Kitabı oku: «Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani », sayfa 11

Yazı tipi:

Itinaas ng halimaw ang kanyang paa at itinapat sa ulo ni Thor. Muling nakaiwas si Thor; at nagiwan ng malaking bakas ng paa ang halimaw sa lugar kung nasaan ang ulo ni Thor.

Tumindig si Thor at nilagyan ng bato ang kanyang tirador.

Natamaan niya ang halimaw sa pagitan ng mga mata nito, isa sa pinakamalakas na tira ni Thor, na nagpabagsak sa halimaw. Sigurado si Thor na napatay na niya ang halimaw.

Ngunit siya ay nagulat ng hindi huminto ang halimaw.

Sinubukan ni Thor na ilabas ang kanyang kapangyarihan, kung anong lakas man ang mayroon siya. Inatake niya ang halimaw at sinubukan itong pabagsakin sa lupa gamit ang kanyang di pangkaraniwang lakas.

Ngunit muling nagulat si Thor na hindi lumabas ang kanyang kapangyarihan. Isa lamang siyang bata. Isang mahinang bata, katapat ang isang halimaw.

Yumuko ang halimaw at kinuha si Thor, itinaas sa ibabaw ng kanyang ulo. Walang magawa si Thor, hanggang siya ay ihagis sa hangin. Tumilapon muli siya sa isang puno.

Nakahiga doon si Thor, umiikot ang kanyang paningin at durog ang mga buto. Muling tumakbo palapit sa kanya ang halimaw at sa pagkakataon na ito, siya ay tapos na. Itinaas nitong muli ang kanyang malalaking paa at itinapat sa ulo ni Thor. Naghanda na siyang mamatay.

At sa hindi malamang dahilan, nanigas ang halimaw. Kumurap si Thor upang intindihin kung ano ang nangyayari.

Humawak ang halimaw sa leeg nito at napansin ni Thor ang pana na nakatusok dito. Makalipas ng ilang sandali, napaluhod ang halkmaw at bumagsak. Patay na ito.

Dumating bigla si Erec, kasunod sina Reece at O'conner. Nakita ni Thor si Erec na nakatingin sa kanya habang tinatanong kung ayos lamang siya. Gusto niyang sumagot ngunit walang salita ang lumabas. Makalipas ng ilang sandali ay pumikit ang kanyang mga mata at nagdilim ang kanyang buong paligid.

IKALABING WALONG KABANATA

Dahang dahang imunulat ni Thor ang kanyang mata, bahagya siyang nahihilo habang kanyang iniisip kung nasaan siya. Nakahiga siya sa mga dayami at nagisip kung nakabalik na siya sa kaharian. Bahagya siyang umangat upang hanapin ang kanyang mga kasama.

Siya ay nasa ibang lugar. Sa itusura nito, siya ay nasa isang malawak na silid na yari sa bato. Para siyang nasa isang kastilyo. Isang kastilyo ng hari.

Bago pa niya ito maisip, ay biglaang bumukas ang malaking pintuan at pumasok dito si Reece. Mula sa malayo, ay maririnig ang ingay ng mga tao.

"Sa wakas, nabuhay ka." Ang sabi ni Reece nang nakangiti, habang papalapit at hinila ang mga kamay ni Thor upang makatayo ito.

Hinawakan ni Thor ang kanyang ulo, sinusubukang pabagalin ang pagsakit nito.

"Halika. Hinihintay ka na ng lahat.", ang pagpupumilit ni Reece.

"Sandali. Pakiusap," ang sabi ni Thor habang kinokolekta ang kanyang sarili. "Nasaan ako? Anong nangyari?",

"Nakabalik na tayo sa korte ng hari-at ipagdidiwang natin ang iyong kabayanihan sa araw na ito." Masayang sabi ni Reece habang papalapit sa pinto.

"Bayani? Anong ibig mong sabihin? At,,,paano ako nakarating dito?" Tanong ni Thor, habang inaalala ang mga pangyayari.

"Pinatulog ka ng halimaw na iyon. Matagal kang nawalan ng malay. Kinailangan ka naming buhatin pabalik sa bahaging ito ng sanggalang. Puno ng drama. Hindi ko inasahan na magiging ganoon ang iyong pagbabalik." Patawang sabi ni Reece.

Lumakad sila sa gilid ng kastilyo at sa kanilang pagdaan, nakita ni Thor ang ibat ibang mga tao-babae, lalaki, mga kinatawan, kawal at mandirgma- na nakatingin sa kanya, na mukhang mga naghintay sa kanyang pag gising. Nakakita din siya ng kakaibang tingin sa kanilang mga mata, tingin ng pagrespeto. Ito ang unang beses na makita niya ito. Hanggang ngayon, halos lahat at tumitingin sa kanya na may kasamang pangungutya-ngunit ngayon, habang nakatingin ang mga ito sa kanya, pakiramdam niya ay napapabilang na siya sa kanila.

"Ano ba talaga ang nangyari?" Pagtatanong ni Thor habang inaalala ang lahat.

"Wala ka ba talagang naalala?" Ang sabi ni Reece

Sinubukang alalahanin ni Thor ang mga nangyari.

"Naalala ko na tumatakbo ako sa kakahuyan. Kinakalaban ang halimaw. Pagkatapos…" At nablangko na ang lahat.

"Iniligtas mo ang buhay ni Elden.!" Ang sabi ni Reece. "Tumakbo ka sa kagubatan ng walang takot. Magisa. Hindi ko alam kung bakit sinasayang mo ang enerhiya sa pagsagip sa buhay ng taong iyon. Pero ginawa mo. Tuwang tuwa ang hari sa iyo. Hindi dahil gusto niya si Elden. Ito ay dahil nagustuhan niya ang iyong katapangan. Gusto niyang magdiwang. Mahalaga para sa kanya ang ipagdiwang ang mga istorya tulad nito, na nagbibigay inspirasyon sa iba. At rumereplekto ito sa hari at sa Legion. Gusto niyang magdiwang. Naririto ka dahil gagantimpalaan ka niya."

"Gagdantimpalaan?" Gulat na tanong ni Thor. "Ngunit wala akong ginawa."

"Sinagip mo ang buhay ni Elden"

"Kumilos lamang ako. Ginawa ko lang ang natural na dapat gawin."

"At iyon ang dahilan kung bakit ka gagantimpalaan ng Hari."

Nakaramdam ng hiya si Thor. Sa tingin niya ay hindi siya nararapat tumanggap ng gantimpala. Sa kaba ng lahat, kung hindi dahil kay Erec ay patay na siya ngayon. Nang naisip ito ni Thor, napuno ng pasasalamat ang puso ni Thor para kay Erec. Umaasa siya na masusuklian din niya si Erec, balang araw.

"Ngunit paano ang ating pagbabantay?" Tanong ni Thor. "Hindi natin iyon natapos."

Hinawakan lamang ni Reece ang balikat ni Thor.

"Kaibigan, sinagip mo ang buhay ng isang lalaki. Isang miyembro ng Legion. Mas mahalaga iyon kaysa sa ating pagbabantay." Patawang sabi ni Reece. "Isang makabuluhang unang pagbabantay.! Dag dag pa nito

At sa dulo ng kanilang daan, dalawang kawal ang nagbukas ng pintuan para sa kanila at napakurap si Thor ng kanyang makita ang silid ng hari. Mayroong daan daang mandirgma ang nakatindig sa loob ng silid, sa mataas na kisame nito, mga salamin, at ilang mga armas at sandata ang nakasabit sa dingding. Ang Silid ng mga Armas. Ito ang lugar kung saan nagtatagpo ang pinakamagigiting na mga mandirigma at lahat ng mga miyembro ng Silver. Bumilis ang paghinga ni Thor habang kanyang nakikita ang mga makasaysayang mga sandata na ginamit o pagaari ng mga makasaysayang mandirgma. Naririnig ni Thor ang mga kwento ukol aa lugar na ito buong buhay niya. Pinangaral niya na makita ito ng personal balang araw. Kadalasan, hindi maaring makapasok dito ang mga kinatawan, kung hindi ang mga Silver lamang.

Ang mas nakakagulat pa dito, sa kanyang pagpasok, mga tunay na mandirigma ang tumingin sa kanya-sa kanya-mula sa bawat sulok. At lahat sila ay nakatingin na may paghanga. Ngayon lamang nakakita si Thor ng ganito kadaming mandirigma na nasa iisang silid at ngayon lamang din siya nakaramdam ng pagtanggap. Parang panaginip lamang ang lahat. Lalo na at kakagising lamang niya mula sa matagal na pagkakatulog.

Napansin ni Reece ang nabiglang mukha ni Thor.

"Ang mga pinakamagigiting ng Silver ay nagsama sama dito upang magbigay pugay sa iyo."

Napuno ng pagmamalaki at pagkabigla si Thor. "Magbigay pugay? Pero wala akong ginawa."

"Mali." Ang sabi ng isang tinig

Lumingon si Thor at nakaramdam ng mabigat na kamay sa kanyang balikat. Si Erec.

"Nagpakita ka ng katapangan at kagitingan ng higit pa sa inaasahan sa iyo. Halos ibigay mo ang iyong buhay upang iligtas ang buhay ng iyong kasama. At iyon ang hinahanap namin sa Legion at iyon din ang hinahanap namin sa Silver"

"Iniligtas mo ang buhay ko." Ang sabi ni Thor kay Erec. "Kung hindi dahil sa iyo, baka napatay na ako ng halimaw. Hindi ko alam kung paano ka mapasasalamatan."

Ngumiti lamang si Erec.

"Nagawa mo na" sagot ni Erec. "Hindi mo ba naaalala ang nangyari noong paligsahan? Sa tingin ko ay patas na tayo."

Naglakad si Thor patungo sa trono ng hari sa dulo ng silid, sa kanyang tabi si Reece at si Erec sa kabilang tabi. Naramdaman niya ang daan daang mga mata na nakatingin sa kanya. Parang panaginip lamang ang lahat.

Nakatayo sa paligid ng hari ang kanyang mga konsehal, kasama ang kanyang panganay na anak na si Kendrick. Sa paglapit ni Thor, napuno siya ng pagmamalaki sa sarili. Hindi siya makapaniwala na pinagkalooban muli siya ng hari ng mga manunuod, at madaming .ga mahahalagang tao ang naroroon upang sumaksi.

Narating nila ang trono ng hari. Tumindig si MacGil at nabalot ang silid ng katahimikan. Ngumiti ang hari at sa paghakbang nito papalapit kay Thor, bigla siya nitong niyakap.

Nagpalakpakan ang buong silid.

Tiningnan nito si Thor at ngumiti.

"Magiting kang nagsilbi sa Legion.",sabi niya.

Isang tauhan ang nagabot ng baso sa hari, itinaas niya ito sabay sigaw ng:

"PARA SA KATAPANGAN!"

"PARA SA KATAPANGAN!!" sigaw ng daan daang mga kalalakihan sa buong silid. At biglaang tumahimim muli ang kapaligiran.

"Bilang pagpupugay sa iyong ginawa sa araw na ito," ang sambit ng hari. "Pagkakalooban kita ng isang regalo."

Itinaas ng hari ang kamay at agad lumapit ang isang tauhan na may nakasuot na mahabang gwantes kung saan nakatindig ang isang malaking ibon. Lumingon ito kay Thor-na animoy nakikilala siya.

Napukaw nito ang hininga ni Thor. Iyon ang parehong ibon sa kanyang panaginip, na nagniningning at may nakaguhit na itim na linya sa kanyang noo.

"Ang ibon na ito ay simbolo ng kaharian at ng aming pamilya," ang paliwanag ni MacGil. "Ito ay ibon ng kagitingan. Ngunit ito din ay isang ibon ng may kakaibang kakayahan, ang mangimpluwensya ng kahit ano o sino. Tapat at matapang at umaangat ito sa lahat ng mga hayop. Gagabayan ka nito sa iyong daan. Isa din itong sagradong nilalang. Ang sabi nila, ang kung sino man ang magmamayari ng ibon na ito ay pagari na din ng nasabing ibon. Iiwanan ka nito pero muli siyang magbabalik. At ngayon, sa iyo na ito."

Lumapit ang tauhan at nilagyan ng yari sa metal na gwantes si Thor at saka ipinatong ang ibon. Iba ang naramdaman ni Thor habang nasa kamay niya ito. Hindi siya msyadong makagalaw. Nagulat siya sa bigat nito;nahirapan siyang hawakan ito habang nagpupumiglas ang ibon. Nararamdaman niya ang mga kuko nito na bumabaon sa kanyang kamay ngunit napoprotektahan naman siya ng metal na gwantes. Lumingon ang ibon at tumitig kay Thor at humuni. Tinitigan siya ng ibon sa mata at nakaramdam siya ng koneksyon dito. Alam niyang makakasama niya ito buong buhay niya.

"At anong ipapangalan mo sa kaniya?" Ang tanong ng hari sa gitna ng katahimikan.

Sinubukang magisil ni Thor ngunit hindi ito gumagana.

Sinubukan niyang magisip ng mabilis. Inalala niya ang mga pangalan ng mga magigiting na mandirgma ng kaharian. Lumingon siya at sinuri ang mga dingding at nakita niya ang mga nakahilerang mga plaka, kung saan nakasulat ang pangalan ng mga digmaan, lahat ng lugar sa kaharian. Natigil ang kanyang paningin sa isang lugar. Isa itong lugar na hindi pa niya nararating. Ngunit madalas niyang marinig ang misteryo at kalangyarihan sa lugar na ito. Nagustuhan niya ang tunog ng pangalan nito.

"Tatawagin ko siyang Estopheles." Ang sagot ni Thor.

"Estopheles!" Paguulit ng mga manunuod na sumasangayon.

Humini ulit ang ibon bilang pagsangayon.

Ngunit biglang lumipad pataas si Estopheles,palabas ng bintana sa may kisame ng silid. At tiningnan lamang ito ni Thor habang papalayo.

"Huwag kang magaalala" ang sabi ng taapagalaga ng ibon. "Babalik din siya sayo."

Tumalikod si Thor at humarap sa hari. Ngayon lamang siya nakatanggal ng isang regalo sa buong buhay niya. Hindi niya alam kung anong sasabihin, kung paano magpapasalamat. Siya ay napupuno ng galak.

"Mahal na hari." Ang sabi ni Thor habang iyinuko ang kanyang ulo. "Hindi ko po alam ku g paano kayo pasasalamatan."

"Nagawa mo na. ",ang sagot ni MacGil.

Nagpalakpakan ang mga tao at nawala ang tensyon sa loob ng silid. Nagsimulang magusap usap ang mga manunuod. At madaming mga mandirigma ang lumapit kay Thor. Hindi siya sigurado kung saan lilingon.

"Ito nga pala si Algod, mula sa silangang probinsya" pagpapakilala ni Reece sa isa.

"At ito naman si Kamera ng mababang kalupaan… Si Basikold ng Hilagang Porte…"

Pagkatapos, naghalo halo na ang mga pangalan sa kanyang isip. Nagagalak si Thor. Hindi siya makapaniwala na nais siyang makilala ng mga mandirgma na ito. Kailanman ay hindi siya nakaranas ng pagtanggap at may pakiramdam siya na ang araw na ito ay hindi na muling mangyayari. Sa buong buhay niya ngayon lamang siya nakaramdaman ng pagpapahalaga sa kanyang sarili.

At hindi rin niya malimutan si Estopheles.

Habang dumadaan si Thor at binabati ang ibat ibang mga tao, napupuno ng mga pangalan na hindi na niya matandaan, isang mensahero ang dumating at nakipagsiksikan sa gitna ng mga mandirigma. May hawak itong isang liham at iniabot sa palad ni Thor.

Binuksan ito ni Thor at binasa ang nasusulat:Makipagkita ka sa akin sa likod ng kastilyo. Sa likuran ng lagusan.

Naamoy ni Thor ang mabangong halimuyak na nagmula sa liham at siya ay napaisip ku g kanino iyon manggagaling. Walang pangalan ang nakasulat dito.

Sumilip si Reece at binasa ang nasa liham at bigla itong napatawa.

"Mukhang nagustuhan ka ng kapatid kong babae." Ang sabi nito ng nakangiti. "Pupuntahan ko iyan kung ako sa iyo. Hindi niya gusto ang pinaghihintay."

Namulang muli si Thor.

"Ang lagusan sa likod ay sa daan na iyon. Dalian mo. Mabilis magbago ang kanyang isip." Ngumiti lamang ulit si Reece. "Nanaisin kong mapabilang ka sa aking pamilya."

IKALABING SIYAM NA KABANATA

Sinubukan ni Thor na sundin ang direksyon na ibinigay ni Reece sa kanya sa gitna ng mataong mga daan, ngunit hindi ito naging madali. Ang kastilyo na ito ay punong puno ng mga paikot ikot na daan, madaming mga nakatagong mga pintuan at mahahabang daanan na patungo sa mas madami pang daanan.

Muli niyang isinaisip ang direksyon ni Reece habang pababa siya sa isang hagdan at napahinto sa isang maliit na pintuan na may pulang hawakan-tulad ng sinabi ni Reece- at binuksan niya ito.

Nagdalidaling lumabas si Thor at naliwanagan ng sikat ng araw; masarap sa pakiramdam ang nasa labas, sa labas ng kastilyo, ang lumanghap ng sariwang hangin, at maramdaman ang init ng araw sa kanyang mukha. Sa kanyang harapan ay ang malawak na hardin ng kastilyo na tuloy tuloy hanggang sa naabot pa ng kanyang mga mata, bawat halaman ay nakahanay ng maayos. May mga fountains, mga kakaibang mga puno, mga ibat ibang bunga ng mga prutas sa tagaraw at isang malawak na lupain na napupuno ng mga bulaklak na may ibat ibang hugis at kulay. Namangha siya sa kanyang nakita. Para siyang naglalakad sa isang magandang larawan.

Pinagmasdan ni Thor ang paligid upang hanapin si Gwendolyn, habang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Ang lugar na ito ay wala ni isang tao. Marahil ay nakareserba lamang ito para sa pamilya ng hari, dahil nahihiwalay ito mula sa publiko sa pamamagitan ng isang mataas na pader na yari sa bato. Naghanap siya kung saan saan ngunit hindi niya ito nakita.

Naisip niya kung isang biro lamang ang liham na iyon. Siguro nga. Marahil ay pinaglalaruan lamang siya nito, ang probinsyano na magbibigay ng tuwa sa kanya. Higit sa lahat, paano ang isang tulad niya na nasa itaas ay magkakainteres sa kanya?

Muling binasa ni Thor ang liham at muling tiniklop ng may kahihiyan. Napaglaruan siya. Isang kahibangan na umasa siya sa bagay na iyon. Labis siyang nasaktan.

Tumalikod si Thor at naghandang bumalik sa kastilyo habang nakayuko. Bago pa siya makarating sa pinto, isang tinig ang kanyang narinig.

"At saan ka pupunta?" Ang tanong ng isang masayang tinig. Para itong ibon na umaawit.

Inisip ni Thor kung totoo ba lahat. Lumingon siya at naroon siya, nakaupo sa lilim ng dingding ng kastilyo. Nakangiti ito, nakasuot ng magarang damit. Mas lalo siyang gumanda ngayon kaysa sa kanyang naalala.

Siya nga. Si Gwendolyn. Ang babaeng napapanaginipan ni Thor simula ng araw na magkakilala sila. Ang kanyang mga bilugan at asul na mga mata, mahabang buhok at ngiting nagbibigay ng tuwa sa kanyang puso. May suot siyang isang malaki at puting sumbrero, na tumatakip sa kanya mula sa araw kung saan nagniningning ang kanyang mga mata. Sa ilang sandali ay nakaramdam siya ng pagtalikod upang siguraduhin na wala ng ibang tao sa kanyang likuran.

"Uhm.." Pagsisimula ni Thor. "Um..hindi..hindi ko alam. Um..papasok na ako sa loob."

Muli, nahihirapan magsalita si Thor sa harap niya. Nahihirapan na pakalmahin ang kanyang isipan.

"At bakit mo naman gagawin iyon?" Tanong niya. "Kadadating mo lang."

Natahimik nanaman si Thor. Nabuhol ang kanyang dila.

"Uhmm..hindi kita nakita.",sagot nito, punong puno ng kahihiyan.

Tumawang muli si Gwen.

"Nandito na ako. Hindi ka ba lalapit upang sunduin ako?"

Iniabot ni Gwen ang kanyang isang kamay; agad na lumapit si Thor at hinawakan ito. Para siyang nakuryente sa pagkakahawak sa kamay nito, makinis at malambot ang kanyang balat, ang kanyang kamay ay sumakto sa kanya. Tumingin si Gwen sa kaniya at hinayaang mahawakan ang kamay nito bago siya tumayo. Nagustuhan ni Thor ang pakiramdam ng mga daliri ng dalaga sa kanyang mga palad at umasa na sanay hindi na niya ito tanggalin.

Bimitaw si Gwen sa pagkakahawak at inagay ito sa pagitan ng braso ni Thor. Nagsimulang maglakad si Gwen, pababa ng isang daanan sa hardin. Dinaanan nila ang isang daan na napupuno ng mga maliliit na bato hanggang sa makarating sila sa loob ng isang hardin na hindi makikita mula sa labas.

Kinakabahan si Thor. Marahil, ang isang tulad niya na pangkaraniwang mamamayan, ay mapapahamak, sa kanyang paglalakad ng ganito kasama ang anak ng hari. Nakaramdam siya ng namumuong pawis sa kanyang noo at hindi niya alam kung ito ba ay nagmula sa init o sa hawak ni Gwen.

Hindi siya sigurado kung ano ang kanyang sasabihin.

"Nagdulot ka ng kakaibang kaguluhan dito, hindi ba?",ang sabi niya ng nakangiti. Nagpasalamat si Thor at pinutol niya ang katahimikan.

Nagkibit balikat lamang si Thor. "Patawad. Hindi ko iyon sinadya."

Tumawang muli si Gwen. "At bakit mo naman iyon hindi sinasadya? Hindi ba mabuti na maging dahilan ng kaguluhan ng mga tao?"

Natigilan lamang si Thor. Hindi niya alam kung paano sasagot. Sa tingin niya ay palagi na lamang mali ang kanyang mga nasasabi.

"Tutal, masyado ng nakakabagot ang lugar na ito." Dagdag ni Gwen. "Mas mabuti na magkaroon ng baguhan. Mukhang nagustuhan ka ng husto ng aking ama. Maging ang aking kapatid."

"Uhm..salamat." Ang tanging sagot ni Thor

Sinisipa niya ang kanyang sarili, pinapatay siya sa loob. Alam niyang dapat pa siyang magsalita at gusto niya din. Ngunit hindi niya alam ang dapat sabihin.

"Gusto mo ba.." Ang simulang sabi ni Thor habang malalim na nagiisip. "…dito?"

Muling napatawa si Gwen.

"Gusto ko ba dito?" Tanong ni Gwen. "Marahil ay dapat lang. Dahil dito ako nakatira."

Muling tumawa si Gwen at lalong namula si Thor. Pakiramdam niya ay sinisira niya lahat. Ngunit hindi siya lumaki sa paligid ng mga babae, hindi pa siya nagkaroon ng kasintahan sa kanilang nayon at hindi niya talaga alam ang sasabihin. Ano ang maari niyang itanong? Saan ka nanggaling? Ngunit alam na niya kung saan. Nagsimula siyang magisip kung bakit ito ginagawa ni Gwen; para lamang ba pagkatuwaan?

"Bakit mo ako gusto?"tanong ni Thor.

Tumingin siya kay Thor naglabas ng nakakatuwang tunog.

"Isa kang malakas ang loob na lalaki." Ang tawa ni Gwen. "Sinong may sabi na gusto kita?" Tanong nito na may malaking ngiti sa kanyang mga labi. Malinaw, na lahat ng sabihin ni Thor ay nakatutuwa sa kanya.

Pakiramdam ni Thor ay mas nalubog pa ang kanyang sarili.

"Patawad. Hindi ko sinasadyang sabihin iyon. Napaisip lamang ako. Ang ibig kong sabihin…um…alam kong hindi mo ako gusto."

Mas tumawa siya ng malakas.

"Nakakatuwa ka. Ibibigay ko na sa iyo iyon. Sa tingin ko ay hindi ka pa nagkakaroon ng kasintahan, tama ba?"

Tumingin si Thor at umiling na napupuno ng kahihiyan.

"Sa tingin ko wala ka din kapatid na babae, tama?" Tanong pa ni Gwen

Umiling muli si Thor.

"Mayroon akong tatalong kapatid na lalaki," ang sabi niya. Sa wakas, nakapagsalita din siya ng normal.

"Talaga?" Tanong ni Gwen. "At nasaan sila ngayon? Nasa inyong nayon?"

Umiling si Thor. "Hindi. Nandito sila. Sa Legion, kasama ko."

"E di mas mabuti para sa iyo."

Umiling si Thor.

"Hindi. Hindi nila ako gusto. Hindi nila gusto na naririto ako."

Iyon ang unang beses na nawala ang ngiti Gwen.

"At bakit naman hindi ka nila gusto?" Natatakot na tanong ni Gwen. "Ng sarili mong mga kapatid?"

Nagkibit balikat si Thor. "Sana alam ko."

Patuloy silang naglakad habang tahimik. Natakot si Thor na baka sinisira niya ang masaya nilang paguusap.

"Pero huwag kang magalala. Hindi ko na lang iniisip. Matagal na kaming ganito. Sumakatuwid, ay nakakilala ako ng mabubuting kaibigan dito. Mas mabubuting kaibigan sa buong buhay ko."

"Ang kapatid ko?si Reece?" Tanong niya.

Tumango si Thor.

"Mabait si Reece." Ang sabi ni Gwen. "Siya ang pinakapaborito ko. Mayroon akong apat na kapatid na lalaki. Ang tatlo ay totoo, at ang isa ay hindi. Ang pinakamatanda ay anak ng aking ama sa ibang babae. Kilala mo siya, hindi ba? Si Kendrick?"

Tumango ulit si Thor. "Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Salamat sa kanya at nagkaroon ako ng puwang sa Legion. Mabuti siyang tao."

"Totoo iyan. Isa siya sa mga pinakamabubuti sa buong kaharian. Mahal ko siya na parang tunay na kapatid. At si Reece na mahal ko din. Yung dalawa pa..um..alam mo naman ang pamilya. Hindi lahat nagkakasundo. Minsan naiisip ko kung paano kami nagmula sa iisang tao."

Mas nagtaka si Thor. Mas gusto niyang malaman kung sino sila, ang kanyang relasyon sa bawat isa at bakit hindi sila masyadong malapit sa isat isa. Gusto niyang tanungin si Gwen, ngunit ayaw niyang magpumilit. At mukhan hindi rin niya iyon nais na pagusapan. Masaya siyang tao, isang tao na gusto lamang pagusapan ang masasayang bagay.

Nang marating nila ang dulo ng kanilang nilalakaran, pumasok sila muli sa isa pang hardin, kung saan perpekto ang pagkakaputol ng mga damo at dinesenyuhan ng ibat ibang hugis. Para itong isang malawak na “game board na halos limampung talampakan ang lawak, na may naglalakihang mga piraso ng kahoy, na mas mataas pa kay Thor, na nakapalibot sa paligid.

Nagsalita ng nagagalak si Gwen.

"Gusto mong maglaro?" Tanong nito

"Ano iyan?" Tanong naman ni Thor

Napatingin sa kanya si Gwen sa sobrang gulat.

"Hindi ka pa nakakapaglaro ng Racks? Tanong nito

Hiyang hiya na umiling si Thor, mas lalo niyang naramdaman na siya ay probinsyano lamang.

"Isa itong sikat na laro." Ang sagot ni Gwen

Iniabot ni Gwen ang kanyang mga kamay at hinila niya si Thor papunta sa gitna ng palaruan. Tuwang tuwa siya kaya hindi napigilan ni Thor ang mapangiti. Higit sa lahat, higit sa palaruan na ito, higit sa magandang lugar na ito, ay ang mahawakan niya ang kamay ni Gwen na kumukuryente sa kanya. Ang pakiramdam ng pagnanais na gustohin. Gusto ni Gwen na makasama siya. Gusto ni Gwen na magpalipas ng oras kasama siya. Bakit may magkakagusto sa kanya? Lalo na ang isang tulad ni Gwen? Pakiramdam pa din niya ay isa itong panaginip.

"Tumayo ka dito," ang sabi ni Gwen. "Sa likod ng piraso na iyon. Kailangan mong galawin iyon at mayroon ka lamang sampung segundo para gawin iyon."

"Anong ibig mong sabihing galawin?" Tanong ni Thor

"Dali. Pumili ka ng direksyon." Sigaw ni Gwen

Binuhat ni Thor ang piraso at siya ay nabigla sa bigat nito. Dinala niya ito ng ilang hakbang at ibinaba sa isang parisukat.

Nang walang pagaalinlangan, itinulak ni Gwen ang kanyang piraso. Tumigil ito sa kinaroroonan ng piraso ni Thor at ito'y ibinagsak sa lupa.

Napasigaw si Gwen sa tuwa.

"Isa iyong masamang tira!" Sabi niya. "Humarang ka sa dadaanan ko. Talo ka."

Tinitigan lamang ni Thor ang dalawang piraso sa lupa. Hindi niya maintindihan ang larong ito.

Tumatawa si Gwen habang muli niyang hinila si Thor papunta sa daan.

"Huwag kang magalala. Tuturuan kita.",ang sabi ni Gwen

Lumipad ang puso ni Thor sa mga salita ni Gwen. Tuturuan niya ako. Gusto ni Gwen na muli siyang makita. Ang maglaan ng oras para sa kanya. Iniisip niya lamang ba ang lahat ng ito?

"Sabihin mo sa akin. Anong masasabi mo sa lugar na ito?" Ang tanong ni Gwen habang patuloy silang naglalakad. Ang lagusan na kanilang pinasok ay napapalibutan ng mga bulaklak na walong talampakan ang taas, matitingkad ang kulay at pinapalibutan ng mga insekto.

"Ito na ata ang pinakamagandang lugar na nakita ko." Pagtatapat ni Thor

"At bakit mo gustong mapabilang sa Legion.?"

"Buong buhay ko iyong pinangarap," sagot ni Thor

"Ngunit bakit?" Tanong pa ni Gwen. "Dahil gusto mong magsilbi sa aking ama?"

Napagisipan na iyon ni Thor. Hindi na niya naisip kung bakit-basta alam niya na gusto niya.

"Oo." Sagot ni Thor. "Gusto ko. At ang buong kaharian."

"Pero paano ang iyong buhay?" Tanong ni Gwen. "Gusto mo bang magkapamilya? Lupa? Asawa?"

Tumigil si Gwen at tumingin sa kanya; nabigla si Thor. Naguguluhan siya. Hindi pa niya naisip ang mga bagay na ito at hindi niya alam kung paano sasagot. Nagniningning ang mga mata ni Gwen habang nakatitig sa kanya.

"Uhmm..hindi ko alam. Hindi ko pa napagiisipan ang tungkol sa bagay na yan."

"At anong sasabihin ng iyong ina tungkol dito?" Paglalarong tanong ni Gwen

Bahagyang nawala ang ngiti ni Thor

"Wala akonh ina."

Naglaho din ang ngiti ni Gwen.

"Anong nangyari sa kanya?"

Sasagutin na siya ni Thor, sasabihin ang lahat. Ito ang unang beses na may makakausap siyang tao tungkol sa kanyang ina. At ang nakakapagtaka dito ay gusto din niya. Gusto niya. Desperado siyang magbukas kay Gwen, sa isang tao na hindi niya kakilala at ipaalam sa knaya ang kanyang malalim na saloobin.

Ngunit bago pa niya mabuksan ang kanyang bibig ay isang galit na galit na boses ang kanilang narinig.

"Gwendolyn!" Ang sigaw ng isang tinig

Sabay silang lumingon at nakita ang ina ni Gwen, ang reyna, na nakabihis din ng magara, kasama ng kanyang mga alalay, tumatakbo palapit sa kanyang anak. Galit na galit ang mukha nito.

Agad kinuha ng reyna nag kamay ni Gwen at hinila palayo.

"Pumasok ka na sa loob ngayon! Anong sinabi ko sa iyo? Ayoko ng makita kang nakikipagusap sa lalaking yan. Naiitindihan mo?"

Namula ang mukha ni Gwen at namuo ang galit dito.

"Bitawan mo ako!" Ang sigaw nito sa ina. Ngunit wala siyang nagawa, patuloy siyang hinila ng kanyang ina at napapalibutan din siya ng mga alalay.

"Ang sabi ko bitawan mo ako!" Sigaw ni Gwen. Tumingin ito kay Thor na may halong lungkot at pagmamakaawa.

Naiintindihan ni Thor ang pakiramdam ni Gwen. Naramdaman din niya ito. Gusto ni Thor na tawagin si Gwen at iparamdam ang nasasaktan niyang puso habang inilalayo siya ng kanyang ina. Para niyang pinapanuod ang kanyang hinaharap na pilit kinukuha sa kanya.

Matagal siyang tumayo doon habang nawala sa kanyang paningin si Gwen, nakatulala, napako sa kanyang kinaroroonan. Ayaw niyang umalis, at hindi niya gustong makalimutan ang lahat ng ito.

Higit sa lahat, ayaw niyang isipin na hindi na niya kailanman makikita pa si Gwen.

*

Habang pabalik si Thor sa loob ng kastilyo, muling iniisip ang mga nangyari sa kanila ni Gwen, hindi na niya napansin ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Ang kanyang isip ay natabunan ng mga alaala ni Gwen; patuloy niyang nakikita ang mukha bi Gwen. Siya ay kahanga hanga. Ang pinakamaganda, mabait, malambing, mapagmahal at nakakatawang tao na nakilala niya. Gusto niya ulit itong makita. Nasasaktan siya sa pagkawala ni Gwen. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman para sa kanya at natakot siya dito. Hindi pa niya iyo masyadong kilala ngunit alam niyang hindi niya kayang mabuhay ng wala si Gwen.

Ngunit naalala din niya ang reyna habang hinihila nito palayo si Gwen at sumama ang kanyang pakiramdam sa pagiisip sa makapangyarihang pwersa sa pagitan nila. Mga pwersa na hindi nais na sila'y magkasama, sa di malamang dahilan.

Habang nagiisip siya, bigla siyang nakaramdam ng matigas na kamay sa kanyang dib dib na nagpatigil sa kanya.

Pagtingin ni Thor at nakita ang isang lalaki, na marahil ay mas matanda sa kanya ng ilang taon, matangkad at payat, nakasuot ng pinakamahal na kasuotan na nakita ni Thor at nakasuot ng sumbrero na napapalamutian ng mga balahibo. Mukhang masama ang ugali ng lalaki, na animoy pagaari niya ang lahat ng bagay sa mundo.

"Ang tawag nila sa akin ay Alton." Ang sabi ng lalaki. "Ako ang anak ni Pinunong Alton, unang pinsan ng hari. Kami ay ang pinuno ng kaharian sa loob ng pitong henerasyon. Kaya ako ay isang duke. Ikaw naman ay isang ordinaryong mamamayan," ang sabi nito. "Ang korte ng hari ay para sa mga pamilya ng hari. At sa mga mataas ang ranggo sa lipunan. At hindi para sa katulad mo."

Nakatayo lamang si Thor at hindi alam kung sino ang lalaking ito at kung ano ang kanynag nagawa upang galitin ito.

"Anong kailangan mo sa akin?" Ang tanong ni Thor

Napangiti lamang ang lalaki.

"Siyempre hindi mo alam. Marahil ay wala ka kahit anong nalalaman, hindi ba? Anong karapatan mo para pumasok dito at magpanggap na isa sa amin!" Galit na sabi nito

"Hindi ako nagpapanggap." Sabi ni Thor

"Wala akong pakialam kung anong alon ang nagdala sa iyo dito. Gusto lamang kitang balaan bago ka pa magisip ng kung ano anong pantasya, diyan sa isip mo. Sa akin lamang si Gwendolyn."

Napatitig lamang si Thor. Gulat na gulat. Kanya? Hindi niya malaman ang sasabihin.

"Ang aming kasal ay ipinagkasundo na noong bata pa lamang kami." Pagpapatuloy ni Alton. "Magkasing edad kami at pareho ng katayuan sa buhay. Gumagalaw na ang mga plano. Huwag na huwag mong iisipin, kahit sandali, na may magbabago."

Pakiramdam ni Thor ay madadala siya ng malakas na hangin;wala siyang lakas upang sumagot.

Humakbang si Alton kay Thor at tinitigan siya.

"Kita mo na?" Ang bulong nito. "Pinapayagan ko si Gwen na makipaglandian kung kani kanino. Palagi siyang ganito. May mga pagkakataon na kinaaawaan niya ang mga ordinaryong mga tao o kaya ay isang alipin. Hinahayaan lamang niya ang mga ito na maging aliwan niya. Marahil ay naiisip mo na mas higit pa ito doon. Ngunit ito ang totoo tungkol kay Gwen. Isa ka lamang pampalipas oras. Iniipon niya kayo na parang mga manika. Wala kang halaga sa kanya. Nasasabik lamang siya sa baguhang tulad mo pero makalipas ng isa hanggang dalawang araw, mababagot din siya. Bibitawan ka niya agad agad. Wala ka para sa kanya. At sa katapusan ng taong ito, ikakasal na kami. Magpakailanman."

Idinilat ni Alton ang kanyang mga mata upang ipakita ang kanyang determinasyon.

Naramdaman ni Thor ang pagkadurog ng kanyang puso sa mga salita ni Alton. Totoo ba iyon? Wala nga ba siyang halaga kay Gwen? Naguguluhan na siya; hindi niya alam kung ano ang paniniwalaan. Mukha siyang totoo. Ngunit marahil ay nagkamali lamang si Thor.

Yaş sınırı:
16+
Litres'teki yayın tarihi:
09 eylül 2019
Hacim:
294 s. 8 illüstrasyon
ISBN:
9781632912503
İndirme biçimi:
Serideki Birinci kitap "Singsing ng Salamangkero"
Serinin tüm kitapları
Metin
Ortalama puan 4,8, 6 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 5, 1 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 4,8, 6 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 5, 1 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 5, 2 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre