Kitabı oku: «Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani », sayfa 9
"Ako din." Dagdag ni O'conner na lumapit paharap
Tinitigan ni Kolk ang mga ito at umiling.
"Mga hung hang. Kayo ang pumili niya. Sumama kayo kung gusto niyo."
Ibinaling ni Kolk ang tingin kay Elden. "Huwag mong isipin na nakalampas ka." Sabi ni Kolk. "Ikaw ang nagsimula ng away ma ito. Kailangan mo ding magbayad sa iyong ginawa. Sasama ka din sa kanila sa pagpapatrol mamaya. "
"Ngunit, hindi niyo ako maaring dalhin sa sanggalang. " pagpoprotesta ni Elden habang nanlalaki ang mga mata nito sa takot. Ngayon lamang ito nakita ni Thor na matakot sa isang bagay.
Humakbang palapit si Kolk kay Elden at inilagay ang mga kamay nito sa balakang. "Hindi ba?" Sabi niya. "Hindi lamang kita maaring ipadala doon. Maari din kita paalisin sa kaharian na ito, patalsikin sa Legion at ipatapon sa malayong kabihasnan kung ipagpapatuloy mo ang pagsagot sa akin ng ganyan. "
Napaiwas ng tingin si Elden, sa sobrang takot na sumagot.
"May iba pa bang gustong sumali sa kanila?" Sigaw ni Kolk
Ang mga naglalakihan at mas malalakas na kalalakihan ay sabay sabay na umiwas ng tingin aa sobrang takot. Napalunok si Thor habang tinitingnan ang takot sa mukha ng mga ito at napaisip kung ano ang kanilang haharapin sa sanggalang.
IKALABING LIMANG KABANATA
Binaybay ni Thor ang putikang daanan, kasama sina Reece, O'conner at Elden. Wala pa ni isa sa kanilang apat ang nagsasalita simula ng magsimula silang maglakbay dahil sa sobrang gulat. Tiningnan ni Thor sina Reece at O'conner na puno ng pasasalamat sa kanila. Pakiramdam niya ay nakatagpo siya ng mga tunay na kaibigan, mga tunay na kapatid. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanila sa sanggalang. Ngunit kung ano man ang mangyari, masaya pa din siya na nasa tabi niya ang mga ito.Iniwasan naman niyang tingnan si Elden. Nakikita niya ang pagsisipa nito sa mga bago, punong puno ng galit na naririto siya at magpapatrol kasama nila. Ngunit hindi naaawa sa kanya si Thor. Tama si Kolk. Siya ang nagsimula ng away kaya nababagay lamang sa kanya ito.Silang apat ay nagdire diretso sa pagsunod sa direksyon ng kanilang pupuntahan. Ilang oras na silang naglalakbay sa gitna ng araw at pagod na pagod na ang paa ni Thor. Nagugutom din siya. Binigyan lamang sila ng isang mangkok ng gulay para sa pananghalian kaya umaasa siya na may naghihintay sa kanilang pagkain kung saan man sila patungo.Ngunit mas mayroon pa siyang dapat ipagalala. Habang kanyang tinitingnan ang kanyang mga bagong kasuotan at armas, kanyang naisip na hindi ito ibibigay sa kanila ng walang mahalagang rason. Bago umalis ang apat ay binigyan sila ng mga bagong kasuotan: yari sa bakal at balat ng hayop. Binigyan din sila ng maliit na espada na yari sa isang magandang uri ng metal-hindi kasing pino ng mga espada ng isang tunay na mandirigma-ngunit mas maayos ito kumpara sa ordinaryong espada. Magaan sa pakiramdam ang magkaroon ng tunay na sandata sa kanyang baywang, dagdag pa sa kanyang tirador na dala dala pa din niya. Subalit kung humarap man sila sa isang tunay na labanan sa araw na ito, hindi magiging sapat ang kanilang sandata. Nais niyang makakuha ng mga armas at sandata na ginagamit ng mga tunay na mandirgma: mga maiikli at mahahabang espada na yari sa magandang uri ng metal at ibat ibang uri ng mga pana, sibat at martilyo. Ngunit para lamang ito sa mga kilalang mga kalalakihan na nagmula sa mga mayayamang pamilya na kayang bumili ng mga nasabing armas. At hindi iyon si Thor, na anak lamang ng isang tagaoagalaga ng tupa.Habang binabaybay nila ang daan sa paglubog ng araw, palayo sa kaharian ng hari at papalapit sa dulo ng sanggalang, hindi maiwasang isipin ni Thor na siya ang may kasalanan ng lahat. Sa di malamang dahilan, karamihan sa mga miyembro ng Legion ay hindi siya gusto at hindi tanggap ang kanyang pananatili doon. Hindi niya maintidihan. Sumasama ang kanyang loob. Buong buhay niya ay wala siyang ibang ninais kung hindi ang mapabilang sa kanila. Ngayon, pakiramdam niya ay nakapasol lamang siya dahil sa pandaraya. Tatanggapin pa kaya siya ng kanyang mga kasama?At ngayon, naririto siya papunta sa kanyang misyon sa sanggalang. Hindi ito patas. Hindi siya ang nagsimula ng away at kung ginamit man niya ang kanyang kapangyarihan, kung saan man ito nanggaling, ay hindi niya ito sinasadya. Hindi pa rin niya maintindihan ang lahat, kung saan nanggagaling ang kanyang kapangyarihan, kung paano ito ginagamit at kung paano ito kokontrolin. Hindi siya dapat parusahan dahil dito.Hindi alam ni Thor kung anong ibig sabihin ng kanyang misyon sa sanggalang. Ngunit base sa mga mukha ng iba, isa itong bagay na hindi kanais nais. Naiisip niya kung ipinadala siya dito upang mamatay. Kung ito ang kanilang paraan para mapatalsik siya sa Legion. Gayunpaman, hindi siya susuko."Gaano pa kaya kalayo ang sanggalang?" Pagtatanong ni O'conner pagkatapos ng matagal na katahimikan."Malapit na" ang sagot ni Elden. "Hindi mangyayari ito kung hindi dahil kay Thor.""Ikaw ang nagsimula ng away, hindi ba?" Pagpapaalala ni Reece
"Pero lumaban ako ng patas at hindi siya," sagot ni Elden. "At saka, nababagay lamang sa kanya iyon."
"Bakit?" Ang tanong na matagal ng nais masagot ni Thor. "Bakit nababgay sa akin iyo"
"Dahil hindi ka karapatdapat dito sa amin. Nandaya ka lamang para makapasok sa Legion. Lahat kami ay pinili pero ikaw ay lumaban para makapasok."
"Pero hindi ba iyon naman talaga ang Legion?ang makipaglaban?" Sagot ni Reece. "Sa tingin ko ay mas karapatdapat na mapabilang si Thor kaysa sa ating lahat. Pinili lamang tayo. Pinaglaban niya kung ano ang pinagkait sa kanya."
Umiling lamang si Elden. Hindi kumbinsido.
"Ang batas ay batas. Hindi siya pinili. Hindi siya dapat naririto. Kaya ko siya nilabanan."
"Kung gayon, hindi mo ako mapapaalis dito.",ang sagot ni Thor na determinadong matanggap ng iba.
"Tingnan na lamang natin." Bulong ni Elden
"Anong ibig mong sabihin?",pagtaanong ni O'conner.
Hindi na muling nagsalita si Elden at piniling manahimik na lamang sa paglalakad. Nanikil ang dibdib ni Thor. Nakabuo siya ng madaming mga kaaway at hindi niya maintindihan ito. Hindi niya gusto ang nararamdaman niya.
"Huwag mo na siyang alalahanin." Malakas na sabi ni Reece ulang marinig ng lahat. "Wala kang ginawang mali. Pinadala ka nila sa sanggalang dahil nakakita sila sa iyo ng potensyal. Hindi ka rin maalis sa kanilanh paningin dahil sa aking ama. Yun lang."
"Pero ano ba ang ating gagawin sa sanggalang?" Agad na tanong ni Thor
"Hindi ko pa rin ito nakikita ng personal. Ngunit nakarinig na ako ng madaming kwento ukol dito. Mula sa mga nakakatandang mga mandirigma at sa aking mga kapatid. Magbabantay tayo pero sa labas ng sanggalang." Paliwanag ni Reece.
"Sa labas?"takot na sabi ni O'conner
"Anong ibig mong sabihin na sa labas?" Tanong ni Thor
Tinitigan lamang siya ni Reece
"Hindi ka pa ba nakarating sa sanggalang?"
Ramdam ni Thor ang mga mata ng tatlo sa kanya habang umiiling ang kanyang ulo.
"Nagbibiro ka ba?" Tanong ni Elden
"Talaga?" Sabi ni O'conner. "Kahit isang beses sa bukng buhay mo?"
Umiling muli si Thor habang namumula. "Hindi kami dinadala ni ama kahit saan. Pero narinig ko na iyon."
"Marahil ay hindi ka kailanman nakalabas ng inyong nayon," patawang sabi ni Elden. "Tama ba?"
Napatahimik lamang si Thor. Masyado bang pansin sa kanya.
"Hindi nga.!" Dagdag ni Elden. "Hindi ako makapaniwala."
"Tumahimik ka nga." Sigaw ni Reece. "Lubayan mo siya. Hindi naman iyon nangangahulugan na mas magaling ka na sa kaniya."
Tumitig ng masama si Elden kay Reece. Gustong gustk niya itong saktan pero pinigilan niya ang sarili. Hindi naman niya ninais na makaaway ang anak ng hari kahit na di hamak na mas malaki si Elden.
"Abg sanggalang ang natatanging bagay na nagpapanatili ng kaligtasan sa buong kaharian sa loob ng bilog na kalupaan. Wala ng iba pang bagay na naghihiwalay sa atin mula sa mga masasamang tao sa mundo. Kung masisira man ito ng mga nilalang mula sa labas, magiging katapusan natin iyong lahat. Umaasa ang buong bansa sa atin, sa mga tauhan ng hari upang protektahan sila. May mga nagbabantay dito bawat oras, minsan sa loob at minsan naman ay sa labas. Isang daan lamang ang maaring gamitin palabas at papasok. At ang mga pinakamagagaling na miyembro ng Silver ang nakaatang upang magbantay dito bawat oras."
Buong buhay ni Thor ay kanyang narinig ang madaming nakakakilabot na mga istorya ng kasamaan na matatagpuan sa labas ng sanggalang, ang malaking grupo ng mga rebelde sa palibot ng bilog na kalupaan at kung paano sila nabuhay para maglaganap ng kasamaan. Isa iyon sa mga rason kung bakit niya nais sumali sa Legion: upang protektahan ang kanyang pamilya at buong kaharian. Hindi niya maatim ang ideya na madaming mandirigma ang nagbubuwis ng buhay habang siya ay komportableng naninirahan sa loob ng kaharian. Gusto niyang magbigay ng serbisyo at tumulong sa pagsugpo ng mga masasamang rebelde. Para sa kanya ay wala ng mas tatapang pa sa mga mandirigma na nagbabantay sa labas ng kaharian
"Isang milya ang layo nasasakupan ng sanggalang at napapalibutan nito ang buong bilog na kalupaan." Paliwanag ni Reece. "Hindi ito mading sirain. Subalit hindi lamang ang mga rebelde sa kabilang ibayo ang iniiwasan ng mga mandirigma. Milyon milyong mga ibat ibang nilalang pa ang naninirahan sa labas ng sanggalang. At kung nanaiisin nilang gibain ang sanggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng amtinding puwers, kakayanin nila itong gawin kahit na anumang oras. Ang mga tauhan ng hari ay pawang mga tagasuporta lamang sa enerhiya na bumabalot sa sanggalang. Ang tunay na lakas nito ay nagmumula sa mahiwagang espada."
Napatingin si Thor, "espada?"
Napalingon naman sa kanya si Reece.
"Ang Espada ng Tadhana. Alam mo ba ang alamat nito?"
"Malamang ay hindi rin niya kailanman narinig iyon" ang sabat ni Elden
"Siyempre alam ko iyon." Ang sagot ni Thor. Hindi niya lamang itk basta alam, buong buhay din niyang inaral ang alamat. Ninanais niya itong makita. Ang mahiwagang Espada ng Tadhana, ang makapangyarihang espada na nagbibigay lakas sa buong bilog na kalupaan at ang nagbibigay ng kakaibang puwersa sa sanggalang na pumoprotekta dito.
"Ang espada ay matatagpuan sa loob ng kastilyo?" Ang tanong ni Thor
Tumango si Reece.
"Nanatili ito sa pangangalaga ng pamilya ng hari sa loob ng ilang henerasyon. Kung wala ito, wala din ang kaharian. Masasakop ang ating kalupaan."
"Kung tayo ay protektado nito, bakit pa kailangan itong bantayan?" Ang tanong ni Thor
"Kaya lamang pigilan ng espada ang mga pangunahing banta" paliwanag ni Reece, "ang mga maliliit at nattanging mga masasamang mga nilalang ay maaring makalampas. Kaya kailangan ang mga tauhan. Ang isang nilalang ay kakayanin na makapasok sa sanggalang o kahit ang isang maliit na grupo ng mga rebelde-maari silang dahan dahan na makapasok at makaakyat sa kabilang bahagi nito. Responsibilidad natin na pigilan sila. Kahit ang isang nilalang ay maaring makasira ng malaki sa sanggalang. Ilang taon na ang nakakalipas, isa ang pinalad na makapasok at kanyang pinatay ang kalahati ng mga bata sa isang nayon bago pa siya nahuli. Pangkalahatan at pangmaramihan lamang ang kaya ng espada."
Inintindi ni Thor ang lahat ng kanyang narinig. Malaki ang papel ng sanggalang sa kaharian at importante din ang kanilang gagawin bilang mga tagabantay. Hindi siya makapaniwala na siya ay magiging bahagi nito.
"Ngunit sa kabila ng lahat ng aking sinabi, hindi ko pa din ito naipaliwanag ng maayos." Ang sabi ni Reece. "Malawak ang kakayahan ng sanggalang." Biglang tumahimik si Reece.
Tinitigan siya ni Thor ay nakakita siya ng takot o pagkamangha sa kanyang mga mata.
"Paano ko ba ito ipaliliwanag?" Ang sabi ni Reece habang hinahanap ang mga tamang salita. "Ang sanggalang ay di hamak na mas malaki kaysa sa ating lahat. Ang sanggalang ay…"
"Ang sanggalang ay lugar para sa mga tunay na lalaki." Ang sambit ng isang boses
Lahat sila ay napalingon sa narinig na boses at sa padyak ng mga kabayo.
Nanlaki ang mga mata ni Thor. Sa kanilang likuran, suot ang mga naglalaking mga armas at sandata, sakay ng kanyang kabayo, ay si Erec. Ngumiti ito sa kanila habang nakatingin kay Thor.
Napatingin si Thor sa sobrang gulat.
"Isa itong lugar na gagawin kang tunay na lalaki," dagdag ni Erec, "kung hindi ka pa isang tunay na lalaki."
Ngayon na lamang nakita ni Thor si Erec simula noong nakaraang paligsahan at nakaramdam siya ng gaan ng loob sa kanyang pagdating. Ang magkaroon ng isang magiting na mandirigma, kasama nila habang patungo sa sanggalang-at si Erec pa ito. Pakiramdam ni Thor ay walang maaring mangyaring masama kapag nandito siya at kanyang ipinagdadasal na sana'y sumama ito sa kanila.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Thor. "Nandito ka ba upang samahan kami?"
Biglang napatawa si Erec.
"Huwag kang magalala bata." Sabi niya. "Nandito ako para samahan kayo."
"Talaga?" Tanong ni Reece
"Naaayon sa tradisyon na isang miyembro ng Silver ang sasama sa mga miyembro ng Legion sa unang araw ng kanilang pagbabantay. Nagboluntaryo ako."
Itinuon ni Erec ang kanyang tingin kay Thor.
"Tutal, tinulungan mo ako kahapon."
Nakaramdam ng galak si Thor sa prisensya ni Erec. Pakiramdam din niya ay tumaas ang tingin sa kanya ng kanyang mga kaibigan. Nandito na siya, kasama ang pinakamagaling na mandirigma ng kaharian, habang patungo sa sanggalang. Lahat ng knayang takot ay naglalaho na.
"Subalit, hindi ko kayo sasamahan sa pagbabantay", dagdag ni Erec. "Sasamahan ko lamang kayo papasok ng lagusan hanggang sa lugar na inyong titigilan. Responsibilidad ninyong magbantay ng kayo lamang mula doon."
"Isang malaking pasasalamat." Ang sabi ni Reece
"Maraming salamat!" Sabay na sambit nina O'conner at Elden
Tumingin si Erec kay Thor at ngumiti.
"At kung ikaw ang aking magiging pangunahing kinatawan, hindi ko hahayaan na mamatay ka kaagad."
"Pangunahin?" Ang tanong ni Thor
"Nabalian ng buto si Feithgold noong paligsahan. Mawawala muna siya sa loob ng walong linggo. Ikaw ang pangunahin kong kinatawan ngayon. At marahil ay maaari na natkng simulan ang pageensayo, hindi ba?"
"Opo ginoo." Pagsangayon ni Thor
Lumalangoy ang isipan ni Thor. Sa unang pagkakataon ay nagsisimula ng dumating sa kanya ang swerte. Siya na ngayon ang pangunahing kinatawan ng pinakamagiting na mandirigma ng kaharian. Pakiramdam niya ay nilampasan na niya ang kanyang mga kasabayan.
Nagpatuloy sa Pakikipagsapalaran ang lima patungo sa kanluran ng palubog na araw. Habang si Erec ay dahan dahang sumasabay sa kanila, sakay ng kanyang kabayo.
"Sigurado ako na nakarating ka na sa sanggalang, tama ba?" Tanong no Thor
"Maraming pagkakataon na." Ang sagot naman ni Erec. "Sa unang beses ng aking pagbabantay ay kasing edad niyo din ako"
"At anong masasabi mo?" Tanong naman ni Reece
Lahat sila ay nagtinginan kay Erec. Tumahimik ng ilang sandali si Erec habang nakatiin sa daan.
"Ang una ninyong karanasan doon ay hinding hindi ninyo malilimutan. Mahirap ipaliwanag. Isa itong kakaiba at misteryoso at magandang lugar. Ngunit sa kaba nito ay kaakibat ang hindi maipaliwanag na panganib. Ang lagusan papasok ay makitid at mahaba. Marami sa amin nag nagbabantay, ngunit palagi mong mararamdaman nag pagiisa. Winawasak nito ang iyong katauhan upang magtago na lamang sa mga anino. Lahat ng mga tauhan ng hari ay naranasan ng magbantay dito. Hindi mo lubusang maiintindihan ang panganib kung wala nito ; hindi ka lubusang magiging isang mandirigma ng wala nito."
Tumahimik ang lahat. Nagkatinginan ang apat sa isat isa.
"Kailangan ba naming asahan ang biglaang digmaas sa kabilang bahagi?" Ang tanong ni Thor.
Nagkibit balikat lamang si Erec.
"Lahat ay posibleng mangyari sa oras na makarating kayo sa kabilang bahagi. Bihira mangyari. Pero posible."
Napatingin si Erec kay Thor.
"Gusto mo bang maging isang magaling na kinatawan at balang araw ay isang magiting na mandirgma?" Tanong ni Erec
Bumilis ang tibok ng puso ni Thor.
"Opo. Higit pa sa kahit na ano"
"Kung ganoon, may mga bagay na dapat kang malaman." Sabi ni Erec. "Ang lakas ay hindi sapat; ang bilis ay hindi sapat; anv pagiging isang magaling sa pakikipaglaban ay hindi sapat. Mayroon pang isang bagay, isang bagay na mas mahalaga kaysa sa mga nabanggit ko."
Biglang tumahimim si Erec at hindi na mkaapaghintay si Thor.
"Ano iyon?" Tanong ni Thor. "Ano ang pinakaimportante sa lahat?"
"Kailangan ay palaging kang nasa iyong sarili" sagot ni Erec. "Huwag matatakot. Kailangan mong pasukin ang pinakamadilim na kagubatan, ang pinakamapanganib na digmaan ng buong tapang at lakas ng loob. Kailangan mo itong tandaan kahit kailan at kahit nasaan ka man. Huwag matakot, laging maging handa. Huwag panghinaan ng loob, laging malakas. Wala ka ng aasahan na mga tao na tutulong sa iyo. Hindi ka na isang ordinaryong mamamayan. Isa ka na sa mga tauhan ng hari. Ang mga tanging katangian ng isang mandirgma ay tapang at kalmadong kalooban. Huwag matakot sa panganib. Asahan mo na ang panganib. Ngunit huwag mo itong hahanapin."
"Ang kalupaan na ito na ating tinitirhan,"dag dag ni Erec, "ang ating kaharian. Marahil ay nakikita ng iba ang mga tauhan ng hari na mga tagapagtanggol mula sa mga mananakop. Pero nagkakamali sila. Pinoportektahan lamang tayo ng sanggalang at ang kapangyarihan na nakapaloob dito. Nakatira tayo sa loob ng singsing ng isang salamangkero. Huwag ninyo iyong kakalimutan. Nabubuhay tayo at namamatay dahil sa kalangyarihan na iyon. Walang anumang kaligtasan ditk bata, sa kahit saang panig ng sanggalang. Kunin nila ang kapangyarihan at ang pinagmumulan nito at walang matitira sa atin."
Patuloy sa paglalakad ang lima sa gitna ng katahimikan habang pinapaulit ulit ni Thor sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Erec. Pakiramdam niya ay may nais na ipahiwatig sa kanya si Erec. Na parang sinasabi nito na kung ano man ang kapangyarihan na mayroon siya at kung saan man ito nagmumula, hindi niya ito dapat ikahiya. Samakatuwid ay dapat niya itong ipagmalaki at ang pinagmumulan ng lakas ng sanggalang. Mas bumuti ang pakiramdam ni Thor. Noong una ay inakala niya na pinadala siya sa sanggalang bilang kaparusahan sa kanyang kapangyarihan at pinagsisihan niya ito; ngunit ngayon ay tinatanggap na niya ito, kung saan man ito nagmula.
Sa kanilang paglalakad ay nahuli sina Erec at Thor.
"Nagawa mo na kaagad na magkaroon ng mga kaaway sa kaharian," ang sabi nito na may ngiti sa kanyang mga mukha. "Kasing dami rin ng iyong mga naging kaibigan"
Namula si Thor sa kahihiyan.
"Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko iyon sinadya."
"Ang mga kaaway ay hindi sinasadya. Nagkakaroon nito dahil sa inggit. Hindi naman iyon masama. Ikaw na nag sentro ng mga spekulasyon."
Nagkamot ng ulo si Thor habang iniintindi ang mga sinabi ni Erec.
"Ngunit hindi ko alam kung bakit."
"Maging ang mahal na reyna ay nangunguna sa iyong mga problema. Nagawa mo siyang galitin sa di malaman na dahilan."
"Ang aking ina?"gulat na tanong ni Reece. "Bakit?"
"Iyan ay ang tanong na hindi mo rin masagot."ang sabi ni Erec
Muling sumama ang loob ni Thor. Ang reyna? Isang kaaway? Ano ang kanyang nagawa? Hindi niya maisip. Paano siya naging mahalagang tao upang mapansin ng reyna? Hindi niya alam kung ano ang nagyayari sa kanyang paligid.
Ilang sandali ay may sumagi sa isipan ni Thor.
"Siya ba ang dahilan kung bakit ako ipinadala dito? Sa sanggalang?" Tanong niya
Patuloy na tumingin sa daan si Erec. Seryoso ang kanyang mukha.
"Marahil" ang sagot ni Erec
Napaisip si Thor tungkol sa lalim at tindi ng kanyang mga nagiging kaaway. Napunta siya sa isang sitwasyon na hindi niya nalalaman. Gusto lamang niya na mapabilang. Sinubukan lamang niyang abutin ang kanyang pangarap at gawin ang lahat upang makamit ito. Hindi niya naisip na maari itong magdulot ng selos at inggit. Pinaikot ikot niya ito sa kanyang isipan ngunit hindi pa din niya ito maintindihan.
Habang nagiisip si Thor ay narating na nila ang tuktok at lahat ng kanilang mga nasa isip ay nawala sa oras na kanilang nakita ang tanawin doon. Bahagyang nawala ang paghinga ni Thor at hindi ito dahil sa lakas ng hangin.
Sa kanilang harapan, nakalatag sa kanilang mga mata, ang sanggalang. Ito ang unang pagkakataon na makikita ito ni Thor at nagulat siya sa kanyang nakita, na napahinto ito at hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Ito ang pinakanakamamanghang nakita ni Thor sa buong buhay niya. Animo'y tuloy tuloy ito hanggang sa dulo ng mundo. Napapaligiran ng mga tauhan. Maging ang lagusan nito palabas ay parang walang katapusan.
Ang kulay nito ay nagmumukhang asul at berde dahil sa pagsikat ng araw. Habang nanunumbalik na muli ang pakiramdam ng mga paa ni Thor ay nagsimula siyang maglakad kasama ng iba papalapit pa sa sanggalang hanggang sa nasa dulo na sa nito. Sa sobrang taas nito ay hindi man lamang nila makita ang ilalim nito o kaya'y natatakluban ito ng hamog o kaya ay baka wala itong ilalim. Ang mga bato na nakahanay dito ay mukhang milyong taon na ang tanda na may mga marka na marah ay dulot ng mga nagdaang mga sakuna at bagyo. Hindi niya akalain na ganito kalawak at kabuhay ang planeta.
Animo'y bumalik siya sa panahon kung saan ginawa ang mundo.
Naririnig ni Thor ang tunog ng kamanghaan sa kanyang paligid.
Nakatatawang isipin na silang apat ay magbabantay sa lugar na ito. Sila ay parang mga dwende sa itsura nito.
Habang papalapit sila papasok sa lagusan ay bagyang nanigas ang mga tauhan na naroroon. Nagbibigay ng daan para sa mga bagong bantay. Naramdaman ni Thor ang pagbilis ng kanyang pulso.
"Hindi ko alam kung paano nating apat babatayan ito." Ang sabi ni O'conner.
Napangiti lamang si Elden. "Madami ding mga nagbabantay maliban sa atin. Hindi tayo kawalan o karagdagan sa kanila."
Sa kanilang pagpasok sa lagusan, walang ibang maririnig kung hindi ang pagihip ng hangin, ang kanilang mga yapak at ang tunog ng kabayo ni Erec. Ang paa nito ay nagiwan ng tunog na natatanging totoo sa lugar na ito.
Wala ni isa sa mga tauhan, na nanigas ng makita si Erec, ang nagsalita habang papadaan sila. Mga isang daang tauhan ang kanilang nadaanan.
Hindi maiwasan ni Thor na hindi mapuna ang mga nakatusok na mga ulo ng mga rebelde sa pader ng lagusan. Ang ilan sa mga ito ay bago pa lamang at tumutulo ang dugo.
Lumihis ng tingin si Thor. Ginawa nitong mas makatotohanan ang lahat. Hindi niya alam kung handa na siya para dito. Sinubukan niyang hindi isipin ang mga naglagay ng mga ulo doon, kung ilang buhay ang nawala at kung ano ang naghihintay sa kabilang panig. Inisip niya kung sila ay makakabalik pa. Hindi ba iyon naman ang dahilan ng Pakikipagsapalaran na ito? Ang para patayin siya?
Sinilip niya ang dulo ng animoy walang katapusang daan at kanyang narinig ang sigaw ng isang ibon; ang tunog na iyon ay ngayon lamang niya narinig. Inisip niya kung anong uri iyon ng ibon at kung ano pang mga kakaibang nilalang ang naroroon.
Ngunit hindi ang mga hayop o ang mga nakatusok na ulo ang bumabagabag sa kaniya. Higit sa lahat ay ang pakiramdam niya sa lugar na ito. Hindi niya masabi kung dala ba iyon ng hamog, o ng umiihip na hangin o ang malawak na kalangitan o ang liwanag na nagmumula sa palubog na araw-ngunit may kakaiba sa lugar na ito. Bumabalot ito sa kanyang katawan. Nakakaramdam siya ng mabigat na enerhiya. Iniisip niya kung ito ba ay nagmumula sa mahiwagang espada o mula sa ibang pwersa. Pakiramdam niya ay hindi lamang siya tumatawid sa kabilang kalulaan, ngunit sa ibang kabihasnan.
Noong nakaraang araw lamang ay nagaalaga siya ng mga tupa sa maliit nilang nayon. Parang hindi na makatotohanan ang lahat. Sa unang pagkakataon, dadaan ang gabi na wala siyang proteksyon, sa kabilang panig ng sanggalang.