaw na parang isang tingting. Inihagis ito ng halimaw hanggang sa mawala na ito sa kanilang paningin.
Itinuon ng halimaw ang kanyang atensyon kay Thor.
Nakatayo pa din si Elden at hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Ngunit bago atakihin ng halimaw si Thor ay biglang kumilos si Elden. Inatake niya ang halimaw mula sa likot at sinakyan niya ito. Bumagal ang galaw ng halimaw, sapat upang makaupo si Thor; sa galit ng halimaw, inabot niya si Elden at itinapon. Tumama siya sa isang puno at bumagsak sa lupa.
Ang halimaw, na patuloy sa pagdurugo, ay muling ibinaling ang tingin kay Thor. Ibinukas nito ang bibig habang papalapit kay Thor.
Wala ng ibang paraan si Thor. Wala na ang kanyang espada at wala nang namamagitan sa kanila ng halimaw. Mabilis na patungo sa kanya ang halimaw at sa mga huling segundo ay gumulong papalayo si Thor. Tumama ang halimaw sa puno na sobrang lakas ng tama ay nabunot ito sa lupa.