Kitabı oku: «Ikot », sayfa 2
Nag-uumapaw ang galit ni Caitlin. Hindi gumagalaw ang apat na lalaki.
Hindi lumuwag ang kaniyang kalooban pagkatapos noon. Gusto niya pang makipaglaban. Gusto niya pa ng mas maraming kabataan na itatapon sa ere.
Hindi lamang iyon ang gusto niya. Biglang naglinaw ang kaniyang mga paningin at napatingin sa kanilang mga leeg. Sa ugat sa kanilang leeg. Gusto niyang kumagat. Kumain.
Hindi niya naiintindihan ang nararamdaman niya. Tumayo siya at umirit ng napakalakas. Tunog na hindi maririnig galing sa ordinaryong tao.
Wari itong isang irit ng hayop na may hinahanap at hindi kuntento.
IKALAWANG KABANATA
Nakatayo si Caitlin sa labas ng pinto ng kanyang apartment. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi. Ang naalala lamang niyang huli ay nasa may eskenita siya.
Ngunit naalala niyang lahat ang nangyari doon. Binalot siya ng galit na noon lamang niya naramdaman.
Tiningnan niya ang kanyang mga braso. Inaasahan niyang may nagbago pagkatapos noon ngunit lahat ay kapareho pa rin ng dati. Normal.
Ang epekto nito sa kanya ay naiwan din. Guwang ang kanyang pakiramdam. Manhid. Hindi niya ito maintindihan. Mayroon siyang kinasasabikan pagkatapos niyang mapagmasdan ang mga leeg ng mga lalaking iyon. Ugat sa kanilang leeg. Nakaramdam siya ng gutom.
Ayaw talagang umuwi ni Caitlin. Ayaw niyang harapin ang kaniyang ina, ang bago nilang lugar. Pati mag-ayos ng gamit. Kung hindi lamang dahil kay Sam ay aalis ulit siya ngayon. Maglalakad lakad.
Binuksan niya ang pinto. Nakaamoy siya ng pagkain, mukhang galing sa microwave. Sam. Lagi siyang maagang umuwi para kumain. Wala pa ang kanilang ina.
"Mukhang hindi maganda ang unang araw mo ah."
Nagulat si Caitlin sa boses ng ina na nakaupo sa sala, naninigarilyo at umay na pinagmamasdan siya.
"Sinira mo na kagad ang bago mong pangginaw?"
Napatingin si Caitlin sa suot niya. Mukhang namantsahan sa pagkakabagsak niya sa semento.
"Bakit ang aga mo umuwi?" tanong niya sa ina.
"Unang araw ko din sa trabaho" pasinghal na sagot ng ina.
"Hindi lang ikaw. Wala masyadong trabaho kaya pinauwi ako ng maaga ng amo ko."
Hindi kaya ni Caitlin ang masamang tono ng ina. Hindi ngayong araw na ito.
"Magaling! Ibig bang sabihin lilipat ulit tayo?" singhal din niya.
Napatayo bigla ang kaniyang ina. "Ingatan mo iyang pananalita mo!" sigaw niya.
Para kay Caitlin lagi lamang naghahanap ng rason ang nanay niya para masigawan siya.
"Hindi ka dapat naninigarilyo sa harap ni Sam" malamig na sambit niya habang pasok sa kaniyang maliit na silid. Sinara niya ang pinto at kinando ito.
"Lumabas ka dito! Pilya ka! Ganyan ba dapat magsalita sa inyong ina na nagpapakain sa inyo!?"
Sa gabing ito ay nagawa niyang hindi pansinin ang boses ng ina. Masyadong magulo ang isip niya. Inalala niya ang mga nangyari noong araw na iyon, ang lakas ng tawa ng mga kabataan, ang tibok ng kaniyang puso at ang dagundong na sa kanya lamang nanggaling.
Nagpatuloy ang bayo sa kaniyang pinto ngunit tila ay wala siyang naririnig. Ang kaniyang cellphone sa mesa ay wala ring tigil sa pagtaginting, umiilaw dahil sa mga mensahe sa kaniya. Ngunit pati iyon ay di niya naririnig.
Dumungaw siya sa kaniyang maliit na bintana at pinagmasdan ang kahabaan ng kalye ng Amsterdam. Ibang tunog ang kaniyang narinig. Ang boses ni Jonah. Naalala niya ang mga ngiti nito. Naisip niya kung paanong napaka-amo niya. Bigla niyang naalala ang duguan niyang mukha at ang wasak na instrumento niya. Nagsimula na naman siyang magalit.
Hanggang ang galit niya ay napalitan ng pag-aalala. Inaakala niyang tinatawag siya ni Jonah.
Caitlin.. Caitlin..
"Caitlin?"
May ibang boses na tumatawag sa kaniya. Ang kapatid niyang si Sam.
"Si Sam ito. Papasukin mo ko."
Tumayo siya at humilig sa may pinto.
"Wala si Inay. Lumabas bumibili ng sigarilyo. Sige na papasukin mo na ako."
Binuksan ni Caitlin ang pinto.Nakatayo doon si Sam. Nakatitig sa kaniya at nag-aalala. Labing-limang taong gulang pa lamang siya pero mukha siyang mas matanda sa edad niya. Tumangkad siya ng maaga, anim na talampakan. Payat siya, itim ang buhok at kulay kape ang mga mata. Pareho sila ng kulay. Magkapatid nga sila. At mahal na mahal siya nito.
Pinapasok niya ito sa loob at nagmamadaling sinara ang pinto.
"Pasensya na" sabi ni Caitlin. "Hindi ko siya kayang tiisin ngayong gabi."
"Ano bang nangyari sa inyong dalawa?" tanong ni Jonah.
"Pangkaraniwan na. Ako na naman lagi niyang nakikita."
"Hindi kasi ata naging maganda ang araw niya." pumapagitnang sabi ni Jonah, bagay na lagi niyang ginagawa. "Sana hindi siya masisante ulit."
"Sinong may pakialam? New York, Arizona, Texas...saan naman kaya ang sunod? Wala nang magiging katapusan ang paglipat natin!"
Sumimangot si Jonah habang nakaupo sa may mesa. Nagsisi kaagad si Caitlin sa kaniyang nasabi. Kung pwede lang niyang bawiin iyon. Minsan talaga walang preno ang kaniyang bibig.
"Kumusta naman ang unang oraw mo?" tanong ni Caitlin para mabago ang kanilang usapan.
"Ok lang naman. ikaw?" Nagkibit balikat lamang siya. May iba siguro sa kaniyang mukha dahil hindi naalis ang tingin sa kaniya ni Jonah.
"Anong nangyari?"
"Wala" mabilis niyang sagot sabay lakad sa may bintana. Patuloy siyang pinagmamasdan ng kapatid.
"May iba sa iyo."
"Paanong iba?" tanong ni Caitlin habang nakatingin sa may labas.
"Hindi ko alam. Ayoko sa lugar na ito" sabi ni Jonah.
"Ako din" sabay balik ng tingin ni Caitlin sa kapatid.
"Naisip ko pa ngang maglayas e."
"Anong ibig mong sabihin? "
Nagkibit balikat lamang ito. Pinagmasdan siya ni Caitlin. Mukhang nalulumbay ito.
"Saan?"
"Hindi ko alam. Siguro hahanapin ko si tatay" sagot ni Jonah.
"Paano? Hindi natin alam kung nasaan siya."
"Hahanapin ko siya. Susubukan ko."
"Paano?"
"Hindi ko alam pero susubukan ko."
"Sam, baka patay na siya hindi natin alam iyon." sabi ni Caitlin.
"Huwag kang magsalita ng ganyan."namumulang sigaw ni Jonah.
"Pasensya na" sabi ni Caitlin. Kumalma siya.
"Pero naisip mo ba na kahit makita natin siya, baka hindi niya tayo kilalanin? Hindi niya tayo kinilala at hindi siya sumubok na hanapin tayo."
"Siguro dahil ayaw siyang payagan ni nanay."
"O baka dahil ayaw niya sa atin." sabi ni Caitlin.
Lalong sumimangot si Jonah. "Hinanap ko siya sa Facebook. "
Nanlaki ang mga mata ni Caitlin. "Nahanap mo siya?"
"Hindi ako sigurado. May apat siyang kapangalan. Dalawa sa kanila pribado at walang litrato. Pinadalhan ko sila ng mensahe." paliwanag ni Jonah.
"Tapos?"
Umiling lamang si Jonah. "Hindi pa sila sumasagot."
"Wala siguro siyang Facebook."
"Hindi mo alam iyon."
Napabuntong hininga si Caitlin. Humiga siya sa kaniyang kama at tumingin sa naninilaw at nagbabakbak na kisame. Paano ba sila umabot sa ganoon. May mga maayos na lugar naman sila dati kung saan naging masaya sila pati ang kanilang ina. Panahong may nakilala siyang bagong lalaki. Hindi siya nito laging kinagagalitan.
May mga bayan din na nagkaroon sila ng maraming kaibigan. Akala nila magtatagal sila doon hanggang sa sila ay makatapos. Ngunit sa bilis lagi ng mga pangyayari, lilipat na naman sila. Mag-eempake at magpapaalam. Masama bang humiling ng normal na buhay?
"Pwede akong bumalik sa Oakville." biglang sabi ni Jonah. Napatigil ang kaniyang pag-iisip.
"Pwede akong makitira sandali sa mga kaibigan ko."
Hindi na niya kinakaya ang araw na ito. Sa mga sinasabi ni Jonah, gusto rin siyang iwan nito. Para bang wala na siyang pakialam sa kaniya.
"E di umalis ka!" biglang pa-angil na sabi ni Caitlin. Parang ibang tao ang nagsalita. Pinagsisisihan niya ang nasabi niyang iyon.
Bakit ba hindi muna siya mag-isip bago magsalita? Kung mabuti sana ang pakiramdam niya at mas mahinahon siya, hindi sana siya nakapagsalita ng ganoon. Maaaring ang nasabi niya ay - "Alam kong ang ibig mo talagang sabihin ngayon ay hinding hindi ka aalis dito sa lugar na ito kahit pa gaano kahirap. Hinding hindi mo ako iiwan dahil tayo na lamang ang magkakampi."
Ngunit naunahan siya ng kanyang init ng ulo. Kita sa mukha ni Jonah na nasaktan ito sa kanyang sinabi. Kung maaari lamang bawiin ito para maging ok na ang lahat. Pero hindi niya maibuka ang kaniyang bibig para magsalita at humingi ng paumanhin. Tumayo na lamang si Sam at lumabas ng kaniyang silid.
Idiyota! Bakit kinailangan mo siyang tratuhin katulad ng pagtrato sa iyo ng iyong ina?
Humiga ulit siya at tumitig sa kisame. Naisip niya na isa pang rason kung bakit uminit bigla ang ulo niya ay dahil sa paggulo ni Jonah sa iniisip niya nung oras na iyon.
Naisip niya si Frank, dating kasintahan ng kaniyang ina. Limampung taong gulang, malapad siya ngunit hindi matangkad at nakakalbo na din. Labing-anim na taong gulang siya noon. Isa iyon sa mga panahon na masaya ang kaniyang ina.
Nakatayo siya noon sa maliit nilang labahan. Nagtititklop siya ng kaniyang mga damit nang bigla na lang dumating si Frank sa may pintuan. Lagi niya itong nahuhuling nakatingin sa kaniya.
Nakita niya itong dinampot ang kaniyang damit panloob. Nakaramdam siya ng matinding hiya at galit na ikinamula ng kaniyang mukha. Itinaas niya ito sa ere sabay ngisi.
"Nalaglag mo." sabi ni Frank. Mabilis itong hinablot ni Caitlin.
"Anong kailangan mo!?" singhal niya.
"Ganyan ba ang tamang pakikipag-usap sa bago mong ama?" Humakbang ito papalapit sa kaniya.
"Hindi kita ama!"
"Malapit na."
Bumalik siya sa kaniyang mga damit ngunit naramdaman niya itong humakbang ulit papalapit sa kaniya. Masyadong malapit na kumakabog ang kaniyang dibdib.
"Tingin ko ay oras na para mas kilalanin natin ang isa't isa. Ano sa tingin mo?" Sabay tanggal ng kaniyang sinturon.
Sa kaniyang takot ay nagpilit siyang lumabas doon ngunit pinigilan siya nito, hinablot at inihampas siya sa may dingding.
Doon niya naramdaman ang matinding galit. Galit na hindi niya pa naramdaman dati. Nag-init ang buong katawan niya. Nang lumapit sa kanya ito, tumalon si Caitlin at sinipa siya sa dibdib. Kahit na wala pa siya sa kalahati ng laki nito ay tumilapon siya deretso palabas ng pinto, hanggang sampung talampakan ng kabilang silid. Natanggal pati ang pintuan sa lakas ng kaniyang pagkakasipa. Nanginginig si Caitlin. Hindi siya bayolenteng tao. Wala pa siyang nasasaktan dati. Tsaka maliit lamang kumpara kay Frank. Papaano niya nalaman kung sumipa ng ganoon. Wala pa siyang nakitang taong tumilapon ng ganoong kataas dahil sa sipa. Saan galing ang lakas niyang iyon? Lumapit siya kay Frank. Wala itong malay na nakahilata sa sahig. Napatay niya kaya ito? Sa ngayon ay puno pa siya ng galit kaya't wala siyang pakialam sa kapakanan nito. Mas nag-aalala siya sa sarili niya. Kung sino o ano ba siyang talaga.
Hindi na niya nakita si Frank kinabukasan. Iniwan na nito ang kaniyang ina. May suspetsa ang ina niya na may kagagawan siya sa nangyari kaya't siya ang sinisisi nito sa pagkasira ng kaniyang buhay pag-ibig. Isang bagay na nakapagpapasaya sa kaniya. Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya si Caitlin.
Bumalik ang tingin niya sa kisame. Iniisip niya kung konektado ba ang dating insidente sa nangyari ngayong araw. Inisip niya noon na nagkaroon lamang siya ng panandaliang lakas dahil sa galit niya kay Frank. Pero ngayon para bang mayroon pang iba. Meron ba siyang kakaibang lakas? Isa ba siyang abnormal? Sino siya?
IKATLONG KABANATA
Tumatakbo si Caitlin. Bumalik ang mga masasamang loob at hinahabol nila siya sa may eskinita. Wala na naman siyang mapupuntahan. Isa na namang mataas na pader ang nakaharang dito. Ngunit dumeretso siya ng takbo. Sobrang bilis niya hindi na maaninag ang mga gusali sa paligid. Ramdam niya ang lakas ng hangin.
Nang malapit na siya sa pader, tumalon siya at napunta sa tuktok ng pader, mga tatlumpong talampakan ang taas. Tumalon siya ulit tatlumpong talampakan pa ulit pataas, dalawampung talampakan hanggang sa bumalik siya ulit sa pader ng may perpektong balanse. Tumakbo siyang ulit ng mabilis. Pakiramdam niya ay walang pwedeng makapigil sa kano iya. ParaI siyang lumilipad.
Tumingin siya sa baba at napansin niyang ang pader ay napalitan ng matataas na damo. Biglang tumatakbo siya sa isang madamong kapatagan kung saan siya nakatira nung bata pa siya.
Sa malayo ay abot tanaw niya ang kaniyang ama. Tumakbo siyang papalapit sa kaniya habang nakangiti ito at naka-abot ang kamay sa kanya.
Hindi siya tumigil nang pagtakbo para umabot siya sa kanyang ama ngunit lalo lamang siyang lumalayo.
Hanggang biglaan na lamang naramdaman niya na siya ay nahuhulog.
Isang malaking medyebal na pinto ang bumukas at pumasok siya sa loob ng simbahan. Naglakad siya sa madilim na pasilyo. May isang lalaking nakatalikod bago dumating ang pulpito, lumuhod ito. Nang siya ay papalapit na, tumayo ulit ito at humarap sa kaniya.
Isa itong pari at ang mukha niya ay nababalot ng takot. Naramdaman niya ang dugong umaagos sa kanyang mga ugat. At lalo pa siyang lumapit hindi mapigilan ang sarili niya. Nagtaas ang pari ng krus sa mukha niya, takot.
Dinambahan ni Caitlin ang pari habang nararamdaman niyang humahaba ang kaniyang mga ngipin. Kinagat niya sa leeg ang pari.
Umirit siya ngunit walang pakialam si Caitlin. Naramdaman niya ang dugong dumadaloy mula sa kaniyang ngipin hanggang sa kaniyang mga ugat. Ito ang pinakamasarap na pakiramdam sa buong buhay niya.
Napaupong bigla si Caitlin sa kaniyang kama. Nalilito siyang napatingin sa loob ng kaniyang silid.
Napagtanto niya na nanaginip pala siya. Pinahid niya ang pawis sa kaniyang noo at umupo sa gilid ng kaniyang kama.
Katahimikan. Mukhang nakaalis na si Sam at ang kaniyang ina. Tumingin siya sa orasan at huli na nga siya - 8:15 na nang umaga. Mahuhuli siya sa pangalawang araw ng pasukan.
Magaling.
Nagulat siya na hindi man lang siya ginising ni Sam. Lagi siyang ginigising nito kapag naatrasado siya ng gising at mauuna siya umalis.
Galit pa siguro ito dahil sa kagabi.Tiningnan niya ang kaniyang cellphone. Patay ito. Nakalimutan niya i-charge. Mas mabuti na din yun dahil ayaw niya makipag-usap kahit kanino. Nagbihis siya at hinagpos ang kaniyang buhok. Datirati ay aalis siya kahit di kumakain. Pero ngayon ay nakaramdam siya ng kakaibang uhaw. Binuksan niya ang pridyider at kinuha ang kalahating galon ng juice na pulang kahel. Dali-dali niya itong binuksan at uminom deretso sa lalagyan. Nagmamadali siyang lumunok ng malalaki hanggang sa maubos ito.
Tiningnan niya ang walang laman na lalagyan. Hindi siya makapaniwala na naubos niya ito. Datirati nakakaubos lamang siya ng kalahating baso. Kinuha niya ang kardbord na lalagyan at nilamukos ito gamit lamang ang isa niyang kamay. Hindi niya maintindihan kung ano itong matinding lakas na nananalaytay sa kanyang buong katawan. Nakakatuwa ito na nakakatakot.
Uhaw pa rin siya. At gutom. Pero hindi sa pagkain. Gutom sa ibang bagay na hindi niya maintindihan kung ano.
Nakakapanibagong makita ang bulwagan nang walang laman. Ibang iba ito sa itsura kahapon. Lahat ay nasa kaniya kaniyang klase. Mayroon pa siyang labing-limang minutong natitira sa kanyang pangatlong klase. 8:45 ng umaga ng panahong iyon. Hindi niya alam kung papasok pa siya dito pero wala siyang ibang mapupuntahan.
Pumunta siya sa tamang silid at tumayo sa may pinto. Naririnig niya ang boses ng guro. Nag-alinlangan ito. Ayaw niyang mang-istorbo ng klase ngunit wala siyang ibang pagpipilian.
Huminga siya ng malalim at binuksan ang pinto.
Pumasok siya sa loob at tumigil ang lahat at tumingin sa kanya pati ang guro.
Katahimikan.
"Binibining.. " paumpisa ng guro na nakalimutan ang kaniyang pangalan. Pumunta ito sa mesa niya sa unahan at kinuha ang isang papel at hinanap ang kaniyang pangalan.
"...Paine. Ang bagong estudyante. Huli ka ng dalawampu't limang minuto." Isang mabagsik at matandang guro ang nanlilisik ang matang nakatingin kay Caitlin.
"Anong masasabi mo?"
Nagalinlangan si Caitlin.
"Pasensya na?"
"Hindi iyan sapat. Maaaring ang pagiging huli sa klase ay katanggap-tanggap sa kung saan ka man galing, pero hindi ito katanggap-tanggap (not acceptable) dito."
"Hindi katanggap-tanggap (unacceptable)" sabi ni Caitlin na kaagad niyang pinagsisihan.
"Anong sinabi mo?" mabagal na tanong ng guro.
"Sabi mo hindi katanggap-tanggap (not acceptable) pero ang ibig mo talagang sabihin ay hindi katanggap-tanggap (unacceptable)."
"Naku po!" malakas na sabi ng isang maingay na estudyante sa likod. Nagtawanan ang lahat.
"Pilya kang bata ka. Pumunta ka ngayon sa opisina ng punong-guro!"
Nagpunta ang guro sa may pinto at binuksan ito para kay Caitlin.
"Labas!"
Datirati tahimik lamang na tatalilis ito palabas ng klase - sa totoo lang hinding hindi niya gagawin na itama ang kaniyang guro. Pero may nagbago sa kaniya na hindi niya maintindihan. Nakakaramdam siya ng pagsalungat. Hindi na niya naisip na kailangan niyang rumespeto sa ibang tao. Wala na siyang kinakakatakutan.
Tumayo lamang siya sa may pinto at hinanap si Jonah sa klase. Wala siya doon.
"Binibining Paine! Hindi mo narinig ang aking sinabi?!"
Tiningnan lamang niya ng masama ang kaniyang guro, tumalikod at Dahan-dahang lumabas ng pinto.
Narinig niya ang malakas na pagsara ng pinto at ang pag-ingay ng klase kasabay ng sigaw ng guro.
"Tumahimik kayo!"
Nagpatuloy si Caitlin ng paglalakad sa bulwagan. Hindi niya alam kung saan siya dapat pumunta.
Nakarinig siya ng naglalakad sa malayo. Isang security guard ang papalapit sa kanya.
"Pass!" sigaw nito sa kaniya.
"Ha?" sagot niya.
"Nasaan ang pass mo sa bulwagan? Kailangang hawak mo ito lagi!"
"Anong pass?"
Tinitigan siya nito. Isa siyang pangit at lalaking mukhang masama ang ugali. May malaki itong nunal sa noo.
"Hindi ka pwedeng maglakad sa bulwagan sa oras ng klase ng wala ito. Alam mo iyan. Nasaan?"
"Hindi ko alam."
Kinuha ng security guard ang kanyang CB na radyo.
"Mayroong walang pass sa bulwagan 14. Dadalhin ko siya sa detention."
"Detention? Ano ka..."
Hinablot siya nito at hinila papunta sa detention.
"Huwag ka na magsalita!"
Hindi nagugustuhan ni Caitlin ang mahigpit na hawak nito sa kaniyang braso. Nararamdaman niyang nag-iinit ang kaniyang buong katawan at pumapaibabaw ang matinding galit. Hindi niya alam kung paano pero alam niyang dadating ang oras na hindi niya ito kayang kontrolin.
Kailangan niya itong pigilan bago mahuli ang lahat. Pero mula nang hawakan siya nito ay hindi na ito mawala.
Mabilis na hinawi ni Caitlin ang kamay ng lalaki mula sa kaniyang braso. At bago pa bumuhos ang kaniyang buong lakas, ay lumipad ito at napadapa nang ilang talampakan ang layo.
Tinitigan siya ng guard. Hindi siya makapaniwala na ang batang babaeng iyon ay kaya siyang itilapon sa simpleng paghawi nito.
Nag-alinlangan siya nang may halong galit at takot. Napansin ni Caitlin na napapaisip ito kung aatake ba siya pabalik hahayaan na lamang. Ibinaba ng lalaki ang kaniyang mga kamay sa kaniyang gilid kung nasaan ang kaniyang pepper spray.
"Hawakan mo ulit ako at spreyan kitang bata ka" pagalit na sabi ng lalaki.
"E di huwag mo akong hawakan" matapang na sagot ni Caitlin. Nagulat siya sa boses niya. Nagbago ito, lumalim.
Dahan-dahang ibinaba ng guard ang mga kamay niya.
"Maglakad ka sa unahan ko papunta sa dulo ng bulwagan hanggang hagdanan."
*
Iniwan siya ng guard sa masikip na harap ng opisina ng punong-guro. Tumunog ang radyo niya nagmamadaling pumunta sa ibang lokasyon. Ngunit bago ito umalis ay humarap ito kay Caitlin.
"Huwag ka na ulit papahuli sa akin sa bulwagang ito" pasaring na sabi niya.
Tumalikod si Caitlin at humarap sa labing-limang estudyante, iba't ibang edad, nakatayo, nakaupo na naghihintay sa punong-guro.
Puro sila mukhang mga panggulo. Isa-isa silang pinoproseso. Isang guard ang nagbabantay doon pero nagtutukatok siya habang nakatayo.
Ayaw niyang maghintay doon hanggang tanghalian at lalong ayaw niyang makilala ang punong-guro. Alam niyang hindi siya dapat nahuli sa klase pero hindi rin ito dapat nangyayari sa kaniya.
Bumukas ang pintuan sa opisina at isang guard ulit ang pumasok na may kasamang tatlong estudyante na nag-aaway at nagtutulakan. Nagkagulo sa loob ng maliit at masikip na opisina. Tumunog ang bell at nakita ni Caitlin na naglalabasan na ang mga estudyante sa bulwagan. Nagkakagulo sa loob at labas ng opisina. Nakita niya ang kaniyang pagkakataon. Nang bumukas ulit ang pinto ay nagtago siya sa likod ng isang estudyante at sumalisi palabas ng opisina.
Lumingon siya para malaman kung may nakakita sa kanya. Dahil sa walang sumunod, mabilis siyang naglakad sa gitna ng grupo ng mga estudyante papunta sa kabilang gilid pagkatapos ay lumiko. Lumingon siya ulit at wala pa ring sumusunod.
Ligtas na siya. Kahit pa mapansin ng guard na nawawala siya, na sigurado naman siyang hindi, hindi naman siya naproseso. At sobrang layo na din niya para habulin. Nagpunta siya sa kantina. Kailangan niyang hanapin si Jonah para malaman kung ayos lang siya.
Puno ang kantina. Hinanap niya si Jonah sa bawat mesa ngunit wala siya doon. Hindi niya ito nakita.
Pinagsisihan niya ang hindi pagbalik sa kaniya kahapon para tingnan ang kaniyang mga sugat at tumawag na din ng ambulansiya. Siguro ay nasa ospital siya at hindi nakapasok ngayon.
Nalulumbay siya. Kumuha siya ng pagkain at umupo malapit sa may pasukan ng kantina upang makita ang mga pumapasok. Hindi siya makakain ng ayos. Naghintay siya doon pero walang Jonah na dumating. Patuloy siyang naghintay hanggang sa maubos na ang mga estudyante sa loob ng kantina ngunit hindi siya dumating.
Tumunog na ang huling bell sa araw na iyon. Nakatayo si Caitlin sa harap ng kaniyang laker. Sinubukan niya itong buksan gamit ang mga numero na nakasulat sa kapirasong papel. Hindi ito bumukas. Inulit niya ulit ng pangalawang beses at doon ito bumukas. Tinitigan niya ang loob ng laker niyang walang laman. Puno ng bandalismo ang pinto nito. Lalo siyang nalumbay. Datirati sa mga nagdaan niyang mga eskwelahan ay sayang saya siyang hanapin ang kaniyang laker. Pinapaskilan niya ito ng mga litrato ng mga lalaki sa magasin. Paraan niya ito para gumawa ng isang maliit na tahanan para sa kaniyang sarili at gawing pamilyar ang isang bagay.
Ngunit nag-umpisa din siyang mawalan ng gana. Dahil alam niyang hindi rin magtatagal at kailangan na naman nilang lumipat. Bumagal siya ng bumagal sa pagpapalamuti ng kaniyang laker.
At ngayon ay hindi man lang niya susubukan.
"Caitlin?"
Napatalon siya sa gulat. Nakatayo malapit sa kaniya si Jonah. Nakasuot siya ng malaking salaming pang-araw. Kita niya na namamaga pa ang kaniyang mukha.
Nagulat siyang makita siyang nandoon. Nanginginig siya sa tuwa. Isang mainit at kinakabahang pakiramdam ang bumabalot sa kaniya. Nanuyo ang kaniyang bibig. Marami siyang gustong itanong sa kaniya, kung ayos lang ba siya, kung nakita niya pa ulit ang mga lalaking iyon, kung nakita niya ba siya, pero hindi magawang ibulalas ang kaniyang mga tanong.
"Hoy" ang kaniya lamang nasabi.
Nakatayo lamang si Jonah, nakatingin at hindi alam kung paano magsisimula.
"Na-miss kita sa klase kanina." sabi ni Caitlin at agad niyang pinagsisihan ang napili niyang salita.
Stupido. Dapat ang sinabi mo hindi mo siya nakita sa klase. Desperado ang na-miss.
"Nahuli ako sa klase" sabi ni Jonah. "Ako din."
Napansin niyang hindi komportable si Jonah. Napansin din niyang hindi nito dala ang kaniyang byola. Totoong nangyari ang kahapon at hindi panaginip lamang.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Caitlin. Hinubad ni Jonah ang kaniyang salamin. Namamaga at kulay lila ang kaniyang mukha. May mga sugat at benda ang kaniyang noo at tabi ng mata.
"May mas mabuti akong mga araw" sabi niya.
"Panginoon ko" sabi niya. Mabuti na lamang at dumating siya kaagad at tinulungan siya bago pa lumala ang lahat. Pero sumama pa rin ang pakiramdam niya dahil hindi siya agad nakapunta doon at hindi niya siya binalikan. Ngunit hindi na din niya maalala kung ano ang nangyari ng araw na iyon at kung paano siya nakauwi.
"Pasensya ka na."
"Nalaman mo ba kung paano ito nangyari?" tanong ni Jonah.
Tinitigan siya nito. Parang nanunubok siya para aminin niya na nandoon siya.
Nakita niya kaya siya? Imposible dahil nawalan siya ng malay. O nagkunwari lamang siya. Nakita kaya niya kung anong nangyari pagkatapos niyang mabugbog? Aaminin kaya niya na nandoon siya.
Sa kabilang banda gustong gusto niya magkuwento kung paano niya siya sinagip para matuwa siya sa kaniya. Ngunit walang paraan para ipaalam niya ito sa kaniya na hindi siya nagmumukhang sinungaling, abnormal at kakaiba.
Hindi..hindi niya ito pwedeng sabihin sa kay Jonah.
"Hindi" pagsisinungaling ni Caitlin. "Wala akong kilala dito diba?"
Napatigil siya.
"May mga nambugbog sakit nang pauwi ako."
"Pasensya na." Paulit ulit siya dahil ayaw niyang magbigay ng impormasyon.
"Nagalit ang tatay ko. Nakuha nila ang aking byola. "
"Ang sama naman. Ibibili ka ba niya ulit ng bago?"
Umiling si Jonah.
"Hindi. Wala kaming pera pambili. Sabi niya dapat daw mas naging maingat ako."
Nag-alala ang mukha ni Caitlin.
"Pero akala ko sabi mo iyon ang tiket mo paalis ng lugar na ito?"
Nagkibit balikat lamang siya.
"Anong gagawin mo?"
"Hindi ko alam."
"Baka makikita pa ito ng mga pulis." Pero alam niyang nasira na ito. Sinabi lamang niya iyon para maisip niya na wala siya talaga doon.
Pinagmasdan siyang mabuti ni Jonah. Para bang nag-iisip kung nagsasabi siya ng totoo.
Sa wakas sabi niya, "Sinira nila ito. May mga tao ata talaga na kailangan manira ng pag-aari ng ibang tao."
"Panginoon ko. Kasuklam suklam ang nangyari sa iyo."
"Nagalit ang tatay ko dahil hindi daw ako lumaban. Pero hindi ako ganoon."
"Mga walang kaluluwa. Mahuhuli din sila ng mga pulis" sabi ni Caitlin. Ngumiti si Jonah.
"Iyon ang kakaiba. May nauna na sa mga pulis."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nakita ko ang mga lalaking ito matapos ang mga pangyayari. Nabugbog sila at mas malala pa sa aking sinapit dahil hindi sila gumagalaw." Nanlaki ang kaniyang mga ngiti. "May Diyos nga."
"Kakaiba iyan."
"May anghel sigurong nagbabantay sa akin" sabi ni Jonah habang pinagmamasdan siya.
"Siguro" sagot ni Caitlin.
Tinitigan siya nito nang matagal na para bang naghihintay na may sabihin siya. Wala siyang sinabi.
"At may mas kakaiba pa doon." sabi ni Jonah habang may kinukuha sa loob ng kaniyang back pack.
"Nakita ko ito."
Nagulat si Caitlin nang ilabas niya ang kaniyang journal. Namula ang kaniyang mukha habang kinukuha niya ito. Natuwa siya dahil sa napasakanya na ulit ito ngunit natakot din siya dahil ebidensiya din ito na nandoon siya. Alam na niya siguro na nagsisinungaling siya.
"May pangalan mo sa loob. Sa iyo ito diba?"
Tumango siya habang pinagmamasdan ito. Nakalimutan na niya ang tungkol dito.
"May mga natanggal na pahina. Inipon ko lahat at binalik sa loob. Sana walang nawawala."
"Talaga?" tahimik at nahihiyang sabi niya.
"Sinundan ko ang mga naglipad na pahina. At nakakatawa dahil nakita ko ang eskenita dahil dito."
Patuloy siyang nakatingin sa journal at ayaw tumingin sa mata ni Jonah.
"Paano napunta doon ang journal mo?"
Tumingin siya sa kaniya.
"Naglakad ako pauwi kahapon. Nawala ko ito. Baka natagpuan nila" paliwanag ni Caitlin.
"Siguro."
Tumayo lamang silang dalawa nang tahimik.
"At ang pinakakaiba pa sa lahat, bago ako mawalan ng malay, sigurado akong nakita kita doon na sinisigawan ang mga lalaki para iwan na nila ako."
Tumingin si Caitlin ng deretso sa kaniyang mga mata.
"May sira siguro ang ulo ko kung ginawa ko iyon."
Ngumiti ng malaki si Jonah.
"Siguro nga.