Kitabı oku: «Ikot », sayfa 3

Yazı tipi:

IKAAPAT NA KABANATA

Sobrang saya ni Caitlin. Naglalakad siya pauwi yakap ang kaniyang journal. Inaalala niya ang mga sinabi ni Jonah.

"May konsiyerto mamayang gabi. May dalawa akong tiket sa Carnegie Hall. Sa pinakamalayong upuan ito pero balita ko magaling ang bokalista."

"Inaaya mo ba akong lumabas?" panggiting tanong niya.

Ngumiti si Jonah.

"Kung ayos lang sayo na lumabas kasama ng mapasang ito. Tutal Biyernes naman e."

Hindi mapigilan ni Caitlin ang kaniyang tuwa. Wala siyang alam sa klasikal na musika pero wala siyang pakialam. Sasama siya sa kaniya kahit saan siya dalhin nito.

Carnegie Hall. Sabi ni Jonah magbihis ng pormal. Hindi niya alam ang isusuot niya. Wala na siya masyadong oras para magpalit at makipagkita kay Jonah bago ang konsiyerto. Kailangan niyang magmadali.

Dumating siya sa kanilang bahay nang hindi niya namamalayan. Ni hindi niya napansin ang kaniyang paligid.

Sumigaw kaagad ang kaniyang ina. "Walanghiya kang bata ka!"

Nakailag kaagad si Caitlin sa librong ibinato sa kaniya ng ina. Lumampas ito sa kaniyang ulo at tumama sa dingding.

Bago pa makapagsalita si Caitlin ay sumugod sa kaniya ang kaniyang ina. Inagapan niya ito at hinawakan ang kaniyang mga braso. Naramdaman na naman niya ang kaniyang lakas na pumapaibabaw. Alam niyang kaya niyang itapon ang ina sa ere ngunit pinigilan niya ang sarili. Itinulak lamang niya ito ng tama papunta sa sopa.

Bigla humagulgol ang kaniyang ina. "Kasalanan mo ito!" sigaw niya kay Caitlin.

"Anong problema mo?!" sigaw niya.

"Sam" sabi ng ina habang inaabot sa kaniya ang isang papel.

Bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Kung ano man ang nasa papel, siguradong hindi ito magandang balita.

"Wala na siya!"

Binasa niya ang sulat. Hindi siya makaisip ng mabuti kaya pira-piraso lamang ang naintindihan niya, naglayas ako...ayoko na dito...pupunta sa mga kaibigan..huwag ninyo akong subukang hanapin.

Nanginginig ang kaniyang mga kamay. Umalis talaga si Sam. Hindi man lang niya siya hinintay. Hinintay na makapagpaalam.

"Kagagawan mo ito!" sigaw ng ina.

Hindi pa rin siya makapaniwala. Hinalughog niya ang buong bahay, umaasang makikita si Sam. Ngunit wala siya doon. Malinis ang kaniyang kwarto. Napakalinis.

Pumasokang kaniyang panlasa. Ngayon lang nangyari na inamin niya sa sarili niya na tama ang ina. Siya ang may kasalanan. Kinausap siya ni Sam at ang nasabi lang niya ay "E di umalis ka!"

Bakit ba kailangan niyang sabihin iyon. Hihingi sana siya ng tawad kaninang umaga pero wala na siya pagkagising niya. Kakausapin niya sana ito pagdating niya sa bahay ngunit huli na ang lahat.

Alam niya kung saan siya nagpunta, sa huling bayan na inalisan nila. Ayos lang siya. Mas magiging ayos siya doon kaysa dito. May mga kaibigan siya doon.

Sa lalo niyang pagisip ng nangyari ay unti-unti siyang nahimasmasan. Masaya siya para sa kaniya dahil nakaalis siya at alam niya kung saan siya hahanapin.

Pero hindi niya ito kayang ayusin ngayon. Tumingin siya sa orasan at nakitang huli na siya. Dali-daling nilagay niya ang kanyang pinaka-magandang damit at sapatos sa kaniyang gym bag. Hindi na siya makapag-make up. Wala nang oras.

"Bakit kailangan mong sirain lahat ng nahahawakan mo?" sigaw ng ina. "Hindi kita dapat kinupkop!"

"Anong pinagsasasabi mo?" tanong ni Caitlin.

"Oo, tama. Kinupkop lamang kita. Hindi kita tunay na anak, hindi kailanman! Sa kaniya ka. Ikakahiya kong maging anak ka!"

Nakita ni Caitlin ang matinding bangis sa mata ng ina. Hindi pa niya nakita na magalit ito ng ganito.

"Bakit kailangan mong paalisin ang isang bagay na mahalaga sa aking buhay?!" sigaw ng ina.

Bigla siyang sinugod ulit ng ina at inumpisahan siyang sakalin. Humigpit ang hawak nito sa kaniyang leeg.

Lumaban siya na makahinga ngunit intensiyon ata siyang patayin nito.

Bumalot ang matinding galit kay Caitlin. At ngayon ay hindi na niya kayang pigilan. Naramdaman niya ang pamilyar na init na nanggagaling sa kaniyang paa patungo sa kaniyang mga braso at balikat. Hinayaan niyang balutin siya nito. Nagsimulang umumbok ang kaniyang leeg.

Bigla siyang pinakawalan ng ina. Nakita nito siguro ang kaniyang pagbabago dahil mukhang takot ito. Nakayayanig ang sigaw ni Caitlin.

Umatras ang kaniyang ina, tumitig at nakanganga.

Itinulak siya ni Caitlin sa dingding. Sa sobrang lakas nito ay lumusot siya sa kabilang dingding sa kabilang kwarto at sa susunod pang dingding. Bumagsak ito at nawalan ng malay.

Huminga ng malakas si Caitlin, iniisip kung may kailangan siyang dalhin. Alam niyang marami ngunit hindi siya makapagisip ng maayos.

Kinuha niya ang kaniyang gym bag na puno ng damit at naglakad sa gitna ng mga durog na bato, lampas ng kaniyang ina.

Nakahiga doon ang kaniyang ina, umuungol at sinusubukang umupo.

Nagpatuloy siya palabas ng pinto. Ito ang huling beses na makikita niya ito.

IKALIMANG KABANATA

Nagmamadaling naglakad si Caitlin sa gilid na kalye. Mabilis pa din ang tibok ng kaniyang puso dahil sa nangyari sa kanilang mag-ina. Malamig ang gabing iyon ngunit masarap ang pakiramdam nito sa kaniyang mukha. Huminga siya ng malalim. Malaya ang pakiramdam niya. Hindi na niya kailangang bumalik sa apartment na iyon at makita ang maduming kalye na ito. Hindi na kailangang tumapak sa eskwelahang iyon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero siguradong malayo dito.

Narating niya ang abenida at naghintay ng libreng taksi. Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay nagdesisyon siyang mag-tren na lamang.

Nagpunta siya sa estasyon ng kalye 135. Ito ang unang beses na sasakay siya ng tren sa New York. Ni hindi siya sigurado kung saan siya dapat sumakay at bumababa. Hindi magandang panahon ito para mag-eksperimento. Hindi niya alam kung anong pwede niyang makita doon ngayong gabi lalo na sa klase ng lugar na ito.

Bumaba siya sa may hagdanan ng estasyon na napapalibutan ng bandalismo. Pumunta siya sa bilihan ng tiket. Buti na lang at may tao.

"Kailangan kong pumunta sa Columbus Circle"sabi ni Caitlin.

Hindi siya pinansin ng matabang babaeng kahera sa likod ng salamin.

"Mawalang galang na pero kailangan kong..."

"Ang sabi ko sa ibaba sa may plataporma!"pasaring na sabi ng babae.

"Hindi ah, wala kang sinabi!" sagot niya.

Hindi siya ulit pinansin ng kahera.

"Magkano?"

"Dalawang dolyar at limampung sentimo" saring ng babae.

Kumuha ng pera si Caitlin sa kaniyang bulsa at inabot ito sa ilalim ng salamin.

Hindi pa rin siya pinapansin ng kahera na inabot nito ang kaniyang Metrocard.

Pumasok si Caitlin gamit ang kard.

Hindi maliwanag sa may plataporma. Walang masyadong tao. May dalawang pulubi sa may upuan na nakatalukbong ng kumot. Natutulog ang isa ngunit ang isa ay pinagmamasdan siya habang dumaraan siya. Nagsimula itong bumulong sa sarili. Binilisan niya ang kaniyang paglalakad.

Pumunta siya sa unahan ng plataporma at sinilip kung padating na ang tren. Wala pa.

Sige na. Sige na.

Tumingin siya sa kaniyang relo. Huli na siya ng limang minuto. Hindi niya alam kung gaano pa siya katagal. Hindi niya alam kung mahihintay pa siya ni Jonah. Hindi niya ito masisisi kung umalis ito.

May napansin siyang kumilos ng mabilis sa may gilid ng kaniyang mata. Tumingin siya dito. Wala.

Tumingin siya ng mabuti at parang may aninong gumagapang mula sa puting tiles na linoleum na dingding at lumubog ito sa may riles. Pakiramdam niya ay may nagmamasid sa kaniya.

Ngunit tumingin siya at wala pa rin siyang nakita.

Mukhang nakakakita siya ng mga bagay bagay.

Tumingin siya sa mapa ng tren. Gulagulanit ito at puno ng bandalismo. Pero nakita pa rin niya na mula doon ay makakarating siya sa Columbus Circle. Lumuwag ang kaniyang pakiramdam.

"Nawawala ka baby?"

Lumingon si Caitlin. May isang malaking itim na lalaki na nakatayo sa tabi niya. Hindi siya nag-ahit at nang ngumiti ito, napansin niya na may mga ngipin siyang nawawala.

Lumapit pa ito sa kanya at naamoy ang kaniyang masamang hininga. Lasing.

Umiwas siya sa kaniya at naglakad papalayo.

"Hoy kinakausap kita!"

Patuloy na naglakad si Caitlin.

Nagpasuray suray ang lalaki habang papunta siya sa kaniya. Ngunit mas mabilis siya at mahaba ang plataporma. Ayaw niya ng panibagong gulo. Hindi dito. Hindi ngayon.

Malapit na sa kaniya ang lalaki. Hindi niya alam kung gaano pa katagal bago wala na siyang ibang pwedeng gawin kundi patulan ang lalaking ito. Panginoon alisin ninyo ako dito.

Hanggang sa nakarinig siya ng ingay na pumuno sa buong estasyon. Biglang dumating na ang tren. Salamat Panginoon.

Sumakay siya at pinanood ang pagsara ng pinto sa lalaki. Lasing, nagmura ito at malakas na kinatok ang pintong gawa sa metal.

Umalis na ang tren. Paalis na siya sa lugar na iyon patungo sa bagong buhay.

*

Lumabas si Caitlin ng estasyon ng Columbus Circle. Tiningnan niya ulit ang kaniyang relo. Huli siya ng dalawampung minuto.

Pakiusap sana andiyan ka. Pakiusap huwag kang umalis.

Habang naglalakad siya ay nakaramdam siya ng matinding sakit sa kaniyang tiyan. Napatigil siya. Yumuko siya habang hawak ang tiyan. Hindi siya makagalaw. Naisip niya kung pinagmamasdan siya ng mga tao ngunit masyadong matindi ang sakit para magkaroon siya ng pakialam. Hindi pa siya nakakaramdam ng ganito. Nahihirapan na siyang huminga.

Nagdadaanan ang mga tao ngunit walang tumigil para itanong kung ayos lamang siya.

Matapos ang isang minuto ay dahan-dahan na siyang nakatayo . Unti-unti nang nawala ang sakit.

Huminga siya ng malalim, nagtataka kung saan galing ang sakit na iyon.

Nagsimula ulit siyang maglakad papunta sa kapehan. Ngunit ngayon ay naguguluhan na siya. May iba siyang naramdaman, gutom. Hindi ito ordinaryong gutom kundi matinding uhaw. Isang babae ang dumaan kasama ang aso nito. Napatingin siya sa aso, napatitig sa leeg nito.

Hindi niya inaasahang makita ang detalye ng ugat sa leeg nito. Dugo ay dumadaloy. Pinanood niya ang tibok ng puso sa dugo at nakaramdam siya ng manhid na sensasyon sa kaniyang ngipin. Gusto niya ng dugo ng asong iyon.

Napalingon ang aso sa kaniya at ito'y tumitig kay Caitlin ng may takot. Umangil ito at nagmadali. Napatingin sa kaniya ang may ari ng aso, hindi maintindihan kung anong nangyayari.

Nagpatuloy ng paglalakad si Caitlin. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Mahilig siya sa mga aso. Hindi niya kayang manakit ng kahit anong hayop kahit langaw. Anong nangyayari sa kaniya?

Nawala ang gutom niya kasingbilis ng pagdating nito. Bumalik na siya sa normal. Nakita niya ang kapehan. Nagmadali siya lalong maglakad. Tumingin siya sa kaniyang relo. Tatlumpong minuto na siyang huli. Pakiusap andiyan ka pa sana.

Binuksan niya ang pinto ng kapehan. Mabilis ang tibok ng kaniyang puso dahil sa pag-aalala na baka umalis na si Jonah. Hinanap niya ito sa loob ngunit wala siya doon. Umalis na siguro siya. Sobra siyang nalungkot.

"Caitlin?"

Umikot si Caitlin at nakita niya si Jonah na nakangiti. Lumipad ang kaniyang puso.

"Pasensya ka na talaga. Hindi naman ako dating nahuhuli." nagmamadaling sabi niya.

"Wala iyon. Masaya ako at ayos ka lang."

Tumingin siya sa kaniyang nakangiti at luntiang mga mata na napapaligiran pa din ng maga at pasa. Nakaramdam siya ng kapayapaan, unang beses ngayong gabi. Parang magiging ayos ang lahat.

"Pero wala na tayong masyadong oras. Limang minuto na lang. Kaya sa susunod na lang tayo magkape." sabi ni Jonah.

"Ayos lang. Masaya ako at makakapanood pa rin tayo ng konsiyerto."

Napatingin si Caitlin sa suot niya. Nakalimutan niyang hindi pa pala siya nagpapalit. Hawak pa rin niya ang kaniyang gym bag kung saan andoon ang kaniyang damit at sapatos. Bigla siyang nahiya sa kaniyang itsura.

"Pasensya ka na kung ganito pa ang suot ko. Sabi mo may limang minuto pa tayo?"

"Oo pero.."

"Sandali lang mabilis lang ako." nagmamadaling tumakbo si Caitlin sa banyo bago pa makasagot si Jonah.

Pumasok siya sa banyo at kinandado ito. Hinubad niya ang kaniyang damit at snikers. Nagsuot siya ng itim na bestida na gawa sa belbet at puting blusa. Sinuot din niya ang kaniyang pekeng diyamanteng hikaw. Tinapos niya ito ng pagsuot ng itim na sapatos na may takong.

Tumingin siya sa salamin. Medyo gusot ang itsura niya. Suot pa rin niya ang kaniyang krus na kwintas na gawa sa pilak. Binasa niya ang kaniyang kamay ng tubig para haplusin ang kaniyang nakatirik na buhok. Wala na siyang oras para mag-make up pero buti na din at bilis na siya. Kinumpleto niya ang kaniyang pananamit ng itim na clutch bag.

Aalis na sana siya nang napansin niya ang kaniyang mga pinagpalitang damit sa sahig. Ayaw niyang dalhin ito buong gabi. Sa totoo lang ayaw na niyang isuot ulit ang mga ito.

Nilamukos niya ang mga ito at parang bola niyang isiniksik sa basurahan. Ang natitira na lamang niyang damit ay kung ano ang suot niya ngayon. Masarap ang kaniyang pakiramdam na nakadamit ng ganito patungo sa kaniyang bagong buhay.

Naghihintay si Jonah sa labas ng kapehan, tinatapik ang kaniyang sapatos sa sahig at tumitingin sa kaniyang relo. Nang lumabas si Caitlin, humarap siya at nang nakita siya nito ay para siyang nagyelo at hindi makagalaw. Nakatayo lamang siya at walang masabi.

Wala pang tumingin kay Caitlin ng ganoon. Hindi niya kailanman naisip na maganda siya. Ngunit ang tingin sa kaniya ni Jonah ay nagparamdam sa kaniya ng pagiging espesyal. At sa unang pagkakataon,naramdaman niya ang pagiging babae.

"Ang ganda mo." malumanay na sabi ni Jonah.

"Salamat" sagot ni Caitlin. Gusto niya dapat sabihin na siya din ngunit pinigilan niya ang sarili.

May bago siyang tiwala sa kaniyang sarili. Sabay silang naglakad patungong Carnegie Hall na nakahawak sa braso ni Jonah. Akay niya si Caitlin habang hawak ng isa niyang kamay ang kamay nito.

Masarap ang pakiramdam ng may kasamang lalaki na umaalalay sa iyo. Kahit pa masama ang nangyari nang araw na iyon, pakiramdam niya ay naglalakad siya sa ulap.

IKAANIM NA KABANATA

Punong-puno ng tao sa Carnegie Hall. Tinulungan ni Jonah si Caitlin sa gitna ng makapal na tao patungo kay Will Call. Hindi madaling pumunta doon. Mayayaman ang mga tao doon at lahat ay nagmamadaling umabot sa konsiyerto. Ang lahat ay magagara ang suot. Ang mga lalaki ay nakasuot ng itim na kurbata at ang mga kababaihan ay nakasuot ng mahahabang bestida. Kumikinang ang mga alahas sa paligid. Nakakatuwa ang lahat.

Kinuha ni Jonah ang mga tiket at inalalayan siya sa taas. Ibinigay niya ang mga ito sa tagahatid na nagpunit ng tiket pagkatapos ay ibinalik ang kapiraso sa kanila.

"Pwede bang akin na lang ang isa?" tanong ni Caitlin habang inilalagay ni Jonah ang mga tiket sa kaniyang bulsa.

"Oo naman" sabay bigay kay Caitlin. "Mahilig kasi akong magtago ng mga bagay na ganito. Sentimental kasi ako." namumulang sabi ni Caitlin.

Ngumiti si Jonah.

Dinala sila ng tagahatid sa bulwagan na balot ng makapal at pulang karpet. Napapaligiran din ito ng mga litrato ng mga artista at mang-aawit.

"Paano ka nakakuha ng mga libreng tiket?" tanong ni Caitlin.

"Binigay sa akin ng guro ko sa byola. Hindi kasi siya makakapunta ngayon. Sana hindi nito naapektuhan ang gabing ito." sabi ni Jonah.

Naguluhan si Caitlin.

"Ang paglabas natin ngayon."

"Syempre hindi. Dinala mo ako dito at iyon ang mahalaga."

Dinala sila ng isa pang tagahatid sa isang maliit na pinto na nagbubukas sa bulwagan ng mismong konsiyerto. Nasa itaas sila mga limampung talampakan. At maliit nilang kahong lugar ay mayroon lamang na sampu hanggang labing-limang upuan. Ang kanilang upuan ay nasa gilid ng balkonahe na nakakabit sa rehas.

Binuksan ni Jonah ang makapal na peluhas na upuan para kay Caitlin na napatingin sa karamihan ng mga tao at mga tagapalabas. Ito ang pinaka-klas na lugar na napuntahan niya. Napansin niya na marami sa kanila ay mapuputi na ang buhok. Pakiramdam niya ay limampung taon siyang masyadong bata para sa palabas na ito. Ngunit masarap ito sa pakiramdam.

Umupo si Jonah at nagmadali ang kanilang mga siko. Nakaramdam siya ng kilig dahil sa pagkakatabi nila. Habang sila ay nakaupo at naghihintay sa palabas ay gusto niyang kuhanin at hawakan ang kamay ni Jonah. Ngunit ayaw niyang masyadong maging agresibo. Kaya't umupo lamang siya at naghintay sa kaniya na gawin ito. Ngunit hindi niya ito ginawa. Maaga pa siguro. Baka nahihiya siya.

Tumuro siya sumandal sa may rehas.

"Ang mga pinakamagaling na bayolinista ay nakaupo malapit sa entablado. Ang babaeng iyon ay isa sa pinakamagaling sa buong mundo."

"Nakapaglaro ka na ba dito?"

Tumawa si Jonah. "Sa panaginip ko lang. Ang lugar na ito ay limampung bloke lamang ang layo sa aming bahay pero ibang planeta ang layo sa talento ko. Siguro pagdating ng panahon."

Tumingin si Caitlin sa entablado at daang tagapalabas ang nag-aayos ng kanilang instrumento. Lahat sila ay nakasuot ng itim na kurbata. Napakaseryoso nilang lahat. Sa may dingding sa may likuran ay may malaking grupo ng mga mang-aawit.

Biglang may isang lalaki, marahil ay nasa dalawampu, may mahaba at itim na buhok at nakasuot ng tuksedo ang naglakad sa entablado. Lahat ng taga-panood ay nagtayuan at pumalakpak.

"Sino siya?" tanong ni Caitlin.

"Sergei Rakov, isa sa pinakamagaling na bokalista sa mundo." paliwanag ni Jonah.

"Pero parang sobrang bata pa niya."

"Wala iyon sa edad, nasa talento." sagot ni Jonah.

"Mayroong talento pero meron ding talento. Para makuha ang ganung klase ng talento, kailangang ipinanganak kang meron nito at kailangan mong mag-ensayo. Hindi apat na oras araw-araw kundi walong oras araw-araw. Gagawin ko iyon kung pwede pero ayaw ng tatay ko."

"Bakit hindi?"

"Ayaw niyang byola lamang ang tanging bagay sa aking buhay."Napansin niya ang pagkabigo sa kaniyang boses. Sa wakas ay natapos din ang palakpakan.

"Tutugtugin nila ang Beethoven's Night Symphony. Ito marahil ang pinakasikat na tinutugtog niya. Narinig mo na ba ito?"

Umiling si Caitlin. Tinuro ang klasikal na musika sa kanila nung siya ay na ika-siyam na baitang. Hindi siya nakinig sa kanilang guro. Hindi niya talaga ito naintindihan. Kakalipat lang nila noon at may iba siyang iniisip. Ngayon ay inasam niya na sana ay nakinig siya noon.

"Kailangan nito ng malaking orkestra at malaking korus." paliwanag ni Jonah.

"Kailangan din nito ng maraming tagapalabas kumpara sa iba. Nakakatuwa siyang panoorin kaya siguro madaming tao dito ngayon."

Pinagmasdan ni Caitlin ang paligid. May libong tao doon ngayon at walang bakanteng upuan.

"Ang simponiya na ito ay ang huli ni Beethoven. Mamamatay na siya at alam niya iyon. Inilagay niya ito sa musika. Tunog ito ng kamatayang parating" sabi ni Jonah.

Tumingin siya kay Caitlin ng may halong paumanhin.

"Pasensya ka na kung hindi maganda ang mga nasasabi ko."

"Hindi ayos lang" sabi ni Caitlin. Gusto niyang nakikinig sa mga sinasabi niya. Gusto niya ng tunog ng kaniyang boses. Gusto niya ng mga alam niya. Wala gaanong kabuluhan ang usapan nila ng iba niyang mga kaibigan. Masuwerte siya at nagkakilala silang dalawa.

Marami siyang gustong sabihin kay Jonah. Marami siyang gustong itanong ngunit dumilim na doon at tumahimik na ang lahat. Kailangan niyang maghintay.

Napansin niya ang kamay ni Jonah sa gitna nilang dalawa na nakapaibabaw ang palad iniimbitahan ang kaniyang kamay. Dahan-dahan niyang nilagay ang kaniyang kamay dito para hindi magmukhang desperado. Mainit at malambot ang kaniyang mga kamay. Pakiramdam niya ay natutunaw ang kaniyang mga kamay.

At nang magsimula nang tumugtog ang orkestra - malumanay at malambing na mga nota - nakaramdam siya ng lubos na kaligayahan. Napagtanto niya na hindi niya pa ito naramdaman sa buong buhay niya. Nakalimutan na niya ang nangyari ng gabing iyon. Kung ito ay ang tunog ng kamatayan, gusto niya pang makinig ng husto.

At habang nakaupo si Caitlin, nakikinig at nawawala sa musika, nagtataka kung bakit ngayon lang niya ito narinig at kung hanggang kailan magtatagal ang gabing ito, nang bigla na naman itong nangyari. Sumasakit na naman ang kaniyang sikmura katulad nang nasa may kalye siya. Kinailangan ng matinding tatag ng isip upang hindi siya mapatiklop sa harap ni Jonah. Halos hindi na siya makahinga at pinapawisan siya ng malamig.

Isa na namang matinding kirot. Ngayon ay napapalakat siya ng kaunti tama lamang para madinig sa gitna ng musika na nag-kresendo.

Narinig siguro ni Jonah dahil napatingin ito sa kaniya at nag-aalalang inilagay ang kamay niya sa kaniyang balikat.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Jonah. Hindi. Siya ay natatabunan ng sakit at gutom. Gutom na gutom siya.

Napatingin siya kay Jonah at napatitig sa leeg nito. Kita niya ang pagtibok ng kaniyang ugat mula sa kaniyang tenga hanggang sa kaniyang lalamunan. Pinanood niya ang pagtibok at binilang ito.

"Caitlin?" tanong ulit ni Jonah.

Natatabunan siya ng labis na pananabik. Alam niyang kapag nagtagal pa siya doon ay hindi na niya makokontrol ang kaniyang sarili. Kapag hindi siya napigilan ay tiyak na lulubog ang kaniyang mga ngipin sa leeg ni Jonah.

Gamit ang kaniyang nahuhuling kontrol ay tumayo si Caitlin sa kaniyang upuan at nilakdawan si Jonah pababa ng hagdan at palabas ng pinto.

Kasabay noon ay nagliwanag muli pagtatapos ng orkestra. Nagtayuan at nagpalakpakan ang lahat.

Nakarating si Caitlin sa may pinto ilang segundo lamang bago nag-umpisang maglabasan ang iba.

"Caitlin!?" sigaw ni Jonah sa may bandang likuran niya. Sinusundan siya nito marahil.

Hindi niya pwedeng hayaan siyang makita ng ganoon. Mas importante pa ay hindi siya pwedeng lumapit sa kaniya. Pakiramdam niya isa siyang hayop. Gumala-gala siya sa bulwagan ng Carnegie Hall na walang tao. Pabilis ng pabilis na naglakad hanggang sa naging takbo. Napakabilis na takbo. Para siyang hayop na nangangaso. Alam niyang kailangan niyang umiwas sa madaming tao. Ngayon na.

Nakakita siya ng labasan ngunit ito ay nakakandado. Itinulak niya ito ng malakas. Natanggal ang mga turnilyo nito.

Nakakita siya ng pribadong hagdanan. Nagmamadali siyang bumaba at nakarating sa panibagong pinto. Inilagay ulit niya ang kaniyang balikat dito. Bumukas ito sa panibagong bulwagan. Mas walang tao dito at mas eksklusibo ito. Kahit siya ay nagmamadali ay alam niyang nakarating siya sa likod ng entablado. Patuloy niya itong nilakad habang napapayuko siya sa sakit. Hindi na niya ito kayang pigilan.

Itinaas niya ang kaniyang kamay at itinulak ang unang pintuan na kaniyang nakita. Isa itong pribadong silid kung saan nagpapalit ng damit ang isang tagapalabas. Nakaupo doon sa harap ng salamin ay si Sergei, ang bokalista. Tumayo siyang naiinis.

"Pasensya na pero walang pirmahan ngayon!" pasaring na sabi niya. "Hindi ka ba sinabihan ng guard? Pribadong oras ko ito! Kaya pwede ba kailangan kong mag-handa."

Isang impit na dagundong ang lumabas kay Caitlin. Dumamba siya patungo sa kaniyang leeg at kinagat ito.

Sumigaw si Sergei ngunit huli na ang lahat.

Lumubog ang kaniyang mga ngipin sa mga ugat niya. Uminom siya at naramdaman niyang unti-unti nawawala ang kaniyang gutom. Ito ang kaniyang kailangan at hindi na niya ito kayang pigilan pa.

Nawalan ng malay si Sergei sa kaniyang upuan. Puno ng dugo ang mukha ni Caitlin. Ngumiti siya. Nakatagpo siya ng bagong panlasa. Wala nang makakapigil pa sa kaniya.