Kitabı oku: «Ikot », sayfa 6

Yazı tipi:

IKA-LABING ISANG KABANATA

Naramdaman ni Caitlin na bumagal sila at unti-unting bumababa. Binuksan niya ang kaniyang mga mata. Hindi niya nakilala ang mga gusali sa ibaba. Mukhang nasa Bronx sila.

Habang bumababa sila ay lumipad sila sa sa itaas ng isang parke. Parang may nakita siyang kastilyo. Habang papalapit sila ay napagtanto niyang isa nga itong kastilyo. Anong ginagawa nito sa lungsod ng New York?

Pilit niyang inalala. Parang nakita na niya ito dati sa isang postkard.. Oo isa itong museyo.

Habang lumipad sila pataas ng isang maliit na burol at sa taas ng medyebal nitong pader, bigla niyang naalala kung ano ito. Ang Cloisters. Isa itong maliit na museyo na dinala doon paunti-unti galing sa Europa. Ilang daang taon na ito. Bakit niya siya dinala doon?

Bumaba sila sa labas na pader nito. Natatanaw mula dito ang ilog ng Hudson. Bumaba sila sa dilim ngunit maayos silang nakababa.

Nakatayo lang si Caitlin at nakaharap sa lalaki. Tiningnan niya itong mabuti. Inaasam na siya ay totoo, inaasam na hindi siya lumipad paalis at inaasam na kasing-kisig siya noong unang kita niya sa kaniya.

Mas makisig pa siya ngayon. Tinitigan siya ng kaniyang malaki at kulay kapeng mga mata. Pakiramdam niya siya ay nawala.

Marami siyang gustong itanong sa kaniya. Hindi niya alam kung saan magsisimula. Sino siya? Papaano siya nakakalipad? Bampira ba siya? Bakit niya ibinuwis ang buhay niya para sa kaniya? Bakit niya siya dinala dito? At pinaka-importante ay kung ang lahat ng nasaksihan niya ay hindi kathang-isip lamang. O talagang may mga bampira dito sa lungsod ng New York? Isa ba siya sa kanila?

Binuksan niya ang kaniyang bibig para magsalita ngunit ito lamang ang nasabi niya, "Bakit tayo andito?"

Alam niyang walang kwenta ang tanong niyang iyon. Nainis siya sa sarili niya dahil hindi siya nagtanong mg mas importante pa doon. Ngunit manhid na ang kaniyang mukha sa lamig. Yun lang ang kaya niya sa ngayon.

Tumitig lamang ito sa kaniya. Titig na animo'y lumalagos sa kaniyang kaluluwa. Parang lampas ang tingin niya sa kaniya. Nag-iisip kung hanggang saan ang pwede niyang sabihin sa kaniya.

At sa wakas ay bumuka ang kaniyang bibig para magsalita.

"Caleb!" sigaw ng isang boses. Pareho silang lumingon.

Isang grupo ng mga lalaki - bampira ang papalapit sa kanila. Lahat sila ay naka-itim. Humarap si Caleb sa kanila. Caleb. Gusto niya iyon.

"Wala kameng pagpapalinaw ng iyong pagdating" seryosong sabi ng lalaki sa gitna.

"Walang may alam nito" sabi ni Caleb.

"Kailangan ka naming hulihin kung sa gayon" sabi ng lalaki. Tumango siya sa mga kasama niya at nagsimula silang pumalibot kay Caleb at sa kaniya. "Ang batas."

Tumango lamang si Caleb, hindi apektado. Tumingin ang lalaki kay Caitlin. Nakikita niya ang di pag-sangayon sa kaniyang mata.

"Alam mong hindi natin siya pwedeng papasukin" sabi ng lalaki kay Caleb.

"Ngunit gagawin mo" sagot ni Caleb habang determinadong nakatingin dito.

"O sige" sabi niya at biglang talikod nito sabay alis. "Libing mo ito."

Sumunod si Caleb at naglakad si Caitlin sa tabi niya. Hindi na niya alam kung anong gagawin.

Binuksan ng lalaki ang isang malaki at sinaunang pinto hawak ang bilog at tansong hawakan. Tumabi ito at sinenyasan si Caleb na pumasok. Dalawa pang lalaking naka-itim ang nakatayo lamang sa may pinto.

Hinawakan ni Caleb ang kaniyang kamay at pinapasok siya sa loob. Habang dumadaan siya sa malaking arko na gawa sa bato, pakiramdam niya ay papunta siya sa ibang siglo.

"Walang bayad ang pagpasok" nakangiting sabi ni Caitlin kay Caleb.

Tumingin lamang siya sa kaniya. Matagal bago niya napagtanto na nagbibiro siya. Sa wakas ay ngumiti ito.

Maganda ang kaniyang ngiti.

Naisip niya si Jonah. Naguguluhan siya. Hindi niya ugaling magkaroon ng malakas na nararamdaman sa isang lalaki - lalong hindi sa kanilang dalawa sa isang araw. Si Jonah pa rin ang iniisip niya. Ngunit iba si Caleb. Bata pa si Jonah. Si Caleb, kahit siya ay mukhang bata pa, ay lalaki. O ibang uri ba siya?p May bagay sa kaniya na hindi niya maipaliwanag. Isang bagay na hindi siya makaalis ng tingin sa kaniya at hindi siya makaalis sa kaniyang tabi. Gusto niya si Jonah ngunit kailangan niya si Caleb. Parang lahat ay kaya niyang lampasan kapag kasama niya siya.

Biglang nawala ang ngiti nito. Halatang nag-aalala.

"Mukhang mas mahal ang presyo ng pagpasok kung hindi aayon sa aking inaasahan ang mangyayari" sabi ni Caleb.

Dumaan sila sa panibagong batong arko papunta sa isang medyebal na patyo. Sukat na sukat ito at napapaligiran sa apat na gilid ng poste at arko. Ang patyo na ito ay naliliwanagan ng buwan at sadyang napakaganda. Hindi niya lubos maisip na sila ay nasa lungsod pa rin ng New York. Para silang nasa kabukiran ng Europa.

Naglakad sila patawid ng patyo, at pababa ng batong bulwagan. Umaalingawngaw ang kanilang kada yapak. Sila ay sinusundan ng ilan mga gard. Bampira? Inisip niya. Pero kung bampira sila bakit sila masyadong sibil. Hindi nila sila inatake.

Dumaan ulit sila pababa ng panibagong batong koridor at medyebal na pinto. Bigla silang tumigil.

Nakatayo doon ay isang lalaki na nakasuot ng itim na kahawig ni Caleb. May suot siyang malaking pulang balabal at napapaligiran ng maraming alalay. Mukhang may hinahawakan siyang posisyon.

"Caleb" malumanay niyang sabi. Mukhang nagulat siyang makita siya. Kalmadong nakatayo si Caleb at nakatingin sa lalaki.

"Samuel" walang ekspresyong sagot ni Caleb.

Nakatayo ang lalaki doon, nakatitig at umiiling ng kaunti.

"Wala man lang yakap para sa iyong matagal na nawalang kapatid?" tanong ni Caleb.

"Alam mong napaka-seryoso nito. Madami kang nilabag na batas sa pagpunta dito at sa pagsama sa kaniya."

Hindi man lamang siya tiningnan ng lalaki. Nainsulto siya.

"Ngunit wala akong magagawa. Dumating na ang araw. Ang gera ay nandito na."

Isang tahimik na bulong-bulungan ang nagsimula sa likod ni Samuel. Lumingon si Caitlin at nakitang sobra sa isang dosena na ang nakapalibot sa kanila. Nagsisimula na siyang maging klostropobik. Wala silang matatakasan. Hindi niya alam kung anong ginawa ni Caleb pero sana ay makubinsi niya ang mga ito.

Itinaas ni Samuel ang kaniyang kamay at tumahimik ang lahat.

"At eto pa," sabi ni Caleb. "ang babaeng eto," patuloy niya habang tumatango patungo kay Caitlin, "siya Ang Napili".

Babae. Hindi pa siya natawag ng ganoon dati. Gusto niya ito pero hindi niya maintindihan. Ang Napili? Binigyan niya ng nakakatawang diin ang parirala na para bang ang tinutukoy niya ay ang Messiah. Inisip niya kung sila ba ay nasisiraan ng bait.

Nagsimula na naman ang bulong-bulungan at ang lahat ay lumingon sa kaniya.

"Kailangan kong makita ang Konseho at kailangan ko siyang isama" sabi ni Caleb.

Umiling si Samuel.

"Alam mong hindi kita pipigilan. Kaya lamang kitang payuhan. At pinapayuhan kitang umalis na ngayon, bumalik sa iyong binabantayan at hintayin na ipatawag ng Konseho.

Tumitig si Caleb. " Hindi iyan posibleng mangyari."

"Ginagawa mo parati kung ano ang gusto mong gawin."

Tumabi si Samuel at sumenyas sa kaniya na siya ay malayang dumaan.

"Hindi masisiyahan ang asawa mo" sabi ni Samuel.

Asawa? Bakit bigla siyang nakaramdam ng matinding selos? Paanong ang kaniyang nararamdaman kay Caleb ay nagbago ng ganoong kabilis? Anong karapatan niya na maging mapang-ari sa kaniya?

Naramdaman niyang namula ang kaniyang mukha. May pakialam siya. Wala itong kapararakan ngunit may pakialam siya. Bakit hindi niya ito sinabi sa kaniya.

"Huwag mo siyang tawaging ganun" sabi ni Caleb habang namumula din ang kaniyang mukha.

"Alam mong..."

"Alam na ano!?" sigaw ng isang babae.

Lahat sila ay lumingon at nakitang papalapit ang isang babae na nakasuot din ng itim at may mahaba at pulang buhok na lampas sa kaniyang balikat at malaki at makinang na luntiang mga mata. Matangkad siya, hindi tumatanda at kapansin-pansin ang ganda.

Nanliit ang pakiramdam ni Caitlin pagdating niya. Isa siyang babae o bampira? Kung ano man siya, hindi niya kayang makipag-kompetensiya sa kaniya. Handa siyang isuko si Caleb sa kaniya.

"Alam na ano!?" malupit na ulit niya habang papalapit kay Caleb. Sumulyap siya kay Caitlin at umangil ito. Wala pa siyang nakikitang tumingin sa kaniya ng ganoon dati na may sobrang pagkamuhi.

"Sera" malumanay na sabi ni Caleb. "Pitong daang taon na tayong hindi kasal.""Sa iyong mata siguro" paangil na sagot niya.

Nagsimula siyang magpalakad-lakad, iniikutan pareho sina Caitlin at Caleb. Taas baba siya nitong tiningnan na parang insekto.

"At nangahas kang dalhin siya dito!?" singhal niya. "Talaga lang? Mas alam mo kung ano ang pwede at hindi!"

"Siya ang Napili," walang ekspresyong sagot ni Caleb.

Di tulad ng iba, ang babaeng ito ay hindi nasorpresa. Sa halip ay naglabas lamang siya ng maikli at nakakalokong tawa.

"Walang katotohanan yan," sagot niya. "Nagdala ka ng gera sa atin, at dahil lamang sa isang tao, simpleng pagkahumaling," sabi niya habang lalo siyang nagagalit.

Sa kaniyang bawat pangungusap ay mukhang sumasang-ayon at nagpapatatag ng galit ang mga nakapaligid sa kanila. Sila ay nagiging galit na magkakagulong mga tao.

"Sa katunayan, may karapatan kaming sirain siya," sabi ni Sera.

Nagsimulang magbulungan ng pagsang-ayon ang lahat.

Nagalit si Caleb.

"Kailangan ninyo munang dumaan sa akin," sabi niya.

Nakaramdam si Caitlin ng init na dumaloy sa kaniya. Ibinubuwis niya ulit ang kaniyang buhay para sa kaniya. Siguro nga ay mahalaga siya sa kaniya.

Pumagitna si Samuel sa kanilang dalawa at itinaas ang kamay. Nanahimik ang lahat.

"Hiniling ni Caleb na makita ang Konseho," sabi ni Samuel. "Ibigay natin iyon sa kaniya at hayaan ang Konseho na magdesisyon."

"Bakit pa?" singhal ni Sera.

"Dahil iyon ang aking sinabi," sagot ni Samuel, may matalim na determinasyon sa kaniyang boses. "Ako ang nagbibigay ng utos dito Sera, hindi ikaw." Tinitigan siya ng matagal ni Samuel. Sa wakas ay natigilan na siya.

Tumabi si Samuel at sumenyas papunta sa batong hagdanan.

Inabot ni Caleb ang kamay ni Caitlin. Humakbang sila sa malapad na hagdanan pababa sa kadiliman.

Nakarinig siya ng matalas na tawa sa likod niya.

"Magandang pagpapalis."

IKALABING-DALAWANG KABANATA

Umalingawngaw ang kanilang mga yabag habang bumababa sila ng malapad at batong hagdanan. Malamlam ang ilaw doon. Inilagay ni Caitlin ang kamay niya sa may braso ni Caleb. Sana ay hindi niya ito alisin. Hindi nga. Sa katunayan ay hinigpitan pa niya ang hawak nito sa kamay niya. Ang lahat ay maayos na ulit. Pakiramdam niya ay kaya niyang bumaba sa kalaliman ng kadiliman basta't magkasama sila.

Marami siyang naiisip. Ano itong Konseho na ito? Bakit niya ipinilit na isama siya doon? At bakit gusto niyang laging nasa tabi niya? Kaya niyang sabihin doon na ayaw niyang sumama at maghihintay na lamang siya sa itaas. Ngunit ayaw niyang maghintay sa itaas. Gusto niyang sumama sa kaniya. Wala siyang ibang gustong puntahan.

Walang kabuluhan ang mga ito. Sa halip na masagot ang mga tanong niya, lalo lamang nadagdagan ang kaniyang mga tanong. Sino ang mga taong iyon sa itaas? Mga bampira ba sila? Anong ginagawa nila dito? Sa Cloisters?

Lumiko sila papunta sa isang silid. Namangha siya sa ganda nito. Hindi niya ito mapaniwalaan. Para siyang bumababa sa isang tunay na kastilyong medyebal.

Sumasalimyog na mga kisame at mga silid na inukit sa medyebal na bato. Sa kaniyang kanan ay may mga batong kabaong na nakaangat sa lupa. Mga mahirap intindihin na mga pigura ang nakaukit sa mga takip nito. Ang iba sa kanila ay bukas. Doon kaya sila natutulog?

Inalala niya ang mga tradisyonal na paniniwala tungkol sa bampira. Natutulog sa kabaong. Gising sa gabi. May taglay na kakaibang lakas at bilis. Nasasaktan sa sinag ng araw. Mukhang lahat ay tama. Siya mismo ay nasaktan sa ilalim ng araw. Ngunit ito naman ay nakayanan niya. Hindi rin siya tinablan ng bendita. At ang lugar na ito, ang Cloisters ay puno ng mga krus. May malalaking krus kahit saan dito at tila hindi naman naapektuhan ang mga bampira. Sa katunayan ay mukhang ito ang kanilang tahanan.

Gusto niyang tanungin si Caleb tungkol sa mga ito ngunit hindi niya alam kung paano magsisimula. Itinanong na lamang niya ang huli niyang naisip.

"Ang mga krus," sabi ni Caitlin sabay tango sa habang dumadaan sila sa harap ng isa. "Hindi ka ba nito naaapektuhan?"

Tumingin siya sa kaniya at hindi naintindihan. Parang may malalim siyang iniisip.

"Hindi ba nasasaktan ng krus ang mga bampira?"

"Hindi lahat tayo," sagot niya. "Ang lahi natin ay iba-iba parang tao. Maraming lahi sa loob ng ating lahi, at maraming teritoryo - o grupo - sa loob ng isang lahi. Medyo komplikado ito. Hindi nito naaapektuhan ang mga mabubuting bampira.

"Mabuti?"

"Katulad ng mga tao, mayroong puwersa ng kabutihan at kasamaan, hindi tayo pare-pareho."

At syempre pa, nadagdagan na naman ang kaniyang mga tanong. Pinigilan niya ang kaniyang sarili. Ayaw niyang mamilit. Hindi ngayon.

Kahit pa mataas ang kisame, maliliit ang pinto. Ang mga may arkong kahoy na mga pintuan ay bukas. Pumasok sila sa loob habang nakatungo. Habang papasok sila sa panibagong silid ay tumaas ulit ang kisame at isa na naman itong marilag na silid. Tumingala siya at nakita niyang puno ito ng makulay at mapalamuting salamin. Sa kaniyang kanan ay may parang isang pulpito. Sa harap nito ay dose-dosenang maliliit na upuan na gawa sa kahoy. Ito ay ganap na maganda. Ito ay tunay na mukhang medyebal na monasteryo.

Wala siyang nakitang senyales ng buhay. Wala siyang narinig na kilos. Nagtaka siya kung nasaan silang lahat.

Pumasok ulit sila ng isa pang silid. Pababa ang sahig nito. Nagulat siya. Ang silid na iyon ay puno ng kayamanan. Isa itong museyo at ito ay nababalot ng salamin. Sa harapan niya ay mga napakatanda na at hindi mabibili ng salapi na mga kayamanan. Iniilawan sila ng matinding haloheno. Mga gintong krus, pilak na kopa, medyebal na sulat kamay na mga dokumento...

Sinundan niya si Caleb habang naglalakad ito sa loob ng silid dt tumayo sa harap ng isang patayong sisidlan na gawa sa salamin. Sa loob nito ay isang marilag na kulay gatas na tungkod na ilang talampakan ang haba. Tinitigan ito ni Caleb.

Tumahimik siya ng ilang segundo.

"Ano iyan?" tanong ni Caitlin.

Patuloy siyang nakatitig, tahimik. "Dating kaibigan," sagot niya.

At iyon na iyon. Wala na siyang ibinigay na ibang paliwanag. Inisip niya kung anong nakaraan niya sa bagay na iyon at kung anong kapangyarihan nito. Tiningnan niya ang plake, 1300.

"Crozier ang tawag dito. Tungkod ng obispo. Pareho itong tungkod at pamalo. Pamalo para sa kaparusahan at tungkod para sa mga tapat. Simbolo ito ng aming simbahan. May kapangyarihan itong magpala at sumumpa. Pinoprotektahan namin ito. Ito ang nagliligtas sa amin."

Simbahan nila? Pinoprotektahan nila?

Bago pa siya makapagtanong ulit ay kinuha nito ang kaniyang kamay at dinala siya sa isa pang pintuan. Nakarating sila sa isang pelus na lubid. Inabot niya ito at pinaghiwalay, hinawi para siya ay makapasok. Sumunod si Caleb sa kaniya at isinara ulit ang lubid. Isinama siya nito sa isang maliit at paikot na hagdanan na gawa sa kahoy. Ito ay pababa mismo sa sahig. Tiningnan ito ni Caitlin na naguguluhan.

Lumuhod si Caleb at binuksan ang isang sikretong bukasan sa sahig. Bumukas ang isang patibong at nakita niyang may hagdanan pa ulit patuloy sa kailaliman.

Tiningnan siya ni Caleb. "Handa ka na?"

Gusto niyang sabihing hindi pero sa halip ay inabot niya ang kaniyang kamay.

*

Ang hagdanan ay masikip at matarik at patungo sa tunay na kadiliman. Pagkatapos nilang magpaikot-ikot, pailalim nang pailalim ay nakakita din siya ng liwanag sa malayo. Nakarinig siya ng kilos. Nang lumiko pa silang muli ay pumasok sila sa isang silid.

Ang silid ay malaki at maliwanag. Nagkalat ang mga tanglaw. Kapareho nito ang silid sa itaas. Matataas,bato at medyebal na kisame, mga arko na may mga mahirap intindihing detalye. May mga malalaking kurtina sa dingding at ang malaking espasyo ay napupuno ng mga medyebal na kasangkapan.

Puno din ito ng mga tao. Mga bampira. Lahat sila ay naka-itim at kaswal na naglalakad. Marami sa kanila ay nakaupo sa iba't ibang upuan. Ang iba ay nakikipag-usap sa isa't isa. Doon sa isang grupo, sa may ilalim ng opisina ng gobyerno ng lungsod, nakaramdam siya ng masama at kadiliman na parang siya ay laging nasa panganib. Ngunit dito pakiramdam niya ay nagpapahinga siya.

Dinala siya ni Caleb sa gitna ng silid. Nabawasan ang mga kilos, nagsimula ang mga bulungan at lahat ay nakatingin sa kanila.

Lumapit si Caleb sa isang malaking bampira na mas matangkad sa kaniya at mas malapad ang mga balikat. Tumingin ito sa kaniya na walang ekspresyon.

"Kailangan ko ng manonood," simpleng sabi ni Caleb.

Dahan-dahang umikot ang bampira, dumeretso sa may pinto at inilapat ito.

Nakatayo lamang silang dalawa doon. Naghihintay. Lumingon si Caitlin at nakitang daang bampira ang nandoon. Lahat ay nakatingin sa kanila. Wala kahit isang lumapit.

Bumukas ang pinto at sinenyasan sila ng bampira. Pumasok sila.

Mas madilim ang maliit na silid na ito. Malamlam gawa lamang ng dalawang tanglaw sa magkabilang panig ng silid. Wala din itong laman maliban sa isang mahabang mesa sa kabilang dulo. Sa kabila nito ay may nakaupong pitong bampira na may malupit na titig sa kanila. Mukha silang grupo ng hukom.

May bagay sa mga bampirang ito na nagpamukha sa kanilang mas matanda. May lupit sa kanilang mga ekspresyon. Talagang grupo sila ng hukom.

"Nasa sesyon na ang Konseho!" sigaw ng malaking bampira habang iniumpog ang kaniyang tungkod sa sahig. Lumabas siya at isinara ang pinto. Ngayon ay silang dalawa na lamang ang naiwan kasama ng pitong bampira.

Tumayo siya sa tabi ni Caleb, hindi sigurado kung anong kailangan niyang gawin o sabihin.

Katahimikan ang sumunod habang tinititigan sila ng mga hukom. Pakiramdam niya ay nakatitig sila sa kanilang kaluluwa.

"Caleb," sabi ng hukom sa gitna ng may seryosong boses. "nilayasan mo ang iyong binabantayan."

"Hindi po ninuno," sagot niya. "Dalawang daang taon akong tapat sa aking tungkulin ngunit kinailangan kong gawin ito ngayon."

"Susunod ka lamang sa utos namin," sagot nito. "Ngayon ay nilagay mo kami sa panganib."

"Ang tungkulin ko ay hudyatan tayo sa paparating na gera," sabi ni Caleb. "Naniniwala akong ang panahong iyon ay dumating na."

Nagulat ang mga hukom. Tumahimik ang lahat.

"At bakit mo nasabi iyan?"

"Binuhusan nila siya ng banal na tubig ngunit hindi nasunog ang kaniyang mga balat. Ayon sa doktrina ay dadating ang panahon na Ang Napili ay hindi tatalban ng ating mga sandata at siya magpapahayag ng gera."

Nagbulungan ang lahat. Lahat sila ay tumitig kay Caitlin at sinisiyasat siyang mabuti. Ilan sa mga hukom ay nagsimulang makipag-usap sa isa't isa. Hanggang sa inihampas ng hukom sa gitna ang kaniyang palad sa mesa.

"Katahimikan!" sigaw niya.

Unti-unting nanahimik ang lahat.

"Inilagay mo kami sa panganib para iligtas ang isang tao?"

"Iniligtas ko siya para maligtas tayo," sagot ni Caleb. "Kung siya Ang Napili, wala tayo kung wala siya."

Umikot ang utak ni Caitlin. Ang Napili? Doktrina? Anong sinasabi niya? Naisip niya kung inakala niya na ibang tao siya, na mas magaling siya sa inaakala niya.

Lumubog ang puso ni Caitlin. Hindi dahil kung paano siya tingnan ng mga hukom pero dahil sa iniligtas lamang siya ni Caleb para sa sarili niya. Na wala talaga siyang pakialam sa kaniya. Na ang kaniyang magandang pakikitungo sa kaniya ay mawawala pag nalaman na niya ang katotohanan. Malalaman niya na isa lamang siyang ordinaryong babae, kahit ano pa mang nangyari noong mga nakaraang araw. Iiwan din niya siya. Katulad ng iba pang mga lalaki sa buhay niya.

Umiling ang hukom sa gitna at magpakababang tumingin kay Caleb.

"Nakagawa ng mabigat na pagkakamali," sabi ng hukom. "Ang hindi mo nakikita ay ikaw mismo ang nagsimula ng gera sa pag-alis mo sa iyong binabantayan. Hinudyatan mo sila ng ating kinalalagyan."

"At saka hindi siya ang inaakala mo."

"Ngunit paano mo maipapaliwanag.."

Isa pang hukom ang nagsalita. "Ilang siglong nakaraan ay may kaso ding ganito. Hindi rin siya tinatablan ng sandata. Akala ng lahat ay siya na ang Tagapagligtas. Yun pala siya ay kalahating-lahi."

"Kalahating lahi?" tanong ni Caleb. Biglang hindi na siya sigurado.

"Ang bampira sa kapanganakan," pagpapatuloy ng hukom, "isa na hindi naging. Hindi sila tinatablan ng ibang sandata, ngunit hindi sa iba. Pero hindi ibig sabihin ay kapareho nila tayo. Hindi rin sila imortal. Ipinakita ko sa iyo." Tumingin siya kay Caitlin.

Kinabahan siya. "Sabihin mo, sino ang nagbago sa iyo?"

Hindi alam ni Caitlin ang sinasabi niya. Hindi niya ito naiintindihan. Ngayong gabi ay kinailangan na naman niyang mag-isip ng pinaka-tamang sagot. Nag-alinlangan siya. Pakiramdam niya kahit anong isagot niya ay may malaking epekto hindi lamang sa kaniyang kaligtasan ngunit pati na rin kay Caleb. Gusto niyang magbigay ng tamang sagot para sa kaniya ngunit hindi niya alam kung anong dapat sabihin.

"Ipagpaumanhin ninyo," sagot niya, "pero hindi ako binago. Hindi ko alam ang ibig sabihin nito."

Isang miyembro ng Konseho ang nagsalita, "Sino ang iyong ama?"

Sa lahat ng pwedeng itanong, bakit iyon pa. Tanong din niya iyon sa sarili niya buong buhay niya. Sino siya? Bakit hindi niya siya nakilala? Bakit siya umalis? Sagot ito na pinaka-aasam niya sa buhay. At ngayon, tiyak na hindi niya ito masasagot.

"Hindi ko alam," sagot niya.

"Kita mo na?" sabi ng hukom. "Ang mga kalahating-lahi ay hindi mga binago. Hindi nila kilala ang kanilang mga magulang. Nagkamali ka Caleb. Nakagawa ka ng mabigat na pagkakamali.

"Ayon sa doktrina ay isang kalahating-lahi ang magiging Tagapagligtas at ituturo niya tayo sa nawawalang espada," matigas na ulong sabi ni Caleb.

"Ayon sa doktrina ang kalahating-lahi ang magdadala sa Tagapagligtas," sabi ng hukom. "Hindi siya ang Tagapagligtas."

"Inaalisa mo ang salita," sagot ni Caleb. "Sinasabi ko sa inyo na nagsimula na ang gera at dadalhin niya tayo sa nawawalang espada. Mabilis ang panahon. Kailangan na nating magpatulong sa kaniya. Ito lang ang ating pag-asa."

"Kwentong pambata," sabi ng isa pang miyembro ng Konseho. "Ang espadang sinasabi mo ay hindi totoo. At kung totoo man ito, hindi isang kalahating-lahi ang magdadala sa atin doon."

"Kung hindi, gagawin ito ng iba. Huhulihin siya ng mga ito, hahanapin ang espada at gagamitin ito laban sa atin."

"Nakagawa ka ng mabigat na paglabag sa pagdala sa kaniya dito," sabi ng isa pang miyembro na nakaupo sa dulo ng mesa.

"Pero.."

"Tama na!" sigaw ng lider ng Konseho.

Nanahimik ang buong silid.

"Caleb, lumabag ka sa madaming batas ng ating grupo. Iniwan mo ang binabantayan mo. Pinahiya mo ang iyong misyon. Nagsimula ka ng gera at nilagay mo kami sa panganib para sa isang tao. Hindi pa tao, kalahating-lahi. Malala pa, dinala mo siya dito, mismong sentro kung nasaan tayo."

Hinahatulan ka namin na makulong ng limampung taon. Hindi ka pwedeng umalis dito. At kaagad mong papalayasin ang kalahating-lahing ito."

"Ngayon, iwan mo kami."