Kitabı oku: «Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani », sayfa 12

Yazı tipi:

"Nagsisinungaling ka." Ang sagot ni Thor

Ngumiti si Alton at itinuro ang kanyang daliri sa dibdib ni Thor

"Kapag nakita kita muli malapit kay Gwen, gagamitin ko ang kapangyarihan ko para ipahuli ka sa mga kawal. Ipapakulong kita."

"At sa anong dahilan?" Tanong ni Thor

"Hinsi ko kailangan ng dahilan. Nasa ranggo ako. Magiisip ako ng ibibintang sayo at ako ang paniniwalaan nila. Sa oras na gawin ko iyon, kalahati ng buong kaharian ang magsasabi na isa kang kriminal. "

Ngumiti si Alton.

"Wala kang katapatan" ang sabi ni Thor na hindi makapaniwala na may tao na kayang gawin ang bagay na iyon.

Tumawa lamang si Alton.

"Wala naman akong ganyan sa simula pa lamang," ang sabi niya. "Ang katapatan ay para sa mga hangal. Nasa akin na nag gusto ko. Sa iyo na ang katapatan mo. At sa akin naman si Gwendolyn."

IKADALAWAMPUNG KABANATA

Kasamang naglalakad ni Thor si Reece palabas ng kastilyo, patungo sa mga daanan pabalik sa lugar ng mga Legion. Tumayo ng diretso ang mga kawal sa kanilang pagdaan at naramdaman ni Thor ang pagtanggap, na hindi na siya tagalabas. Naalala niya ang mga nakaraang araw kung saan hinahabol siya ng mga kawal. Madami na ang nagbago at nangyaro iyon ng mabilis.

Nakarinig si Thor ng paghuni at napatingin ito sa taas upanh makita si Estopheles, na umiikot sa himpapawid. Bumaba ito at masayang iniabot ni Thor ang kanyang kamay na nakasuot ng gwante na metal. Ngunit lumipas ulit ito pataas ng pataas, ngunit natatanaw pa din. Napaisip si Thor. Ito ay isang misteryosong hayop at nakaramdam agad siya ng koneksyon dito na mahirap maipaliwanag.

Patuloy na naglalakad sina Thor at Reece, tahimik lamang sa isat isa. Alam ni Thor na hinihintay sa kanya ang mga kasama at napaisip siya kung anong klaseng pagtanggap ang kanyang madadatnan. Magkakaroon ba ng inggit at selos? Magagalit ba sila sa nakukuha niyang atensyon? Pagtatawanan ba siya dahil binuhat siya paalis ng sanggalang? O kaya ay tatanggapin na ba siya ng mga ito?

Umaasa si Thor sa huli niyang naisip. Pagod na siyang makisama sa mga miyembro ng Legion at wala siyang ibang ginusto kung hindi ang matanggap. Ang matanggap bilang kaisa nila.

Natatanaw na nila ang kanilang patutunguhan at nagsimulang mabaling sa ibang bagay ang isil ni Thor.

Si Gwendolyn.

Hindi alam ni Thor kung paano niya kakausapin si Reece ukol dito dahil kapatid niya ito. Ngunit hindi niya ito maalis sa kanyang isipan. Hindi niya mapigilang isipin ang kanyang naging enkwentro sa masamang si Alton, at kanya pa din iniisip kung ilan sa mga sinabi nito ang totoo. May parte niya ang natatakot na kausapin si Reece. Ayaw niyang itaya ang kanyang pagkakaibigan nila ni Reece dahil sa kapatid nito. Ngunit may parte din siya na nagnanais na malaman ang sasabihin ng kaibigan.

"Sino si Alton?" Tanong ni Thor

"Alton?" Paguulit ni Reece. "Bakit mo natanong?"

Napakibit balikat na lamang si Thor, hindi sigurado kung ano ang kanyang sasabihin.

Mabuti na lamang at nagpatuloy sa pagsagot si Reece.

"Isa siyang masama at mapanlinlang na parte ng pamilya ng hari. Pangatlong pinsan ng hari. Bakit? May kailangan ba siya sa iyo?" Nanlaki ang mga mata ni Reece. "Si Gwen? Iyon ba? Binalaan dapat kita."

Lumingon si Thor at tumitig kay Reece, nais pa niyang malaman ang lahat.

"Anong ibig mong sabihin?'

"Wala siyang respeto. Hinahabol na niya ang kapatid ko bago pa man siya natutong maglakad. Sigurado siya na ikakasal silang dalawa. At iyon din ang iniisil ng aming ina."

"Ikakasal nga ba sila?" Tanong ni Thor na nagulat sa pagmamadali ng kanyang boses.

Tumingin sa kanya si Reece at ngumiti.

"Hay,hay. Nahulog ka na sa kanya, tama ba?" Ang tawa ni Reece. "Ang bilis."

Namula si Thor habang umaasa na hindi ito mahalata.

"Sa ayaw nila at sa gusto, nakadepende pa din ang lahat sa nararamdaman ng kapatid ko para sa kanya," sagot ni Reece. "Maliban na lamang kung ipipilit nila ang kasal. Ngunit hindi iyon gagawin ng aking ama."

"At anong nararamdaman ng kapatid mo sa kanya?" Ang sabi ni Thor, takot na magingmatanong, ngunit kailangan niyang malaman.

Nagkibit balikat si Reece. "Kailangan mo siyang tanungin. Hindi ko siya tinatanong tungkol sa bagay na yan."

"Ngunit ipipilit ba siyang ipakasal ng iyong ama?" Tanong ni Thor. "Magagawa ba niya ang bagay na iyon?"

"Kayang gawim ni ama ang lahat ng guato niya. Ngunit sa pagitan niya ito at ni Gwen."

Napatingin si Reece kay Thor

"Bakit mo tinatanong ang mga ito? Ano bang pinagusapan ninyo?"

Namula si Thor, hindi alam ang sasabihin.

"Wala" ang sagot niya.

"Wala?" Ang sabi ni Reee. "Mukhang wala nga."

Napatawa ng malakas si Reece, at mas lalong napahiya si Thor, at napaisip kung nasa utak lamang niya na gusto din siya ni Gwen. Hinawakan ni Reece sa balikat si Thor.

"Makinig ka kaibigan." Ang sabi ni Reece. "Ang bagay na dapat mo lamang malaman kay Gwen ay alam niya kung ano ang gusto niya. At makukuha niya kung ano ang gusto niya. Palaging ganoon. Malakad din ang kanyang paninindigan tulad ng aming ama. Walang sino man ang maaring pumiliy siya na gawin ang isang bagay. Kaya huwag kang magalala. Kung ikaw ang pipiin niya, maniwala ka, sasabihin niya kaagad sa iyo."

Tumango si Thor, mas magaan ang pakiramdam, tulad ng dati matapos niyang makausap si Reece.

Tumingin sila sa harap at kanilang nakita ang malaking lagusan papasok sa mga Legion. Nagulat siya na makita ang ilang kalalakihan na nakatayo sa harapan, na animoy hinihintay ang kanilang pagdating. At ang mas nakakagulat pa ay nakangiti ang mga ito sa kanila at nagpalakpakan ng siya ay makita. Agad lumapit ang mga ito, tinapik sa likod si Thor at hinila papasok ng lagusan. Namangha si Thor habang siya ay hinihila papasok, habang siya niyayakap ng mga ito.

"Magkwento ka tungkol sa sanggalang. Anong pakiramdam sa kabilang bahagi nito?",tanong ng isa.

"Anong itsura ng halimaw? Iyong pinatay mo?" Ang sabi naman ng isa.

"Hindi ako ang pumatay." Agad na sagot ni Thor. "Si Erec."

"Narinig ko na sinagil mo daw ang buhay ni Elden." Sigaw ng isa.

"Narinig ko din na inatake mo daw ang halimaw ng walang kahit anong sandata."

"Isa ka na sa amin" sigaw ng isa at biglang nagpalakpakan ang iba habang sinasabayan siya papasok, na animoy siya ang kanilang nawawalang kapatid.

Hindi makapaniwala si Thor. Habang naririnig niya ang mga sinasabi nila, mas napapagtanto ni Thor na marahil ay tama sila. Marahil ay matapang nga siya. Hindi niya iyon kailanman naisip. Sa unang pagkakataon ay gumanda ang kanyang pakiramdam sa kanyang sarili. At higit sa lahat, dahil ngayon, tanggap na siya ng kanyang mga kasama. Nakaramdam siya ng tensyon sa kanyang balikat.

Si Thor ay dinala papasok sa lugar ng pagsasanay at sa kanyang harapan ay ang mga miyembro ng Legion at ng Silver. Maging sila ay nagpalakapakan ng siya ay makita. Lumapit silang lahat at tinapik sa likod ai Thor.

Lumapit si Kolk at tumahimik ang lahat. Inihanda na ni Thor ang sarili dahil walang ginawa si Kolk kung hindi ang maliitin siya. Ngunit ngayon, nagulat si Thor, tumingin ito sa kanya ng kakaiba. Kahit hindi niya magawang ngumiti, hindi rin ito sumimangot sa kanya. At sigurado si Thor na nakakita siya ng paghanga sa mga mata nito.

Lumapit si Kolk at inilagay ang isang maliit na medalyon na may simbolo ng ibon, sa dibdib ni Thor.

Ang medalyon ng Legion. Sa wakas, natanggap na siya. Isa na siya sa mga ito.

"Thorgrin mula sa Timog Probinsya ng Kanlurang Kaharian," sigaw ni Kolk. "Maligayang lagdating bilang miyembrk ng Legion."

Nagsigawan ang mga kalalakihan, at agad binuhat si Thor upang ipagbunyi.

Hindi pa di makapaniwala si Thor. Sinubukan niyang hindi magisip at namnamin ang mga nagyayari. Ngayon, sa wakas, mayroon na siyang lugar na kinabibilangan."

Tumalikod si Kolk at hinarao ang ibang kalalakihan. "Ang araw na ito ay espesyal. Wala ng paglilinis at dumi ng kabayo para sa inyo. Panahon na para simulan ang pagsasanay. Ito ang araw ng sandata.

Nagsigawan ang mga kalalakihan habang sinusundan si Kolk sa gitna ng koluseyo, patungo sa isang malaki at pabilog na gusali na yari sa kahoy, at may may pintuan na yari sa pilak. Naglakad si Thor kasama ang iba habang nasasabik ang buong kapaligiran. Nasa tabi niya si Reece at sinamahan sila ni O'conner.

"Hindi ko naisio na makikita pa kitang buhay." Ang sabi ni O'conner habang nakangiti at tinatapik ang balikat ni Thor. "Sa susunod, ako muna ang mauunang gumising?"

Ngumiti lamang si Thor.

"Ano ang gusaling iyon?" Ang tanong ni Thor kay Reece habang sila ay papalapit. May mga rivets sa buong pintuan. May kakaibang prisensya ang gusaling iyon."

"Ang bahay ng mga sandata," sagot ni Reece. "Doon nila inilalagak ang lahat ng sandata. Minsan ay bibigyan nila tayo ng pagkakataon na masilip ang mga ito at kung minsan ay ipapagamit din nila ito sa atin para sa pagsasanay. Depende kung ano ang itinuturo nila sa atin."

Pumilipit ang bituka ni Thor habang nakita niyang papalapit si Elden sa kanila. Naghanda si Thor na makatanggap ng pagbabanta ngunit nagulat si Thor ng makakita siya ng pasasalamat sa mukha ni Elden.

"Kailangan kitang pasalamatan." Ang mapagkumbabang sabi ni Elden. "Sa pagsagip sa aking buhay."

Nabigla si Thor. Hindi niya iyon inasahan na magmumula kay Elden.

"Mali ako tungkol sa iyo." Dagdag ni Elden. "Kaibigan?" Tanong nito.

Iniabot nito ang kanyang kamay.

Si Thor, na hindi nagkikimkim ng sama ng loob, ay lubos na tinanggao si Elden at kinamayan ito.

"Kaibigan." Sabi ni Thor.

"Seryoso ako sa aking sinabi." Ang sabi ni Elden. "Palagi akong nasa likod mo. May utang na loob ako sa iyo."

Pagkatapos at bigla ito tumalikod lumakad palayo.

"Marahil ay hindi pala siya ganoong kasama."ang sabi ni O'conner. "Mabuti rin naman pala siya."

Nakarating sila sa bahay ng mga sandata. Ang naglalakihang mga pinto ay nagbukas at lahat sila ay namangha. Dahan dahang pumasok si Thor habang pinagmamasdan ang bawat sulok ng silid. May daan daang mga sandata, sandata na hindi niya nakikilala, ang nakasabit sa mga pader. Dali daling naglapitan ang iba sa mga sandata, hinawakan ang mga ito at sinuri. Sinundan ni Thor ang mga ito, na parang isang bata sa isang tindahan ng minatamis.

Lumpapit siya sa isang malaking palakol, at kinuha ang isang kahoy na sibat gamit ang kanyang dalawang kamay, at kanyang naramdaman ang bigat nito. Malaki ito at nalangisan. Ang talim nito ay may mga gasgas at kanyang naisip kung may napatay na ito sa digmaan.

Ibinaba niya ito at kinuha ang isang panlugas, isang mabigat na bola na yari sa metal na nakakabit sa isang hawakan gamit ang kadena. Hinawakan niya ito at pinakiramdaman ang mga tinik sa dulo ng kadena. Sa kanyang tabi, hinawakan ni Reece ang isang palakol habang si O'conner ay sinusubukan ang isang mahabang sibat at iwinawasiwas ito sa hangin.

"Makinig kayo." Sigaw ni Kolk at lahat ang nagtinginan.

"Ngayon ay matututunan ninyo kung paano labanan ang isang kaaway mula sa malayo. Sino sa inyo ang makakapagsabi ng mga sandata na maaring gamitin? Ano ang maaaring pumtay sa sino man na tatlumpung metro ang layo?"

"Pana." Ang sigaw ng isa.

"Tama." Ang sabi ni Kolk. "Ano pa?"

"Isang sibat."

"Ano pa? Marami pa ang maaring magamit maliban sa mga ito. Pakinggang natin."

"Tirador." Dagdag ni Thor.

"Ano pa?"

Nagisip pa ng malalim si Thor.

"Paghahagis ng patalim." Ang sigaw ni Reece

"Ano pa?"

Nagdalawang isip ang iba. Wala na silang ibang maisip.

"Nariyan din ang paghahagis ng palakol, ng martilyo" sigaw ni Kolk. "Ang pana. Maaari ding ihagis ang mga sibat at espada."

Humarap si Kolk habang pinagmamasadan ang mga mukha ng mga kalalakihan na dahan dahang nakikinig.

"Hindi lamang iyon. Ang isang simpleng bato sa lupa ay maaari ninyong maging matalik na kaibigan. Nakakita na ako ng isang malaking lalaki, na kasing lakas ng toro, isang bayani ng digmaan, na namatay dahil sa isang bato na inihagis ng isang mautak na mandirgma. Hindi rin naiisip ng mga mandirgma na ang inyong mga kasuotan ay maari ding magamit bilang sandata. Ang inyong gwantes ay maaring ihagis sa mukha ng kalaban. Maaari nitong mapatigil ang kalaban mula sa malayo. Sa oras na iyon ay maaari ninyo siyang patayin. Ang inyong sanggalang ay maaari ding magamit."

Huminga ng malalim si Kolk.

"Mahalaga na kapag natutunan ninyong lumaban, hindi lamang dapat kayo nakikilaglaban kapag nasa harap na ninyo ang kalaban. Kailangan ninyong palawakin ang inyong distansya. Karamihan ay nakikipaglaban sa layo na tatlong metro. Ang isang magaling na mandirgma ay nakikipaglaban sa layong tatlumpu. Naiintindihan ninyo?"

"Opo." Sabay sabay na sigaw ng lahat.

"Mabuti. Ngayon ay hahasain natin ang inyong kakayahan sa paghagis. Lumibot kayo at kunin ang mga sandata na maaari ninyong gamitin. Bawat isa ay kumuha ng isa at agad lumabas sa loob ng tatlumpung segundo. Kilos!"

Nagkagulo ang mga tao at agad tumakbo si Thor sa mga dingding upang maghanap ng magagamit. Siya nabangga at naitulak ng iba pang mga kalalakihan na nagmamadali sa paghahanap. Hanggang sa makita niya ang kanyang gusto at kinuha ito. Isa itong maliit na palakol. Kumuha si O'conner ng patalim at si Reece naman ay espada. At silang tatlo ay nakipagunahan sa labas kasama ng iba pa.

Sinundan nila si Kolk sa gitna ng koluseyo kung saan may mga nakahanay na mga sanggalang.

Lahat ng mga kalalakihan ay umikot sa paligid ni Kolk, habang hawak hawak ang kanilang mga sandata.

"Tatayo kayo dito."sigaw ni Kolk habang itinuturo ang linya sa may putikan. "At tamaan ninyo ang mga sanggalang na iyon gamit ang inyong mga sandata. Tatakbo kayo sa mga sanggalang at kukuha ng panibagong sandata at iyon naman ang sasanayin ninyong ihagis. Huwag kayong kukuha ng kaparehong sandata. Palagi ninyong patamaan ang mga sanggalang. Kung sino man ang hindi makatama, ay tatakbo ng paikot sa buong koluseyo. Simulan niyo na."

Humanay ang mga kalalakihan sa bahagi ng putikan at nagsimulang maghagis ng mga sandata sa mga sanggalang na tatlumpong yarda ang layo. Humanay din si Thor kasama ng iba. Ang lalaki sa kanyang likod ay naghagis ng sibat ngunit hindi ito tumama.

Nagsimulang tumakbo ang lalaki sa palibot ng koluseyo. Biglang may lumapit na mga tauhan sa kanyang pagtakbo at nagpatong ng ma kadena sa kanyang balikat na nagpabagal sa kanyang takbo.

Ang lalaki, na unti unting bumabagsak, pawis na pawis, ay nagpatuloy sa pagtakbo.

Ayaw ni Thor na hindi matamaas ang sanggalang. Huminga sila ng malalim at inihagis ang kanyang palakol. Ipinikit niya ang mata at umasa na tinamaan niya ito, at nakampante siya ng marinig ang tunog ng palakol sa tumama sa sanggalang. Bahagya na niya itong hindi natamaan, ngunit ang mahalaga ay natamaan pa din niya ito sa mababang bahagi. Lahat sa kanyang paligid ay hindi nakatama at ngayon ay nagtatakbo. Ang iba naman ay nakatama at nagsimulang kumuha ng panibagong armas.

Lumapit si Thor sa mga sanggalang at nakita ang mahabang patalim, na kanyang kinuha bago bumalik sa kanyang pwesto.

Nagpatuloy silang maghagis sa loob ng ilang oras, hanggang sa mapagod na ang braso ni Thor at kinailangan din niyang tumakbo. Basang basa siya ng pawis tulad ng iba sa kanyang paligid. Isa magandang ehersisyo ang maghagis ng ibat ibang sandata at masanay sa ibat ibang bigat ng mga ito. Nararamdaman ni Thor na mas bumubuti ang kanyang kakayahan, na mas nasasanay siya sa bawat hagis. Ngunit, matindi ang init at nagsisimula na siyang mapagod. Iilan na lamang ang nanatiling nakatindig at maging sila ay nagsimula na ding tumakbo paikot. Mahirap lang talaga ang maghagis ng ibat ibang sandata, ang tumakbo at ang init ay nakadagdag pa sa hirap nito. Hinihingal na si Thor at hindi niya alam kung hanggang kailan pa niya kakayanin. Habang nararamdaman niya na pabagsak siya, biglang nagsalita si Kolk.

"Tama na." Ang sigaw nito.

Nagsibalikan ang mga kalalakiha ang bumagsak sa damuhan. Nakahiga sila doon, mabilis na humihinga, habang tinatanggal ang mga mabibigat na kadena na nakakabit sa kanila. Si Thor ay naupo din sa damuhan, pagod ang mga kamay at pinagpapawisan. Ilan sa mga tauhan ang dumatin na may mga dala dalang timba ng tubig at agad nila itong ibinagsak sa lupa. Agad na inabot ito ni Reece at uminom mula sa timba, iniabot niya ito kay O'conner, pagkatapos ay kay Thor. Uminom ng uminom si Thor hanggang sa tumulo na ang tubig sa kanyang baba at dibdib. Masarap sa pakiramdam ang tubig. Huminga muli siya ng malalim habang iniaabot ang timba kay Reece.

"Hanggang katagal kaya ito?" Tanong ni Thor

Umiling si Reece at nagsabing, "hindi ko alam."

"Pinapatay na tayo!" Sabi ng isang boses. Tumingin si Thor at nakita si Elden na dumating at umupo sa kanyang tabi. Nagulat si Thor na makita siya doon at kanyang napagtanto na tunay ngang nais makipagkaibigan ni Elden. Nakakapanibago ang kanyang kinikilos.

"Mga lalaki!" Sigaw ni Kolk, na dahan dahang lumalakad sa pagitan nila. "Mas marami sa inyo ang hindi makatama, habang pahapon na. Tulad ng inyong nakikita, mas mahirap makatam kung kayo'y pagod na. Iyon ang punto nito. Sa digmaan, hindi kayo magiging presko. Mapapagod kayo. Ang digmaan ay maaring tumagal ng ilang araw. Lalo na kung isang kastilyo ang inyong inaatake. At sa panahon na pinakapagod kayo, doon din dapat kayo mas makatama. Madalas ay mapipilitan kayo na ihagis ang kahit anong sandata na nasa inyong harapan. Dapat kayong maging bihasa sa paggamit ng anumang sandata, sa kahit anong klaseng pagod. Naiintindihan ninyo ba?"

"OPO!" Sigaw ng lahat

"Ang ilan sa inyo ay kayang maghagis ng patalim o sibat. Ngunit ang tao din na iyon ay hindi makatama gamit ang martilyo o palakol. Sa tingin niyo ba ay kaya ninyong mabuhay gamit ang iisang sandata?"

"HINDI PO!"

"Sa tingin niyo ba ay isa itong laro?"

"HINDI PO!"

Ngumiti si Kolk habang sinisipa sa likod ang ilang kalalakihan na hindi diretso ang pagkakaupo.

"Nakapagpahinga na kayo ng matagal," sabi ni Kolk. "Tayo!"

Agad tumayo si Thor, nanlalambot ang mga paa at hindi sigurado kung gaano pa niya kakayanin ang lahat ng ito.

"Mayroong dalawang bahagi ng pakikipaglaban mula sa malayo." Pagpapatuloy ni Kolk. "Kaya ninyong maghagis, ngunit ganoon din ang inyong mga kalaban. Kailangan ninyong matutunan na protektahan ang inyong sarili sa layo na tatlumpung yarda. Malinaw?"

"OPO!"

"Upang maprotektahan ang inyong sarili mula sa mga inihahagis na mga sandaa, hindi niyo lamang kailangan na maging handa at mabilis sa pagtakbo, pagiwas at paggulong- ngunit kailangan niyo ding matutunan ang paggamit ng sanggalang."

Sumenyas si Kolk at isang tauhan ang nagdala ng isang malaking sanggalang. Namangha si Thor, doble ito ng kanyang laki.

"Mayroon bang maaring magboluntaryo?" Tanong ni Kolk.

Ang grupo ng mga kalalakihan ay tumahimik at nagdadawang isip. Nang walang pagaalinlangan ay itinaas ni Thor ang kanyang kamay.

Tumango si Kolk at agad lumapit si Thor.

"Mabuti." Sabi ni Kolk. "Mabuti na lamang at isa sa inyo ay nahihibang upang magboluntaryo. Gusto ko ang tapang mo bata. Isang katangahan na desisyon. Pero mabuti."

Nagsimulang mapaisip si Thor kung isa nga bang katangahan ang kanyang ginawa ng iabot sa kanya ni Kolk ang malaking sanggalang. Ikinabit niya ito sa isang kamay at hindi siya makapaniwala sa bigat nito. Nahirapan siyang iangat ito.

"Thor, ang iyong misyon ay tumakbo mula sa dulo na ito hanggang sa kabilang dulo. Nang hindi natatamaan. Nakikita mo ba ang limampung kalalakihan sa harapan mo?" Ang turo ni Kolk. "Lahat sila ay maghahagis ng sandata sa iyo. Tunay na mga sandata. Naiintindihan mo? Kung hindi mo gagamitin ang iyong sanggalang, maaari kang mamatay bago ka pa man makarating sa kabilang dulo."

Napatitig si Thor sa sobrang gulat. Ang ibang kalalakihan ay tumahimik lamang.

"Hindi ito isang laro." Pagpapatuloy ni Kolk. "Seryoso ito. Ang digmaan ay isang seryosong bagay. Ito ay buhay o kamatayan. Sigurado ka bang gusto mo pa ding magboluntaryo?"

Tumango si Thor, naninigas sa tako upang makapagsalita. Hindi na niya maaaring baguhin ang kanyang isip. Hindi sa harapan ng lahat.

"Mabuti."

Sumenyas si Kolk sa isang tauhan na lumakad paharap at humihil ng trumpeta.

"Takbo!",ang sigaw ni Kolk.

Iniangat ni Thor ang kanyang sanggalang gamit ang dalawang kamay. Habang siya nagsimulang tumakbo, nakaramdam siya ng malakas na hampas, na sa sobrang lakas ay nakalog ang kanyang bungo. Malamang ay isa iyong metal an martilyo. Hindi nito nabutas ang sanggalang ngunit nagdulot ito ng matinding epekto sa kanyang sistema. Muntikan na niyang maibagsak ang sanggalang ngunit pinilit niya pa din itong hawakan at magpatuloy.

Nagsimula siyang tumakbo ng mabilis sa abot ng kanyang makakaya. Habang ilang mga sandata at armas ang lumampas sa kanya, sinubukan niyang magtago sa likod ng sanggalang. Ang sanggalang nakasalalay ang kanyang buhay. At sa kanyang pagtakbo, natutunan niyang manatili sa proteksyon nito.

Isang pana ang muling lumampas sa kanya. Isang mabigat na bagay muli ang tumama sa sanggalang na nagpatumba sa kanya sa lupa. Ngunit tumayo agad siya at nagpatuloy sa pagtakbo. Sa abot ng kanyang makakaya, habang hinahabol ang kanyang paghinga, ay sa wakas, nakarating siya sa kabilang dulo.

"Hinto." Sigaw ni Kolk.

Ibinagsak ni Thor ang sanggalang, habang pinagpapawisan siya. Higit pa sa pasasalamat ang kanyang nararamdaman na nakarating siya sa kabilang dulo; hindi niya alam kung kakayanin pa niyang tumagal gamit ang sanggalang.

Agad tumakbo pabalik sa kanyang mga kasama si Thor. Ilan sa mga ito ay kakikitaan ng paghanga. Iniisip niya kung paano siya nakaligtas.

"Magaling." Bulong ni Reece

"May iba pa bang magboboluntaryo?" Sigaw ni Kolk.

Muling bumalot ang katahimikan. Matapos mapanood si Thor, walang sino man ang nais na sumubok.

Pinagmamalaki ni Thor ang kanyang sarili. Hindi siya marahil nagboluntaryo kung nalaman niya ang gagawin, ngunit tapos na ito at masaya siya na nagawa niya ito.

"Kung ganon. Ako ang magboboluntaryo para sa inyo." Sigaw ni Kolk. "Ikaw! Saden!" Sigaw niya habang nakaturo sa isang lalaki.

Isang mas nakatatandang lalaki, at payat ang lumakad paharap, na takot na takot.

"Ako?" Nanginginig na sabi ni Saden

Nagsipagtawanan ang lahat.

"Oo, ikaw. Sino pa?" Sabi ni Kolk.

"Patawad po ginoo. Pero hindi ko po gagawin."

Nagsimulang magbulungan ang ibang mga kalalakihan.

Lumapit si Kolk na nakangiti.

"Hindi mo gagawin ang gusto mo lamang." Ang sambit ni Kolk. "Gagawin mo ang mga sasabihin ko."

Nanigas si Saden sa pagkakatayo dah sa sobrang takot.

"Hindi siya nararapat dito." Ang bulong ni Reece kay Thor

Tumingin si Thor kay Reece. "Anong ibig mong sabihin?"

"Nagmula siya sa mayamang pamilya at ipinadala lamang siya dito. Ngunit hindi niya gusto dito. Hindi siya mandirgma. Alam iyon ni Kolk. Sa tingin ko ay sinusubukan nila itong pasukuin. Sa tingin ko gusto nilang mawala siya dito."

"Patawad po, pero hindi ko po kaya." Ang sabi ni Saden,

"Kaya mo." Sigaw ni Kolk. "At gagawin mo."

Lumuhod si Saden sa lupa at yumuko sa kahihiyan.

"Patawad lo. Bigyan niyo na lamang po ako ng ibang gagawin. At gagawin ko po."

Namula ang mukha ni Kolk, lumapit ito hanggang sa ilang pulgada na lamang ang layo ng mukha nito kay Saden.

"Bibigyan kita ng ibang gagawin bata. Wala akong pakialam kung sino ang pamilya mo. Simula ngayon, tatakbo ka. Tatakbo ka sa paligid ng koluseyo na ito hanggang sa bumagsak ka. At hindi ka babalik hanggang sa magboluntaryo ka na kunin ang sanggalang. Naiintindihan mo?"

Si Saden ay mukhang mapapaluha habang tumatango.

Isang kawal ang lumapit, nagpatong ng kadena sa balikat ni Saden at isa pang kawal ang muling naglagay ng pangalawang kadena. Hindi maintindihan ni Thor kung paano niya nakakaya ang bigat nito. Hindi nga siya makatakbo ng maayos sa isa pa lamang.

Lumapit si Kolk at sinipa sa tagiliran si Saden at agad nitong sinumulan ang mabagal na pagtakbo. Naaawa si Thor sa kanya. Habang tinitingnan niya ito, iniisio niya kung tatagal ba ito sa Legion.

Ilang sandali ay isang tunog ng trumpeta ang kanilang narinig. At nakita ni Thor ang mga tauhan ng hari na nakasakay sa kanilang mga kabayo, isang dosena na miyembro ng mga Silver na may hawak na mga mahahabang sibat at nakasuot ng mga salakol. Tumigil sila sa harap ng Legion.

"Bilang pagkilala sa araw ng kasal ng anak ng hari, idineklara ng Hari ang araw na ito bilang araw ng pangangaso.

Buong paligid ni Thor ay nagsigawan. Bilang isang grupo, nagtatakbo sila at sinundan ang mga kabayo habang palabas ng koluseyo.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Thor kay Reece habang tumatakbo sila kasama ng iba pa.

Ngumiti lamamg si Reece.

"Hulog ng langit." Sabi niya. "Ang ating pahinga sa araw na ito. Kailangan nating mangaso."

Yaş sınırı:
16+
Litres'teki yayın tarihi:
09 eylül 2019
Hacim:
294 s. 8 illüstrasyon
ISBN:
9781632912503
İndirme biçimi:
Serideki Birinci kitap "Singsing ng Salamangkero"
Serinin tüm kitapları
Metin
Ortalama puan 5, 1 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 4,8, 6 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 5, 1 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 4,8, 6 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 5, 2 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre
Metin
Ortalama puan 0, 0 oylamaya göre