Kitabı oku: «Ikot », sayfa 5
IKA-SIYAM NA KABANATA
Nagising si Caitlin sa dilim. Nakaramdam siya ng malamig, metal na sakit sa kaniyang kamay at paa. Masakit ang kaniyang katawan. Naunawaan niyang siya ay nakakadena. Nakabanat ang kaniyang mga braso sa kaniyang gilid. Sinubukan niyang ikilos ito ngunit hindi ito gumalaw. Pati ang kaniyang mga paa. May narinig siyang ingay nang sinubukan niya ito. Naramdaman niya ang malamig at matigas na metal na bumabaon sa kaniyang kamay at paa. Nasaan siya?
Binuksan lalo ni Caitlin ang kaniyang mga mata para malaman kung nasaan siya . Malakas ang tibok ng kaniyang puso. Malamig. May suot pa rin siyang damit ngunit apak siya. Nararamdaman niya ang lamig ng bato sa kaniyang paa. Pati sa kaniyang likuran. Nakagapos siya sa pader.
Sinubukan niyang makita kung ano ang silid na iyon ngunit napakadilim talaga. Nalalamigan siya. At nauuhaw. Lumunok siya ngunit tuyo ang kaniyang lalamunan.
Humili siya ng malakas ngunit kahit sa kaniyang bagong lakas ay hindi man lang gumalaw ang kadena. Natigil siya.
Sinubukan niyang sumigaw para humingi ng tulong ngunit walang lumabas. Masyadong tuyo ang kaniyang bibig. Lumunok siya at sinubukang muli.
"Tulong!" lumabas ang boses niyang paos. "TULONG!" sigaw niyang muli at ngayon ay malakas.
Wala. Nakinig siyang mabuti. May mala-agos na ingay mula sa malayo pero saan?
Sinubukan niyang maalala kung saan siya huli?
Naalala niyang umuwi siya. Sumimangot siya. Naalala niya ang kaniyang ina. Patay. Nakaramdam siya ng lungkot na para bang siya ang may kasalanan sa kaniyang pagkamatay. Nagsisisi siya. Sana'y naging mas mabuting anak siya sa kaniya kahit pa hindi siya ganoong kabuti sa kaniya. Kahit pa sabi nga ng kaniyang ina, hindi niya siya tunay na anak. Totoo kaya ito? O nasabi lamang niya iyon dahil sa kaniyang galit?
Pagkatapos.. Tatlong laki..nakadamit ng itim..maputla.. palapit sa kaniya. Pagkatapos..mga pulis..bala..kung paano nila natigil ang bala. Sino ang mga lalaking ito? Bakit nila ginamit ang salitang "tao"? Iisipin niya na delusyon lamang sila kung hindi niya nakitang pinigilan nila ang bala sa ere.
Pagkatapos.. Ang eskenita.. Ang habulan.
At pagkatapos ay kadiliman.
Biglang narinig ni Caitlin ang langitngit ng pintuan na gawa sa metal. Sumulyap siya nang may lumitaw na ilaw sa malayo. Isa itong tanglaw. Mayroong papalapit sa kanya na may hawak na tanglaw. Habang siya ay papalapit ay lumiwanag sa silid.
Siya ay nasa loob ng malaki at kakoponyang silid na gawa sa bato.
Mukhang napaktanda na nito.
Habang papalapit ang lalaki ay nakita niya ang mukha nito. Itinaas niya ang tanglaw sa may mukha niya. Tinitigan siya nito ng parang insekto.
Nakakatakot ang lalaking ito. Bangibi ang kaniyang mukha na nagpamukha sa kaniya na matanda at mukhang may sakit na mangkukulam. Ngumisi siya at lumabas ang kaniyang mga maliliit na ngipin na kulay kahel. Mabaho ang hininga niya. Lumapit siya sa kaniya at tumitig. Nilagay niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha at napansin niya ang kaniyang mahahaba, liko at naninilaw na mga kuko. Ikinaladkad niya ito sa kaniyang mukha. Hindi ito sapat para dumugo ang mukha niya pero sapat para mangilabot siya. Lalong ngumisi ang lalaki.
"Sino ka?" tanong ni Caitlin na nasisindak. "Nasaan ako?"
Lalo lamang siyang ngumisi na parang pinagmamasdan ang kaniyang huli. Tinitigan niya ang kaniyang lalamunan at dinilaan ang kaniyang mga labi.
Hanggang sa narinig ni Caitlin ang isa pang metal na pinto na bumukas at nakita ang maraming tanglaw na paparating.
"Iwan mo siya!" sigaw ng isang boses sa malayo. Nagmamadaling umalis ang lalaki sa tabi niya. Tumungo itong napagsabihan.
Isang buong grupo ang lumapit at napansin niya ang kanilang lider. Siya ang humabol sa kaniya sa may eskenita.
Tumitig siya pabalik at ngumiti nang malamig. Maganda siya. Ang lalaking ito na hindi tumatanda ngunit nakakikilabot. Masama. Ang malaki at itim niyang mata ay nakatitig sa kaniya. Napapalibutan siya ng limang lalaki. Lahat ay nakasuot ng itim katulad niya ngunit walang kasing-ganda at laki niya. May dalawang babae din sa grupo at pareho silang nakatitig sa kaniya ng malamig.
"Ipagpatawad mo ang aming tagapag-alaga" sabi ng lider. Ang boses niya ay malamig at malalim.
"Sino ka?" tanong ni Caitlin. "Bakit ako nandito?"
"Ipagpaumanhin mo ang malupit na pagtanggap" sabi niya habang hinahawakan ang makapal na kadenang metal na gumagapos kay Caitlin sa pader.
"Papakawalan ka namin kung sasagutin mo lang ang aming mga tanong."
"Magsisimula ako. Ang pangalan ko ay Kyle. Ako ang Lider Diputado ng Blacktide Coven. Ikaw naman."
"Hindi ko alam ang gusto mo sa akin."
"Sa pagsisimula, ang iyong grupo. Saan ka kasali?"
Sinusubukang ugain ni Caitlin ang utak niya, kung siya ba ay nasisiraan ng bait. Inaakala lang ba niya itong lahat? Siya ba ay natigil sa isang kakaibang panaginip? Ngunit naramdaman niya ang malamig na bakal sa kaniyang kamay at paa at alam niyang hindi. Hindi niya alam ang sasabihin sa lalaking ito. Ano bang pinagsasasabi niya? Grupo..bampira?
"Hindi ako parte ng kahit anong grupo."
Tinitigan siya ng matagal nito, umiling.
"Kung iyan ang ibig mo. Marami na kaming inayos na tamplasang bampira dati. Laging pareho. Sinusubukan kami para malaman ang seguridad sa isang teritoryo. Pagkatapos noon, maraming sumunod. Diyan nagsisimula ang pagbabago ng teritoryo.
"Pero walang nakakaligtas. Kami ang pinakamatanda at pinakamalakas na grupo. Walang pumapatay dito at nakakawala."
"Kaya't tinatanong ulit kita, sinong nagpadala sa iyo. Kailan sila dadagsa?"
Teritoryo? Pagdagsa? Hindi maintindihan ni Caitlin kung paanong hindi siya nananaginip. Siguro ay may nag-narkotiko sa kaniya. Siguro ay isinalisi ito ni Jonah. Pero hindi siya uminom at hindi siya nag-droga. Hindi siya nananaginip. Totoo ito. Katakut-takot at hindi mapaniniwalaang katotohanan.
Pwede niya silang ituring na isang grupo ng mga nasisiraan ng ulo. Isang kakaibang kulto o grupo na delusyonal. Ngunit pagkatapos ng mga nangyari sa huling dalawang araw, nagsisimula nang mabago ang isip niya. Ang sarili niyang lakas. Ang sarili niyang asal. Ang pagbabago ng kaniyang katawan. Totoo kaya ang bampira? Isa ba siya sa kanila. Nasa gitna ba siya ng gera ng mga bampira. Ang swerte naman niya.
Tumitig pabalik si Caitlin. May pinatay nga ba siya? Sino? Hindi niya maalala ngunit mayroon siyang katakut-takot na pakiramdam na totoo ang sinasabi niya. Na may pinatay siya. Na sobrang nakapagpakilabot sa kaniya. Nakaramdam siya ng awa at panghihinayang na bumalot sa kaniya. Kung totoo talaga ito siya ay mamamatay tao. Hindi niya kayang mabuhay.
Tumitig siya pabalik.
"Walang nagpadala sa akin. Hindi ko maalala kung ano ang aking ginawa ngunit kung ano man iyon, ito ay sarili ko lamang. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Ipagpaumanhin ninyo. Hindi ko sinsadya" sabi ni Caitlin.
Lumingon si Kyle at tumingin sa kaniyang mga kasama. Tumingin sila sa kaniya. Umiling siya at lumingon pabalik kay Caitlin. Tingin na masama.
"Akala mo maloloko mo ako?"
Tinawag ni Kyle ang kaniyang mga katulong at pinatanggal ang kaniyang mga kadena. Naramdaman niyang bumagsak ang kaniyang mga braso. Lumuwag ang kaniyang pakiramdam nang bumalik ang daloy ng dugo sa mga ito. Tinanggal nila ang kadena sa kaniyang paanan. Apat na lalaki, dalawa sa magkabilang gilid niya ang nakahawak sa kaniya ng mahigpit.
"Kung hindi ka sasagot sa akin ay kailangan mong managot sa Pulong" sabi ni Kyle. "Tandaan mo, ginusto mo ito. Hindi sila magpapakita ng awa na siya ko ding gagawin.
At habang paalis si Caitlin ay nagsalita pa ulit si Kyle.
"Huwag kang magkakamali, papatayin ka pa rin kahit anong mangyari. Mas mabilis at walang sakit nga lang ang akin. Ngayon malalaman mo kung ano ang pagdurusa."
Sinubukang manlaban ni Caitlin habang kinakaladkad nila siya ngunit wala na itong silbi. Dadalhin nila siya sa kung saan at wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang kaniyang kapalaran.
At magdasal.
*
Nang binuksan nila ang pintuan gawa sa owk, hindi makapaniwala si Caitlin. Lubhang napakalaki ng silid. Korteng malaking bilog, nalilinyahan ito ng isang daang talampakan ang taas na mga toreng napapalamutian. Maliwanag dito, may tanglaw kada limang talampakan sa buong silid. Mukha itong Pantheon. Mukhang napakatanda na nito.
Habang dinala nila siya sa loob, ang una niyang napansin ay ang ingay. Napakadaming tao. Tumingin siya sa paligid at nakakakita siya marahil kung hindi daan ay libong mga lalaki at babae na nakabihis ng itim na kumikilos ng mabilis sa loob ng silid. May kakaiba sa kanilang galaw, masyadong mabilis, walang katiyakan, hindi pang-tao.
May narinig siyang ingay at tumingala. Ilan sa kanila ay lumalakdaw, lumilipad sa silid, mula sa sahig hanggang sa kisame, mula sa kisame hanggang sa balkonahe, mula sa tore hanggang sa pasamano. Iyon ang naririnig niyang ingay. Akala mo'y nakapasok sa kweba na puno ng mga paniki.
Tinanggap niya itong lahat ng may pagkabigla. Totoong may mga bampira. Isa ba siya sa kanila?
Dinala nila siya sa gitna ng silid. Kumakalantog ang kaniyang kadena. Ang mga apak niyang paa ay nalalamigan sa sahig na bato. Dinala nila siya sa tiyak na lugar sa gitna ng sahig na malaking bilog na tiles.
Nang makarating siya sa gitna ay nawala ang ingay. Bumagal ang galaw. Daang bampira ang kumuha ng posisyon sa malaking batong amphitheatre sa harapan niya.
Mukha itong pampulitikong pulong Na nakikita niya tuwing may "state of the union address ". Pero sa halip na daang pulitiko ay daang bampira ang nakatingin sa kaniya. Ang kanilang disiplina ay kahanga-hanga. Sa loob lamang ng ilang segundo ay nakaupo na silang lahat at ang silid ay napakatahimik.
Habang nakatayo siya sa gitna ng silid, hawak ng mga katulong, si Kyle ay nagpunta sa gilid, pinagdaop ang kamay at tumungo bilang paggalang.
Sa unahan ng pulong ay may isang malaking upuan na gawa sa bato. Mukha itong trono. Tumingin siya at nakitang may nakaupo bampirang na mas matanda kaysa sa iba. Siya ay tiyak na matanda na. Mayroong iba sa kaniyang bughaw at malamig na mata. Nakatingin ito sa kanya na animo'y nakakita na ito ng sampung libong taon. Ayaw niya ng tingin nito sa kaniya. Ito ay napakasama din.
"Siya ang sumira ng ating teritoryo" sabi niya nang may mababa at madagundong na boses. Seryoso ang kaniyang boses at napakalamig nito. Umalingawngaw ito sa loob ng kamara.
"Sino ang lider ng iyong grupo?" tanong niya.
Tumitig pabalik si Caitlin. Nag-aalangan siya kung anong isasagot niya.
"Wala akong lider. At hindi rin ako parte ng grupo. Andito akong mag-isa."
"Alam mo ba ang kaparusahan sa pagpasok nang walang pahintulot?" tanong niya, nag-uumpisang ngumiti. "Kung mayroon mang mas masama sa pagiging imortal, ito ay ang pagiging imortal sa sakit."
Tumitig siya sa kaniya.
"Huling pagkakataon mo na ito" sabi niya.
Tumitig siya pabalik, hindi alam ang sasabihin. Sa gilid ng kaniyang mga mata ay naghanap na siya ng posibleng labasan. Wala siyang nakita.
"Kung iyan ang gusto mo" sabi niyang tumango ng kaunti.
Bumukas ang pinto sa may gilid at lumabas ang isang bampirang nakagapos na kinakaladkad ng dalawang katulong. Kinaladkad ang lalaki sa gitna ng silid, isang talampakan lamang ang layo sa pinagkakatayuan ni Caitlin. Pinapanood niya ito sa takot, hindi alam kung ano ang nangyayari.
"Nilabag ng bampirang ito ang batas ng pag-aasawa. Hindi ito kasing-sama ng iyo ngunit kailangan pa ring parusahan."
Tumango ulit ang lider at isang katulong ang humakbang sa unahan at may dalang maliit na bote ng likido. Ibinuhos niya ito sa nakagapos na bampira.
Nagsimulang tumili ang bampira. Nakita niyang lumolobo ang balat sa braso ng bampira. Nagtuklapan agad ito na akala mo'y siya ay sinunog. Ang tili niya ay nakakikilabot.
"Hindi lang ito basta-basta bendita" sabi ng lider na nakatingin kay Caitlin.
"Galing ito sa Vatican. At sinisigurado ko na susunugin nito ang kahit anong balat. Nakakakilabot ang sakit. Mas van alala pa sa asido."
Tumitig siya ng matagal kay Caitlin. Tahimik ang lahat.
"Sabihin mo sa amin kung saan ka galing at makakaligtas ka sa katakut-takot na kamatayan."
Lumunok si Caitlin. Hindi niya gusto ang likidong iyon sa kaniyang balat. Mukhang nakakikilabot ito. Ngunit kung hindi siya totoong bampira, hindi siya masasaktan. Ngunit hindi ito isang eksperimento na gusto niyang gawin.
Hinila niya ulit ang kaniyang kadena ngunit hindi ito bumigay. Naririnig niya ang pagbayo ng kaniyang puso, ang pawis sa kaniyang kilay. Anong maaari niyang sabihin sa kaniya? Tumitig siya sa kaniya.
"Malakas ang iyong loob. Hinahangaan ko ang katapatan mo sa iyong grupo ngunit tapos na ang oras mo."
Tumango ang lider. Nakarinig siya ng tunog ng kadena. Tumingin siya at dalawang katulong ang nagtaas ng malaking kaldero. Kada hila ay umaangat ito ng ilang talampakan paitaas. Nang mataas na ito, mga labing-limang talampakan mula sa sahig, idinuyan nila ito para tumapat sa ulo niya.
"May ilang onsa lamang ng bendita ang isinaboy sa bampirang iyon. Ilang galon ang nasa itaas mo. Pag bumuhos ito sa iyong katawan ay makakaramdam ka ng kakilakilabot na sakit. Habambuhay mong dadalhin ang sakit na ito ngunit buhay ka pa rin, hindi makagalaw at walang magawa. Tandaan mo na ikaw ang pumili nito.
Tumango ang lider at naramdaman ni Caitlin na mabilis na bumabayo ang kaniyang puso.
Ikinabit ng mga katulong sa tabi niya ang kaniyang kadena sa sahig at nagtatakbo, nagmamadaling lumayo.
Tumingala si Caitlin. Nakita niyang gumalaw ang kaldero at nag-umpisang bumuhos sa kaniya.
Tumingin siya sa ibaba at ipinikit ang mga mata.
Panginoon tulungan ninyo ako.
"Hindi!" sigaw niya. Umalingawngaw ito sa buong kamara.
IKASAMPUNG KABANATA
Binalot ng tubig ang kaniyang buong katawan. Nahirapan siyang huminga at imulat ang kaniyang mga mata. Pagkatapos ng mga sampung segundo, matapos na ang kaniyang buhok at katawan at damit ay tuluyang mabasa, pumikit at nagmulat si Caitlin. Inabangan niya ang sakit.
Ngunit hindi ito dumating.
Nagpikit at nagmulat ulit siya sabay tingala sa kaldero para malaman kung ubos na ito. Ubos na. Tiningnan niya ang kaniyang sarili. Nakita niyang basang basa siya ngunit maayos siya. Wala siyang naramdamang sakit.
Biglang napagtanto ng lider ang nangyayari. Tumayo itong gulat at napanganga. Si Kyle ay nagulat din. Ang buong Pulong, daang bampira ang napatayo. Kumalat ang pangangapos na hininga sa buong silid.
Nakita ni Caitlin na hindi ito ang reaksiyon na inaasahan nila. Ang lahat ay nasiraan ng loob.
Hindi siya naapektuhan ng kanilang tubig. Baka hindi talaga siya bampira?
Nakita niya ang kaniyang pagkakataon.
Habang lahat sila ay nakatayo at masyadong gulat ay tinawag niya ang kaniyang lakas at sa isang iglap, nasira niya ang kaniyang kadena. Pagkatapos ay tumakbo siyang papalayo sa Pulong sa may gilid na pinto. Pinagdasal niyang may daan doong palabas.
Narating niya ang kalahati ng silid bago pa may makapansin.
"Habulin ninyo siya!" sigaw ng lider.
Pagkatapos ay narinig niya ang ingay ng daang katawang pumapagaspas papunta sa kaniya. Galing ang ingay sa iba't ibang sulok ng silid. Nang napagtanto niya na hindi lamang sila tumatakbo, tumatalon sila mula sa kisame, mula sa balkonahe, nakabukas ang kanilang mga pakpak papalapit sa kaniya. Para silang mga buwitre na aatake sa kaniya. Binilisan pa niyang lalo. Lahat ay ibinigay niya.
May narating siyang madilim, gabay lamang niya ang mga tanglaw. Hanggang sa wakas, sa pagliko niya, sa malayo ay may nakita siyang pintuan. Bukas ito at may liwanag sa likod nito. Labasan nga ito. Perpekto sana ito kung hindi dahil sa isang huling bampira. Nakatayo sa may pinto, nakaharang sa kaniyang dadaanan ay isang malaking bampira na nababalutan ng itim. Mukhang mas bata siya sa iba, baka mga dalawampu. Mas makisig din siya. Kahit sa pagmamadali niya at nasa panganib ang kaniyang buhay ay hindi maiwasan ni Caitlin na mapansin kung gaano kaakit-akit ang bampirang ito. Ngunit nakaharang pa rin siya sa dadaanan niya.
Kaya niyang makawala sa iba ngunit hindi niya kayang lampasan ang isang ito. Binuksan niyang lalo ang pinto na para bang nagbibigay daan ito. Niloloko ba niya siya? Napansin niyang may hawak itong mahabang sibat sa kabilang kamay.
Habang papalapit siya ay itinaas niya ito patapat sa kaniya. Ilang talampakan na lamang ang layo niya kaya't hindi na siya pwedeng tumigil. Nasa likuran niya sila. Pag bumagal siya ay siyang katapusan niya. Kaya't tumakbo siya papunta sa kaniya. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at inihanda ang sarili sa hindi maiiwasang pagtama ng sibat sa kaniyang katawan. Magiging mabilis naman ito.
Binuksan niya ang kaniyang mga mata at nakitang pinakawalan niya ang sibat. Umiwas siya dito.
Ngunit pinakawalan niya ito ng masyadong mataas. Iginilid niya ang kaniyang leeg at nakitang hindi pala siya ang pinapatamaan nito kundi ang bampira sa likod niya na mabilis na pasalakay sa kaniya. Ang sibat na ang dulo ay gawa sa pilak ay tumama sa leeg ng bampira. Isang malakas na palarat ang narinig hanggang sa bumagsak ito.
Tinitigan ni Caitlin ang bagong bampirang ito. Sinagip niya ang kaniyang buhay? Bakit?
"Alis na!" sigaw ng lalaki.
Tumakbo ulit ng mabilis si Caitlin palabas ng pinto. Nang umikot siya ay umikot din ang lalaki at hinila at isinarang mabuti ang pinto. Nagmadali siyang umabot paitaas, pinalusot ang malaking bakal na katawan ng poste at nilagay itong pangharang ng pinto. Umatras siya ng ilang hakbang sa tabi niya at pinanood ang pinto.
Hindi niya mapigilang tumingin sa kanya. Sa linya ng kaniyang panga, ang kaniyang kulay kapeng mata at buhok. Iniligtas siya nito. Bakit?
Ngunit hindi siya tumitingin sa kaniya. Pinagmamasdan niya ang pinto na may takot sa kaniyang mga mata. Wala pang ilang segundo niyang hinaharangan ang pinto ay isang katawan na ang bumalibag dito. Ang pinto ay sobra sa anim na talampakan ang kapal. Gawa ito sa bakal at ang pangharang ay mas makapal pa dito. Ngunit wala itong laban. Ang mga katawan ay bumabalibag dito mula sa kabila. Malapit nang masira ang pinto. Segundo na lang at makakalabas na sila.
"Alis!" sigaw na lalaki. At bago pa man siya makagalaw ay hinablot nito ang kaniyang braso at isinama siya. Hinihila siya nito, ginagawa siyang tumakbo nang mas mabilis pa sa akala niyang kaya niya. Segundo lamang ay nasa ibaba sila ng isang bulwagan, pagkatapos ay isa pa, at isa pa. Ginagabayan lamang sila ng ilang tanglaw. Hindi siya makakalabas doon kung siya lamang mag-isa.
"Anong nangyayari?" sinubukang tanong ni Caitlin habang nauubusan sila ng hininga. "Nasaan na tayo..."
"Dito!" biglang hila sa kaniya sa ibang direksiyon.
Sa likod nila ay narinig ni Caitlin na may bumagsak, nasundan ng mga nagkakagulo na papalapit sa kanila.
Nakarating sila sa isang paikot na hagdanan na gawa sa bato, pataas patungo sa may pader. Tumakbo ang lalaki ng mabilis papunta sa baitang, hinihila siya. Tumakbo sila paitaas tatlong baitang kada hakbang.
Nang makarating sila sa taas ay mukhang natapos ito sa pader. Isang batong kisame ang nasa taas nila at wala siyang nakitang pwedeng labasan. Saan niya sila dinala?
Mukhang naguguluhan siya. At galit. Ngunit determinado siya. Umatras siya ng kaunti at nagsimula niyang sinira ang kisame. Hindi kapanipaniwala. Dahil sa kaniyang lakas ay nabutas niya ang kisame. Nadurog ang bato at may lumabas na liwanag. Totoong liwanag galing sa kuryente. Nasaan sila?
"Halika na!" sigaw ng lalaki.
Hinila niya ang kaniyang braso pataas at palabas ng kisame sa maliwanag na silid.
Tumingin siya sa paligid. Para silang nasa korte, o nasa museyo. Malaki ito at maganda ang istraktura. Ang sahig ay marmol, ang silid ay puro batong poste. Pabilog ito. Mukha itong gusali ng gobyerno.
"Nasaan tayo?" tanong ni Caitlin.
Hinila niya ang kaniyang kamay at mabilis na tumakbo sa loob ng silid. Malakas niyang binalibag ang dalawang malaking bakal na pinto. Pinakawalan niya ang kaniyang kamay at tumakbo deretso sa pinto gamit ang kaniyang balikat. Bumukas ito ng malakas.
Sumunod siya sa likod niya. Narinig niya ang tunog ng bato sa likod niya at alam niyang papalapit na sila.
Nakalabas din sila sa wakas at ang lamig ng gabi ay tumama sa kaniyang mukha. Laking pasasalamat niya at wala na sila sa ilalim ng lupa.
Sinubukan niyang mahimasmasan. Nasa lungsod sila ng New York pero saan? Ang paligid niya ay pamilyar. Nakakita siya ng kalye, dumaraang taksi. Lumingon siya at nakita ang gusaling pinanggalingan nila ay ang opisina ng lungsod. Ang grupo ay nasa ilalim nito. Tumakbo silang pababa at patawid ng patyo patungo sa kalsada. Hindi pa sila nakakalayo nang may ingay ng bumukas na pinto sa likod nila at mga nagkakagulong bampira. Tumungo sila deretso sa malaking gate na bakal. Habang papalapit sila ay nakita sila ng dalawang gard. Nakita nila silang tumatakbo pa-deretso sa gate. Nanlaki ang kanilang mga mata sa gulat at hinablot ang kanilang mga baril.
"Huwag kayong gagalaw!" sigaw ng mga gard.
Bago sila makagalaw ay hinawakan ng lalaki si Caitlin ng mahigpit, gumawa ng tatlong mahahabang lagtaw at tumalon ng napakataas. Naramdaman niyang lumilipad sila sa ere, sampung talampakan, dalawampu hanggang sa malampasan nila ang gate at kaaya-ayang makatawid sa kabila.
Tumakbo ulit sila. Tumingin si Caitlin sa kaniyang tagapagtanggol at nagtaka kung hanggang saan ang abot ng kaniyang lakas. Nagtataka kung inaalalayan siya nito at nagtataka kung bakit masarap ang pakiramdam niya sa kaniyang tabi.
Bago pa siya lalong makapag-isip ay narinig nila ang pagkasira ng bakal na gate sa likod nila kasunod ng putok ng baril. Nakalusot ang ibang bampira sa gate at pinatay ang mga gard. Malapit na ulit sila.
Takbo sila ng takbo ngunit walang nangyayari. Papalapit pa rin sila ng papalapit.
Bigla niyang hinila si Caitlin at lumiko sa tabing kalye. Pader ang dulo nito.
"Wala tayong mapupuntahan!" sigaw niya ngunit patuloy ang lalaki sa pagtakbo at hinihila siyang kasama nito.
Nakarating sila sa dulo ng eskenita. Lumuhod ang lalaki at gamit ang isa niyang daliri ay binuksan ang isang malaking bakal na manhole.
Lumingon si Caitlin at nakita ang malaking grupo ng mga bampirang papalapit sa kanila, mga nasa dalawampung talampakan.
"Baba na!" sigaw ng lalaki. At bago pa siya makagalaw ay hinila siya nito at itinulak pababa ng butas.
Humawak siya sa hagdan. Tumingala siya at nakita niyang inihahanda nito ang kaniyang sarili. Itinaas niya ang takip ng manhole at ginamit na pangharang. Sinalakay siya ng mga bampira. Iniumbag niya ito sa kanila.Narinig niya ang paghampas ng bakal sa mga bampira. Sinusubukan niyang bumaba sa butas ngunit hindi niya magawa. Napapaligiran nila siya. Aakyat sana si Caitlin para tumulong nang biglang isa sa mga bampira ang humiwalay sa grupo at bumaba sa butas. Nakita niya si Caitlin at nagsimulang sundan ito. Nagmamadali siyang bumaba, dalawang bilog kada baba ngunit hindi ito sapat. Nahulog ito sa kaniya at pareho silang nagsimulang mahulog. Inihanda niya ang sarili sa pagtama. Buti na lamang at sa tubig sila bumagsak. Habang tumitindig siya ay nakita niyang balot siya hanggang bewang ng dumi at tubig sa imburnal. Bahagya siyang nagkaroon ng oras mag-isip nang bumagsak din ang bampira sa tabi niya. Sa isang galaw ay sinuntok siya nito sa mukha at siya ay lumipad ilang talampakan palayo.
Bumagsak siya sa tubig at nakita niya ulit itong dadamba sa kaniya at pinuntirya ang kanyang leeg. Gumulong kaagad siya palayo at tumayo. Mabilis ang bampira ngunit mabilis din siya.
Bumagsak siya sa kaniyang mukha, umikot at tumayo ulit. Kakalmutin ng bampira ang mukha niya pero naiwasan niya ito. Naramdaman niya ang hangin na dumaan sa kaniyang pisngi. Tumama ang kamay niya sa pader. Sa lakas ng tama ay lumusot ito sa pader.
Galit na si Caitlin. Naramdaman niya ang labis na galit na pulso sa kaniyang ugat. Lumapit siya sa hindi makaalis na bampira at sinipa ito sa sikmura. Tumaob siya sa sakit.
Hinila niya ito mula sa likod at itinapon siya sa pader. Tumama ng malakas ang mukha nito sa bato.
Bumilib siya sa kaniyang sarili dahil inakala niyang natapos na niya ito.
Subalit bigla siyang nakaramdam ng sakit sa kaniyang mukha. Nasuntok ulit siya. Nakabawi kaagad ang bampirang ito, mabilis na nakabawi kaysa sa kaniyang inaakalang posible. Bago pa niya nalaman ay napaibabawan na siya nito. Binalibag siya nito pababa. Hindi niya akalang kaya nito iyong gawin.
Sinimulan siyang sakalin ng bampira. Malakas siya ngunit mas malakas ang lalaki. Nanlalamig ang kamay nito at basa-basa. Sinubukan niyang manlaban ngunit masyado siyang malakas. Napaluhod siya sa isang tuhod at patuloy itong nanakal. Bago pa niya namalayan ay itinulak nito ang kaniyang ulo sa tubig. Sa huling sandali ay sumigaw siya, "Tulong!"
Hanggang sa siya ay tuluyan nang lumubog.
*
Naramdaman ni Caitlin ang pagtigil sa tubig. Dumating ang alon kaya't alam niyang may bumabang ibang tao sa tubig. Mabilis na siyang nauubusan ng oksiheno. Hindi na siya makalaban.
Naramdaman ni Caitlin ang malalakas na braso sa ilalim niya. Itinaas siya nito mula sa tubig.
Tumalon siya at naghabol ng hininga, sininghot ito ng malalim. Huminga siya ng paulit uli. Naging abnormal ang kaniyang paghinga.
"Ayos ka lang ba?" tanong ng kaniyang lalaking tagapagligtas habang hawak ang kaniyang balikat.
Tumango si Caitlin. Yun lamang ang nakuha niyang gawin. Napatingin siya sa umatake sa kaniya at nakitang nakalutang siya sa tubig. Lumalabas ang dugo galing sa kaniyang leeg. Patay na ito.
Tumingin siya sa mga kulay kapeng mata ng lalaki. Iniligtas siya nito ulit.
"Kailangan na nating umalis" sabi niya habang hinihila ang kaniyang braso at naglakad sa tubig na hanggang bewang ang lalim. "Hindi tatagal ang manhole na iyon."
Biglang bumukas at nasira ang manhole.
Tumakbo sila at lumiko sa mga lagusan, naririnig ang mga humahabol sa kanila sa likod.
Lumiko pa ulit sila at bumaba ang tubig sa kanila na lamang mga paanan. Bumilis ang kanilang takbo.
Pumasok pa ulit sila sa isa pang lagusan. Napunta sila sa isang malaking imprastraktura. May mga malalaking tubo ng singaw dito na naglalabas ng malaking-malaking ulap ng singaw. Hindi niya kayanin ang init.
Dinala siya ng lalaki sa panibagong lagusan at bigla siya nitong binuhat at inangkas sa likod niya, ibinalot ang mga braso ni Caitlin sa kaniyang dibdib, at umakyat sa isang hagdanan tatlong tapakan kada akyat. Nang nakarating siya sa taas ay sinuntok niya ang isang manhole at lumipad ito paitaas.
Nakabalik na sila sa itaas ng kalye ng lungsod ng New York. Saan, wala siyang ideya.
"Kapit ng mahigpit" sabi ng lalaki. Inigpitan niya ang yakap sa kaniyang dibdib at pinaghawak ang kaniyang mga kamay. Tumakbo siya ng tumakbo. Tumakbo siya ng napakabilis. Bilis na hindi niya pa naranasan dati. Naalala niya ng isang beses na sumakay siya sa motorsiklo ilang taon na ang nakalipas. Naramdaman niya ang hangin na humahampas sa kaniyang buhok, mga nasa animnapung milya kada oras. Ganoon ang pakiramdam niya ngayon ngunit mas mabilis.
Mga nasa walumpong milya kada oras, tapos isang daan, tapos isang daan at dalawampu. Deretso lamang sila. Lumabo sa paningin ang mga gusali, tao at kotse dahil sa kanilang bilis. Hanggang sa naramdaman niyang lumilipad na sila. Ibinukas niya ang kaniyang malaki at itim na pakpak at dahan-dahang pumapagaspas sa tabi niya. Nasa itaas sila ng mga tao at kotse. Tumingin siya sa baba at nakitang nasa itaas sila ng Labing-apat na kalye. Pagkatapos ng ilan lamang segundo ay nasa tatlumpo at apat na kalye na sila. Ilan pang segundo ang dumaan at nasa itaas na sila ng Central Park. Napabilib siya nito.
Lumingon ang lalaki, pati din siya. Bagya na siyang makakita dahil sa hangin na humahampas sa kaniyang mga mata. Ngunit sapat na ang kaniyang nakita para malaman na walang sumusunod na tao o hayop sa kanila.
Bumagal siya at bumaba ng kaunti. Ngayon ay lumilipad sila sa itaas lamang ng nga puno. Maganda ito. Hindi pa niya nakita ang Central Park ng ganito, may ilaw ang lakaran at kitang kita niya ang itaas ng mga puno. Pakiramdam niya ay pwede siyang umabot at hawakan ang mga ito. Wala nang mas gaganda pa dito.
Hinigpitan niya ang hawak sa kaniyang dibdib, ramdam ang kaniyang init. Pakiramdam niya ay ligtas siya. Kahit pa parang hindi totoo ang mga nangyayari, pakiramdam niya ay normal ang lahat sa piling niya. Gusto niyang lumipad ng ganoon habambuhay. Habang nakapikit ang kaniyang mga mata at naramdaman ang malamig na simoy na yumayakap sa kaniyang mukha, pinagdasal niya na huwag matapos ang gabing iyon.